Baka Sakali – Kabanata 24

Kabanata 24

Peace Offering

Hinayaan ako ni Jacob na deadmahin siya. Isang buwan ko siyang dinideadma, kinakausap lang kung may sadya at lahat ng tanong niya oo o hindi lang ang sagot. Wala din naman siyang imik sa buong buwan na yun pero ginagawa niya ang lahat para makausap niya ako ng at least once a day.

“Rosie, one-fourth sheet bah?”

Tango lang ako.

“Rosie, kelan natin gagawin yung thesis?”

“Next month.”

“Rosie… dito ka ba kakain mamaya?”

“Di.”

“Congrats nga pala kay Maggie ah, nakapasok siya sa J.A.”

Walang imik. Ganyan araw-araw. Si Maggie ay nag apply ng isang trabaho sa Juan Antonio Food Corps. Sure ako na si Mama ang nag encourage sa kanyang doon mag trabaho nang masubaybayan si Jacob… whatever! Sabi ni Maggie, pang matrikula niya raw next year yung pag iipunan niya. Bakit? Mag cocollege siya? Di nga kami makabalik ng Maynila. At kung babalik man siya, pwede ba akong sumama?

Ugh! This is the worst place ever! I hate this place! I hate my life! I hate people! Kahit na mejo sumikat talaga ako dahil sa Ms Intramurals na yun, narealize parin ng mga tao na di ako ganun ka welcome sa mga nagiging fanatic sakin.

“Rosie, na add na kita sa Facebook! Confirm mo ah?”

Facebook? Talaga palang masyado kong minamaliit ang Alegria… Kilala pala nila ang Facebook! Well, may signal dito pero yun nga, masyadong mahina. Pero mamaya mag papaload ako nang makita kung makakapasok ba ako sa Facebook.

Araw-araw nakikita ko ang mukha at ngiti ni Jacob na sumisigaw ng HELL-YEAH-I’M-FILTHY-RICH-AND-YOU’RE-NOT-SO-TAKE-YOUR-BROKE-ASS-HOME – at lagi akong nababadtrip lalo na pag dumadapo ang paningin niya sakin.

“Nag away ba kayo ni Jacob?” Naninibago parin ako sa mukha ni April ngayong nakalugay na ang straight niyang buhok, wala ng nerdy glasses at may lip gloss na sa labi.

“Huh?”

“Kung iniiwasan mo siya, wa’g kang mag alala, tutulungan kita.”

Malaki ang naitulong ni April sa pag iwas ko kay Jacob. Tuwing hinihintay ako ni Jacob pagkatapos ng klase ay tinatawag niya ito saka ako nakakatakas. Pero habang tumatagal di ko alam bakit pero naiinis na lang ako.

Isang araw sa library period namin para sa thesis, hindi na talaga ako pinansin ni Jacob. LIBRARY PERIOD SA THESIS KAYA DAPAT NGAYON TAYO GUMAGAWA NG THESIS DIBA? Pero hindi… kinakausap niya, animatedly, si Eunice.

Nagtawanan silang dalawa at minsan ay nasisita ng librarian pero mukhang mas ikinatuwa pa nila ito. Nasa tabi din ni Jacob si Leo at si Luis. Samantalang sa gilid ni Eunice ay nandoon si Rica at Sheena. Si Teddy naman ay nasa harapan nila na tinitignang mabuti si Eunice na para bang naiinis. Kaharap ni Teddy ang limang malalaking libro at para bang may hinahanap.

Ako din ay nasa harapan nila at hinihintay ang pag lingon ni Jacob sakin nang mapagsabihan ko na kailangan na naming maghanap ng intro sa thesis o yung title man lang – pero di siya lumingon. Alam kong kitang-kita niya ako sa gilid ng mga mata niya pero di siya tumitingin.

“Uh… Teddy.” Sabi ko.

Tumingala si Teddy sakin at ngumisi. Wala nang bakas ng inis.

“Pwede mo ba akong tulungan sa thesis natin?” Bulong ko. “Tutulungan din kita sa inyo…” Sabi ko as if may maitutulong ako.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong sa wakas ay nakuha ko ang atensyon ni Jacob.

“Talaga? S-Sige bah!” Mas lalong ngumisi si Teddy at tumayo na para samahan ako.

“T-Teka-” Sabi ni Jacob pero huli na ang lahat.

Nakaalis na kami sa table nila at nakahanap na ng isa pang table. Umupo kami ni Teddy at seryoso akong tumingin sa mga aklat habang pinagmamasdan ako ni Teddy with an amused grin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Jacob sa kabilang table.

“Pinapaselos mo ba si Jacob?” Tanong ni Teddy.

Napatingin ako sa kanya, “Hindi… Kita mong useless siya as partner diba?” Tingin ulit sa aklat.

“Ohh? Talaga? Pero kung pinapaselos mo siya, gumagana huh-“

Naputol ko ang pagsasalita niya dahil malakas kong sinarado ng padabog ang aklat. “Ni hindi kami nagpapansinan, papaselosin ko pa siya? Ano yun? At bakit? May gusto ba siya sakin para paselosin ko siya? At kung alam kong wala, whats the use sa selos-selos na ginagawa ko?”

Lumingon si Teddy sa gilid at tumingin ulit sakin.

“Bakit kayong dalawa ang nagthe-thesis? Diba tayo dapat, Rosie?”

Naaninaw ko ang galit na mukha ni Jacob na nakatayo.

“Anong ibig sabihin nito, Ted?” Tumingin siya kay Ted na para bang sinakluban na siya ng langit at lupa.

“Easy, bro! Sige! Alis na ako, Rosie.” Ngumiti siya at tumayo tapos tinapik ang likod ni Jacob.

Ngayon, si Jacob na lang at ako. Kung makapagsalita kanina parang naagawan ng sa kanya ah!

“Bakit di mo na lang ako tinawag-“

“Bakit kita tatawagin? Ang saya-saya mo dun.” Sabi ko.

“Nagseselos ka lang kaya pinapaselos mo din ako.”

ABA’T ANG KAPAL MUKS NITO! At… teka… Nagseselos siya? Napabuntong-hininga ako ng malakas, “LIBRARY PERIOD NG THESIS. Kaonti na lang talaga ang may common sense dito sa mundo, ano? Wala pa tayong nasisimulan sa sa thesis natin at ngayon na ang tamang panahon para masimulan na natin to!”

“O sige, sige…” Sabi niya at nag-pout… nag papacute. “Ito naman… galit agad.”

Inirapan ko na. Bwisit!

“Dito ka na mag lunch ah? ililibre kita-“

I glared at him, “Salamat ah? Gusto ko talaga ng pera mo kaya gagamitin kitang ATM at ikaw ang magbabayad ng lunch ko araw…araw.”

“Ito naman… totoo… Peace offering.” Aniya. “O kung gusto mo dun sa bahay tayo mag lulunch?”

“Salamat ah? Gusto kong kumain ng lechon araw-araw at gamitin ang pera mo para makakain ako ng masasarap na pagkain na kaming mga dukha ay di pa nakakakain.”

“Rosie!” Para pang siya yung nainsulto sa sinabi ko.

Inirapan ko ulit.

“Wa’g na! Ayokong maambunan ng ni isang kusing sayo at baka masumbatan mo pa ako. Salamat na lang. At wa’g ka ng mag peace offering kasi sigurado naman akong di kita mapapatawad.”

AYAN! Natahimik siya! Manigas kang buang ka! Sinusulyapan ko minsan habang gumagawa kami ng introduction at talagang bigo ang kanyang ekspresyon. Buti at sumuko din siya agad.

May title at Statement of the Problem na kami at nasimulan na rin namin ang Introduction nang natapos yun. Mabuti-buti na rin yung ngayong September na.

Pagkahapon, nauna akong pumasok kay Jacob. Pero may isang box sa arm chair ko na may sulat kamay niyang nakalagay…

“Peace offering.”

Walang pangalan pero sigurado akong kanya nga ito. Nako! Binuksan ko at nakita ang isang heart-shaped na cake – white forest. GRRR! Heart-shaped? Really?

Pagkadating niya, “Huy, sayo na yan! Tseh!”

“Huh? Bakit? Anong problema diyan?” Tumaas ang kilay niya.

“ayoko nito!”

“Ayaw mo sa white forest? Anong cake ba ang gusto mo at-“

“WALA!!!”

“Ayaw mo ba ng h-heart na cake?” Namula pa talaga siya pagkasabi niya nun.

“WALA AKONG GUSTO! AYAW KO LAHAT NG MGA BIGAY MO!” Sabi ko at di na ulit siya kinausap.

Pero sa araw ding iyon, mas nauna pa nakauwi ang cake sakin. BWISIT! Ang tigas talaga ng ulo ng kumag na yun!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: