Baka Sakali 3 – Kabanata 14

Kabanata 14

He Changed

Gulat parin ako sa pagkikita namin ni Jacob. Sa sobrang gulat ay wala akong napagsabihan, kahit si Maggie o si Karl.

Natutulala na lang ako madalas, replaying all that happened in my head. Hanggang sa nakalimutan ko na kung paano talaga iyon. Nadadagdagan at nababawasan ang mga sinabi niya. Mas lalo akong nasasaktan at namamanhid.

“Dito, Rosie!” sigaw ng photographer habang winawagayway ang kanyang kamay sa malayong kanan. “Tingin dito,” utos niya.

Ginawa ko lahat ng inutos sa akin. This is for the summer collection of the VMall Department Store. We should be preparing for the rainy days dahil tapos na ang summer pero dahil nahuli ako sa shoot, ngayon lang ito gagawin.

“Magaling!” anang photographer sa akin.

Nilapitan ako ng make up artist para sa retouch.

Parang kani kanina lang ay medyo hindi pa ako kumportable sa suot ko. Lalo na dahil balot ang lahat ng tao sa set at mag isa lang akong naka two piece. Pero kalaunan sa pag shoshoot ay parang nasanay na rin ako.

“Jacket, Ghela, at iyong payong!” anang photographer sa assistant.

Medyo binasa at sinuklay ang buhok ko. Ito na siguro iyong para sa wet season. This will make it to EDSA, hindi tulad ng shoot ko kaninang sa catalogue, calendar lang patungo.

Sa malayong pintuan ay nakita ko ang pagdating ni Duke. Nakapamulsa siya at namataan niya kaagad ang pagtingin ko sa banda niya. He smiled.

Uminit ang pisngi ko. I’m still wearing the green two piece. Naka tatlong palit na ako ng two piece at ito ang panghuli.

Humilig siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip. Buti naman. Kakabahan ako ng husto pag lumapit pa siya.

“Rosie, pasuot nito…” sabi ng assistant.

“Salamat,” ngiti ko at sinuot ang jacket na isa sa props ng susunod na batch.

Pinapikit ako ng artist para ma ayos ang eye shadow. Ramdam ko ang lamig sa aking buhok habang binabasa ito. May fake rain na bubuhos maya maya para sa shoot. Hindi ako masyadong mababasa pero ngayon pa lang nanlalamig na ako.

The shoot then began. Hindi parin lumalapit si Duke. Nakatingin lamang siya sa malayo, with his smirk on.

Ngumuso ako at nagtaas ng kilay sa kanya. Tumango lamang siya na parang sinasabing gawin ko na ang shoot.

Nang nagsimula na ulit ang photographer ay nagseryoso na rin ako.

“Fierce, Rosie!” aniya.

I did every pose they wanted. Tulad kanina na halos mag stretching ako sa mga gusto nila.

Noong pinagdala ako ng payong at umulan na ay mas naging loose ang mga shots. Hindi na kailangan ang fierce look at puro tawa na lang ang ginawa ko. Ginawan din ng video shoot iyon tulad ng sa summer collection.

Tumagal ata ng mahigit apat na oras ang buong shoot. Pagod na pagod ako pagkatapos.

Nakita kong dumiretso si Duke sa mga photographers, siguro’y tiningnan ang resulta ng ginawa namin. Imbes na pumunta ako sa kanila ay dumiretso na lang ako sa dressing room para makapag bihis muna ng maayos.

Pagkatapos kong mag bihis ng maayos na damit ay lumabas na ako doon. My hair’s now dry dahil binlow dry ng assistant pero naroon parin ang make up galing sa shoot.

Naabutan ko si Duke na nakatingin parin sa screen ng computer kasama ang photographer. They’re checking on the raw files of my shoot. Sumulyap siya nang nakalapit ako at tumuwid sa pagkakatayo.

Naglahad siya ng kamay sa akin. He’s always formal. Lalo na pag nakikita ng katrabaho. Tinanggap ko ang kamay niya.

“Congratulations! You did well!”

Tumawa ako. “Kabado nga ako. First time ko itong mag shoot ng two piece.”

“Bakit ka kakabahan? Dapat matagal mo na itong ginagawa!” tawa ng photographer.

Ngumiti ako. “I’m sure, masusundan pa ‘yan if ever. I just need a more toned body,” sabi ko.

“You have a toned body,” ani Duke.

Napatingin ang photographer sa aming dalawa. Nahiya ako lalo na nang nag ngising aso ito. Parang may naiisip ito tungkol sa amin ni Duke.

Mabuti na lang at hindi naman kami nagtagal doon. Niyaya ako ni Duke na mag dinner sa isang restaurant. Bago ang shoot ay nagyaya siyang susunduin niya ako. Tutal ay pupunta naman siya para ma check ang completion ng catalogue nila for the wet season kaya pumayag na ako. Besides, ano namang masama doon, hindi ba?

Sa isang chinese restaurant kami nag punta sa BGC para kumain. Kaming dalawa lang kaya nagising na naman ang pagiging uncomfortable ko.

Matagal na kaming magkasama. Kahit sa Dubai, matagal na kami doon pero kadalasan may iba pang tao. Hindi iyong kami lang dalawa.

“By the way, alam mo bang nagpa exams na kami sa mga ititrain na managers?” tanong niya. “Iyong mga HR na ang binigyan ko ng trabaho dahil alam kong busy ka this week because of the shoot.”

Tumango ako. “Alam ko, syempre. Kailan ba iyong panel interview at sino ang makakasama ko? I’m surprised you did not give me a memo yet…”

“I know you’re busy. You sure you want to handle this? Hindi ba ay nag file ka ng ilang araw na leave next month? Malapit na iyon, ah? At para saan?”

Halos masamid ako sa napuna ni Duke. Napainom ako ng tubig. Yes, I filed a leave. Five days leave, to be exact. Matagal din iyon ha? Syempre, para makasama ako sa kasal ni April. Napagtanto ko rin kasing ngayon lang ulit ako babalik ng Alegria, lulubus lubusin ko na.

“Uuwi ako ng Alegria,” sabi ko.

“Alegria? Probinsya n’yo?”

Tumango ako. “Probinsya ng papa ko. Ilang taon na rin kasi akong hindi nakakabisita.”

“Oh! Little vacation. Limang araw ka doon?” tanong niya.

“Most probably six or seven days? Uuwi agad ako ng Sabado. May kasal akong sasalihan that week.”

“Oh! That’s good. And besides, it’s about time you go and visit there, right?”

“Yup…” Nginitian ko siya.

“Kung ganoon, should I lift the work-“

“No, Duke!”

Minsan ayaw ko talagang binibigyan niya ako ng special treatment sa trabaho. Trabaho ng ilang HR ang pag coconduct ng exam at mag panel sa interview na pangungunahan ko dapat. Sa akin niya dapat ibigay ang trabahong iyon. At least. Hindi pwedeng hanggang records lang ako.

“O sige. Then that’s next week. Irereview mo pa lahat ng files na nakalap ng mga HR. Bibigyan kita ng memo sa Monday at naroon ang lista ng panel na kasama mo. I’ll send you the files of the applicants tonight.”

Tumango ako. Kahit ano pa ‘yan, tatanggapin ko ‘yan dahil trabaho ko ‘yan.

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin tungkol sa trabaho ay may pumasok na mga lalaki sa restaurant. Napalingon ako dahil nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mga mukha.

Nanlaki ang mga mata ko. It’s been a long time!

“Rosie!”

Lumapit si Leo at Louie sa akin. May mga kasama silang ilan pang lalaki na hindi ko na kilala. Kumalabog ang puso ko at tiningnan muli ang mga kasama nila. Jacob was not there. Umupo ang mga ito sa lamesang malapit sa amin ni Duke. Si Leo at Louie ay lumapit sa akin.

Tumayo ako para bumati pero agad na nilahad si Duke.

“This is Duke, by the way. Duke, mga kaibigan ko… Si Leo at Louie.”

Tumango si Leo kay Duke. Tumayo naman si Duke para kamayan ang dalawa. “Nice to meet you…”

Tumango lamang ang dalawa sa sinabi ni Duke at bumaling ulit sa akin.

“Sasama ka sa kasal ni Ron?” tanong ni Louie.

“Oo! I already filed a leave. Kayo?”

“Syempre…” ani Leo sabay tingin ng seryoso kay Duke. “Sige, Rosie… Mauna na kami sa lamesa namin. Mag didinner pa. You out to party?”

Umiling ako. “Nope. Dinner lang. Uuwi din kami agad.”

Tumango si Leo at tinapik ang balikat ko. “Sige. Ingat!”

Nang naupo ulit kami ni Duke ay tinanong niya naman ako sa mga nakasalamuha. Kinwento ko sa kanya na mga kaibigan ko iyon sa Alegria. But of course, I probably did not have to tell him about their relationship with Jacob. Tingin ko’y kapag sinabi kong Alegria, alam niya ng konektado ito kay Jacob.

Hinatid ako ni Duke sa aming bahay. Maaga pa kaya may ilaw pa sa sala. Gusto ko sana siyang anyayahang pumasok pero nahihiya ako at baka nagkalat si Maggie at James sa sala.

‘Tsaka ko na siya iimbitahan sa loob kapag sure na akong malinis ang bahay. Maghahanda rin ako ng pagkain para sa kanya. Kahit paano naman ay natuto din akong magluto. Lalo na doon sa Dubai, kailangan talagang maging independent doon. Hindi naman pwedeng laging kumain sa labas.

Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko si Maggie na nakaupo sa sala at nagbabasa ng libro. Nakamute ang TV at mag isa siya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Sana talaga pinapasok ko na lang si Duke! Wala naman palang kalat!

“Asan si James?” tanong ko.

“Nasa kanila. Dito siya matutulog, ah? Babalik iyon dito ng mga alas diyes.”

“Okay…”

Sayang talaga. Hinubad ko ang stilletos ko at tumungtong na sa sofa. Sumiksik ako kay Maggie at niyakap ko siya, nanggugulo sa pag aaral niya.

“Hmmm! Hinatid ka ni Duke?” tanong niya. “Hindi mo pinapasok.”

“Akala ko kasi nagkalat ka…”

“Asus! Edi linisin natin ang kalat kapag meron.”

Pumikit ako at humilig sa kanyang balikat. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

“Tumawag si mama kanina, kinakamusta ka. Tawagan mo mamaya, ha?”

“Oo…” sabi ko.

“Nakapag desisyon ka na ba sa kasal ni April? Damit mo? Bigyan mo rin ako, ha? ‘Tsaka di ako magtatagal dahil alam mo na, school…”

“Pupunta ako,” sabi ko. “Pa sukat na tayo next week. Sasamahan tayo ni Karl.”

“Naku, Rosie! Baka mahal ‘yan ha? Alam ko pa namang magagaling na designer iyang kilala n’yo!”

Umirap ako. “Hindi no! ‘Tsaka hindi naman tayo dedesign-an. Manghihiram lang tayo kaya libre lang! ‘Yan nga ang advantage ‘di ba? Nakakahiram ako sa mga sikat na designers kasi modelo nila ako. Isasama pa kita!”

“Ikaw na lang kumuha sa damit ko. Kahit ano na. Di naman ako namimili. Basta same color sa motiff. O di kaya sukatan mo ako!”

“Tangi! Hindi ako marunong kaya kailangan mong sumama!” sabi ko.

Tumawa siya. “Katamad naman!”

Ilang sandali pa akong nanatiling nakayakap sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagbabasa pero maya’t maya ang tanong.

“Galing kang shoot?” she asked.

“Yup…”

“Kaya pala ang kapal pa ng eye make up mo…” sabi ko.

“Pangit bang tingnan? Nakasalubong ko pa naman sina Leo at Louie kanina.”

“Hindi naman. Oh, tapos?”

Humugot ulit ako ng hininga. “Okay lang. Pinakilala ko kay Duke. Nakasalubong ko rin si Jacob noong isang araw…”

“Ha? Saan?”

Ramdam ko ang bahagyang pagsasarado niya ng kanyang libro.

“Sa party. Event ni Duke?”

“Ang tagal na noon ha! Ba’t ngayon mo lang sinabi? Oh? Tapos?”

“Nag kausap kami…”

“Oh? Tapos!”

Nagkibit ako ng balikat.

“Ano ba ‘yan, Rosie! Binibiro mo naman yata ako!” sabay tampal niya sa aking tuhod.

“Totoo!” sabi ko. “Wala lang sa kanya. Kaswal lang. Iyon naman din dapat. Hindi ko naisip na kailangan kong ikwento kahit kanino dahil normal lang naman. Nothing significant. That’s the way it should be.”

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tumuwid sa pagkakaupo. Tiningnan ko ang isang email galing kay Duke.

Nakatingin parin si Maggie sa akin na para bang sobrang kagulat gulat ang nasabi ko. To me, yes, it was a really shocking moment. Pero kalaunan, habang paulit ulit kong nirereplay sa utak ko ang nangyari ay nawalan na iyon ng halaga.

Duke Valenzuela of V Malls Holdings, Inc.

I’m home and as promised. I’m sending you the needed files of the applicants. I might forget this coming Monday. May meeting kasi ako at alam mo namang nandito ang investors. Review it on Monday and coordinate with the other HRs. Thanks for tonight! I enjoyed the dinner with you. Tuesday?

Napangiti ako at nakita ko ang attached files sa email. Nag reply agad ako.

Me:

Okay. Can I bring Karl? Baka kasi may gagawin ako with him, e.

Habang nag aantay ng reply ay ni scan ko ang mga files na nisend. It’s in alphabetical order. Kaonti lang naman ang applicants. I counted them and… bago ako natapos ay natigil at nawala ako sa pagbibilang.

“Sinong katext mo? Si Duke?” bahagyang tinulak ni Maggie ang aking balikat.

“Felicity Torres Llanes?!”

“Ha?” tanong ni Maggie sabay dungaw rin sa aking cellphone.

I clicked her files and saw her picture from her resume. This is Jacob’s girlfriend! Nag aapply siya sa V Malls bilang manager!

Dahil hindi ako makapaniwala, I scanned through her resume and saw it on her previous work.

Manager siya ng J.A. Foods! Manager siya doon noon!

“This can’t be?”

Naalala ko si Jacob. Naalala ko kung gaano kaayaw nitong nag tatrabaho ako. Ngayon ay pinapayagan niya ng magtrabaho ang kanyang girlfriend. Ngayon, mas maluwang na siya. And he even let her hunt for other jobs other than his own company! Paano nangyari iyon?

Nanghina ang mga kamay ko.

“Sino ‘yang Felicity- Oh! J.A. Foods!?”

He changed. Napangiti ako. And it’s all for the better. I am happy for him. I am happy for them.

“Sino ‘yan, Rosie?” tanong ni Maggie sa akin.

“Girlfriend ni Jacob…” mahinahon kong sinabi.

“Huh? Ano ‘yan? Teka nga?”

Kinuha ni Maggie ang cellphone ko at tiningnan ang email ni Duke. Binasa niya kung saan tungkol ang lahat ng iyon kaya inexplain ko sa kanya.

“Hiring kami ng Manager dahil sa bagong mall. Nag apply ang girlfriend ni Jacob…”

“Huh? Bakit? Umalis siya sa J.A? Manager pala siya sa J.A.? Felicity?” tanong ni Maggie na parang di pa naaabsorb ang lahat.

“Three months na siyang wala sa J.A… sabi ko nang nabasa ko ang history of work and experience. Maybe she wants a new environment…”

“Pumayag si Jacob don? Hindi ba ay selfish ‘yon! Hindi ba di siya pumapayag na magtrabaho? At lalo na ngayon na malaki na ang kompanya nila! I heard from Auntie Precy, kung noon kay Don Juan Antonio ay isang room lang ang office nila, ngayon isang palapag na sa isang building sa Makati ang opisina ng buong J.A. Foods, Rosie! Ang dami na nilang empleyado!”

“He changed. Siguro nakita niyang dapat binibigyan niya ng kalayaan ang girlfriend niya. He probably wants his woman to be independent… And that’s what he’s doing right now…” Tumango ako.

Ngumiwi si Maggie. “Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo?”

Nagkatinginan kaming dalawa. Nagsasalita ako ng mga papuri para sa pagbabago kay Jacob ng walang halong sakit.

Nagkibit ako ng balikat. “Lucky girl…”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

One thought on “Baka Sakali 3 – Kabanata 14

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: