Baka Sakali 1 – Kabanata 13

Kabanata 13

Nakalimutan ang Lahat

“Dito lang manong.” Sabi ko sa driver at binigay ko na yung pamasahe ko.

May 20 steps na lang at makakarating na ako sa bahay nang biglang may nagtakip sa mga mata ko galing sa likuran.

“AHHHHH!” Tinakpan niya ang bibig ko kaya natigil ako sa pagsigaw. “An-“

“Ako ‘to!” Naaninaw ko ang mukha ni Jacob nang tinanggal niya na ang kamay niya sa mga mata ko.

Sa sobrang lapit naming dalawa halos marinig ko na rin ang bilis at lakas ng pintig ng puso niya. Di ko nga lang na confirm kung kanya nga ba yun o akin.

“Ba’t ka nandito?” Tanong ko.

“Weh Syempre nag-aalala ako. Tinignan ko kung nakauwi ka na!” Sabi niya na para bang ang bobo ko ulit dahil di ko alam.

Nag-aalala siya? Kelan ba siya nag-alala sakin? Uminit ang pisngi ko at sigurado akong pulang-pula na ‘to ngayon.

“U-Uh… K-Kaya heto at uuwi na ako. N-Nakauwi ka na pala eh.” Tinignan ko siya at di siya makatingin sakin.

Inayos niya ang bag niya sa likuran.

“Paano mo nalaman na taga rito ako?” Stalker!

“Gaya ng sabi ko… iisa lang ang Aranjuez dito. Kilala ko ang Auntie mo at maliit lang ang Alegria.”

“Taga saan pala sina April? Ba’t nauna ka pa dito sakin?” Tanong ko.

“Doon malapit sa simbahan ang bahay nila. Syempre nauna ako dahil alam ko ang pasikot-sikot dito.”

“O-Okay..”

So ano, papapasukin ko ba siya sa bahay? At pag nalaman ni mama at papa na mahirap siya tatanggapin kaya nila si Jacob? Hay! Sana di ganun ka judgemental si Mama.

“Mmm. Alis na ako.” Aniya bago pa ako makapagsalita.

“Saan ang bahay niyo?”

“Diyan lang… sa… uhm… may kanto. Sige na, pumasok ka na sa inyo.”

“Aling kanto diyan?” Syempre, curious din ako kung nasaan at anong itsura ng bahay nina Jacob. “Diyan malapit sa may tindahan ng load?”

“Hindi… Basta… Sige na, pumasok ka na. Di ako aalis dito kung di ka papasok.”

“Eh gusto kong malaman-“

“Wa’g na! Asus! Manlalait ka lang eh!”

Sinapak ko ang dibdib niyang, uyyyy matigas huh, syempre may abs diyan!

“Bakit? totoo naman ah? tsss! Sige na! Alis ka na!” Aniya.

Inirapan ko siya at umalis na.

SALAMAT HUH? GWAPO AT GUSTO KITA PERO NAKAKAINIS KA!

“Bye!” Sabi ko.

“La bang thank you?” Sigaw niya nang malapit na ako sa bakuran namin.

“Thank you mong mukha mo, Jacob! Iniinis mo ako magtha-thank you pa ako? Salamat sa pang-iinis?” Sabi ko.

Nakita kong tumawa siya.

“Bahala ka! Ang sama mo!” Sabi niya at umalis din.

That night… I couldn’t stop thinking about him. Nawala yung sama ng loob ko sa kanya dahil di niya ako hinatid. Nakalimutan kong pinili niya si April kesa sakin. Nakalimutan kong nakakainis siya. Nakalimutan kong gusto ko si Callix. Nakalimutan kong mahirap siya at taga-Alegria. Nakalimutan ko lahat! Nangibabaw na lang yung di napapawing ngiti ko at ang mga Baka Sakali ko. Baka Sakaling magustuhan niya ako. Baka sakaling magustuhan siya ni mama. Baka sakaling pwede kaming dalawa.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: