Kabanata 11
Let Go
Nakatulala ako habang nakaupo sa aking swivel chair. Tinitingnan ko ang kulay pink na envelope sa aking lamesa. Hindi ko alam kung bakit nadala ko ito. Siguro’y nilagay ko iyon sa aking bag sa pagmamadali ko kanina.
May kumatok sa aking opisina. Tumuwid ako sa pagkakaupo.
“Miss Aranjuez, nandito na po ang mga pinadalang papeles ni Mr. Valenzuela…”
“Sige, pasok ka…” sabi ko sa intercom.
Ang sekretarya ni Duke ang may dala ng mga papel.
“Ilagay mo lang dito sa lamesa,” sabi ko.
Nilapag niya ang halos isang rim na rereviewhin ko. Magre reallign kami ng ilang nasa position kaya irereview ko ang mga credentials ng mga Manager at iba pang tauhan ng kanyang mga mall.
“Salamat…” sabi ko.
“You’re welcome, Miss Aranjuez…” bahagyang yumuko ang mas batang sekretarya at lumabas na sa aking opisina.
I’m still not used to this office, though. Marami talaga akong naiisip na hindi maganda. Imbes na maging productive ay nawawalan ako ng lakas para magtrabaho. Lumilipad ang utak ko sa kulay pink na envelope. I should… not… right?
Umiling ako at tiningnan na ang mga papel. It’s not till two or a month, anyway. Pag iisipan ko pa.
Kinuha ko ang mga papel at nagsimula nang mag encode sa computer.
Simula nang bumalik kami ni Duke galing Dubai, binigyan niya na ako ng malaking opisina. Noon kasing hindi pa kami umaalis ay kasama ko pa ang lahat ng empleyado ng kanyang kompanya. Ngayong may office na ako, the employees are all intimidated. Wala namang pinagbago, I’m still an HR.
Yes. After the campaign ads and the modelings for catalogues, nag apply ako bilang HR ng kompanya nila. Natanggap ako. Syempre, sinunggaban ko na iyon dahil kinailangan ko ng stable job kahit paano.
Pagkatapos ng pageant sa Tagaytay, iyong mga campaigns na lang kasi ng VMalls ang proyekto ko. That was what the contest was all about, anyway. Kami noong partner kong lalaki ay endorser ng VMalls simula noon. Hindi na rin ako pinayagan sa agency dahil sa kontrata under VMalls.
Nilingon ko ulit ang pink na envelope. Halos napatalon naman ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Maggie. Muntik na akong mapamura. I hate this silence, really. Napaparanoid ako.
“Hello…” sagot ko.
“Hello, Rosie… May invitation ka ba?” tanong niya.
Humilig ako sa aking swivel chair. Hinilot ko ang aking sentido at nilingon ang salamin. I am seriously stressed. Wala namang masyadong trabaho pero pakiramdam ko pasan ko ang lahat lahat.
Mas hectic pa nga ang schedule namin ni Duke noong nasa Dubai kami kaya hindi ko maintindihan kung bakit sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon.
“Oo. Ito pala ang pinunta ni Auntie kahapon.”
Tumawa si Maggie. “Oo nga, e. Well, at least si April naalala ka parin kahit paano. Ilang taon ka na ring di bumisita sa Alegria, e.”
“Oo nga, e. At least, naalala…”
Tumikhim si Maggie. I can sense her next question. Pwede ko siyang sabayan kung gusto niya. “Pupunta ka ba?”
“Hindi ko pa alam, Mag…”
“Pupunta ako kung pupunta ka kaya pumunta ka na. ‘Tsaka ‘yong pamangkin mo sa kanya…” Tumawa si Maggie. “Ayos lang sana kung siya lang e sila pa ni Ron ang ikakasal. Malapit ka sa dalawa, Rosie…”
“Oo nga, e. Titingnan ko. Maghahanap muna ako ng maisusuot. Anyway, malayo pa naman…”
“Okay… Hanapan mo rin ako, ha?”
“Okay…”
“Okay, bye… Papasok na ako…” ani Maggie.
Binaba ko ang aking cellphone at pinulot ang invitation ng kasal ni April at Ron. Oo, ikakasal si April sa kabanda ni Jacob noong high school pa sila. I’m glad. Nabigyan ulit si April ng pangalawang pagkakataon sa pag ibig. I am happy for her. Ang bilin nga ni Auntie ay daluhan ko na ang kasal dahil nag eexpect daw talaga si April sa pagdating ko.
The heck. Sana ganoon kadali iyon, no? Alegria… After how many years, isang kasal ang magpapabalik sa akin?
Lumabas ako ng opisina. Hindi pa ako nagkakalahati sa trabaho ko. Hindi rin naman nagmamadali si Duke kaya mag bibreak muna ako kesa marami akong mali. Humalukipkip ako at tiningnan ang malaking flat screen sa tanggapan ng floor namin. Paulit ulit na pinapasalida ang aking mukha kasama ang iilang model. Iba-ibang bagay ang iniindorse. Be it bags, shoes, shirts, dresses, accessories… many more!
“Rosie…” baritonong tinig ni Duke ang narinig ko.
Kaya pala biglang napaupo ang mga empleyado at nakapag concentrate sa kanilang mga cubicle ay dahil nandito ang boss. Duke’s not terror. He just looks intimidating…
“Yes?” napatanong ako. “Kailan mo nga pala kailangan ang summary noong pinadala mo?” inunahan ko na siya.
“Within this week. Alam mo namang pumayag ang niligawan natin sa Dubai…”
Ngumiti ako. Pumunta kami ng Dubai para pakisamahan ang magiging kasosyo niya sa bagong proyekto. Gagawa siya ng isang malaking mall na inspired sa chain of malls ng isang royal family sa Dubai.
“Mag rereallign ka at tatanggalin mo ang mga empleyado mo sa VMalls para ilagay sa bagong mall?” napangiwi ako. I think that’s a bad idea.
“They deserve it. That mall will pay higher salary…”
“Hindi ba magiging tagilin naman ang VMalls mo kung gagawin mo iyon? Batikan ang mga manager mo…” I stopped. “Wala akong alam sa negosyo… Kaya… bahala ka na nga…”
Ngumisi siya at tumitig sa akin. “Wala ka ba talagang alam sa negosyo?”
Ngumisi rin ako. “Wala… I’m just an ordinary employee…”
Niyaya niya akong magkape sa kanyang opisina para pag usapan ang opinyon ko. Sumama ako sa kanya. Nagdesisyon akong umalis sa opisina ko kaya heto at binigyan na ako ng libangan bukod sa paninitig sa kisame.
“I want to hear the side of an ordinary employee slash model…” aniya habang nagsasalin ng kape.
Iginala ko ang mga mata ko sa buong opisina niya. Malaki ito. Tatlong beses ang laki sa aking opisina. Malaki rin ang kanyang lamesa at swivel chair na nasa gitna. May mga sofa din para sa mga mag memeeting in case.
“I think kailangan mo lang i raise ang salary ng managers mo para matulad sa magiging manager ng bagong mall. Humanap ka ng mga bagong ihahire para doon sa bagong mall.”
Binigay niya sa akin ang kape. Tinanggap ko ito at unti unting sumimsim doon. Ganoon din ang ginawa niya habang nakatingin sa akin. Tumatakbo naman ang isipan ko sa maaaring gawin niya sa kanyang kompanya.
“Hindi ba ay next year pa matatapos ang VMall Asia? You have time to look for the managers.”
“It will be a bigger mall so it deserves managers who are well trained and experienced. I can’t hire noobs, Rosie…” aniya.
Alam niya pala, nanghihingi pa ng opinyon. “Oh edi train new managers. Though I am not sure if you’re ready for that. Mahal ‘yan…” sabi ko.
“Hmmm. Titingnan ko ang budget ko. May punto ka. But I think you’re playing safe. Sa negosyo, kailangan mag risk. Kung kailangan kong ibigay ang managers na magagaling at matitirhan ako ng mga baguhan, then… be it…”
Nagkibit ako ng balikat. “Yeah… I’m not really a risk taker.”
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagtatalo namin tungkol doon. Kung hindi lang kumatok si Joanne, ang kanyang secretary, ay hindi ko pa nalamang mag aalas kuatro na pala ng hapon. Damn it! Hindi ko man lang nadagdagan ang trabaho ko.
“I’ll have a meeting after this. Uuwi ka na?” tanong ni Duke nang panay na ang pindot ko sa cellphone ko.
Umiling ako. “May appointment ako kina Karl, e.”
“Oh? For the shoot?”
Tumango ako at hinawakan na ang door handle ng kanyang pintuan. Kinawayan ko siya at iniwan na sa kanyang opisina.
Tumunog na ang cellphone ko. Siguro naiinip na si Karl sa kakaantay sa akin kaya tumawag na.
“Oo na… saglit lang. Magliligpit lang ako,” sabi ko.
“Sige. Bilisan mo at ‘yong paborito mo baka mag off na…”
“Oo na… Andyan na…”
Hinagilap ko ang aking mga gamit sa aking opisina. Nagmamadali na akong umalis nang naabutan kong nag aantay si Duke sa elevator. Kasama niya si Joanne at isang bodyguard.
Noong una, akala ko nag aantay sila sa elevator. Pero nang bumaling si Duke sa akin at sumabay sa pagpasok sa elevator ay nalaman kong hindi.
“Sumabay ka na sa akin. Ihahatid kita sa Spa…”
“Huwag na.”
“Come on, Rosie…”
Ayaw kong makipag kulitan kay Duke. Hindi siya titigil hanggang hindi ako mapa oo kaya sumama na ako sa kanya.
“Ihahatid ka ni Karl pag uwi?” tanong niya nang nasa loob na kami ng sasakyan.
“Yup.”
“Magdidinner muna kayo?”
“Siguro.”
“Pagnatapos ako sa meeting ng mas maaga, baka puntahan ko kayo…”
Humalakhak ako. “Huwag na…”
Nagtalo ulit kami sa pagpunta niya kahit wala namang kasiguraduhan. Ang alam ko, pag ganito ang meeting niya, aabutin siya ng siyam siyam. Paniguradong hindi rin siya makakapunta sa Spa.
Nang gumraduate si Karl, spa at gym ang naisipan niyang gawing negosyo. What can we expect? Hindi pa niya nasasabi sa kanyang mga magulang kung ano talaga siya pero tingin ko’y may ideya na ang mga ito. But they have hope… because of me… Tingin nila’y may kung ano sa amin ni Karl. I am their hope. But their son is obviously hopeless.
“Kanina pa ako nag aantay!” iritadong sinabi ni Karl sa akin sabay tingin sa sasakyang palayo. “Hinatid ka?”
Umirap ako. “Don’t get excited. May meeting ‘yon. Drop lang…”
Pumasok ako sa loob ng Spa niya. Dahil may koneksyon siya sa mga agency at iilang mga publicist, dito nagpupunta ang iilang modelo, artista, at mayayaman. May shoot ako under VMalls next week. Ito iyong iniiwasan ko noon pero tinanggap ko rin ngayon. Iniiwasan ko dahil may nirerespeto parin akong point of view… Point of view niya. Ayaw niya ‘yong mga shoot na masyadong revealing.
But now… let’s say this is a step. First step of moving on. To really move on whole heartedly. Let go of everything that’s keeping you from hoping… I guess that’s it.
“Full body scrub and massage tapos hair treatment, ha?” sabay ngisi ko kay Karl.
“Dios ko naman! Kailan ka matatapos? Buti sana kung umaga ka, no?” ani Karl.
Tumawa lamang ako at dumiretso sa kung saan ako magpapa body scrub. Sana pala talaga sinabi ko na lang kay Duke na aabsent muna ako para makapag relax.
Nakatulog ako sa halos isang oras na scrub and massage. Lumipat ako sa salon para sa hair treatment. Tinext ko kaagad si Karl para naman may libangan ako.
“Saan si Karl?” tanong ko sa stylist na ngayon ay binoblow dry na ang buhok ko.
“Nasa gym. Ipapatawag ko ba?” tanong niya.
“Ah! Tinext ko na… Okay na…”
Nilipat ko ang tingin ko sa salamin. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang tinulak ng isang pamilyar na babae ang pintuan. Sinalubong siya ng isang stylist, siguro para tanungin kung anong gusto niya.
“Shit!” bulong kong may diin.
Shit, really!
Ang kanyang itim na stilletos at ankle high dress ay sumasayaw sa bawat hakbang niya. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at nginitian ang stylist. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya dahil medyo malayo sila sa akin.
Hinawakan ng stylist ang buhok ng girlfriend ni Jacob. Nagngitian silang dalawa. And just when I was beginning to relax… dahil akala ko’y mag isa lang siya… ay nakita ko ang matangkad na si Jacob sa labas ng salaming dingding ng salon.
Hinawakan niya ang door handle at umambang bubuksan. His eyes were unreadable because he’s wearing an aviator. What the hell! Halos nanliit ako sa kinauupuan ko.
Pinindot ko ang cellphone ko at agad na dinial ni Karl. Naabutan ko pa siyang may katawanan.
“Where the hell are you?” mariin kong tanong.
“Ha? Oh? Bakit? Just enjoy and relax… Rosie… tapos ka na ba sa scrub? Hindi pwede ang cellphone diyan.”
Tangina. Let me curse just for today!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]