Baka Sakali 3 – Kabanata 13

Kabanata 13

Ang Sakit

Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa sobrang kaba ko. Kakatapos lang ng make up artist sa aking mukha. Kina Karl ako nagpa appointment para sa hair and make up ko. Ni hindi sapat ang maganda at designer gown para mag divert ng atensyon ko sa ibang bagay.

“Halatang kabado ka, ah?” ani Karl habang pinapanood akong inaayusan ng buhok.

I’ll wear my curls loosely. Ganoon naman ang paborito kong ayos ng buhok ko.

“Why don’t you wear your hair up?” tanong ni Karl.

Umiling ako at inayos ulit ang buhok ko.

For today, I want to be simple. Alam kong mas mabuti ngang up-do para mas pormal pero mas pinili ko parin ang simple look.

“Andito na si Duke…” ani Karl, nakatingin ngayon sa labas ng kanyang salon.

Tumayo na ako. Hindi na mapakali sa mangyayari.

Rosie, chill. Hindi ako sasama kay Duke para makasalubong ang kahit na sino. The event is big and bumping on to him is a miracle. Chill!

“Good evening!” bati ni Duke nang umapak sa loob ng salon.

“I’m done,” sabi ko, nahihiya dahil baka mahuli pa kami sa event.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He looked so thrilled with what I’m wearing. Simpleng kulay dark blue na tube top long gown lang naman ito na may magarbong bead work.

“You’re beautiful!”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Duke. For a man like him to give me praises, it’s such an honour.

“Maraming salamat,” hindi ako makatingin sa kanya pagkasabi ko nito. “Shall we go?”

“Yes…” wika ni Duke.

Tahimik ako sa buong byahe. Duke explained to me that the party was going to be quick. Hindi kami magtatagal dahil may pasok pa ako bukas. Bukod pa doon ay babyahe siya patungong Batangas para sa isang conference. Kakain lang daw kami, makikipag usap sa ilang investors, at aalis din agad. We won’t stay for the dance and all. I’m fine with that! Very happy, even. Dahil hindi ko ata kayang magtagal doon.

“Are you nervous?”

Umiling kaagad ako kay Duke. “Nope.”

Lumabas na kami ng sasakyan. Binigay niya sa valet ang susi. Hinawakan niya ang aking baywang. Napatingin tuloy ako sa kamay niya pero nang nagsimula siya sa paglalakad ay ganoon na lang din ang ginawa ko.

The entrance was busy. Maraming showbiz personality na isa ring supplier o di kaya’y investor kaya isang batalyong paparazzi ang naroon. Natigil din si Duke nang may isang nag interview sa kanya.

“Being one of the most eligible bachelors in the Philippines, will you share with us your type of woman?” tanong ng bading na may malaking itim na glasses.

Tahimik akong nasa gilid ni Duke. Sinusulyapan ng journalist ng isang magazine na nag iinterview sa kanya.

“I want someone who’s understanding, low-key, malambing, and… someone who knows what she wants…”

“Looks like you want a twenty-first century woman, ah? Hmmm. I’m gonna share it to my readers…” Napatingin ulit sa akin ang reporter.

“Rosie Aranjuez?” tanong niya.

Ngumiti ako.

“Can you tell me what kind of gown are you wearing? You’re standing beside the CEO of one of the biggest mall chains here in the Philippines, how do you feel?”

Nilagay niya sa aking harap ang kanyang cellphone. He’s recording.

“This is…” napatingin ako kay Duke. “A Valentino gown-“

“Oh? Nagpadesign?”

“Nope…” umiling ako. “Binili lang ito ni Duke, madalian.”

“Oh! Duke Valenzuela paid for your gown-“

“I asked her two days before. Naturally, wala pa siyang nahahanap na gown so bumili na ako bago ko pa siya tinanong,” sagot ni Duke.

“Oh! So how does it feel, Rosie? To be standing beside an eligible bachelor? You’re living a dreamy life, girl!”

“I’m standing beside my boss, iyon ang nasa isip ko.” Tumawa ako.

“I’m your friend, too. Not just boss…” giit ni Duke.

Umiling ako at umirap. I really hate it when he stress that. Nang nilubayan kaming dalawa ng journalist ay biniro ko na siya.

“Hahanapan kita ng ideal woman mo, Duke,” tawa ko.

“Ideal woman?”

“Someone understanding, low-key, malambing…” ngisi ko.

Papasok na kami sa malaking venue. Masyadong maraming tao at hindi makapag settle down ang lahat. Good. Mas maraming tao, mas imposibleng makita si Jacob. Sa dagat ng mga taong ito, aba’t pinaglalaruan na ako ng tadhana kung makita ko pa siya. Besides, ibang mesa ang para sa mga CEO, iba rin ang para sa mga suppliers.

“Malambing na lang ang kulang sa’yo…”

Napatingin ako kay Duke. He smiled. Umiling ako at napangiti na rin.

Sinalubong siya ng ilang kilalang mga tao. He chatted with them a bit. He introduced me to every one of them. Ni hindi na ako lumingon kung saan saan. Tanging sa mga pinapakilala lamang ako nakatingin para wala na akong makitang hindi ko magugustuhan.

Umupo na kami sa designated seats nang nagsimula na ang event. Ilang speakers ang nagsalita. Nakinig lamang ako. May mga presentations din. Pagkatapos ng mahigit na isang oras na ganoon ay niserve na ang pagkain. Four courses ang meal at inenjoy ko na lang iyon, kasabay ng pag eenjoy ko sa pakikipag usap sa mga naroon.

Wives of popular businessmen were there. Ang iba ay mga ka edad o ilang taon lang ang tanda sa akin, ang iba naman ay mas matanda pa sa mga magulang ko.

Tatlong oras sa party ay napagod na ako. We did not move much. Ni hindi nga kami masyadong naglibot ni Duke dahil nasa mesa rin naman namin ang mga kailangan niyang kausapin.

“Are you tired?” tanong ni Duke pagkatapos kong uminom ng pangatlong baso ko ng wine.

“Kind of…”

“Pu pwede na tayong umalis. I’m tired too…” ani Duke.

Natahimik ang kaluluwa ko sa sinabi ni Duke.

“Tapos ka na ba sa mga kakausapin mo?” tanong ko.

Tumango siya. His eyes were dark and his whole attention was on me. Ang isang kamay niya’y nakahawak sa upuan ko.

“Hmm. Mag C-CR muna ako, pagkabalik ko, alis na tayo.”

“Okay…” tango niya.

Tumango rin ako at tumayo. Tinanggal niya ang kamay sa likod ng upuan para makawala ako.

Dala-dala ang purse ay dumiretso na ako sa CR. Lumabas ako ng hall para makapunta sa CR.

Pagkapasok ko sa isang bathroom ay dumiretso na ako sa cubicle. I peed first. When I’m done, lumabas na ako para makapag ayos.

Naghugas ako ng kamay noong una. May isang babae sa tabi ko na nag lalagay ng lipstick. She’s in her mid 30s. Ngumiti siya sa akin, sinuklian ko rin ang ngiti niya.

May lumabas sa katabing cubicle ko kanina. Napawi agad ang ngiting ibinigay ko para sa babaeng katabi. Felicity Llanes went out of the cubicle.

Panay ang pagdarasal ko na sana lumabas na agad siya pero hindi, e. Tulad ko, naghugas din siya ng kamay. Nasa gitna namin iyong mid-30s na babae.

Kinalma ko ang sarili ko. From the looks of it, she doesn’t know me. We’ve been this close two times, already. Una, doon sa salon. Ito ang pangalawa pero ni isang beses ay hindi siya sumulyap man lang sa akin.

Siguro hindi niya ako kilala. Siguro hindi sinabi ni Jacob sa kanya iyong tungkol sa nakaraan. Siguro dahil hindi ito importante. Siguro dahil nakalimutan niya na iyon. Siguro ayaw niyang masaktan ang bago niyang mahal.

Unti unti kong naramdaman ang hampas sa aking puso.

She opened her purse. Kumuha siya ng pressed powder o foundation. Ganoon din ang ginawa ko. Mukhang hindi niya talaga ako kilala.

Her hair’s up. She’s wearing a spaghetti strap dark violet long gown. Mas matangkad ako sa kanya. Maputi rin siya at mahaba ang kanyang buhok. Her lips were thin and her eyes were big and expressive. Her brows were perfect. Her facial contour is perfect. Mukha siyang anak mayaman. I think, talagang anak mayaman siya.

Natigil ako sa pag iisip nang umalis ang babaeng nakagitna sa amin kanina. Naiwan kaming dalawa doon.

Nilipat ko ang mga mata ko sa salaming harap sa akin. Inayos ko ang aking mukha. Inayos ko rin ang aking eye lashes. I retouched my lipstick. Kumuha rin ako ng pabango at sumulyap ulit sa kanya bago ako naglagay sa kamay. Laking gulat ko nang nakitang nakatingin na siya sa akin.

“Rosie Aranjuez, right?” tanong niya sa matigas na ingles.

Tumango ako. Hindi makapagsalita ng maayos. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng perfume sa aking wrist.

Nagtaas siya ng kilay at ngumiti sa akin. Sa salamin lamang kami nakatingin. Sa kanya, ang repleksyon ko. Sakin, ang repleksyon niya.

“You’re Jacob’s ex,” deklara niya.

Tumikhim ako. Walang masabi. Hindi ko makumpira at mukhang hindi niya naman kailangan ng kumpirmasyon.

Alam niya ang tungkol sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. At least my predictions were wrong. Pero dahil nalaman kong kilala niya naman pala ako, mas lumala lang ang mga naiisip ko.

Mahal na mahal ni Jacob ang babaeng ito dahil siya ang nagpaahon sa kanyang pagkabagsak. Sinabi lahat ni Jacob ang tungkol sa kanyang buhay. Simula sa pagkamatay ng kanyang ina noong bata pa lang siya, pagkamatay ng kanyang ama, at ang pag iwan ko sa kanya. He bared his soul to this woman. He’s made her his sun. He depended on her now. Not on me… Because I want him to be independent. At ngayon, naghahanap na naman ako ng ganoong klaseng affection sa kanya. How ironic!

“You are?” tanong ko kahit kilala ko na siya.

“Oh! How rude of me… Ako nga pala si Felicity Llanes. I’m his girlfriend…” She smiled at me genuinely.

I smiled back. But damn it, my heart’s hurting so bad!

“I heard so many things about you. Hindi ko alam na nakauwi ka na pala galing ibang bansa?”

Paano niya nalaman? Sinabi rin ni Jacob sa kanya? He’s updated!? Hindi naman sa umaasa pa ako pero hindi lang ako makapaniwala.

“Yup. Ilang linggo na rin simula nang bumalik ako.” Ngumiti ako.

“Well then, hindi pa ba kayo nagkakausap ni Jacob? Pagkabalik niya ay siyang pag alis mo, ‘di ba?”

Wrong. Ilang buwan pa bago ako umalis noon. He did not reach out to me. I did not even dare. Siguro dahil natatakot na rin ako. Siguro ay dahil alam kong hindi na talaga maibabalik dahil nasaktan ko siya.

“Medyo,” hilaw na ang ngiti ko ngayon.

Tumango siya at ngumiti.

Hindi niya na ulit ako kinausap. Nagsuklay siya ng kanyang buhok. Magsusuklay na rin sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Mauuna na ako…” sabi ko at kinuha ang aking purse para makaalis na siya.

Dire diretso ang martsa ko palabas ng bathroom. Tatlong hakbang palabas pa lang ay naestatwa na ako.

Jacob was heading to the bathroom too. Sa harap ko ay nakatayo siya. Natigil ang paglalakad dahil sa pagharang ko.

Ang mabilis na pintig ng puso ko kanina ay tumigil na sa ngayon. Diretso ang tingin niya sa akin. Iyong tipong palagay ang loob, malamig, at hindi natitinag. While I’m an emotional mess in front of him, he’s just there watching me panic!

“Jacob! Hindi ka nag antay sa lamesa?” boses ni Felicity ang lumabas sa likod ko.

Kitang kita ko ang paglipat ng tingin niya galing sa akin patungo sa kanyang bagong girlfriend. Pakiramdam ko ay napupunit ang aking puso sa sobrang sakit. Pilit akong ngumingiti pero nanginginig ang labi ko.

“Mag C-CR din sana ako…” sagot ni Jacob sabay palupot ng kamay sa baywang ni Felicity.

Nanatili ang mga mata ko sa kanyang kamay. Unti unti nang humihina ang aking paghinga. Nagbabara na rin ang aking lalamunan at alam kong masamang pangitain na iyon.

“Nagkasabay kami ni Rosie sa CR kanina. Nagkita na pala kayo…” ani Felicity sabay ngiti sa akin.

Tumango lamang si Jacob at lumipat ulit ang tingin sa akin. I smiled once again.

“You have a great girlfriend, Jacob.” Pagbitiw ko ng mga salitang iyon ay gusto ko na agad makain ng lupa.

Just fuck it, Rosie! What did you just say? Talagang ganoon ang entrada ng pananalita? Gustong gusto mong itago ang sakit pero hindi kaya ng bibig mo?

“I-I hope you two enjoy the night! Maganda ang party…” Napatingin ako sa venue. “Mukhang may sayawan pa mamaya. Too bad, aalis na ako.”

“Oh! Bakit?” tanong ni Felicity sa isang concerned na tono.

Tahimik si Jacob na nakaharap sa akin. Hindi ko siya matingnan. Nasisilaw ako. Luluha ang mga mata ko pag pilit ko siyang titingnan. And I can’t believe he can just watch me like that. Ni hindi yata siya kumukurap habang tinitingnan ako. It was so intimidating. Black coat and tie, broad shoulders, clean cut hair, and cold expression… he was so damn intimidating!

“May trabaho pa kasi bukas… Kailangan pang maaga,” ngumiti ako at kinagat ang aking labi. I need to find an excuse to stop this. “Kaya… kailagan ko nang umalis. Babalik na ako sa loob.”

Sumulyap ako kay Jacob. Nanatiling ganoon ang ekspresyon niya habang dumudungaw sa akin. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Binalik ko ang tingin ko kay Felicity na nakangiti lang sa akin ngayon.

“Sige! Enjoy the night too. Antayin ko lang ang isang ito na matapos sa bathroom.”

Tipid na ngumiti si Felicity. Tumango ako at walang pag aalinlangang umalis na sa harap ng dalawa.

I rushed to Duke. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Naabutan ko siyang nakikipagtawanan sa ilang investors. Nang nakita ang pagbabalik ko ay tumayo na kaagad siya.

How many times do I have to say thank you to him? Thank you dahil hindi niya na papatagalin pa ito!

“Alis na kami. Maaga pa bukas, e,” ani Duke.

I said my goodbyes to his friends. Pagkatapos ay tensed na naglakad palabas ng venue. Sa tabi ko ay si Duke na panay ang pag papaalam sa bawat nakakasalubong.

Nang nasa bukana na kami ng venue ay mas lalo lang akong kinabahan. Nanatili ang mga mata ko sa kay Duke at sa mga kausap niya. Masyado akong takot na makita ulit si Jacob o si Felicity.

“Uwi ba talaga ‘yan o?” Nagngising aso ang isa pang kaibigan ni Duke.

Sumabay ako sa tawanan nila.

“Uuwi na talaga!” tawa ni Duke.

“O sige, ingat kayo! Ang aga ninyo namang umuwi,” anang kaibigan niya.

“Rosie, let’s go…” sabay hawak sa aking baywang at giya sa akin palabas ng venue.

Pagkalabas namin ay ‘tsaka ko pa lang narinig ang sobra sobrang lakas ng pag pintig ng puso ko. Nanlamig ang aking kamay at parang lumulutang ako. Ang sakit. Ang sakit sakit. Pero imbes na umiyak ay natulala na lang ako. Ganoon ka sakit.

“Are you okay?” tanong ni Duke nang pumasok na kaming dalawa sa kanyang sasakyan.

Napalunok ako at tumango. “Nagkasalubong at nag usap kami ng ex ko.”

Natahimik si Duke. Kinagat ko ang labi ko. Tulala parin sa dashboard at hindi ko masabi ang buong nararamdaman ko dahil buhol buhol na ang sistema ko.

“I’m sorry…” ani Duke.

Naputol ang pag iisip ko dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya at nakita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata.

“Dapat ay di na kita dinala dito. Kasalanan ko…” aniya.

“Hindi. Eventually, I will have to face him. Sinanay mo ako dahil sa pagkakataong ito. I should… thank you for that.” Nanginginig ang boses ko pero patuloy ako sa pagsasalita. “Eventually, I will be so used to seeing him that it won’t matter to me. Kaya… salamat dito, Duke.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

One thought on “Baka Sakali 3 – Kabanata 13

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: