Until Forever – Kabanata 5

Kabanata 5

Jerks

Syempre, hindi pumayag si Rafael na umalis. Nag aksaya pa ako ng isang oras para maayos si Alyssa at kumbinsihin si Rafael pero di rin naman pala aalis. Pinaulanan ko na ng text si Azi at Joss na pupunta ako don sa loob ng isang oras. Of course, using Rafael’s phone. Patay na ‘yong akin. Kinailangan ko pang tumawag kay dad using Raf’s phone again just to tell him about the phone.

“Dad, nasira ang phone ko.” Sabi ko habang pinagbuksan si Alyssa sa sasakyan.

Pinanood niya ako. Tiningnan ko lang siya habang nakikinig sa sinabi ni dad na gumamit ng spare phone o ipaayos. Dammit, kung pwede lang ipaayos ‘to. Basag ang screen at alam kong hindi lang iyon ang problema sa loob. Sa inis ko kanina, buong lakas ata ang nagamit ko sa pag bato nito.

God, I hated Klare for that. Somehow I’m blaming her.

“Ikaw ang bahala. Funds mo ‘yan. I hope you stop being so materialistic.” Mariin niyang sinabi. “Hindi ka ba makakapag hintay ng December?”

“What? December pa ako magkakaphone? I’m not materialistic. Tsaka I’m not asking for another iPhone. Low cost Android phones will do.” Sabi ko.

Pumasok na ako sa loob. Diretso ang tingin ko sa kalsada habang sinisenyasan ang driver nina Rafael na paandarin na ang sasakyan. Nagpaiwan si Tatiana at Raf. Babalikan na lang daw sila nong driver. Namura pa ako kanina dahil aksaya daw sa gas. Kasalanan ko ba ‘yon? I want to go home.

“Bahala ka.” Ani dad at binabaan niya na ako.

Fuck it. Humanda talaga ‘yong mga pinsan ko. Nilapag ko ang cellphone ni Rafael sa dashboard. Pinayagan niya pa akong gumamit nito patungong Cagayan de Oro. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niyang halughugin ni Tash ‘yong phone niya o talagang nag magandang loob lang siya.

“Elijah, bakit mo kasi tinapon ‘yong phone mo at bakit tayo uuwi?”

Halos mapatalon ako nang maalalang nandon nga pala si Alyssa sa likod. “Ah, hindi ko tinapon. Nadulas sa kamay ko.” I lied.

Hindi niya naman nakita. Hindi ko alam bakit niya naisip na tinapon ko.

“Ba’t nagmamadali kang umuwi? Ayaw pa ni Raf at Tatiana, ah? And we’re having a good time.”

Nilingon ko siya.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. She’s smoking hot. I won’t deny that. At nagkasala talaga ako. I was just tempted. Come on. No need to feel guilty. She liked it too. She asked for it. Sabi ni Kuya Justin, the key to a peaceful life is to just wait for the girls to beg. Gusto niya, tinugunan ko lang.

“I need to run some errands.”

Ngumiwi siya. “But I thought you’re free?”

Suminghap ako. “I’m sorry. Babawi ako.” at tumingin na kaagad sa kalsada para maiwasan ang dugtong niya.

Narinig ko ang hininga niya at hindi na ulit siya nagsalita. Sa kalagitnaan ng byahe ay nilingon ko siya at nakita kong nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa labas.

She’s mad, right? Paano ko ba gagawin ‘to?

“Alyssa, saan nga pala ang bahay niyo?” Tanong ko para malaman ko kung saan kami didiretso ng driver.

Tumingin siya sa akin. “Sa LimKetKai mo na lang ako idrop. Nandon mga kaibigan ko.” Aniya.

Holy shit. Doon din ang punta nina Azi! Doon kami manonood ng sine!

“Oh that’s good. Magkikita pa kami ng mga pinsan ko bago ako aalis para sa mga bilin ni dad.” I’m going to hell now.

“Pinsan ba talaga?” Nagtaas siya ng kilay. “O ibang babae?”

Tumawa ako. “Ibang babae? Wala akong ibang babae.” Tinikom ko kaagad ang bibig ko at tumingin ulit sa kalsada.

“Ewan ko, Ej. I think marami kami.”

Uminit ang pisngi ko at napasulyap ako sa driver na seryoso naman ang tingin sa kalsada.

“Come on, Alyssa… anong marami?” Tingin ko sa kanya.

Tumingin ulit siya sa labas at hindi na nagsalita. Great! Panay na lang ang singhap ko. This is stupid. Ang hirap naman intindihin ng mga babae. Ano ba ang gusto niyang marinig? We’re friends. I’m single. Natural lang na marami akong girl friends like her. Kung iniisip niyang marami akong pinopormahan. Wala naman siyang ebidensya at hindi ko naman aaminin. Wala akong pinopormahan. Wala pa… Date, yes. Communicate, yes. Pero porma? Wala… pa.

“Sige, ihahatid kita sa mga pinsan mo.” Aniya nang nakarating na kaming Cagayan de Oro.

“What?”

“Why are you so shocked?” Nag taas siya ng kilay sa akin. Some detective moves there, huh… “Ihahatid lang kita-“

“Ako dapat ‘yong mag hatid sa’yo.”

“No, it’s okay. Nag text ‘yong kaibigan ko na nasa Big Flat Bread daw ‘yong mga pinsan mo, kumakain. Nasa Candy’s sila. Malapit lang naman.”

Hindi ako nagsalita. I’m just relieved na hindi pa sila nanonood ng sine. Makakahabol pa ako.

“Hindi ba allowed ang friends sa lakad niyo ng mga pinsan mo?”

“I probably won’t stay.” I lied again. “May kailangan pa akong gawin.”

“Oh… Okay…” Matabang niyang sinabi nang niliko na ng driver sa Rosario Arcade ang sasakyan.

What a jerk. Ginulo ko ang buhok ko. Sigurado na ang punta ko sa impyerno. Hindi ko alam paano ko natakasan si Alyssa sa mga tanong niya. Ni hindi ako kumurap sa bawat kasinungalingang sinabi ko.

Naaninaw ko kaagad si Damon sa outdoor table ng Big Flat Bread. Tumaas ang kilay niya nang nakita ang kanilang sasakyan na pumarada.

“Thanks. Nasa drawer na ang phone ni Raf. Balik ka na agad?” Tanong ko sa driver.

Kumalabog ang pintuan sa likod dahil lumabas si Alyssa. Narinig ko kaagad ang tili ng mga babae sa katabing restaurant ng inuupuan nina Damon. Great!

“Oo. Sabihin ko na lang sa kanya.” Sabi nung driver.

Nag pabirong hand salute pa ako bago ko sinarado ang pintuan ng front seat. Pag lingon ko sa dalawang katabing restaurant ay nakita ko kaagad ang mga babaeng kaibigan ni Alyssa doon sa table. Samantalang sa Big Flat Bread ay sa isang malaking table si Josiah, Damon, Azi, Claudette, Klare, at Erin. Tahimik silang anim at lumilingon pa si Claudette sa kabilang restaurant dahil sa ingay nila.

Nahihiyang lumapit si Alyssa sa kanyang mga kaibigan. Nilingon pa niya ako.

“So pano? Dito na ako sa mga pinsan ko?” Tanong ko.

“Can I introduce you first? Sa mga friends ko.” Nahihiya niyang sinabi sa akin.

Wala na ako sa sarili habang inintroduce ako sa lima niyang kaibigan. Iniisip ko na lang ang tahimik na table nina Azi. Madalas nakakarinig ako ng tawanan sabay tingin nila dito. Nag dirty finger pa si Azi nang nakita niyang nakatingin ako sa kanila.

Nang sa wakas ay nakawala ako kay Alyssa, dumiretso na agad ako sa Big Flat Bread. Hindi ko alam kung mumurahin ko ba sila o mananahimik na lang. Panay pa ang tingin ko kay Klare at iniisip kong agad niya rin akong mumurahin dahil sa nangyari kanina. Pero wala siyang imik. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.

“Alyssa Acosta. Wow, Elijah, girlfriend mo na?” Panimula ni Erin.

“Hindi.” Malamig kong sagot.

“What the fuck? Kailangan mo pang manligaw?” Like courtship is a big disgrace.

“Hindi ako manliligaw. At wag mo akong mabiro biro!” Sabi ko at wala sa sariling kinuha ang basag kong cellphone.

Halos mailuwa ni Damon ang iniinom na lemonade. “What happened to your phone?”

Nag angat ako ng tingin kay Klare na umiinom ng lemonade at nagtaas ng kilay sa phone kong basag.

“Nabasag.”

“Well, obviously.” Umirap si Damon sa akin. “Pero bakit?”

Naglaro ang mga mata ko kay Klare na inilipat na ang tingin kay Erin ngayon sabay taas ng dalawang kilay. Itinuro ni Erin ang mga babae sa Candy’s kasama si Alyssa.

“Don’t ask. I need to buy one right now. Bago tayo mag sine.” Sabi ko.

“She’s your grade diba, Elijah?” Tanong ni Erin. “She’s pretty, diba, Klare?” Baling niya kay Klare.

Tumango si Klare. “Yup. And sexy too.”

Not what I expected. Nilapag ko ang cellphone ko sa tabi ng mga pizza na inorder nila. Kumakain si Klare non habang tinitingnan ang grupo nina Alyssa.

“‘Yong katabi ni Alyssa, Klare. Okay ba ‘yan? Classmate namin ‘yan.” Sabi ni Josiah.

“‘Yong kaharap niya ‘yong maganda. Taga Pueblo Campus ‘yan.” Sabi ni Azi.

“Shut up, Azrael. Si Alyssa ang pinaka maganda sa kanila. Wag ka ng pumorma.” Ngumisi si Klare sa ngumungusong si Azi.

May kung ano sa tiyan kong hindi ko maintindihan. Lumunok ako at nagtaas ng kilay. Ngumisi rin ako at tumingin kay Josiah.

“Hindi ko siya liligawan. Friends lang kami. I’ll find someone else.” Sabi ko at narinig ko na lang ang tawanan ni Klare at Erin. Wala siyang pakealam. Wala siyang pakealam sa kahit ano.

I just want to piss her off. Para lang may pakealam siya!

“Ang sabihin mo, hindi mo kaya!” Sabi ni Azi sa akin.

Nagkibit balikat ako. “Bahala ka anong isipin mo. Sige nga, pormahan mo ‘yong kaharap ni Alyssa?” Hamon ko.

Lumingon agad si Klare sa akin. Now she’s pissed. She’s pissed because I challenge Azi. And I hate every fucking bit of it.

“Azi! Wag na! You’re already a horndog! Wag mo nang dagdagan.” Pigil ni Klare habang tumatawa si Erin at umiiling si Claudette.

Tumayo agad si Azi sa hamon ko. Naghiyawan si Damon at Josiah.

“He’s already a jerk, Klare. Ba’t mo pa pipigilan?” Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

Dumiretso ang mata niya sa akin. “Kung gusto mong pumorma don, wag mo siyang idamay.” Iritado niyang sinabi.

“Gusto niya, Klare. Kanina pa. Hinihintay niya lang na hamunin ko siya.” Sabi ko.

Nag uusap na si Josiah at Azi tungkol sa babaeng kaharap ni Alyssa. Iniisip pa nila kung 8 o 9 ba ang babaeng iyon. Alyssa’s 8.5 for me. We used to rate girls that way.

“Anong alam mo sa mga gusto niya?”

“Mga lalaki kami, Klare. Don’t act as if you know him so well.”

“Hinahamon mo! Maagapan pa siya!”

“Wala siyang sakit! Hindi siya maaagapan! It’s our nature!” Hindi ko na alam kung bakit namin pinagtatalunan ito.

I’m pissed because she’s protecting Azi’s ass from his favorite distress. Gusto ni Azi ‘yong pumorma sa mga babae. Hindi ko alam bakit iniisip ni Klare na kaya pa siyang ‘maagapan’.

“It’s your nature! Not his!” Aniya.

Now she thinks I’m a bigger jerk than him? Hindi ako pumuporma! And I swear to God hindi na ulit ako poporma. Ang tanga niya kung iyon ang iniisip niya!

“O sige, pigilan mo siya. Dali!” Sabi ko nang lumapit na si Azi sa mga babae.

Binalewala na kami ni Damon, Erin, at Claudette. Panay na ang ngisi nila habang nanonood kay Azi at Josiah na lumalapit doon.

“Go to him, Klare. Hilahin mo palayo…” Nanunuya kong sinabi sa kanya.

Umismid na siya at panay ang iling niya. Panay rin ang banggit niya sa salitang ‘cheap’. And I’m so pissed.

“Go to him. Ilayo mo siya sa mga babae.” Patuloy ko.

“Shut up, Elijah.” Aniya.

“Chill babies. Kanina pa kayo. We want to have fun here.” Ani Erin. “Hindi ko alam anong pinaglalaban niyo.”

Nakipagkamayan si Azi sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang kinagagalit ni Klare pero nang nakita ko ang galit sa mga mata niya habang tinitingnan ako ay nanikip na lang ang dibdib ko.

“There. Congrats, Elijah! He’s at it again.”

“We’ll, he’s at it ever since. Kung di mo ‘yon nakikita.” Sabi ko.

“Sana di ka na lang pumunta dito. Sana nakipagdate ka na lang. We don’t need your presence here.” Humalukipkip siya.

Tumayo agad ako. Uminit ang pisngi ko sa galit at gustong gusto kong baliktarin ang mesa namin. Fuck…

“Okay fine! I’m the B.I. Suit yourself, Klare.” Sabi ko at tumalikod kaagad sa sobrang inis.

Nanginig ang kamay ko. Gusto kong tumama iyon kahit saan pero wala akong magawa kundi ang maglakad palayo.

“Uy! Uy! Klare naman!” Sabi ni Erin.

“Elijah, bro!” Sabi ni Damon sabay tayo at takbo patungo sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako nagpalamig. Basta ang alam ko ay kami na lang ni Damon ang magkasama sa mall habang ang mga pinsan ko ay naroon parin sa restaurant.

Yeah right… this isn’t my day.

Iniisip ko kung ano ang pakiramdam na ako naman. Ako naman ang pinipigilan niya. Naiirita ako kasi pinipigilan niya si Azi. Pag si Azi, may nasasabi talaga siya. Naiirita ako. They’re close, I get it. Mas close nga sila ni Josiah. Hindi ko alam kung bakit ‘to big deal sa akin. Hindi ko talaga siya makasundo. Gusto ko siyang makasundo pero hindi talaga namin magawa. Hindi niya sinusubukan. Ako lang. One sided ‘to. Naiirita ako kasi ang dali para sa ibang tao.

“Nahingi ko ang number nong pinsan mo, Elijah.” Sabi ng kaklase kong kasama sa varsity ng badminton sa amin.

Tumaas agad ang kilay ko. “Sino? Chanel, Erin, Claudette, or Klare?”

“Klare.” Sabay pakita niya sa number ni Klare.

Nabuhay agad ang dugo ko habang nag aayos ng sintas sa loob ng gym namin. Paano niya nakuha ang number ni Klare? Hindi ko alam. Kay Erin ba? Mabenta si Erin sa mga lalaki. Maraming naghahabol sa kanya at friendly din siya sa mga lalaki, si Claudette naman ‘yong madalas nalalagay sa pedestal dahil tahimik at medyo suplada. Si Chanel ay may boyfriend na. Si Klare… wala akong masabi.

“Paano mo nakuha ang number niya?” Kumunot ang noo ko. Inisip ko kaagad kung paano ko susuntukin ang mukha niyang nakangisi ngayon.

“Binigay niya. Hiningi ko tas binigay niya.” Ngisi ng kasama ko.

Nanlaki ang mga mata ko. That easily? Binigay niya? This isn’t Eion Sarmiento here. This is just a so-so player. Why would Klare give her number… She’s flirting?

Kinagat ko ang labi ko. Ilang segundo na lang masusuntok ko na ang lalaking ito.

Naaninag ko si Azrael at Josiah galing court. Hinihingal pa sila galing sa practice. Dinaluhan nila kami. Panay ang salita ni Azi pero di ko na maintindihan. Nakatingin lang ako sa kasama ko.

“Uy, wala namang masama diba? Kaibigan lang naman.” Sabi niya sa akin.

“Ano ‘yan?” Tanong ni Azi.

“‘Yong pinsan niyo, ititext ko.” Sabay high five niya kay Azi.

“Klare?” Tanong ni Azi.

Tumango siya. “Oo, e. Okay lang? Mukhang ayaw ni Elijah, e.”

Nag angat ng tingin si Azi sa akin. “Okay lang yan. She loves texting. Para naman di ako ‘yong pagbuntungan niya lagi.” Ngumisi si Azi.

“Oo nga! Okay lang ‘yon.” Sabi kong nag pagaan ng loob sa kaibigan namin.

My heart’s gonna explode. Bakit kaya ako nagkakaganito? Simple lang iyong sinabi ko pero ang hirap sabihin na ‘okay lang’.

Pumito si coach. Tumayo agad sila para lumapit ulit sa court. Naiwan ako dahil sa pagsisintas ng sapatos. Nilingon ko ang bag nong kaibigan namin. Katabi don ang cellphone niya. Pumikit ako ng mariin. Pagkadilat ay mabilis kong dinampot ang cellphone niya para hanapin ang number ni Klare at idelete ‘yon.

There’s something wrong with me.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: