Chapter 5
Ang Pagkakakulong
“Dad, alam mo namang hindi ako tulad ni Ate Nat.” Umirap ako kay Daddy.
Ayan na naman siya at nangungumusta sa lovelife at career ko. Kaya ayaw kong sinasabi sa kanya yung nangyari samin ni Anthony nung isang araw dahil panigurado, dalawa lang ang pwedeng mangyari, lalayo ako sa Cebu o di kaya ay irereto niya ako sa ibang tao.
“May boyfriend na ako at mahal ko siya.” Untag ko habang iniisip si Jayden. Charing! Ang assuming ko talaga. Pero yes na, ayaw kong mag isip siyang nag loloko na naman ako. “Tsaka, I’ll work. No need to chain my future, dad.”
Si Ate kasi, sumusunod sa lahat ng gusto ni daddy at mommy. Ayaw ko pa namang sumunod sa mga rules. Gusto kong maging malaya.
“Saan?”
“Kina Chase Martin. Sa Resort nila sa Bantayan. That means mejo mamamalagi na ako dun.”
“Bantayan Island?” Tumaas ang kilay ni Daddy.
Umirap ako at tumayo na. “Alis na ako dad, pupuntahan ko pa sina Erica.”
“Alright.” Suminghap siya. “Tawagan mo naman yung mommy mo! Kakarating lang nila ng Manila. Hinahanap ka. Hindi ka raw sumasagot.”
“Opo. Sorry po. Medyo busy. Mamaya.”
Lumabas ako sa VIP section at tumuloy sa section nina Chase. Nandun parin sila at kasama na nila ang tatlong mukhang mga propesyunal na mga babae. Dalawa sa mga babae dun ay nakikipag usap kay Jayden. Nakangiti si Mr. Masungit habang kinakausap ang dalawa.
Nasulyapan niya ako at bumaling siya kay Chase. May sinabi siya kay Chase na dahilan kung bakit sabay-sabay silang tumayo at umalis.
Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood ang pagdako ng kamay ni Jayden sa baywang ng huling babae. Makinis at mahaba ang buhok ng babaeng ito. Mukha rin siyang interesado kay Jayden dahil masigla silang nag uusap na dalawa. Sumulyap si Jayden sa akin nang nandoon na sila sa pintuan at palabas na. Naabutan niya akong tulala at nakasimangot sa kanilang dalawa.
Nag half-run ako palabas ng Crimson para maabutan sila.
Nakita kong hinatid niya sa loob ng taxi ang tatlong babae. Nakangiti siyang kinawayan ang mga ito. Nakita ko ring umalis na si Chase at Luke gamit ang kani-kanilang sasakyan.
Pinatunog ni Jayden ang sasakyan niya tsaka kinawayan si Chase at Luke.
“Jayden!” Tawag ko.
Lumingon siya at sumimangot sakin.
“What?”
“Saan ka pupunta? Pwedeng pahatid?”
Nilingon niya ako.
“I’m not your driver.” Masungit niyang sinabi.
“Kung pwede lang naman sana. Kung uuwi ka ng Riala, pwede namang i drop mo na lang ako sa Mango. Kailangan kong pumunta dun. Nandun kasi ang friends ko.”
“What is with you and your night life?” Kumunot ang noo niya.
“What?” Kumunot din ang noo ko.
“And what’s with your clothes? Tss. Diba sabi ko sayo wag kang mag soot ng mga ganyan ka iksi kung ayaw mong mabastos?”
Tinignan kong mabuti ang short-shorts ko at peplum top.
“Anong gusto mong sootin ko? Yung pang nanay?”
“I just want a ride. Come on. Masyado ka talagang namemersonal.” Ngumiti ako.
“At ano na naman ang gagawin mo sa Mango? Sasayaw ka na naman sa stage? Para may makalandian?” Nag iwas siya ng tingin sakin.
“Hey, what’s your problem? Nung isang araw ko pa talaga napapansin ah? Ilang linggo pa lang tayong nagkakilala pero parang may pinaghuhugutan ka ng galit sakin? Ano ba yan? Kailan mo itinanim ang galit mo at hanggang ngayon ba ay dinidiligan mo parin? At anong klaseng halaman yan bakit hindi ko alam?”
Umiling siya at binuksan ang sasakyan niya.
Binuksan ko na lang ulit ang pintuan ng sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob. Narinig ko na naman ang maingay niyang paghinga ng malalim.
“Kung mag trato ka ng ibang babae, okay lang naman ah. May pahawak-hawak ka pa sa baywang. Ako kahit titig, di mo nagagawa. Hindi ko naman naapakan ang paa mo nung una nating pagkikita, ah?”
“I just don’t like you… That’s all.” Pinaandar niya ang sasakyan niya.
Natahimik ako sa sinabi niya. Parang kinukurot ang puso ko. I’m so pissed. I like him at hindi ko maintindihan kung bakit. Though he’s getting under my skin, I still can’t hate him.
Hindi na ako nagsalita. Nang naramdaman niya ang inis ko, siya naman yung nagsalita.
“We’re going home.”
Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Nilingon ko siya. Sa sobrang inis ko ngayon, naiiyak na ako. Pero ginawa ko ang lahat para hindi tuluyang bumuo ang luha sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim at sinubukang huminga normally.
“Pupunta ako ng Mango, Jayden. Umuwi ka kung gusto mo-“
“I’m the driver, here. Sasakyan ko ito at nandito ka sa loob kaya ako ang masusunod.”
Umiling ako, “Sasakyan mo ito. Sasakyan mo ang pag aari mo. Hindi ako. Maybe… just drop me here. I can walk from here. O di kaya mag tataxi.” Sabi ko sabay tingin sa mga kanto.
Umiling din siya, “We’re going home.”
“You are. I’m not.”
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya.
“Hoy! Isarado mo yan!”
“It’s either mananatili itong ganito o ibaba mo ako!” Sabi ko.
Bahagyang lumiko ang sasakyan niya dahil inabot niya ang kamay kong nakahawak sa pintuan.
“Close it!” Sigaw niya.
Ayaw ko sanang sundin pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila para maisarado ko yung pinto.
“Stupid stubborn girl!” Untag niya.
“Bakit di mo pa tinitigil? Do you want me to jump from here?”
Hinampas niya ang manibela ng sasakyan niya.
“Fine! Ihahatid kita sa night life mong yan. But I won’t give you that satisfaction.”
Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Hindi ko naintindihan kung anong satisfaction ang sinasabi niya pero ang importante lang sakin ngayon ay sinabi niyang ihahatid niya ako.
God! I should have brought my car. Hinawi ko ang buhok ko.
Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na kami sa Mango. Maraming tao at maingay kahit sa labas ng Hybrid. Nakangisi na ako nang nakita ko ang ilang kakilala ko. Para akong batang ipinasyal sa Disneyland.
“Dito lang.” Utos ko sa kanya.
Pero nabigla ako nang hindi niya ako nidrop sa Mango. Humanap siya ng parking space at nag park.
“A-Anong? Are you staying? May pupuntahan ka rin?” Tumaas ang kilay ko.
“I said… I won’t give you that satisfaction. That means, I won’t give you the freedom to dance and drink all over this place. I’ll be watching you tonight.”
Nalaglag ang panga ko. Lumabas na siya ng sasakyan at nanatili ako sa loob na nakalaglag ang panga. Sa unang pagkakataon, na gustuhan ko ang pagkakakakulong ko. Kung kapalit naman ng sinabi niya ay ang freedom ko, wala akong pakealam. Somehow, it was heart warming.
Kinatok niya ang pintuan ko nang narealize na hindi pa ako lumalabas. Inayos ko muna ang sarili ko tsaka dahan-dahan iyong binuksan.
“Did you change your mind?” Tumaas ang kilay niya.
Umiling ako, “Nope. Hell, I won’t.”
chapter 6 please sobrang relate 😂