Baka Sakali 2 – Kabanata 14

Kabanata 14

Unti-Untiin

Mahirap gumising pag alam mong wala si Jacob sa tabi mo habang amoy na amoy mo siya sa paligid. Gaya ng pinangako ko sa kanya, sa bahay niya na ako pansamantalang titira.

“Ma, oo, dito na po muna ako.” Sabay kusot ko sa mata ko.

Kakagising ko lang sa kama ni Jacob. Wala siya, syempre, nasa Alegria. Kailangan ko ng bumangon para maghanda. Kahit mamayang hapon pa yung ramp modeling, kailangan ko ng i-kondisyon ang sarili ko ngayon pa lang. Alam ko kasing ma-iistress ako. Tatlong beses akong magpapalit ng damit sa backstage. Wala pa si Jacob na inspiration ko.

“Hay, Roseanne! Bakit ba kasi ayaw mong sumama na lang kay Jacob sa Alegria-“

“Ma! Napag-usapan na po natin ‘to. Wa’g na nating pagtalunan pa.”

“Hay! Ewan ko talaga sayo! Pag nakahanap yun ng iba, lagot ka sakin.”

Umirap ako sa inis. Ilang taon na ang nakalipas, ganun parin ang pananaw ni Mama. Wa’g ko raw pakawalan si Jacob dahil ‘big catch’ siya. Oo, big catch si Jacob kasi loyal at mapagmahal siya. Pero alam nating lahat kung ano ang ibig sabihin ni mama sa big catch niya: dahil mayaman siya. Yun lang.

“Ma, sige na po. May tumatawag na. Si Jacob na ito. Bye.”

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad ko ng pinutol ang linya. Hindi pa tumatawag si Jacob, malamang tulog pa yun o pagod sa byahe kaya ni-text ko na lang.

Ako: Good morning Jacob. Call me pag nasa Alegria ka na or gising ka na. Mag aayos lang ako for later. I love you.

Bumangon ako at nagpunta sa kitchen. May tatlong katulong sina Jacob sa bahay na ito, dalawang security guard at isang driver. Hindi ako sanay mamuhay nang may katulong pero di rin naman ako sanay na mamuhay na ako yung nagluluto. Sadyang di lang talaga ako talented sa kusina. Si Maggie ang talented sa kusina kaya siya yung nagluluto saming dalawa. Ako yung naghuhugas ng pinggan. Kaya hindi narin bago sakin na handa na agad ang almusal pagka gising ko.

“Salamat po.” Hindi nga lang ako sanay na pinagsisilbihan.

Inubos ko ang oras ko sa banyo. Naligo, toothbrush, hair dry, lagay ng lotion at kung anu-ano pa hanggang sa tumawag si Jacob.

“Rosie…” Malambing na boses ang sumalubong sakin.

Napangiti ako at tinigil ang pag aayos na ginawa ko, “Nasa Alegria ka na?” Sabay tingin ko sa relo.

“Oo. Kanina pa. Kaya lang napagod ako sa byahe. Tulog agad ako sa kama pag karating. Nasan ka na?”

“Nasa kwarto mo.” Ngumiti ako.

Hindi siya sumagot. Ilang sandali pa bago ko siya narinig na huminga nang malalim…

“Akala ko nasa kwarto kita dito. Baliw na yata ako.” Suminghap siya.

Tumawa ako.

“Soot-soot ko nga pala ang binigay mong relo.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nahiya kasi akong ibigay sa kanya ng harapan ang regalo ko. Nilagay ko na lang sa sasakyan at nilagyan ng note ang ibabaw. Maraming relo si Jacob at puro mamahalin kaya hindi ko alam kung nagustuhan niya ba ang binigay ko.

“Maganda ba?” Tanong ko nang nakangiti.

“Oo, Rosie.” Suminghap ulit siya. “Binili mo ba ang sweldo mo ng relo para sakin?” Seryoso ang tono ng boses niya.

“Uhm… Oo.” Kinagat ko ang labi ko.

“Rosie… Kung nag modeling ka para lang mabigyan ako ng ganito, sana tinigil mo na lang. Hindi naman kailangan eh. Ikaw lang naman ang gusto ko. Ikaw na buong-buo. Hindi kailangan ng kung anong materyal. Ayokong nahihirapan ka para lang sa ganito.”

Napawi ang ngiti ko, “Kasi gusto ko lang talagang bigyan ka ng ganyan lalo na ngayong magkakalayo na tayo. At least man lang may alaala ka sakin.”

“Alam mo kung ano ang tanging gusto ko?”

“A-Ano?”

“Ikaw. Dito. Sa harap ko. Araw-araw. Yun lang masaya na ako.”

“Ibibigay ko rin yan sayo, Jacob. Sa right time. Pagkasal na tayo. Pagtapos na tayo sa pag-aaral.” Pumikit ako.

“Haaay.” Natahimik siya. “Ang bagal naman ng panahon. Sana yung relong mas mabilis tumakbo ang binigay mo sakin.” Humalakhak siya.

Nawala ang bigat sa puso ko nang narinig ang paghalakhak niya.

“Kung merong ganun, kahit magkano pa yun, ibibigay ko sayo.”

“Hay, Rosie… Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko tuloy halikan ka ngayon.”

Tumawa ako, “Miss na miss na din kita, Jacob. Sige na, kumain ka na. Mag aayos muna ako para mamaya. Maghalikan na lang tayo sa panaginip.”

“Hmp! Ito na nga ba ang ayaw ko. Magkalayo na nga tayo, tinutukso mo pa ako ng ganito. Balikan kita dyan eh, tsaka ikakama… tignan natin.”

Uminit ang pisngi ko, “Tumigil ka nga diyan! Kakagising mo nga lang. Sige na… mag almusal ka na!”

“Pwedeng ikaw na lang gawin kong almusal? Sarap mo kasi!”

SHEEEEEEEEET! Pwedeng mag absent muna sa modeling at buong araw na lang akong makikipag usap kay Jacob?

Yun ang gusto kong mangyari pero hindi iyon ang kailangang mangyari… Nagbihis ako para sa first attire. Kinakabahan agad ako nang nakitang puno na ulit yung audience. Hindi naman ito kasing bongga nung kay Ms. Bubbles pero mas marami yatang tao ngayon. Full pa ang aircon, maiksi pa ang damit ko kaya giniginaw ako. Kiniskis ko ang mga kamay ko para mabawasan ang ginaw habang tinitignan ang dumaraming audience nang may biglang kumiskis din sa kamay ko.

Liningon ko ang mapangahas na humahawak sa mga kamay ko at agad lumayo nang nakitang si Brandon iyon. Naka cowboy attire siya. Mukha siyang galing sa isang billboard shoot at napadaan lang dito.

“W-Wa’g mo nga akong binibigla!” Sigaw ko.

Ngumisi siya at sinubukan ulit hawakan ang kamay ko, “Kung ganun, dadahandahanin ko ba dapat para di ka mabigla?”

“Ha? Tumigil ka nga, Brandon.”

Tumawa siya, “Nilalamig ang kamay mo. Mas mainit kung hahawakan ko.”

Umalis ako sa harapan niya pero sinundan niya ako habang sumisipol.

“Nice legs…” Comment niya.

Nilingon ko siya at sinimangutan, “Tigilan mo ang pag sunod sakin… Kundi…” Hindi ko tinuloy. Tinalikuran ko na lang.

“Kundi, ano? Patay ako sa boyfriend mong wala dito?” Aniya.

Paano niya nalamang wala si Jacob?

Hindi ko na lang siya tinanong. Hinayaan ko siya sa pagsunod sakin. Napatili talaga ako nang narinig na nag ri-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Jacob!

“Hello?!” Mejo malakas ang pagkakabati ko.

“Oh? Excited ka yata?” Tumawa siya.

“Hinihintay ko talaga ang tawag mo. Ilang minuto na lang magsisimula na yung show eh.”

Tumawa siya, “Ipicture mo nga ang sarili mo. Tapos isend mo sakin. Gusto kong makita ka, Rosie…”

“Oo na… Mamaya.” Ngumisi ako. “anong ginagawa mo?”

“May hinihintay ako. Yung pinsan kasi ni Eunice ang nagpapatakbo sa trucking na ito noon. Nasa contract kasi yung uunti-untiin daw yung paglilipat ng management para di manibago yung mga empleyado. Okay na rin sakin kasi wala din naman akong alam sa trucking… yung spare parts ng trucks, pagpapatakbo sa negosyo, pag-aayos, marami pa kaya okay na rin kung itrain niya ako.”

Napalunok ako, “Ahh… So nasa trucking ka ngayon?”

“Oo. Nasa loob ako ni Rosie Buenaventura ngayon.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Bakit green ako? Bakit bastos ang naiisip ko sa sinabi niya? UGH! Jacob talaga!

Humalakhak siya, “Oh, ba’t natigilan ka diyan? Ayaw mo bang nasa loob mo ako, huh?”

SHEEEEET! Langya talaga ang isang ito, “Jacob! Nakakahiya ka.”

“Oh bakit? Wala namang tao ngayon dito. Nakaupo pa ako sa likod ng truck na pinangyarihan ng milagro natin. Haaay, sana nandito ka. Hahalikan talaga kita hanggang sa lumambing ng husto ang boses mo at kumuyom na ang kamay mo sa sarap.”

Tumingin ako sa paligid sa sobrang hiya.

Nakita kong nakatingin si Brandon kaya tinalikuran ko at hininaan ang boses.

“Jacob! Tumigil ka-“

“Tumigil? Eh nasasarapan ka naman yata eh? Ba’t ako titigil. Rosie, kung gusto mo, wa’g kang mahiyang humingi sakin kasi pagbibigyan kita parati. Kung gusto mo mamayang gabi dahil sobrang miss na miss mo na ako, talagang lilipad ako diyan para lang ma satisfy ka kaya wa’g ka ng mahiya okay?”

“Sheet! Jacob! Tumigil ka na ah?”

“Bakit ka napapamura? Nag iinit ka yata eh. Ano? Game na? mamayang gabi?”

“WHAAAT?” Tinakpan ko ang bibig ko. “Magseryoso ka nga diyan! Tumigil ka ah! Unahin mo nga yan. Saka na… Sa Sabado na!” Uminit ang pisngi ko sa sinabi ko.

“Talaga? ayaw mong mamayang gabi? Lagi kitang tutuksuhin baka sakaling magbago ang isip mo at pauwiin mo ako diyan para gabi-gabi na tayong mag-“

“Hello, are you Jacob Buenaventura?” Narinig ko ang malambing na boses na ito sa background ni Jacob.

“Ako. Bakit? Sino ka?” Pinutol niya ang pagsasalita sakin para sagutin ang babae.

“Ako yung pinsan ni Eunice… I’m-“

“Ah! Okay. Saglit lang.” Bumaling siya sakin at… “Rosie… Tawagan na lang kita mamaya. Dumating na yung pinsan ni Eunice. Good luck sa modeling. I love you. Wa’g mong kalimutan yung pictures. Pakabait ka diyan pag mag loko ka diyan, uuwi ako tapos bubuntisin kita.”

Kinagat ko ang labi ko at iniisip na sinabi niya iyon sa harap ng pinsan ni Eunice! UGH! Jacob! Napa face-palm ako.

“I love you, too. Ikaw din, pakabait ka!” Tumawa ako. “Mabait naman ako kaya di mo na kailangang problemahin.”

“I love you, more… Mali pala… Pakabait ka sakin. Mag taray ka sa iba para wala ng magkagusto sayo. Okay? Haha! Sige… Bye… Ibaba mo na.”

Tumawa ako at pinutol ang linya.

Baliw talaga si Jacob. Miss na miss ko na tuloy ng sobra.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: