Kabanata 2
Mga Lihim na Galit
“Reina…” Sabay kalabit ni Coreen sakin.
Nagsasalita pa ang professor namin. Kakarating lang niya at seryoso siya sa mga pinagsasabi niya tungkol sa subject namin. Nakakainis si Coreen, mamaya mapapagalitan ako dito. Hindi pa naman ako magaling magtago ng nararamdaman, si Coreen naman bihasa sa ninja moves kaya ako lang napapagalitan pag nakikipag-usap siya sakin sa gitna ng klase.
“Anu na naman ba?” Bulong ko sa kanya.
“Ang bait pala ng Wade Rivas na yun.” Humalakhak siya.
Are you freaking kidding me? Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya sa professor namin habang nagsasalita.
“Oo. Kilala mo si Roxanne? Aniya, tinuruan daw siya ni Wade sa isang assignment niya. Talagang tinuruan niya lang daw bigla. Nakita niya kasing hindi marunong si Roxanne-“
“Nagpapasikat lang yun. Siguro sinabi niya kay Roxanne, ‘Ikaw kasi di ka marunong, bobo!'” Humalakhak ako.
“Loka! Bakit mo nasabi? Akala ko ba crush mo siya?”
“Oo! Kasi gwapo. Pero ngayon, nalaman kong suplado pala. Ayoko na.”
Tumaas ang kilay niya, “Sigurado ka bang si Wade freaking Rivas yung sinasabi mo dito? My God! Maraming testimonya na mabait siya. Ikaw lang yung nagsasabing suplado.”
“Mabait siya. Yun ang mga sinasabi nila kasi gwapo siya. Naiimpress lang sila sa mukha niya pero ang totoo, suplado siya. Tsss.” Umirap ako at tinignan ang ekspresyon ni Coreen.
Hindi ko alam kung bakit laglag ang panga niya habang nakatingin sa pintuan.
“Coreen?” Sambit ko sabay kalabit sa kanya.
“REINA CARMELA ELIZALDE!” Sigaw ng professor namin.
Sa sobrang lakas ng sigaw niya, napatalon ako at napatingin sa harap. Parang tumatakbong kabayo ang kabog ng puso ko sa kaba.
“MANANG-MANA KA TALAGA SA MGA KAPATID MO! I’M TALKING HERE, STOP MURMURING! GET ONE WHOLE SHEET OF PAPER! KAYONG LAHAT!” Sigaw ng shet naming professor.
“Ugh! Reina naman!” Sabi ng mga kaklase ko sa likuran.
“What do you want, boy!” May isa pang sinigawan si Mr. Dimaano – yung matandang propesor namin na hobby ang pagsigaw sakin at ikumpara ako sa mga kapatid kong puro balahura.
Natahimik ang lahat habang pinagmamasdan naming humahakbang papunta kay Mr. Dimaano si Wade Rivas.
“Late enrolee po ako. Sorry.” Binigay niya ang isang kulay asul na papel kay Mr. Dimaano.
“Hmm. Sige! Di ka exempted, ah? Get one whole sheet of paper.”
Hindi na kumuha ng one whole sheet of paper ang mga kaklase ko kasi panay na ang daldalan nila tungkol kay Wade. Kumuha ako ng papel at sumulyap sa kanya habang sinusuyod ang classroom para sa mauupuan niya. Wala pa namang nakaupo sa likuran ko, malamang dito siya uupo.
Habang nag-iisip ako kung saan siya uupo ay nagkatagpo ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya at nakita kong kumuyom ang panga niya. Para bang nagalit siya dahil nagkatagpo ang mga mata namin. Nag iwas ako ng tingin.
Tumigil siya sa likuran ko at bumuntong-hininga.
“No choice.” Aniya.
“Ugh! Sana kami magkatabi.” Dinig ko ang mga babae sa harap.
“OMG! Reina! Nasa likuran mo ang crush mo!” Sabay siko sakin ni Coreen at sulyap kay Wade. “Hi! I’m Coreen. Ito si Reina!” Sabay turo sakin.
Uminit ang pisngi ko at sinubukang tumingin kay Wade. Kahit alam kong magsusuplado lang siya, nagbakasakali parin akong tama ang sinabi ni Coreen – na mabait nga siya. Pero nagkamali na naman ako.
“Hi! Nice meeting you.” Aniya kay Coreen.
Kumuha siya ng papel nang hindi man lang ako binabati. Napaawang ang bibig ni Coreen habang tinitignan ako. Kulang na lang humagalpak siya sa tawa dahil sa nangyari.
Umirap ako at nag concentrate sa magiging quiz namin. Pero habang nag ku-quiz kami, wala akong inisip kundi ang pagsusuplado ni Wade Rivas sakin. Binati niya naman si Coreen, pero bakit ako hindi? Ano ang problema niya sakin?
Have we met before? Ang alam ko isang beses lang naman nagcrus ang landas namin at naitulak ko siya noon dahil natapilok ako. Dahil ba dun? Dahil naitulak ko siya? Tapos feeling niya naman sinadya ko ang pagpapapansin sa kanya dahil lang sa gwapo siya? UNBELIEVABLE.
Nararamdaman kong tinutusok ako ng mga titig niya sa likuran ko. Hindi ako sigurado kung assuming talaga ako o masyado siyang naiinis sakin kaya nararamdaman ko yung matutulis niyang titig.
“Marunong ka rin bang mag gitara?” Tanong ng isang kaklase ko kay Wade.
Kakatapos ng lang hell naming klase, nagliligpit pa lang ako ng gamit ay naglipana na ang mga babae sa paligid niya.
“Reina, Coreen, aalis na ba kayo?” Tanong nung isang kaklase namin.
Nagkatinginan kami ni Coreen.
“Kasi dito sana kami uupo sa upuan niyo pag aalis na kayo. Alam mo na, para makausap si Wade.”
Tumango ako at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit. Siniko ako ni Coreen. Ang hilig maniko ng isang ‘to.
“Papayag ka ba? Tumunganga ka na lang diyan para makapagbonding din kayo ni Wade!” Sabay halakhak niya.
Umiling ako at sumulyap sa mga babaeng nakapalibot sa likuran ng upuan ko.
“Talaga? Paturo naman!” Sabi ng mga babae kay Wade.
“Sige bah! Pag magdadala ako ng gitara, tuturuan kita.” Malambing na sinabi nI Wade sa babae.
Kumunot ang noo ko. BAKIT KAYA ANG BAIT NIYA SA IBA AT ANG ARTE NIYA SAKIN? Okay… well… Siguro dahil pangit ako? Ganun ba yun?
Padabog kong niligpit ang mga libro ko nang naisip ko ang mga maaring dahilan niya.
“Jusmiyo, Reina! Ayusin mo naman yan! Aatakihen kami sa puso nito sa sobrang gulat diyan sa mga libro mo.”
Napatingin ang mga babae sakin. Natahimik sila habang pinapanood akong nagliligpit ng libro.
Nag peace-sign ako sa kahihiyan at, “Sorry.”
Sumulyap ako kay Wade at nakita kong hinahawakan niya ang labi niya habang nakataas ang kilay at tinitignan ako. Shet! Naiirita ako sa ginagawa niya pero hindi ko ma ideny na sobrang gwapo niya sa kahit anong anggulo at kahit anong gawin niya.
“Taga sa’n ka pala, Wade?” Tanong ng isang babae.
“Taga Alegria.”
“Ah? yung probinsya? Talaga? Ang layo naman. May farm ba kayo dun?” Tanong ng isa.
MAYAMAN DIN YATA ANG ISANG ITO! Kaya siguro ang suplado kung maka-asta! Kainis lang! Ang laki-laki ng ulo.
Bago niya pa masagot ang mga tanong ng mga tao ay nakaalis na kami ni Coreen.
“Nakita mo yung ekspresyon ng mukha niya Coreen? Parang laging may nakakatawa! Parang laging nakakatawa yung mukha ko! Para siyang laging naiirita o di kaya ay natatawa!” Reklamo ko.
“Huh? Napaparanoid ka lang! Guni-guni mo lang yan!” Ani Coreen.
Sana lang tama si Coreen. Ayaw ko pa naman ng may taong galit sa akin. At yung worst ay hindi ko alam kung ano ang dahilan. Para siyang mushroom na biglang sumulpot galing sa lupa at agad siyang nagalit sakin ng walang dahilan.
Sa sumunod na araw, nalaman kong mabait talaga siya sa ibang tao.
“Wow! Ang galing mo sa subject na ito. Pwede ba kitang maging tutor?” Sabay hagikhik ng isang babae.
“Oo naman! Libre pa. Walang problema. Ano pa yung hindi mo alam?” Tanong niya sa babae.
May tatlong babae pang naghihintay na turuan niya.
“Hala! Ang hirap nito.” Napakamot ng ulo si Coreen nang tinignan ang assignment namin.
Naghihintay kami kay Professor Dimaano at gumagawa na rin ng assignment. Over confident niyang nilingon si Wade.
“Wade, marunong ka nito?” Sabay pakita sa notebook niyang may laman na assignment namin.
Tumango si Wade at nagsimula sa pagturo kay Coreen. WOW! Buti pa si Coreen may assignment na! Hinayupak sana nagpaturo na lang ako kay Dashiel nito. Bakit pa kasi ako umasa sa kakayanan kong kinakalawang?
Dumungaw na rin ako sa notebook ni Coreen. Kaso, dahil sa sobrang daming nakapaligid sa kanila, hindi ko na makita ng maayos. Kaya dinampot ko ang notebook ko at ipinakita kay Wade.
“Pwedeng ako rin?” Tanong ko nang nakangiti.
Natigil siya sa pag-eexplain kay Coreen. Tumaas ang kilay niya at ngumuso. Ayan na naman ang mukha niya na parang may nakakatawa pero sobrang gwapo parin. Nag iwas ako ng tingin sa takot na baka mahimatay ako sa titig niya.
“Sorry, di ko alam yan.” At bumaling ulit siya kay Coreen.
HUUUUUUUUUUUUUUUUUH? BOKYA! PAREHO LANG KAMI NG ASSIGNMENT NI COREEN! PAANONG ALAM NIYA YUNG KAY COREEN AT DI NIYA ALAM YUNG SAKIN!?
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]