Baka Sakali 1 – Kabanata 11

Kabanata 11.

Simulan Lang, Wa’g Tapusin

Hindi ako makatulog sa pagkukumpara ko kay Jacob at kay Callix. Lagi itong natatapos sa… mayaman si Callix, mahirap lang si Jacob… pero talagang umiepilogue pa talaga ang utak kong… di naman kailangang mayaman para magustuhan ang isang tao.

“Mukhang puyat ka ah?” Nakangising sabi ni Maggie sa hapag kinaumagahan.

Naka P.E uniform na ako nang lumabas ng bahay. Masaya si Maggie kasi pupunta si James bukas sa bahay namin. I mean, BAHAY NI LOLA. Ako naman… bigung-bigo sa pagmumuni-muni ko kagabi.

“Hello miss sungit!” Pambungad ni Jacob sakin papuntang school.

Naka-P.E uniform din siya at kitang kita mo talaga ang hubog ng katawan niya sa loob ng t-shirt niya kahit di naman talaga ‘to ganun ka fit. Di ko na lang siya pinansin kasi naririnig ko na naman ang malalakas na pintig nang puso ko.

Sh1t Sh1t Sh1t tama na Jacob!

Linapit niya pa ang mukha niya sakin at…

“Anong nangyari sayo miss sungit? Mukhang puyat ka ah?” Aniya.

What the pak?! Sinabi mo pa talaga? Eh kung alam mo lang! Di ko na talaga siya tinignan. Nag wish na lang ako na sana ay tantanan niya na ako.

“May nangyari ba sayo kagabi? Matagal kang umuwi diba? Ginabi ka?” Ngayon ay seryoso na ang kanyang tono kaya napatingin ako sa kanya.

OMG! I think this is it… I’m really falling for this guy! Really, Rosie? Parang di ko na lang naisip kung anong sasabihin ni mama at talagang nadala na lang ako lalo na sa mga sinabi niya.

Fck it kung magsasaka siya! Wala akong pakealam kung mahirap siya! Wala akong pakealam kung di siya tulad ni Callix! Wala akong pakealam…

“Wala.” Sabi ko at inirapan siya sa inis ko sa sarili ko.

“Sabi sayo eh, wa’g kang magpasexy dito. Siguro may bumastos sayo kagabi pauwi sa inyo?” Concerned na ang boses niya.

“Wala nga eh…”

Dumating na ang teacher ng first period. Di na naman ako nakikinig dahil nagmumuni-muni na naman ako tungkol dito kay Jacob na paminsan-minsan ay kinakausap ako o iniinis.

“Tahimik mo ngayon ah? Galit ka ba?” Tanong niya ilang sandali ang nakalipas.

“Kelan ba ako naging ‘hindi’ galit sayo?” Sabi ko.

Ginagawa ko ang lahat para umarteng normal dahil ayokong nagmumukhang may nagbago at baka mahalata niya yung feelings ko or something. Ang paranoid ko talaga!

Natahimik siya at tinignan ko siya, mukha siyang nakikinig ng seryoso sa teacher. Ginalit ko yata?

“Mas gusto ko yung kinakausap mo ako kahit galit ka kesa tahimik ka lang diyan at di ko alam kung anong iniisip mo…” Sabi niya at nagkatinginan na rin kami sa wakas.

Dinig na dinig ko na naman ang tibok ng tanga kong puso. Anong problema mo, Rosie? Wala naman siyang ginagawa pero ganito ka makareact?

Tinignan ko siyang mabuti… he looked away smiling…

Mukhang di ko na mapipigilan ang sarili ko. Kung ganito ang reaksyon ko na yan lang ang mga sinasabi niya, paano pa kaya kung maging magkaibigan na talaga kami? Ayoko ng isipin iyon. Magugustuhan niya kaya ako kahit na masamang impresyon na ang unang naipakita ko sa kanya.

Nang nag P.E kami, una naming ginawa yung badminton bago magpractice ng cheering para sa nalalapit na intramurals.

Agad akong naging star player sa grupo namin nang naglaban-laban kami sa badminton. Magiling talaga ako sa mga sports at mga kung anu-ano pang may koneksyon sa galaw-galaw. Nagsimula na rin kaming nagpractice sa cheering squad kung saan parating napapagalitan si April dahil di siya marunong. At eto pa ang worst, si Eunice ang leader ng 6th year na squad kaya kawawang-kawawa si April. Pati na rin ako minsan… Wala si Jacob para ipagtanggol si April eh, kasali kasi siya sa basketball team…

“Sige! Till next P.E time!” Sabi ni Eunice pagkatapos naming nagpractice.

“Roseanne… Uh…” Si April! “Uh… Sana next week magbaon ka na lang para sabay tayong kumain sa field o sa canteen.” Aniya na ikinagulantang ko.

“Uhmm. O sige.” Sabi ko. “Tsaka… Rosie na lang.” Sabay ngiti ko.

Mabuti at di niya ako pinigilang umalis. Pero nang malapit na ako sa gate at iniisip na sa wakas ay weekdays na…

“Roseanne!” Kung sana ay babae yung tumawag, sasabihin ko ng si April iyon pero lalaki eh.

Lumingon ako sa likuran ko. Si Jacob ay naglalakad papunta sakin, matamad niyang binuhat ang bag niya sa iisang balikat. Si April naman ay nasa likuran niya, nakatayo at inaayos ang eyeglass habang tinitignan kaming dalawa.

“A-Ano?” tumigil ako sa paglalakad.

“Simulan na natin ang thesis natin…”

“Diba sabi mo maaga pa-“

“Simulan lang naman diba? Di pa tatapusin…”


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: