Mapapansin Kaya? – Kabanata 15

Kabanata 15

Bawal Humusga

“You’re a playboy?” Tanong ko sa kanya ng wala sa sarili.

May natutunan ako sa pangyayaring ito. Hindi ka pwedeng mag conclude kahit dahil lang sa iilang ebidensyang nakalap mo. Kailangang mo ng tunay na impormasyon. Bawal manghusga. Bawal mag predict, lalo na pag pagkatao ng tao ang nakasalalay.

“Reina…” Hinawakan niya ang braso ko.

Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Unti-unti kong inilayo ang braso ko sa kamay niya.

Mas lalo siyang namutla. Napaawang din ang bibig niya. Hindi ko na alam kung anong ekspresyon ang ibinibigay ko sa kanya. Hindi na ako makapag-isip ng matino.

“Reina-“

Napalunok ako sa pagkabasag ng boses niya. Pero hindi ko na siya hinintay na magsalita pa ulit. Umalis na ako dun. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya gayung mali ang mga iniisip ko. Parang nakasama ko ang isang taong nakamaskara. Parang nalinlang ako.

“It’s not his fault, Reina. Ikaw itong humusga sa pagkatao niya. Hindi niya naman sinabi sayo’ng mabait siya, diba? Naging harsh pa nga siya sayo. Ikaw itong nagpumilit na mabait siya. You created your own idea of him.”

Nakatutok ako sa nagrarampahang models sa harapan. Ang gaganda at ang tatangkad nila. Maganda din ang designs ng mga damit, yung iba hindi ko nagustuhan pero madalas, gusto ko.

Bumaling ako kay Coreen na kanina pa nagsasalita.

“Alam ko naman yun, Coreen. Talagang hindi ko lang alam kung paano mag react sa sitwasyon na iyon. Tsaka… isa pang ikinagagalit ko ay alam ni Wade na iniisip kong may gusto siya kay Zoey, bakit hindi niya ako diniretso na wala? Na puro ganun lang ang ginagawa niya?”

Nanliit ang mga mata ni Coreen sakin, “You think pag sinabi niya sayo, di ka lalayo?”

May point ang bestfriend ko. Pero sa ngayon, dahil sa inasal ko, sa mga katotohanang nabunyag at sa mga maling akala kong natolerate ni Wade, parang ayaw ko pa yata siyang kausapin. Halu-halong inis, galit, at kahihiyan ang naramdaman ko.

Alam mo yung feeling na tinawag mo sa maling pangalan ang isang tao? At kailanman, hindi ka niya sinaway sa pagkakamali mo? Kusa mo lang nalaman yung katotohanan pagkatapos ng ilang buwan? Ganun yung pinaramdam niya sakin. Nahihiya ako at nagagalit…

“Reina! Let’s go! Tapos na ang show!” Sabi ni Coreen sabay hila sa braso ko.

“Saan?”

Umirap siya, “Saan pa, kina Noah!”

“Ayoko!” Uminit ang pisngi ko.

“Alam kong galit ka kay Wade, pero si Noah ang pupuntahan natin kaya wag kang mag-alala.” Aniya.

“Ayoko-“

May bumunggong isang batalyong babae sakin sabay sigaw ng pangalang, “Wade Rivas!”

WTF? Really? Thanks, ah?

Kumunot ang noo ko at sinaksak ang mga babaeng yun sa tingin.

“Kita mo na? Buong school ang pupunta sa stage nila. Magpapahuli ka pa ba?”

“O sige na nga…” Marahan kong sinabi.

Agad niya akong hinigit papuntang stage ng banda nina Noah. Tama si Coreen, puno nga ng tao dito. Parang langgam ang liit ng mga mukha nina Noah, Warren, Joey at… at… Wade sa sobrang layo namin.

“Tabi nga!” Marahas na sigaw ni Coreen sa mga taong nag-aalburuto sa pagiging epal niya sa panonood.

“Sorry.” Ako yung nag so-sorry sa bawat taong naiinis kay Coreen.

Wala naman kasi itong pakealam kung sinong masagasaan niya. Mabilis kaming napunta sa gitna ng mga tao. Mainit at maingay. Patalon-talon ang mga tao habang kinakanta ni Wade ang isa sa pinaka maingay na kanta nina Noah.

At in fairness, mas magaling siyang kumanta nito kesa sa dati nilang vocalist na si Stan. Nagigitara si Wade habang nakikisabay sa tono ng kanta. Nginingitian niya ang mga taong nandoon. Para bang pag tinitignan niya ang mga tao ay nang-aakit siya.

Bakit hindi ko iyon napansin? Bakit hindi ko iyon nakita? Bakit hindi ko napansin yung pagiging natural niyang mang-akit? Masyado ba akong nahumaling sa ideyang good boy siya?

“That doesn’t mean he’s bad, Reina.” Sabay hingal ni Coreen nang nakarating na kami sa tapat ng stage.

Nabigla ako sa eksaktong sinabi ni Coreen. Bakit parang nababasa niya ang iniisip ko? Nakatingin lang siya ng diretso sa stage kaya napatingin na rin ako.

Nalaglag ang panga ko nang nakita kong masyado na kaming malapit kina Wade. May hinatak siyang apat na babaeng game na game at tumatalon-talon pa sa kanta nila. Nanggigigil at tumitili na ang mga babae sa tabi ko dahil sa ginawa ni Wade.

“Sana pakasalan ako ni Wade… AARGHHH!” Napalingon ako sa babaeng hindi ko makita.

Seryoso? May mga ganoong linya? At may mga ganoong sigaw?

“WADEEEE! OMY GEEE HE’S MY NEW FAVORITE! ARGGGGHHH!”

Nilagay ko ang dalawang index finger ko sa magkabilang tainga ko. Ang ingay! Hindi ko na marinig si Wade!

Punong-puno siya ng pawis. Bakat na ang katawan niya sa ilalim ng t-shirt dahil sa pagpapawis.

“OMY GOD! WADE, STRIP, BABY!” May manyak na babaeng sumigaw nito somewhere.

Kakatapos lang ng kanta niya kaya dinig na dinig ito ng mga tao.

“STRIP, WADE SEXY RIVAS! STRIP WADE SEXY RIVAS!”

WHAT?

Nakita kong lumitaw ng ngisi sa mukha niya habang yumuyuko at kinukuha ang isang bote ng mineral water sa gilid.

“STRIP WADE SEXY RIVAS. STRIP WADE SEXY RIVAS.”

“You know what, Reina? Someday, they’re gonna be big. And I don’t like it.” Umiling si Coreen habang tinititigan ang kapatid kong tahimik na inaayos ang gitara niya.

“STRIP WADE SEXY RIVAS!”

Wade SEXY Rivas? Saan galing yung sexy? I know he’s sexy… pero… damn!

Humalakhak siya at tinuro ang mga tao.

“Strip ba ka niyo?” Humagalpak siya sa tawa at unti-unting itinaas ang t-shirt niya.

Kitang kita yung pawis na pawis niyang abs.

“ARGGHHHHHHHHHHH!”

I swear that was the most excruciating shout I’ve ever heard from the audience.

Napapikit ako sa sobrang sakit ng eardrums ko. Halos mahimatay ako sa ingay. May mga tumulak pa sakin at parang sabik na lantakan yung mainit na abs ni Wade.

Dahil sa mga sabik na audience ay tuluyan na akong naitulak at rumagasa sa barricade. PUNYEMAS! SANTISIMA! Ang sakit sakit ng kamay kong naging tigasalo ng buong katawan ko!

“Owww!” I snarled.

Marahas kong tinitigan ang mga taong wala sa sariling tumulak sakin. Ni hindi nila pinansin ang mararahas kong tingin. May bading pang pasigaw-sigaw at nag sh-showering violation na! Kailangan ko ata ng payong dahil nalalawayan na ako dito!

“Reina!”

KAYA NAMAN PALA! Kaya naman pala nagiging warshock itong mga kasama ko dito ay dahil nandito si Wade sa harapan kong naglalahad ng kamay.

Tumingala ako sa kanya. Agad uminit ang pisngi ko.

“AHHHH! WADE SEXY RIVAS!” Kinalmot, hinatak at ginahasa si Wade ng mga taong nasa likuran ko.

Mabuti na lang at lumapit yung mga organizers at guards kaya napigilan ang naghuhuramentadong madla.

“Okay ka lang ba-“

Unti-unti akong pinatayo ni Wade.

“Kaya ko naman.” Sabi ko pero hindi niya binitiwan ang kamay ko.

Agad ako dinalaw ng kaba. Yung kabang kahit maingay ay dinig na dinig ko. Parang buong sistema ko yung sumisigaw sa kabang iyon. Nang nakatayo na ako at nakatayo na rin ang hanggang baywang na barricade ay agad kong binawi ang kamay ko kay Wade.

Naramdaman ko agad yung hapdi sa tuhod at kamay ko. Mukhang nasugatan yata ako. Shemay! Pero hindi ko yun sasabihin sa kanya.

“Okay lang.” Hindi ako makatingin.

Tinalikuran niya rin naman ako nang tinawag na siya ni Noah.

“The last song for today, ladies and gentleman.” Sabi ni Warren sa likod ng drums.

Umiling si Wade at naglakad papuntang stage.

“STRIP WADE SEXY RIVAS!” Nagpatuloy na parang mantra ang mga tao.

“Sorry but I need to behave, baby.”

Hinarap niya ang mga tao ng mas seryoso ang mukha. Tinignan niya rin ang kamay niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. At anong ibig sabihin niya sa ‘behave’?

“AHHHH!” Nagpatuloy ang sigawan ng mga tao.

“AYAW NAMIN NG BEHAVE, WADE!!! RIVAS!!! SEXY!!!”

Kelan lang ba naging kasama yung SEXY sa pangalan niya?

Nilagay niya ang microphone sa kaliwang kamay niya at nagsimulang kumanta.

“Come a little closer flicker in flight

We’ll have about an inch space but I’m here

I can breathe in what you breathe out

Let me know if I’m doing this right

Let me know if my grips too tight

Let me know if I can stay all of my life

Let me know if dreams can come true

Let me know if this one’s yours too

Coz I feel it…”

Tumindig ang balahibo ko. Natahimik din ang mga tao. Kumpara kasi sa huling kanta nila, mas mahinahon ito. At isa pa, nakapikit si Wade nang kinanta ito.

“And I feel it right here…” Itinuro ni Wade ang puso niya. “And I feel you right here…”

Nang dinilat niya ang mga mata niya ay una niya akong tinignan. Kumunot ang noo ko sa mga actions niya. Hindi ko siya maintindihan… Ang hirap-hirap niyang ispellingin. Ayoko ng humusga sa kanya kasi lagi akong nagkakamali. At ayoko ng magkamali pa. Tumalikod ako at hinanap si Coreen na kanina pa yata wala.

I need to go, too.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: