Mapapansin Kaya? – Kabanata 29

Kabanata 29

Hindi Ganito Katindi

Namumugto ang mga mata ko sa sumunod na araw. Ayaw kong kausapin si Rozen. Nagagalit ako sa kanya. Pero hindi ko naman kailangang mag effort na wag siyang kausapin kasi palagi naman siyang wala. Hindi nagpapakita sakin.

“Matamlay ka yata?” Bulalas ni Coreen sakin nung sumunod na araw.

Pagkagising ko kaninang umaga, kinabahan na agad ako. Alam ko kasing magkikita kami ni Wade ngayon dahil sa klase ni Mr. Dimaano.

“Uhmm… Hindi ah.” Sabi ko nang matama niya akong pinagmasdan.

Ilang sandali ang nakalipas, dumating na si Mr. Dimaano. Wala pa si Wade. Late kaya siya?

“Where is Mr. Rivas?” Tanong ni Mr. Dimaano sa aming lahat pero sakin siya nakatingin.

Yumuko ako at nagsikap na iwasan mag eye contact kay Mr. Dimaano.

“Elizalde, asan si Mr. Rivas?”

“P-Po?”

Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong naghihintay rin sa isasagot ko.

“Hindi ko po alam.”

Napabuntong-hininga sila nang narinig ang simpleng sagot ko. Paano ba naman kasi, sa sem na ito, hindi kailanman nag absent si Wade. Hindi rin naman ako nakapag absent. Si Coreen, naka ilang beses na. Yung ibang kaklase ko, madalas. Top pa si Wade sa klase kaya naman nakakapagtaka na wala siya.

Hindi kaya?

Kinukurot ang puso ko nang naiisip na galit na galit parin siya sakin. Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis.

Nang tumalikod si Mr. Dimaano para magsulat sa whiteboard ay agad kong tinext si Noah.

Ako:

Where’s Wade?

Noah:

Tumawag kanina, may flu daw. Why?

May sakit siya? Tinatablan din pala siya ng sakit? I mean, sa sobrang kisig niya ay nagkakasakit din pala siya? Naiisip kong wala siyang kasama sa apartment niya. Kaya niya kayang kumain ng walang nakaalalay?

Gustuhin ko mang pumunta sa apartment niya, pinigilan ko na lang ang sarili ko. Natatakot akong galit parin siya sakin. Kasalanan ko ito. Bakit ba kasi ako nagpadalos-dalos sa mga sinabi ko sa kanya? At tuwing naiisip ko yung confrontation namin sa CR, naaalala ko yung indirect na pagkakasabi niyang gusto niya ako. Actually, hindi lang gusto… higit pa dun… mahal niya ako.

Napalunok ako. Mas lalong kinurot ang puso ko. Totoo kaya iyon? Totoo kayang mahal niya ako? Pero nasaktan ko siya. Mamahalin niya parin ba ako kahit nasaktan ko siya? Naiinis talaga ako sa sarili ko. Ayan na nga yung gusto ko, nakahain na, pero bakit ngayon parang nalilito parin ako sa mga desisyon ko. Parang hindi ko parin alam kung sino ang paniniwalaan ko.

Sa sumunod na araw ay absent parin si Wade.

“Two consecutive days na absent si Wade, Reina. Asan ba siya?” May pabulong na nagtanong sakin.

Isa iyon sa mga fan ni Wade.

Nagkibit balikat ako.

“Di ba lagi kayong magkasama? Bakit di mo alam?”

Nagkibit balikat na lang ulit ako. Believe me, I want to know, too. Pero sa sobrang misteryoso niya, hindi ko mapagtanto kung ano nga.

“FINALS NA NEXT WEEK AT NAIBIGAY KO NA SA INYO LAHAT NG HANDOUTS AT ANG MGA COVERAGE!” Pasigaw na sinabi ni Mr. Dimaano sa amin. “Wag kayong mag isip na pumasa kayo kasi matatalino kayo, ang isipin niyo, pumasa kayo kasi ayaw ko na kayong makita.” Tumawa siya at tumingin sakin.

Shiz! Ikaw rin tanda, ayaw na rin kitang makita kaya siguraduhin mo ang pag pasa ko, leche! Kainis huh!

“Si Reina yun.” Bulong ng iba sabay tawa.

Napatingin din sakin ang mga kaklase ko.

“Bwiset na matanda, kung nandito sana si Wade, ipinagtanggol ka na niya.” Ani Coreen.

Napalunok ako sa sinabi niya.

“I doubt it.”

Binalewala ni Coreen ang sinabi ko sapagkat lumalapit na si Mr. Dimaano samin.

“Ms. Elizalde!” Nakangisi siya at may dalang maraming handouts.

“P-Po?”

“Hindi ba close kayo ni Mr. Rivas?”

“Uhm-“

“Okay, eto!” Nilagay niya sa desk ko ang mga papel. “Ibigay mo ito sa kanya!”

“Pero sir-“

“I don’t care kung di mo siya mahanap. Ito ang last meeting natin at wala siya dito kaya ikaw ang inaatasan kong maghanap sa kanya at ibigay sa kanya ang mga ito.” Tinuro turo niya pa sa harapan ko ang mga papel.

“End of class. Goodbye.” Nagwalk out siya at napasigaw sa saya ang mga kaklase ko.

Ako naman tulala at tinignan ang mga papel ni Wade. Paano na ito? Pupuntahan ko siya?

“Reina, pupunta ka sa bahay nila?” Tanong nung isang fan ni Wade na kaklase ko.

Hindi ako sumagot.

“Pwedeng sumama?”

Actually, pwedeng ikaw na lang ang magbigay sa kanya nito? KYAAA! Hindi ko pa yata kayang harapin siya. Paniguradong galit iyon. Alam niyo naman kung paano siya pag galit. Ugh!

“Uhmmm…”

“Ako rin, Reina!”

Dumagsa ang mga fanatic na gustong sumama sakin papunta kina Wade. Patay, pag dinala ko ang mga ito, mababadtrip iyon at mas lalo lang magagalit sakin.

“Ibibigay ko na lang ito kay Noah. Gusto niya kay Noah na lang kayo sumama.”

“Ay…” Ni head to foot ako nung isang may pulang buhok at inirapan. “Akala naman namin ikaw magbibigay kasi mukhang close kayo.”

Taray ng mga ito pag wala na silang makukuha galing sayo. Mga manggagamit nga naman. Kung hindi ang mga kapatid ko, si Wade naman. Ibabalato ko na lang lahat ng kapatid ko, wag lang galawin si Wade Rivas.

Namulat na lang ako sa araw na iyon na nasa harap na ako ng pintuan ni Wade. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka kumatok.

Tatlong beses pa akong kumatok bago niya ako dahan-dahang pinagbuksan.

“Anong kailangan mo?” Napapaos ang boses niya at magulo ang buhok niya.

Halatang kakagaling lang sa tulog.

“Uhm… Eto kasi, pinabibigay ni Mr. Dimaano.”

Pinagmasdan niya mabuti ang mga dala ko.

“Ano na kasi… finals na next week. Tapos last meeting today. Yung hand outs tsaka coverage nandito na.”

Kinuha niya iyon sa kamay ko umambang pagsasarhan ako ng pintuan. Tinulak ko naman ang pintuan at dumapo agad ang kamay ko sa nag-aapoy niyang noo.

“Nilalagnat ka.” Sabi ko.

“Kaya nga umabsent diba?”

Kumunot ang noo ko, “Akala ko kasi umabsent ka dahil sa… uhm…”

Umiling siya. Bago niya pa subukang pagsarhan ulit ako ay pumasok na ako sa loob.

“Wade, matulog ka na muna. Ipagluluto kita. Kumain ka na ba?” Tanong ko habang tinitignan na ang mga lamang ng ref niya.

Mabuti at may mga laman itong pwedeng gawing sabaw o ulam niya para mamayang gabi.

“Hindi mo na kailangang gawin yan, Reina. Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Matabang niyang sinabi.

Nilingon ko siya, halos lumuwa yung mga mata ko nang nakitang topless na naman si Mr. Godlike. Ganunpaman, hindi ako nagpadala sa makamundong pagnanasa pinagpatuloy ko ang sermon ko kahit nahihirapan akong makipag eye contact. “Wade, I’m sorry kung may nasabi man akong masama sayo. P-Paano ba naman kasi… M-Masyado kang misteryoso. Hindi ko alam kung anong nasa kokote mo. Hindi kita mabasa. Hindi pa naman kita gaanong kilala. Wala m-masyadong nakakakilala sayo dito sa syudad. Hindi mo rin naman sinasabi ang mga nasa utak mo. Mahirap kang espellingin-“

“Kaya hinusgahan mo na lang ako?” Seryoso niyang sinabi.

“You’re just so vague, Wade.”

“Vague pa ba ako kahit sinabi ko na iyon sayo?” Nag iwas siya ng tingin at ginulo ang buhok niya.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Pero nakita ko ang pamumula niyang walang kinalaman sa lagnat niya. Yung pamumula hanggang tainga. Nangatog agad ang binti ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Bahala ka. Matutulog ako.” Aniya at pumasok na sa kwarto niya.

Kinagat ko ang labi ko at bumaling sa mga pagkain sa ref. Pero habang gumagawa ako nun, bigla akong natitigilan at natutulala at ngumingisi na parang baliw.

Ay oo nga pala! Pinasok ko ang kwarto niya at nakita ko siyang nakahiga ng walang kumot. Pati paraan ng paghiga niya ay nakakainlove. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa pagmamahal ko sa kanya o talagang ganito ang epekto niya sa mga babae.

“Anong ginagawa mo dito, Reina?”

“Kahit magandang tanawin yang heat-inducing abs na yan, hindi kita hahayaang maging topless ngayong may sakit ka. May thermometer ka ba?”

“What?” Nakakunot ang noo niya.

Hindi pa niya nasasagot ay nakita ko na ang thermometer sa tabi niya.

“38.7?” Tinitigan ko ito. “Kailan mo last nicheck?”

Umirap siya at napabuntong-hininga, “Anong pake mo.”

Umirap ako, “Ang arte mo talaga. Kaya ang hirap mong espellingin.”

Binaba ko ang thermometer at kumuha ng t-shirt sa cabinet niya. Dito pala naka store ang mga nakakagwapong t-shirt na yan. Pero in fairness, mas gumugwapo siya pag wala siyang t-shirt. At isa pa, lagi naman itong napupunit dahil sa panghahalay ng mga babae sa kanya.

“Sootin mo ito, Wade.” Sabi ko.

“Ayoko!” Pumikit siya at tinaas ang dalawang braso.

Ngumuso ako nang nakita ang kili-kili niya. Damn! Damn it! Why are you so sexy, man! Shit!

Nag iwas ako ng tingin at kinuha ang kumot sa paanan niya.

“Gumamit ka po ng kumot. Kasi kaya ka hindi gumagaling dahil sa hilig mong mag topless. Malamig pa naman ang panahon-“

“Oo nga. Umulan nung isang araw at may isang babaeng pinaghintay ako para payungan daw pero di dumating kaya basang sisiw akong umuwi dito. Salamat ah?” Tinaas niya ang kilay niya at dinilat ang mga mata.

Sadyang good mood siguro si Lord nang ginawa itong si Wade kaya naman sobrang gwapo kahit may sakit at nakahiga diyang nakabalandra ang sexyng kili-kili at heat inducing abs.

“Whatever.”

“Kahit masama ang pakiramdam ko nung isang araw pumasok ako para marinig ang explanation mo sa di mo pagsipot pero anong ginawa mo? Deadma?” Tumawa siya. “Pagkatapos ako pa ang worthless.”

Siya naman ang nagsesermon sakin ngayon ah? “Ano yan? Buhos ng mga hinanakit?”

Binalewala niya ang sinabi ko.

Tinakpan niya ng kanyang braso ang kalahati ng mukha niya. Mas lalo kong nakita ang defined muscles niya sa dibdib. Ano kayang mga pinaggagagawa nito sa bukid at bakit lagi siyang nag li-lift ng weights?

“Sinabi ko namang hindi pa ako nababaliw at ayaw kong mabaliw, diba? Tapos sinabi ko ring baliw na ako sayo…” Nakita ko na naman ang paunting-unting pamumula ng pisngi niya.

Kaya niya siguro tinatakpan ang mukha niya.

“Tingin mo gusto ko ng ganun? May mga nagustuhan na akong babae, pero hindi yung ganitong nababaliw ako.”

“Gusto mo ba ako?”

“Hina naman pumick up-“

Dinig na dinig ko ang kabog ng puso ko. I need to freaking know… not just in between the lines… I need to hear it… straight… Para walang pagdududa. Walang panghuhusga!

“Wade, alam kong alagad ka ng sining at musika kaya mahilig ka sa mga bugtong pero for God’s sake, just tell me what you feel!”

Natahimik siya. Bumangon siya at pinilig ang ulong may buhok na magulo. Mapupungay ang mga mata niya nang tinignan ako. Lumitaw ang dimples niya nang nag evil smile siya. Ginulo niya ulit ang buhok niya at naglahad ng kamay sakin.

“Huh?” Nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi ako magaling sa mga salita, Reina.” Untag niya. “Ipaparinig ko sayo pero kailangan ko ring ipakita, kasi hindi ko alam kung kaya kong sabihin sayo ng diretso.”

Halos tumakbo na ako nang nakita ko ang kamay niyang nakalahad talaga sa harap ko. Yung tipong pag tinanggap ko ito, tuluyan na akong mahuhulog sa mga bitag ng pag ibig ni Wade. At sa oras na mahulog ako dun, patuloy akong mahuhulog, dahilan kung bakit hindi na ako makakaahon pang muli.

“Come here, Reina.” Aniya.

Malakas pero mahina ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko mahihimatay na ako. Tumitindig din ang balahibo ko habang tinitignan ko ang dimple niya.

Dahan-dahan kong nilagay ang kamay ko sa kamay niya. Hindi ko pa nga tuluyang nailagay ay sinalubong niya na ito at hinila ako papunta sa kanya. Dahilan kung bakit napaupo ako sa hita niya. Niyakap niya ako galing sa likuran.

Ang heat-inducing abs niya ay mas lalong umiinit dahil na rin siguro sa lagnat niya. Parang kanikanina lang ay nanlalamig ako, pero ngayon…

“Minsan…” Bulong niya sa tainga ko.

Tumindig ang balahibo ko. Hindi ako makapagrelax dahil ramdamn na ramdam ko ang buong katawan niya sa likod ko. Ramdam ko rin ang braso niyang nakapulupot sa dibdib ko.

“Gusto kong halikan ka… minsan higit pa…”

WHAT? OMG! Uminit ang pisngi ko. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Para akong nalalasing sa alak na pinaparinig ni Wade sakin.

“Pero minsan ayaw ko rin… Kasi ayaw kong tratuhin ka na parang tulad ng iba. Hindi ko trip ang umibig, Reina. Landian lang ang gusto ko. Noon. Pero nung nakilala kita, lanya, salita mo pa lang, nahihigitan na ang lahat ng pwedeng mangyari sa kama. Tingin mo pa lang, nanghihina na ako.”

Napalunok ako. Bakit ganito ang mga pinagsasabi niya? Nakakapanindig balahibo. He’s really a playboy.

Inamoy niya ang buhok ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa likod ng tainga ko. AHHH! Para akong rocket na mag ti-take off na papuntang outer space dahil sa ginawa niya.

“Pero ayaw ko talagang gawin yun sayo. I want you to fall for me dahil tanggap mo ang buong pagkatao ko. Hindi dahil sa ugnayan natin sa kama. Hindi dahil sa pwede kong gawin sayo… Gusto kong magustuhan mo ang pagiging simple ko. Gusto kong mapansin mo na higit pa ang pagkatao ko. Hindi yung nagugustuhan ako dahil musikero, dahil matalino, dahil gwapo, dahil magaling sa kama… gusto ko magustuhan mo ako dahil ako ito.”

Hindi ko alam kung bakit kinukurot ang puso ko. Nararamdaman kong may pinaghuhugutan talaga siya. Para bang buong buhay niya, nagugustuhan lang siya ng mga tao dahil sa mga kataingan niyang ganun.

“I want you to love the whole package. Love what’s inside.”

Mas lalong humigpit ang yakap niya. Sinubukan kong lumingon sa kanya pero hinalikan niya ang tainga ko at pinigilan ang ulo ko sa paglingon.

“LOVE THE WHOLE PACKAGE, WADE? Really? Like… maraming pwedeng ma in love sa whole package mo! Parang kang heater slash iPod slash encyclopedia slash modelo ng Calvin Klein… paanong hindi maiinlove ang mga tao sayo.”

“Reina… Ang sabi ko… I want YOU to love the whole package. Hindi sila…”

Uminit ang pisngi ko. Jusko. Hiyang hiya na ako ha? Pakiramdam ko nararamdaman o baka naririnig niya na ang naghuhuramentadong puso ko. Narinig ko ang pagngiti niya. Sobrang lapit niya na kasi sa tainga ko.

“I love the whole package.” Simple kong sinabi.

Shiz! OMYGOD! Wala na akong pake. Bahala ka na world. Kahit pagiging Elizalde ko tatalikuran ko na maging Rivas lang!

“Are you sure? Hindi ba dahil musikero ako? Laglag ang panga mo nung una mo akong nakita. It’s probably just my voice, Reina. Or the looks?”

Hindi ko na talaga kaya. Naiiyak na talaga ako sa tuwa. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko.

“I love the whole package. I love you, Wade. Sorry kung nasaktan kita kahapon.”

“Mahal din kita, Reina. O baka higit pa sa mahal. Ewan ko. Hindi naman ganito katindi sa mga kanta o mga movies… Hindi ganito katindi ang nararamdaman ng mga sumusulat at umaarte. Kaya sigurado akong higit pa ito sa pagmamahal.”

Pwedeng mag mura? HINAYUPAK! PAKSHET!

“Mahal kita. Kahit mayaman ka. Pero sana hindi. Sana simple. Para pwede na lang kitang itanan nang walang magpapadala ng search and rescue team sa Alegria.”


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: