Kabanata 3
Leave
I get it. Noah is a cold hearted boy. Magaspang ang kanyang ugali pero hindi ko alam kung bakit lubos na lang ang pagkahumaling ko sa kanya. Inubos ko ang siyam na buwan sa pagiging active sa kanilang fans club.
Siniko ako ni Everlyse nang nakitang papalapit ‘yong isang Grade 8 na laging bumibisita sa akin at nagpapacute. Nag iwas agad ako ng tingin. He just won’t stop.
“Hi, Meg. Lunch?” Tanong ni William pagkalapit sa upuan ko.
Panay ang pakiusap ko sa Panginoon na sana ay bumalik na ang teacher namin para maibigay niya na ang panghuling exam at nang sa ganon ay matapos na ito at mawala na itong si William sa harap ko. Ngingiti ngiti si Everlyse sa akin, nanunuya. Umiirap naman ako sa kanya.
“Mag aaral pa ako, Will, e.” Sabi ko sabay pakita sa mga librong dala ko.
“Oh, then I can help you study.” Aniya at nakapamaywang pa siya sa pag aabang sa akin.
“No. Mas effective akong mag study pag mag isa.” Sagot ko.
Nagkibit balikat siya. “Alright. Parang naiistorbo kita. See you later then.” Malamig niyang sinabi at umalis.
Tumango ako at hindi umimik sa kanyang pag alis. Nang nakalayo na siya ay hinampas ni Everlyse ang desk ko. “Lintik, Meg. Ang gwapo ni William tapos ginaganon mo lang?”
Nag angat ako ng tingin sa mga babae kong kaklaseng nakikiusyuso sa nangyari kanina. Pagod na pagod na akong mag explain kay Everlyse na hindi nga ako pumapatol sa lalaking hindi ko gusto.
“Hindi ko kayang bigyan ng chance kahit sino. Si Noah ang gusto ko.” Sa huling pangungusap ay sinabayan pa ako ni Everlyse.
Nauumay na siya sa kaka Noah ko at sa kaka deadma ni Noah sa akin. I don’t really mind. I sent him some letters. Hindi ko nga lang alam kung nababasa niya iyon. I find it corny but it’s what other girls do so I’ll joing the bandwagon.
Summer ng taong iyon, inakala kong pupunta na naman kaming New York pero dahil sa success na natamo ng Moon Records, ang itinayo ni mommy na recording company ay hindi kami natuloy. Masaya ako lalo na’t madalas akong pumupunta kina Everlyse para doon makapag sleepover at makapag movie marathon.
“Sumama tayo kina Stan, Meg.” Ani Everlyse kakagising ko pa lang.
“Hmm? Saan?” Tanong ko, kinukusot ko ang aking mga mata.
“Diyan lang sa basketball court ng village. E, mag babasketball sila kasama ‘yong banda at iilang kaklase nila. Kalaban nila ‘yong mga taga village din.”
“Kasama si Noah?” Halos napatayo ako sa tanong ko.
Ngiting aso ang sinalubong ni Everlyse. “Oo.”
Kapag talaga si Noah ang pinag uusapan ay hindi ako mapalagay. Gusto kong makita siyang nag ba-basketball. Panigurado ay magaling din siya sa larong iyon. Kinagat ko ang labi ko habang nag aayos. Shorts at puting oversized na tshirt ang isinuot ko. Tinali ko lang malapit sa pusod ‘yong dulo ng puting tshirt at nag handa na agad ako ng isang cartolina at pentelpen.
Habang naliligo si Everlyse ay sinulatan ko iyon ng “Go Noah! Fight! Fight! Fight!” Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Nagkalat pa ako sa kwarto ni Everlyse para lang matapos ito.
“What are you doing?” Tumikhim si Everlyse nang lumabas siya sa banyo at nakita ang ginagawa ko. “Grabe talaga.”
Ngumiti na lang ako at tiningnang mabuti ang banner na ginawa ko. I’m excited!
Pagkatapos magbihis ni Everlyse ay bumaba na kami. Wala na sina Stan at ang mga kabanda niya doon at ang sabi ay dumiretso na sa court ng village. Ilang block lang din naman ang layo ng court kaya nilakad lang namin ni Everlyse iyon.
Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang court. Sa bleachers nitong maliit ay may iilang babae ng nandoon at tinitingnan ang mga lalaking nasa gitna. Naka jersey sila, iba iba nga lang ang kulay dahil mukhang katuwaan lang naman ang game na ito.
“Doon tayo.” Sabay turo ko sa bleachers.
Palapit pa lang kami ni Everlyse ay tumataas na ang kilay ng mga babaeng medyo pamilyar sa akin. What is their problem? Nakita ko pa ang pagbubulung bulungan nila sa amin.
“Some of the girls are from other schools. Dalawa lang sa kanila ang schoolmate natin.” Ani Everlyse. “Dito na lang tayo.” Sabay hila niya sa akin sa dulo ng bleachers.
“Go! Constantine!” Sigaw ni Everlyse sa kanyang kambal na agad lumipad ang middle finger sa ere.
Ngumiti ako. He hates his full name. Kinuha ko ang cartolinang dala ko at nakita kong sa pagsasalita ng isang player ay nakatulalang nakikinig si Noah. Nakatingin siya sa banda namin.
Mabilis ko itong ipinasa ere para ipakita sa lahat ang pinaghirapan kong compromised banner. Tumili pa ako at tumalon talon. Nakapamaywang si Noah at nalaglag ang panga niya sa ipinakita ko.
“Go Noah! Kaya mo ‘yan! You are the best! Kahit saan! Sa gitara o sa bola, Ikaw ang pinakamagaling!” I chanted.
Napaface palm ng sabay si Stan at ang kanyang kambal na nasa gilid ko. Tumawa na lang ako at winagayway ‘yong banner. Nakita kong pumula ang pisngi ni Noah at pinagtulakan siya ng mga kaibigan niya.
“Hanep, bro!” May lumapit sa kanyang medyo kamukha niya at tinapik ang kanyang balikat.
“Shut up.” Sabay hawi ni Noah sa kamay nong mga nanunuya at nang aasar sa kanya.
Nilingon ako ng ilang players at nakita ko doon ang mga pamilyar na mukha ng mga schoolmate namin. I can’t believe I even saw William there! Mga Grade 7 yata itong kalaro nila.
“Meg, pwede ba?” Ani Everlyse na agad ko namang nilunod sa sigaw ko.
“You are the best! Kahit saan! Sa gitara o sa bola, Ikaw ang pinakamagaling! Fight Noah Elizalde!” Sigaw ko na sinamahan pa ng sayaw na ngayon ngayon ko lang din naisipan.
Nakita kong kumunot ang noo ni William habang nag iilingan at nag tatawanan naman ang ibang lalaki. Hinila ako paupo ni Everlyse kaya napaupo ako sa bleachers. Nilingon ko siya at pinag kunutan ng noo.
“Hindi bagay sayo ang magpaka tanga. Please, Meg.” Iling niya.
“I want to support him.” Paliwanag ko.
“We are supporting them by just being here. Wag ka ng magpakatanga, please.” Natatawa niyang sinabi.
“I want to show it, Lyse.” Sabi ko at tumayo ulit habang umiiling ang pinsan ko.
Nagsimula sila sa paglalaro habang ako naman ay pasigaw sigaw parin kay Noah minsan. Tuwing nakakashoot siya ay hindi ko mapigilan ang pagtalon ko. Ako lang yata ang maingay doon. Tuwing nakikita ko naman siyang sumusulyap sa akin habang humihingal ay para akong nabibigyan ng panibagong lakas.
“Ohhh, that other Elizalde is his older brother.” Ani Everlyse habang tumitili ako.
Nilingon ko siya. “Alin?” Tanong ko.
“‘Yong may Elizalde ring jersey sa kalaban nilang team.” Aniya.
Tumango ako at tumingin sa medyo kahawig ni Noah. Kaya pala niya hawig. They are both tall. Pareho din ang kulay ng kutis nila, ang matangos na ilong, at halos ang mga mata. Iyon nga lang, palangiti ang may mapupulang labi na Elizaldeng isa, habang si Noah ay halos palaging nakakunot ang noo at nanununtok ng kung sinong lalapit sa kanya. Ngumiti ako at sumigaw ulit para kay Noah. “Go Noah Elizalde!”
“And William looks pissed.” Wika ni Everlyse nang nakitang padabog na binagsak ni William ang bola sa court at sumulyap sa akin.
Tinikom ko ang bibig ko at unti unting gumapang sa akin ang katotohanan na maaaring galit siya dahil nakita niya kung sino talaga ang kinahuhumalingan ko. If it wasn’t obvious the whole year, now it is very obvious today.
“Siniko mo ako!” Sabi ni William sabay turo kay Noah.
“Humaharang ka! Dapat nga ay offensive foul ‘yon!” Sigaw pabalik ni Noah at agad namang pumagitna ang iilang mga players.
“Easy, dude, this is just a friendly game.” Anila.
Natigilan ako sa pagsisigaw at pinanood kung paano nila kinausap si William at kung paano hinarap ni Stan si Noah. Tumatango na si Noah kalaunan at nagpatuloy din ang laro. Huminga ako ng malalim at medyo nawala na ang kaba sa namuong tensyon.
Kalaunan ay bumalik ulit ako sa pag sigaw sa pangalan ni Noah. May biglang umubo sa gilid ko. Nong una ay naging abala ako sa pag sigaw dahil naipasok ni Noah ang bola kaya lumamang ang kanilang team. Pero nang lumakas ang ubo ay nilingon ko na ang tatlong nakahalukipkip na babaeng naroon.
Pareho silang tatlong naka skater skirt, iba iba nga lang ang kulay. Nakataas ang kilay ng nasa gitna at ang kulot kulot niyang buhok ay hinahawi niya.
“Will you stop shouting?” Anang babaeng nasa gitna. “Nakakairita.”
Nalaglag ang panga ko. Lahat ng dugo sa aking katawan ay dumiretso sa aking ulo at kumulo.
“Then you go home if you’re annoyed. I’m here to cheer. Kung hindi niyo matanggap, cheer with me, deal with me, or go home.” Ngumiti ako at nilingon ulit ang court.
Tumawa silang tatlo. “Seriously, makakatulong sa’yo ‘tong advice namin. It’s better if you just stop shouting. Nagmumukha kang tanga.”
“Ako ang nag mumukhang tanga, hindi kayo. So why do you care? Didn’t your mother teach you that you should stick your nose to yourself?” Nagtaas ako ng kilay at iritadong kinailangan ko pa silang lingunin imbes na manood sa laro ni Noah.
“What’s that, Everlyse?” Narinig kong sigaw ng pinsan ko galing sa court.
“Nothing, Stan.” Sigaw pabalik ni Lyse at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso.
“You should be thankful, girl. Seriously, tingin mo nagugustuhan ni Noah ang ginagawa mo? He thinks you’re a bitch or a crazy fan girl.” Anang babaeng nasa gilid.
“He’s blushing not because he likes what you are doing. Namumula siya kasi nahihiya siya sa ginagawa mo. Ikinakahiya ka niya.”
Kung kanina ay nililingon ko lang sila, ngayon ay hinarap ko na sila. Kumulo pa lalo ang dugo ko at pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa inis. Bakit nila kailangang makealam sa ginagawa ko? Hindi ko naman sila pinapakealaman. Kung gusto nilang sumigaw para kay Noah, then I don’t mind! Kaya ko pang makipagkaibigan sa kanila para mag usap kami tungkol sa mga gusto nilang katangian kay Noah. I don’t mind!
“Excuse me, miss. Hindi ko alam na manghuhula ka pala. Kaya mo palang hulaan kung ano ang iniisip ni Noah ngayon.” Sabi ko.
“Aba’t-” Pinutol ko ang babae at nagpatuloy ako sa mabilis na pagsasalita.
“Kung ayaw niya man sa ginagawa ko, then that is my business not yours. Hindi ba dapat masiyahan pa kayo dahil ayaw niya pala sa akin at baka kayo ang gusto niya? Bakit kailangan niyo pang mang basag ng trip?”
Habang nagsasalita ako ay hinila ng babaeng nasa gitna ang cartolinang ginawa ko. Hinila ko rin ito pabalik. Hinila iyon nilang tatlo dahilan kung bakit ito napunit. Nanlaki ang mga mata ko. They went too far for this! They went too fucking far!
“Buti nga sayo!” Sabay tawa nong nasa gitna habang itinapon ang mga pirasong napunit niya.
Itinapon ko rin ‘yong pirasong nasa akin at humakbang patungo sa mga babae. Nakita kong umatras sila. Naramdaman ko rin ang paghila ni Everlyse sa akin.
“Oh my God, Meg. No catfight for this please.” Sigaw ni Everlyse.
“How dare you ruin my banner!” Sigaw ko. “You filthy jealous bitches!”
“What’s going on?” Narinig kong sigaw ni Stan.
Hindi ko na nilingon ang court pero alam kong tumigil sila sa paglalaro. Ayaw kong tumigil sila para dito. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. I am better than these bitches so I should stop bothering. Nilingon ko ang court at nakita kong humahakbang si Stan patungo sa amin. Nakita ko ring nag jog si Noah galing sa kinatatayuan niya at tinapik ang balikat ni Stan bago lagpasan ang pinsan ko.
“What’s going on?” Ani Noah, malayo pa lang.
Halos tumigil sa pag pintig ang puso ko. What’s wrong heart? Ganon ba ka grabe ‘yong pagtibok mo na natigilan ka at tuluyan ng nag heart attack?
“Nothing, Noah.” Nakaya ko pang ngumiti. I don’t want to be a distraction.
“Your ‘fan’, Noah, is annoying.” Anang babaeng nasa gitna.
Gusto ko siyang supalpalin pero pinigilan ko ang sarili ko. I wasn’t raised to be violent when angry. Nanginginig nga lang ako sa galit at ang pag iisip na pwede ko siyang kaladkarin sa buhok ay nakakaengganyo.
“Bakit? Anong ginawa niya?” Tumingin si Noah sa babae, ang isang paa ay nakatapak sa unang palapag ng bleachers.
“I cheered for you guys, that’s all.” Inunahan ko lang ang babae.
“Ang ingay niya. Pinatahimik ko. I’m pretty sure you’re distracted because of her yells and stupid chants. Ayaw niyang tumahimik. She can’t seem to understand that you’ll play a better game without her stupid chants.”
“Noah-“
“At pinapaalis niya pa kami dito!” Singit nong babae.
Nilingon ko ang babae. “Pinapaalis ko kayo kasi nakekealam kayo!”
“Edi ikaw ang umalis. Mabuti pa ikaw ang umalis.” Sabi nong babae.
“Will you all shut up!” Iritadong sinabi ni Noah.
Umirap ako doon sa babae. Oo nga. Dapat ay tumahik na ang walang kwentang ito. Nilingon ako ni Noah. Kinagat niya ang kanyang labi at seryoso akong tinitigan.
“Can you leave?” Malamig na sinabi ni Noah sa akin.
Naramdaman ko ang hila ni Everlyse sa akin. Tumunganga pa ako sa sinabi ni Noah. Hindi mag sink in sa utak ko.
“I’ll cheer for you guys…” Lumiit ang boses ko.
“I said, Megan, you leave.”
“Meg, let’s go.” Bulong ni Everlyse.
“Bakit ako ang aalis? Bakit hindi sila? Wala akong ginawang masama, Noah.” Nanginig ang boses ko.
Hindi ko na maramdaman ang mga parte ng katawan ko. Namanhid na yata ang kabuuan ko. He is asking me to leave. He wants me to go.
“Do I need to say it again for it to sink? I said, you leave. You are distracting us. They are right. It’s better if you leave.” Tinagilid niya ang kanyang ulo na para bang hinahamon ako.
Bumagsak ang mga mata ko kasabay ng pagbagsak ng braso ko. Tumango ako at hindi ko sinulyapan si Noah habang ginagawa ko iyon.
I fully understand, Noah. Lumunok ako at hinawi ang kamay ni Everlyse sa braso ko. You don’t need to drag me out of here. I will leave. If that’s what he wants. That’s what he is asking. Tinalikuran ko siya at bumaba ako ng bleachers, nagmartsa palayo kahit na nanginginig ang mga tuhod ko at sumisikip ang paghinga ko.