Until Forever – Kabanata 6

Kabanata 6

Happy Birthday

Lumayo ako. I know it was weird to hate someone like that. Walang rason at madalas hindi ko alam kung iritado ba ako sa kanya o takot. Mas kumportable akong kasama ang ibang mga kaibigan kumpara sa mga pinsan. Azi’s likes hanging out with me though.

“Gustong manood ni Erin at Klare nong bagong movie sa 3D.” Ani Azi habang nag aaral kaming mag shoot sa target range ng kaklase namin.

“Uh yeah. Manood kayo.” Sabi ko pagkatapos pinutok ang baril.

Tinanggal ni Azi ang kanyang headphones.

“Di ka sasama? Got a date again?” Tanong niya.

Nilapag ko ang baril sa table at tinanggal din ang headphones ko. Mas narinig kong mabuti ang mga tunog sa paligid. Umiling ako kay Azi. “Mag papractice pa ako ng airsoft.” Sagot ko kahit na gustong gusto kong sumama.

“Oh come on, Dude. Ayokong mag isa si Klare. Iniisip kong imbitahan si Andrea.”

“Nandyan naman si Erin.” Sabi ko.

“Isasama niya si Evan.” Bigong sinabi ni Azi.

Lahat ng rason ko ay tumakbo kung saan. Agad akong nag desisyon na sumama. Magiging thirdwheel at ma o-OP si Klare sa kanila. But she hates me too much, she won’t be happy when I’m around.

“Isama mo si Jos. Wala siyang girlfriend ngayon.” Lumabas sa bibig ko.

“The heck, anong problema mo? Dahil parin sa away niyo ni Klare? Seriously, nakalimutan ko na kung bakit kayo nag aaway.” Aniya habang sinusuot ang Ray-ban.

Nagkibit balikat ako. “I need to practice.”

“Na aaddict ka na sa sport na ‘yan. That’s an expensive sport. Mula yata nong nagpasko ka sa Singapore last December, ‘yan na inaatupag mo.”

Well that’s called diversion.

“End of March papa New York kami ni Ate Yasmin. I need to prepare Azi. This is a family thing.” Alibi ko.

“Whatever, dude. Atupagin mo ‘yan, basta ako, malapit na akong maka third base.”

Umirap ako sa kawalan. Seriously, what’s with the bases? Nag break na sila nong older girl na dini-date niya dahil narealize nong babae na pinaglalaruan siya ni Azi. That’s better, I think. Kumpara kay Josiah na palaging blind ang mga babae sa mga panloloko niya. Azi’s transparent. Josiah’s a liar.

Nagpatuloy naman ang pag ti-text ko sa iilang babae. I date and kiss them, too. Pero hanggang doon lang iyon. Unlike Azi, I don’t have goals and checklists to fulfil.

“Fucking shit, Ej!” Dinig kong sigaw ng isang pinsan ko sa kabilang bato ng range.

I like this sport. Mas masaya talagang mag laro pag marunong ka at magaling ka sa larong sinasalihan mo. Tumatawa na si Justin sa tabi ni Spike. Lumabas na rin ang mga kaibigan kong kasamang naglalaro ng airsoft.

Nagbababad kaming lahat sa mainit na araw sa Bukidnon. Isang taon na rin nang natutunan ko ang sport na ‘to. It was a diversion. Dahil dito, mas naging busy ako. Finally, I’m not busy with girls. It’s my stress reliever. Nong una basketball iyon. Gusto ko parin naman ang basketball but it involves too much… well, stress.

Uminom ako ng Gatorade. Iritado kong tiningnan si Kuya Justin na namumula lang kahit na mainit. Pareho kaming pawis at kumikinang ni Spike at ng kapatid niyang si Maxwell.

“Asintadong asintado.” Tumatawang sinabi ng kaibigan ni Kuya Justin sa akin.

“Still need to improve.”

“And very humble at that.” Sabi pa nong isa.

Halos mailuwa ni Kuya Just ang iniinom niyang Gatorade. “Humble? I wanna puke. Mayabang ‘yan. Sobra. Tumatanggi lang ngayon pero sobrang yabang na niyan sa loob.”

Tumawa lang ako. Nag asaran pa kaming lahat. I’m damn tired. Mas pinili kong pumasok sa club house at panoorin sila doon kesa sa sumali sa kanilang giyera.

“Tara na!” Yaya ni Kuya Just sa mga kaibigan.

“I’ll pass.” Sabi ko.

Pinanood ko silang nagsisimula. Kuya Justin is so good at planning. Kaya madalas manalo ang grupo nila because of him. Pinaglalaruan ko ang bote ng Gatorade at inisip kung paano niya matatalo ang grupo nina Maxwell nang di sila natatamaan ng isa.

“Hell, Ej. Isang beses lang yata kitang natamaan.” Sabi ni Spike habang inaayos ang kanyang buhok.

“I’m just really good at hiding.” Sabi ko sa pinsan ko nang di siya tinitingnan. Masyado akong nahumaling sa laro nila sa baba.

“Malapit na naman ang July. I miss the US. Summer ‘to don, e. Tag ulan dito.” Iling niya.

“Yeah. But I don’t miss it that much. Mas gusto ko dito sa Pilipinas.” Sabi ko.

Nag simula kaming mag usap tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas. Alam kong pareho kaming Grade 9 pa lang at pakiramdam namin ay marami na kaming alam tungkol doon pero dahil na rin siguro sa involvement ng pamilya namin sa negosyo ay may kaonti kaming masasabi. The Philippines is improving a lot and I’m proud of that. Spike loves the US for the people. Hindi naman sa ayaw niya sa mga tao sa Pinas pero ‘yong pamilya namin ay naroon kaya mas gusto niya roon.

“Ej… Remember the last game we had? ‘Yong sa X.E?”

“Hmmm?” Nakatoon ang tingin ko sa kay Kuya Justin na muntik ng matamaan habang nagpapaputok si Maxwell.

Pinaypay ni Spike ang kanyang jersey na kulay yellow at may itim na apelyido niyang Vasquez. Tumingin ako sa kanya at naalala ko kaagad ‘yong tinutukoy niyang laro. We lost that game and Azi sprained his ankle.

“What about that?”

He pursed his lips. Agad naman akong na weirduhan. Kinabahan.

“Your cousin…”

Oh God, sinasabi ko na nga ba.

“She’s hot.”

Nakatoon na ang pansin ko kay Spike. Which cousin? I hope it’s Chanel. Iritado na si Rafael sa boyfriend non, e.

“Which cousin?” Tanong ko.

“‘Yong maputi.” Ngumisi pa siya lalo.

If he’s going to say chinita, I’m really gonna punch him straight. “Si Chanel? Petite? What?”

“Petite but hot.” Aniya.

“Si Chanel?” Pag uulit ko.

“You mean, Chanel, ‘yong kapatid ni Josiah? Hindi ‘yon. Well, she’s hot but I like your younger cousins.”

Tumindig ang balahibo ko.

“Erin? Erin’s her younger sister.” Sabi ko.

“No… Siya ‘yong morena, diba? She’s hot too pero ‘yong isa.”

Napalunok ako. “Claudette or Klare?”

“‘Yong maputi tsaka may dimple?”

I sighed heavily. Thank God. “Si Dette Dette.”

“Yeah? Claudette ba pangalan non? She’s hot dude. Can you introduce me to her?”

SURE. Bakit hindi? Kahit sino, syempre.

Hindi ko talaga alam kung bakit masyado akong over protective sa kanya. I mean, sure, pwede mo siyang kaibiganin pero naiirita ako. What the fuck is wrong with me?

Grade 9, September. Birthday niya at lagi siyang pinaghahanda sa kanyang birthday. Everyone’s got stupid gifts. Ako, wala.

“Asan na gift mo, Elijah, ilagay mo na sa table?” Sabi ni Erin habang may ginagawa siya sa laptop.

Umupo ako sa sofa at umiling. Nasa loob na ng hall ang mga bisita ni Klare na kaibigan din namin. Si Erin at ako na lang ang nasa labas. Nanliit ang mga mata ko nang nakitang profile ni Eion Sarmiento sa Facebook nakababad ang kanyang browser.

“You’re scanning Sarmiento’s pics?” Sabi ko.

Mabilis na naminimize ang browser at agad na nakita ko ang isang photo editor na may mukha ni Klare sa caricature na babaeng binubuhat naman ng lalaking may mukha ni Eion Sarmiento. Mas lalong nanliit ang mga mata ko.

Nataranta si Erin nang nilingon niya ako. “E-Eto ang gift ko sa kay Klare. Caricature nilang dalawa nong crush niya. Pinaframe ko.” Sabay pakita niya sa gift na dala-dala.

“Tsss. Kung ako makakatanggap niyan, I’d throw it-“

“Shut up, Ej. Si Klare naman tatanggap, hindi ikaw.” Aniya.

Bumukas ang pintuan ng hall at nakita kong lumabas si Azi na nagmumura.

“Where the hell is Dette Dette? Pinagbubuntungan na ako ng baliw na Knoxx na ‘yon. Kung sana ay siya na lang ang maghanap?” Ani Azi.

“Chill, Azrael. Bumibili siya ng gift.” Ani Erin.

Bakit may gift silang lahat? Ako, wala?

“Ohh ba’t di niya ako gayahin? I bought Klare 5 pieces of panties.” Humagalpak si Azi.

Nanlaki ang mga mata ko. I’m offended. Bakit niya bibigyan si Klare ng ganon?

“What did you just say, Azi?” Hindi ko maitago ang galit sa boses ko.

“Panty, dude, panty.”

“Marami siyang panty, bakit panty ang ibibigay mo?” Tumawa si Erin.

Halos mapapikit ako habang inuulit ulit nila ang salitang iyon. What the hell?

“I’m here!” Hinihingal si Claudette pagkapasok sa Dynasty Court, winawagayway niya ang kanyang regalong nasa loob ng box at nililingon ang labas.

Kinakalma ko ang sarili ko. I wanna punch something but I should stop myself from doing that.

“Anong binili mo para sa kanya? At bakit ka namumutla?” Medyo nag aalalang boses ni Azi.

Hindi ako makapagsalita. Masyado pa akong nagulat sa ibibigay ni Azi. Hindi ko mabura sa isipan ko ang isang bagay. Tumindig ang balahibo ko.

“I… uhm… libro ang ibibigay ko. Love story.” Nalilitong sinabi ni Claudette.

“Sinong writer?” Tanong ni Erin.

“Ohh… Those steamy hot love scenes na naman.” Ani Azi.

“Ikaw, Azrael, ewan ko kung saan mo nakukuha ang ideya mong iyan. Pag libro ba na love story kama agad ang naiisip mo?”

“Of course! Page one hundred and fourteen, excerpts from God knows what book, ‘He licked my lips and I shudder. He grabbed me by the waist and forcefully backed me into the wall kissing me-“

“TF ‘to Kuya. Shut up!” Sabi ni Claudette.

Mas mariin kong pinikit ang mga mata ko.

“What’s TF? The Fuck?” Ani Azi.

“Teen Fiction. Goodness! Ewan ko sayo!” Iritadong sinabi ni Claudette at dumiretso na sa hall.

Dumilat ako at tiningnan ang gulat na mukha ni Azi. Itinuro niya ang pintuan kung saan umalis si Claudette. Humagalpak naman sa tawa si Erin habang sinasarado ang kanyang laptop.

“She’s suddenly just mad. Sinasabi ko lang ang opinion ko.”

“That’s because you’re stupid.” Iritado kong sinabi.

“Oh, pati ikaw? Anong ginawa ko sa inyo?”

Umiling si Erin at nilagay ang laptop sa loob ng bag.

“Why would you say something so graphic in front of your sister. At bakit mo bibigyan si Klare ng…” I couldn’t say the word.

“Panty? Dude, binigyan ni Josiah si Klare ng panty nong December. Nasa Singapore ka non kaya di mo alam. I gave Erin a bikini. What’s your point?”

Ginulo ko ang buhok ko. Yeah, what the hell is my point? Tumayo ako at kasabay ni Erin ay pumasok na sa hall na maraming tao at kaibigan namin. Kumpleto ang pamilya sa simpleng salu-salo para kay Klare. Charles entertained our parents habang abala kami sa pag uusap sa iba’t ibang table. Sa table naming mga boys ay kasama namin ang iilang mga lalaki ring kaibigan ni Klare.

Pinag lalaruan ko na naman ang baso ng tubig. Ayokong manood sa tawanan ng mga girls. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone ko at naging abala ako sa pagtitext.

Abala sa pag uusap si Josiah at Damon habang si Azi naman ay salita nang salita tungkol sa magandang kaklase ni Klare.

“Full rack, dude. Nine.” Ani Azi habang nirereplyan ko ang text ni Spike.

Spike:

Safe ba siyang naka pasok ng hotel?

What?

Ako:

Claudette?

Spike:

Sino pa bang iba? Hinatid ko siya. I used dad’s car.

Nanlaki ang mga mata ko.

Ako:

Wala ka pang lisensya, ah? You’re underage. That’s probably why she looked like she’s going to pee in her pants.

Spike:

You’re giving me a real bad and hot picture of her inside my head, Ej. You like me for your cousin, huh

Kumalabog ang table at halos mapatalon ako. Siguro ay dahil masyado akong nahumaling sa pag uusap namin ni Spike kaya kagulat gulat ang nangyari. Ngunit mas lalong nakakagulat nang nakita kong si Klare ang pumalo rito.

She’s wearing a dress that’s too short. Iyong tipong pag yumuko siya, makikita na ang kaluluwa niya. This is why I didn’t wanna look at her. Damn.

“Azi! Stop it! Hindi ka papatulan ni Hannah!” Ani Klare.

“But she’s cute. At kanina pa siya tingin nang tingin sa akin. I know Julia and Liza. Transferee ba ‘tong si Hannah?”

Lumagapak ulit ang kamay ni Klare sa table. Her nails were red. Nakita ko rin ang kaonting kulot sa kanyang buhok para lang sa araw na iyon.

Tumawa si Klare. “Stop it!”

This is pissing me off. Imbes na patulan ay natuto na ako. Mas pinili kong magreply kay Spike.

Ako:

My opinion doesn’t matter. Try mong kausapin si Knoxx at Azi.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko kaagad ang diretsong titig ni Klare sa akin. Nakahalukipkip siya at instinct siguro ang nag tulak sa akin para itago ko ang cellphone ko. Nag taas siya ng kilay sa akin at nilagpasan niya ako ng tingin.

“Just kidding, Klare!” Sigaw ni Azi. “Happy birthday!” Hinalikan niya si Klare sa pisngi.

Uminit ang pisngi ko. Tulala ako habang pinagmamasdan na ganon din ang ginawa ni Damon at Rafael. Ganon din ang ginawa ni Josiah at Justin.

“Cousins only.” Banta ni Raf sa mga lalaking kaklase ni Klare.

“Happy birthday, Klarey!” Sigaw ni Knoxx at hinalikan na rin si Klare.

Huminga ako ng malalim at napatingin na si Rafael at Knoxx sa akin. Hinagkan ng mga girls si Klare. Kinalma ko ang sarili ko. Just say ‘Happy Birthday’ and kiss her, Elijah.

Tumayo ako at halos lumutang sa kaba. Inayos ko ang buhok ko at nag iwas ng tingin sa nagkakatuwaang girls.

“Mag aaway na naman kayo pag di mo siya i-gi-greet.” Bulong ni Josiah sa akin.

“Mag aaway kami pag igi-greet ko siya.” Sagot ko kahit na alam kong wala akong pake kung mag away kami, gusto ko siyang i greet.

“Mag away pero na greet o mag away kasi di na greet. Ano ba mas maganda?” Tinapik ni Josiah ang balikat ko.

Hindi na ako nag alinlangan. Inunahan ko na ang kaba ko. Hinigit ko ang braso ni Klare kaya napalayo siya kina Erin. Nagulat siya sa nag higit sa kanya pero bago niya pa ako nalingon ay hinalikan ko na siya ng mabilis sa pisngi.

“Happy birthday.” Bulong ko sa gitna ng mabilis na pintig ng puso ko.

Dammit. Dammit! DAMN IT! Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko?

Napawi ang ngiti ni Klare nang nakita kung sino ang nag greet sa kanya. Nabigo agad ako. I told you so, Elijah. She’s gonna be pissed. She’s gonna be pissed!

Umirap siya at nilingon ulit sina Erin. “Ang ganda talaga. Ilalagay ko ‘to sa kwarto ko! Konti lang ang frame sa kwarto ko!”

Pinalagpas niya. Shit! Pinalagpas niya! Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Nilingon ko si Azi na tumango sa akin. Alam niyang nag tagumpay ako nang di nasasampal.

“Sana ako rin.” Humalakhak ang kaklase ni Klare sa table.

Binalingan ko kaagad ng tingin ang kaklase niya. Nakita niyang tumitig ako. Sinulyapan ko ulit ang mga girls na palayo na doon bago bumaling ulit sa kaklase ni Klare na ngayon ay halos mamutla.

“Makakatikim sakin ang poporma kay Klare.” Sinabi ko iyon kay Azi pero pinaringgan ko lahat ng kaklaseng lalaki ni Klare.

Fuck the hell off.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: