Baka Sakali 2 – Kabanata 17

Kabanata 17

Pero di ko kaya…

Buong araw kaming namasyal ni Jacob sa buong syudad. Umaga nang nagpunta kami ng mall para manood ng sine. Kumain din kami sa labas. Tumikim kami ng bagong cuisine. Sinubukan namin ang sushi. Nag enjoy kami sa pagkain pero hindi ko masyadong type. Ayaw din ni Jacob pero tuwang-tuwa kami sa ginawa namin.

“Next time, sa ibang restaurant naman?” Tumatawa si Jacob nang paalis na kami sa japanese restaurant.

“O sige, hmmm, chinese restaurant naman.”

Tumango siya at inakbayan ako.

Papasok na kami sa sasakyan. Malaki ang ngisi niya nang pinagbuksan niya ako at umikot para umupo sa driver’s seat.

“Saan tayo ngayon?” Tanong ko.

“Mag hotel?”

“HA?” Uminit ang pisngi ko.

Ngumisi siya.

“Jacob!”

“Hmmm! O sige, umuwi na lang tayo. Next time na tayong mag hotel.” Tumawa siya.

Umiling ako. Ibang klase din ang appetite nitong boyfriend ko ah. Sa bagay, ilang araw din naman kaming di nagkita.

“Okay…”

“Miss na miss na kitang nakakasama sa kama.”

“Hmmmp! Ayan ka na naman?” Umirap ako.

Tumawa siya, “Hindi yung may ginagawa… yung niyayakap lang siyempre. Yung niyayakap lang habang nakahiga at nagkukwentuhan.”

“Hmmm. Magandang ideya yan.” Ngumiti ako.

Maging ako mismo ay nami-miss na ang pakiramdam na iyan. Lalo na ngayong nagsimula nang umambon. Parang gusto ko na lang ding tignan ang bintana ni Jacob na basa sa tubig-ulan habang nag yayakapan kami sa kama.

I like that.

Busy siya sa pagdi-drive habang lumalakas ang ulan.

Nakita kong umilaw ang cellphone niya. Kinuha ko ito. As usual, hindi naman siya pumalag. In-unlock ko ang screen at binasa ang message na galing kay Jasmine.

Jasmine:

Super thank you, Jake.

Napalunok ako. Ilang sandali pa bago ako nakapag isip ulit ng diretso.

Jake ang tawag niya kay Jacob. At walang conversations sa cellphone ni Jacob. It’s either ni-delete iyon ni Jacob lahat o ito talaga ang unang text ni Jasmine.

Bakit siya nag thi-thank you kay Jacob? Hindi ba dapat si Jacob ang mag thank you kay Jasmine dahil sa pinadalang pagkain ni Jasmine?

“Uhmmm, Jacob.”

“Hmmm?” Sumulyap si Jacob sakin.

Siya ang tipong suplado lalo na pag di ka niya kilala. But he can be very caring… Naalala ko noon kung paano niya pinagtatanggol si April. Naalala ko rin kung paano siya naglihim sakin na pinatuloy niya si April sa bahay nila dahil naawa siya dito.

“Nag text si Jasmine.” Sabi ko.

“Talaga?” Nanlaki ang mga mata niya. “Anong sabi?”

Nasa kalsada parin ang tingin niya.

“Super thank you, Jake.” Inulit ko ang nakalagay sa text.

Hindi siya umimik. Patuloy siyang nagdrive hanggang sa narealize kong gusto ko nang mag follow-up question.

“Bakit siya nag thi-thank you?”

“Hmm. Hindi ako sigurado. Siguro dahil dun sa Alp. Alam mo na, yung welcome party ko. Sinagot ko yung inuman ng mga empleyado nila.”

“Ahh…”

Hindi na ulit ako nagtanong kahit marami naman akong gustong itanong. Bakit Jake yung tawagan nila? Lagi ba silang angti-text?

Pero mukha namang wala lang kay Jacob yung nangyari kaya binalewala ko na lang.

“Sayang di nag college iyang si Jasmine. Kung sana sa school siya nag aral tapos business management din, baka magaling siya.” Sabi ni Jacob habang nagpapark kami sa bahay nila.

Tumango ako, “Bakit mo nasabi?”

“Alam niya yung ilang subjects ko eh. lalo na sa reports.”

“Ah? May reports pala kayong gagawin?”

“Oo. Syempre… Kaya ayun, tinutulungan niya akong gumawa.”

Natigilan ako. Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ayokong magpakaplastik at ipakita sa kanyang supportado ko siya pero ayoko rin namang maging selfish. Tama na ang pagiging makasarili ko noon. Kailangan kong magtiwala sa kanya.

Paano ko kaya malalaman kung nagchi-cheat na ang boyfriend ko? Hindi ko alam. Hindi ko masagot. Kinakabahan ako sa magiging sagot nito.

Nagbihis na ako at humiga sa kama habang mag sho-shower si Jacob.

“Rosie, sabay na tayo?” Ngumisi siya.

Pero wala ako sa mood. Maraming tumatakbo sa isip ko. Ngumiti na lang ako at umiling.

“Huh? Bakit?”

Nakatuwalya lang siya nang nilapitan ako. Kahit ganito ang pakiramdam ko, nadadala parin ako ng sparkling abs niya. Lalo na pag nararamdaman ko ang mainit niyang katawan malapit sakin.

Kiniliti niya pa ako habang kinukumbinsing sabay na kaming maligo.

“Jacooob!”

Trip ko talaga sanang magtampo pero sobrang kiliti na ang naramdaman ko. Hawak niya ang dalawang wrist ko sa iisang kamay lang habang nangingiliti ang isang kamay sakin.

“Lika na, Rosie! Paliliguan kita ng halik at pawis sa loob ng banyo!”

“Jacob! Tama na!”

Sinipa-sipa ko na dahil nagwawala na ako sa sobrang kiliting nararamdaman.

“Tama na, Rosie? Ba’t ka natatawa kung ayaw mo na?”

Binuhat niya ako at pinasok sa banyo.

Tumatawa at sumisigaw na ako nang nakapasok na kami sa loob.

“Shhh! Rosie, maririnig tayo ng mga katulong. Sige ka… malalaman nila kung gaano ka nasasarapan pag nandito ako!” Tumawa siya.

Nagpumiglas parin ako. Sinarado niya na ang pintuan at hinubad ang tuwalya. OH MY GOD! Alam mo yun? Kahit nakikita ko naman yan halos araw-araw noon ay di parin ako sanay? Ako lang yata ang may damit dito! Hubo’t-hubad na siya eh.

Ngumisi siya nang nakita ang pula kong pisngi.

“Jacob, palabasin mo ako dito!” Sigaw ko nang natatawa at nag iiwas tingin.

Umiling siya, “Papagurin muna kita bago ka lalabas dito, Rosie.”

Uminit ang pisngi ko. Ayan na naman ang pagiging green ko.

Pinaandar niya ang shower kaya wala na akong nagawa. Basa na yung spagetti strap kong kulay gray. Basa na rin ang buhok ko. Basa na ang buong katawan ko. Unti-unting lumapit si Jacob sakin.

Naramdaman ko agad yung mainit niyang katawan.

Hindi na ako nagpumiglas pa. Narealize kong magandang pagkakataon na rin siguro itong sabihin sa kanya na may gig ako bukas.

Inayos ko ang buhok ko at tiningala siya. Basang-basa na rin siya sa shower.

“Ayan na naman… Bakat na bakat na naman ang katawan mo dahil sa tubig, Rosie.”

Sinapak ko ang matigas niyang dibdib. Natawa na lang ako sa kaadikan niya.

Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Tinignan niya ang braso ko. Nabigla siya dahil bumigay na ako sa gusto niyang mangyari. Nilagay niya ang magkabilang kamay niya sa baywang ko. Pareho na kaming nasa ilalim ng shower.

“Jacob, pupunta ako bukas sa Sortee.”

“Sortee?” Tumaas ang kilay niya.

“Oo. May launching na naman si Ms Bubbles Manuel. Alam mo namang nakapirma ako ng kontrata.”

Kumunot ang noo niya.

“Anong oras?” Tanong niya.

“Alas tres.”

“Maaga akong aalis bukas, Rosie.”

“Alam ko… I’m sorry kung wala ka na naman. Wrong timing lang talaga. Di bale… Uhm… Di bale pag tapos ka na sa Alegria, sigurado akong makakasama ka rin.”

Tinitigan niya akong mabuti.

“Hindi ba isla ang Sortee? Ibig sabihin? Ibig sabihin beach attire yung collection na yan? Two piece? Bikini ba, Rosie?” Tumaas ang tono ng boses niya.

“Hindi, Jacob. Gowns parin. Ganun parin kaya wa’g kang mag-alala.”

“Pero magdadala ka ba ng bikini?” Napalunok siya sa sariling tanong niya.

“Siguro.”

Binitiwan niya ang magkabilang baywang ko. Parang may nahulog sa puso ko dahil sa ginawa niya. Huminga siya nang malalim at pumikit habang tumitingala sa shower.

“Ok. Kung yan ang gusto mo.” Malamig niyang sinabi.

Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang payagan niya ako o gusto kong higpitan niya pa lalo ang mga rules niya sakin. Parang gusto ko ulit marinig sa kanya na ayaw niya akong nakikita ng iba… ayaw niya akong magbikini pag di siya kasama… Bakit? Bakit ganito?

Tumalon ang puso ko nang naramdaman ko ang pagyakap niya sakin. Gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung bakit…

“Pero di ko kaya…” Bulong niya sakin.

Hinalikan niya ako. Sabik na mga halik ang natanggap ng mga labi ko. Yung tipong sinasamba niya ang buong pagkatao ko.

“Sagad sa butong di ko kaya ‘to, Rosie… Sorry.” Aniya at hinalikan ako sa leeg pababa.

Bumigay na ako. Naiiyak ako kanina pero ngayon parang unti-unting nabalik sakin ang kasiyahan. I want my Jacob. This is my Jacob. The selfish, possessive, territorial Jacob… I don’t want him to change…


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: