Worthless – Kabanata 1

Kabanata 1

Noah Reigan Elizalde

Romeo’s first love was Rosaline. Hindi siya napagtuonan ng pansin sa sikat na play ni Shakespeare dahil ginawa lang siyang basehan ng pagmamahal ni Romeo. Ihinambing lang ng mga manonood ang pagmamahal ni Romeo kay Rosaline sa pagmamahal niya kay Juliet at napag isipan na mababaw iyong kay Rosaline kumpara sa pangalawa.

Nang nakita ng mga manonood na mas matindi ang pagmamahal ni Romeo kay Juliet ay tinapon na nila ang ideya ni Rosaline.

Rosaline was the reason why Romeo and Juliet met. Hindi ko mapigilang ihambing ang nangyari sa amin simula pa lang.

Grade 7 nang naging magkaklase kami ni Noah Reigan Elizalde. Nakaupo ako sa assigned seat, unang araw pa lang ng pasukan. Ang mga pinsan kong si Everlyse at Stan, also known as “kambal” ay parehong dito nag aaral simula pa yata nong Kinder pa sila. Ako naman ay palipat lipat ng paaralan. I lived in the States for months when I was younger. I will need to live there for God-knows-how-many-years again to complete my naturalization.

Pumasok si Stan, naka ballcap at naka pulang varsity jacket. Nagtataas siya ng kilay sa akin habang kumikinang ang mga piercings niya sa tainga. So… this school allows their male students to have those kinds of piercings inside campus, huh?

Lumakas ang halakhakan at napansin ko ang mabilis na pag galaw ng ibang babae. Ngumisi si Everlyse at kumindat pa sa akin. Her doe eyes became wider.

“What?” Linabi ko sa kanya.

Pinaikot niya ang kanyang daliri sa kanyang tainga sabay turo kay Stan. Oh, yes. She thinks her twin is going crazy over fame.

I think it’s not about fame, though. Stan was naturally arrogant. He enjoys the attention of other girls. Nilingon ko ang mga babaeng nangingiti at lumalapit sa kanila. I never thought die hard fans can exist in this school. I was wrong. They exist everywhere. At ang hindi ko alam ay magiging isa pala ako sa kanila nang napatingin ako sa isang lalaki.

Huli siyang pumasok sa classroom. Nasa likod niya nakasabit ang isang, tingin ko, electric guitar. Wala kasi akong alam sa ganong klaseng music. Dad wants me to enjoy violin or piano way back. Kaya kahit na hindi naman talaga ako ganon ka interesado ay pinilit akong matuto.

Isang tingin niya lang sa akin ay agad siyang bumitiw. Hindi niya na ako tiningnan pabalik, kahit isang beses. Hinarap lang ng lalaking ito si Stan, ang pinsan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki. Matangkad siya, hindi gaanong maputi, kulay pink ang manipis na labi, matangos ang ilong, malalim ang mga mata, medyo magulo ang buhok. Nakapamaywang siya nang nakipag usap kay Stan at nakita ko sa braso niyang hindi siya payat dahil sa muscles. Naka itim siyang t shirt at naka faded jeans.

Nagtawanan sila nina Stan kaya medyo napatalon ako at nakabalik sa aking ulirat. He’s just another attractive boy. Pumangalumbaba ako at naiwala ko na naman ang sarili ko sa titig ko sa kanya.

Tinanggal niya ang gitarang nakasabit sa kanyang likod at kinagat ang dulo ng isang itim na jacket habang nagsasalita siya. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Mabilis niyang sinuot ang isang jacket na sumisigaw ng Stussy bago pinulot at pinadausdos ang leash ng gitara sa kanyang katawan.

“Hoy!” Halos napatalon ako nang sigawan ako ni Everlyse.

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon siya. That better be important, Lyse. “What?” Tunog iritado kong tanong.

“I said I’ll call Stan and at least introduce you to his bandmates. Asar! Walang modo ‘tong kapatid ko.” Aniya at nagmartsa siya pinapaalis ang mga babaeng nakapalibot sa banda, nangungumusta sa nakaraang summer.

Tumigil ako sa pagpapangalumbaba at inayos ko ang buhok ko. Whatever was wrong with me, I’m pretty sure this can’t be good.

Tumingin sila sa akin at nakangising tumango si Stan kay Everlyse. Nagmartsa pabalik si Everlyse sa desk ko. Umupo ako ng maayos habang kumakalabog ang puso ko. Ngumiti ako sa kanila. Naglakad sila patungo sa akin, kasama naman ang iilang kaklase at schoolmate na nakikisawsaw na rin.

“Mga ‘tol, this is my cousin. Megan Marfori.” Ani Stan sa mga kabanda niya.

Tumango sila at may dalawang kabanda niya ang naglahad ng kamay.

‘Yong isang pinaka matangkad, at ‘yong isa namang medyo maskulado.

“This is Joey.” Sabay turo ni Stan sa medyo maskuladong kabanda. “And this is Warren.” Aniya sa matangkad.

Tumayo ako at tinanggap ang mga kamay nila.

“Is she off limits like Everlyse, too, Stan?” Nagtaas ng kilay si Joey at tumawa kay Stan.

Ngumiwi si Stan at hindi na sinagot ang tanong ni Joey. He’s arrogant but protective, I’ll give him that. Hindi na nila kailangan ng sagot. Tumawa na lang ang dalawa at nag high five sa isa’t-isa.

“This is Noah.” Ani Stan sabay tingin kay Noah.

Even his name screams heaven! Alright! Hindi ko mapigilang ngumiti. Hindi siya naglahad ng kamay. Tumango lang siya sa akin at bumaling ulit kay Stan para kausapin sa hindi konektadong topic.

“I’m Maria Georgianne Marfori.” Naglahad ako ng kamay kay Noah.

Tumango siya sa akin at tinanggap niya ang kamay ko. Tumitig ako sa mga kamay namin. Mabilis niya naman itong tinanggal lalo na nang may tumawag sa kanyang isang babae galing sa labas.

“Maria Georgianne, huh? But then I can call you Megan, right? Ayokong masyadong pormal.” Ani Warren at kinindatan ako.

Hilaw akong ngumiti at tumango bago sinundan ng tingin si Noah.

Nagpaalam sina Stan para pumwesto na sa likod kung saan sila uupo. Samantalang ako naman ay nakatayo parin at tinititigan si Noah.

“Girlfriend niya ba ‘yong kausap niya?” Napatanong ako kay Everlyse habang umuupo ako.

“Nino? Ni Noah? Walang girlfriend ‘yan.” Aniya at ngumisi.

Siniko niya ako nang di siya matahimik sa inasta ko. Nilingon ko siya at ngumiti.

“You like him?” Nagtaas siya ng kilay.

“He’s mysterious.”

“Oh girl. Masamang mahumaling sa mga misteryoso. Hindi mo alam kung anong pinapasok mo.” Ngumiti siya.

“Bakit?” Tanong ko, kumukunot ang noo.

“If Stan’s arrogant, he’s twenty more times more arrogant and snob.” Nag kibit balikat si Everlyse sa akin.

Hindi na ako nagsalita. Tiningnan ko na lang si Noah galing sa kinauupuan ko. Kailanman ay hindi pa ako nag kakacrush kahit kanino. Kahit nong elementary pa ako. The boys were friendly to me and I treat them my brothers or friends, that’s all. I just didn’t know what’s with Noah and why was I drawn to him from the very beginning.

“Look at those weird girls.” Bulong ni Everlyse sa akin palabas kami ng classroom.

Sa may hagdanan ay may iilang babaeng estudyanteng nakaupo at abala sa pag gugupit ng kung anu-ano.

“They don’t look weird to me-“

Hinila niya ang aking braso na para bang pinipilit niya akong umayon na weird nga ang mga babaeng iyon. “They’ve been cutting stickers for the Zeus since this morning! My Goodness! The event is still on Friday.” Ngumiwi si Everlyse.

Ang pangalan ng banda nina Stan ay Zeus. Iyon ang alam ko. So these girls are supporting Zeus. They are their ‘fans’ or something like that. Inisa isa ko ang mga babaeng ito at nakita kong nag gugupit nga sila ng mga pangalan, mga picture, at kung anu-ano pa. Dinidikit nila ito sa mga pins, mga mug, at marami pang iba. Interesting!

“What’s that? I heart Zeus pin? Do you have that at home?” Seryoso kong tanong kay Everlyse.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin. “Seryosong nagtatanong ka?”

“Uhm… kasi kambal mo si Stan kaya tingin ko meron kang ganon-“

Lumagapak ang kanyang palad sa kanyang noo na para bang may nasabi akong disappointing. Binalewala ko siya at tumitig na lang sa mga ginagawa ng mga babae.

I’ve never seen them perform so I can’t say I love their band. Gusto ko tuloy marinig silang tumugtog.

“Okay, so nakuha ni Noah Elizalde ang atensyon mo.” Sabi ni Everlyse at hinila na naman ako para makapagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ako nagsalita. Halos mabali na ang leeg ko sa kakatingin don sa mga fan girls na nag gugupit.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap niya ako sa kanyang mukha. “You can be an independent admirer, Meg. Wag ka nang magpamiyembro sa mga fanatics na iyan. If you’re thinking of joining them this early, then stop-“

“I’m not joining them, Lyse. I’m just curious.”

“Oh I know you, Megan Marfori. You like eating your own words.”

Ngumiwi ako sa kanya. “That’s none of your business, Everlyse. Ako naman ‘yong kakain.” I said matter of factly.

Umiling siya nang nilagpasan ko siya sa paglalakad. I don’t get why she hates fandoms too much. O siguro ay dahil lang kasi twin niya si Stan at hindi niya maatim na may mga die hard fans sa twin niyang nangungulangot naman gamit ang daliri sa kanilang bahay.

Itinakbo niya ang distansya naming dalawa at nagpatuloy siya sa kanyang sermon.

“May mga crush si Noah. Minsan ko na silang narinig ni Stan na nag uusap tungkol sa mga babae. And he’s a bit mature for his age. Sabi niya, love is impossible to feel at a very young age. Attraction lang daw ang maaari mong ma feel dito. He said something about having extreme feelings or attraction for someone because we are adolescent and that’s normal. Ayaw niyang tawagin itong ‘love’.”

Kumunot ang noo ko at natigilan ako sa paglalakad. Tinitigan ko si Everlyse. “Talaga?”

“Yes. Sa bahay ko sila narinig nong first at last nilang practice last summer. Well, I think he’s right. ‘Yong ibang mga kaklase ko kasi ay grabe na kung makapag deklara ng pag ibig, parang may digmaan kinabukasan, hindi pumapayag pag hindi nagkatuluyan. My god! We are still too young for that.” Ani Everlyse at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

Hindi ako makapaniwala. Sa ilang minuto lang naming paglalakad ni Everlyse mula ikatlong palapag ng building patungong basketball court sa labas ay marami na akong nalaman tungkol kay Noah.

“He liked Trisha Roncesvalles, Aria Miguel… ‘Yon ang alam ko. Well, my brother likes Aria Miguel too, maganda e.” Sabi ni Everlyse.

Tumango ako at umupo sa bleachers. May grupo doong mga babaeng nag va-volleyball. Tingin ko ay mga grade six pa lang sila.

“And that…” Sabay turo niya sa babaeng tinilian dahil sa pagkakadapa.

Maputi siya, may konting tigyawat, at side bangs. Tinutulungan siya ng isang maputi at may mahaba at umaalong buhok na kaklase niya.

“Is his sister, Reina Elizalde.” Ani Everlyse.

Tumango ako at tinititigan ang babaeng halos hindi makatayo sa pagkakadapa. Hirap na hirap ang kanyang kaibigan na tulungan siya at ang lahat ng mga kaklase niya ay tumatakbo na patungo roon nang biglang tumakbo si Noah para tulungan ang kanyang kapatid.

Napatayo ako. He looks pissed. Itinayo niya ang kanyang kapatid habang may sinasabi. Umigting ang kanyang panga at lumuhod habang tinatanggal ang alikabok na tumatak sa tuhod ng kapatid.

“See? Kahit sa kapatid niya, harsh ang taong ‘yan.” Ani Everlyse, patuloy niyang sinisiraan sa akin si Noah.

Ngumuso ako. “Galit siya kasi nadapa ang kapatid niya. Galit siya kasi nasaktan ang kapatid niya, Everlyse.” Sabi ko.

I would like that reaction everytime I’m hurt. I would die for that reaction, Lyse.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: