Why Do You Hate Me? – Chapter 4

Chapter 4

Ang Trabaho

I don’t get it. Bakit ang hard niyang makitungo sakin? Para bang may atraso akong ginawa sa kanya.

Ilang araw ko rin siyang ngingitian tuwing naabutan sa labas ng mga unit namin. Pero ang tanging natatanggap ko ay ang mga malalalim na hininga niya at pag irap.

“I don’t get it, Erica. I mean… sobrang suplado niya. Hindi ko siya kayang ihandle.” Sabi ko sa cellphone ko. Nasa kabilang linya ang kaibigan ko.

Pupuntahan ko pa naman sila ngayon sa Alchology. Ayun, night out na naman.

“Edi hayaan mo. Hindi ka pa naman nauubusan ng lalaki. Bakit siya pa ang pinagdidiskitahan mo?”

“Ewan ko. Basta, I like him. Ewan ko…” Umiling ako at inisip kung bakit ko siya gusto. “Ewan ko.”

“Hay! Ewan ko rin sayo. Bilisan mo na dito. Andaming gwapo. May mga swiss expats. Nasa table namin. Tsaka nandito pa si Julio.”

Ngumuso ako at hinawi ang buhok.

“Diba noon mo pa ‘to crush? Diba M.U kayo nito noon pa?”

“Uh-huh… Pero kung crush niya parin ako ngayon baka hindi na kami M.U-” Hindi na ako nakapagpatuloy sa pagsasalita kasi nakita ko nang humahakbang si Jayden sa parking lot.

Naka puting longsleeve siya na nakafold halfway sa kanyang braso.

“Charity? Nandito rin yung ex mong si Aldwayne.”

“Call you later, Erica.”

“H-Huh? Hindi ka ba pupunt-“

Pinutol ko na ang linya. Kung pwede lang saksakin yung gulong ng sasakyan ko ay ginawa ko na. Pero agad akong nakaisip ng mas magandang ideya.

“H-Hey, Jayden!” Nag half-run ako papunta sa kanya.

Nang nakita niya ako ay agad siyang umiwas. Para bang virus akong dapat laging iniiwasan dahil kung hindi ay mahahawa siya.

“What?” Bumaling siya sakin nang nakalapit na kami sa sasakyan niya.

Red Mitsubishi Strada. Hindi ko tipo ang ganitong mga sasakyan pero, damn, ngayon nag iba na ang pananaw ko.

“Can I hitch? Nawala ko kasi yung susi ko. Got so drunk last night kaya hindi ko na maalala. And I need to go somewhere really important.”

Kumunot ang noo niya, “Iresponsable. Kung hindi mo naman pala kayang uminom ng marami dapat hindi ka na lang umiinom nang di ka malasing.”

“Yeah. I’m sorry.”

Mas lalong kumunot ang noo niya, “Pinalabas mo lang sa kabilang tainga mo ang sinabi ko, diba?”

Natigilan ako. Masyadong demanding ang tono ng boses niya. Hindi siya sanay sumunod sa mga utos, sanay siyang nang uutos. “I-I get it, Jayden. Hindi ko na uulitin, okay? Just… just let me ride with you.”

“Tsss. Bakit sakin pa? Marami pang iba diyan.” Sabay turo niya sa isang lalaking nakatingin saming dalawa na papunta din sa sasakyan niya.

“Hindi ko naman yun kilala. IKaw, kilala na kita. At mapagkakatiwalaan.”

“Magaligng ka namang magpakilala, diba, Trisha. Kaya kaya mo yan.”

“Hindi ako magaling. Kasi kung magaling ako, dapat ngayon alam mo na kung anong tunay na pangalan ko. I’m not Trisha. My name is Charity.”

Nanlaki ang mga mata niya, “Hindi ka lang pala malandi, sinungaling ka pa.”

“What? Ako nagsisinungaling? My name is Charity, Jayden. That’s the truth.”

“Kung ganun bakit mo sinabing Trisha ang pangalan mo? Sinungaling ka parin.” Matabang niyang sinabi.

Ano bang problema ng lalaking ito at bakit mukha siyang may pinaghuhugutan?

“What’s your problem? Hindi naman ikaw yung sinabihan ko na Trisha ang pangalan ko, diba? Yun lalaki sa bar. Not you… And besides, I’ll have my own name if I want to.”

“Dinudungisan mo ang mga pangalan ng ibang tao.” Malamig niyang sambit.

Natahimik ako. Pinatunog niya ang sasakyan niya tsaka pumasok. Binuksan ko ang pintuan ng front seat niya at umupo doon.

“Come on, I just want a ride. Bakit malayo na ang narating ng usapan natin?” Ngumisi ako.

Suminghap siya, “I don’t really want you around me.”

Napalunok ako. Bakit ayaw na ayaw niya talaga sakin?

“Ano bang nagawa ko at bakit parati kang annoyed sakin? Para bang lagi kong naapakan ang pagkatao mo kahit wala naman akong ginawa kundi maging friendly sayo.”

Kumunot ang noo niya at inirapan ako, “I don’t really like friendly people. Sa pagiging friendly mo, mahuhulog din yan sa paglalandi.”

I’m kinda pissed now. Pero bakit imbis na kamuhian siya ay mas naattract ako sa kanya? Yung tipong sobrang mature niya. Yung maturity na hinahanap ko sa isang tao ay nasa kanya.

“Well, sorry na lang kung iisipin ng ibang tao na lumalandi ako. I’m just friendly. That’s all. Now, I hope you’re friendly enough to let me ride. Diyan lang naman ako sa may Crimson. Please.” Sabi ko.

Nakita kong ngumuso siya.

“Are you stalking me?” Untag niya.

“What?”

Umiling siya, “Papunta din ako ng Crimson. You are stalking me…”

“Hindi no! Nandun ang daddy ko. May ka meeting sa VIP section ng restaurant nila. Pupuntahan ko siya. I like you, but I’m not that desperate to get to you.” Tumingin na lang ako ng diretso.

Naramdaman ko kasing natigilan siya at tinitigan ako dahil sa sinabi ko.

“Hindi ka ba nag si-seatbelt?” Tanong niya. “O baka naman hinihintay mo pang ako yung magsoot ng seatbelt mo sayo?”

“Tss. Hindi naman siguro tayo madidisgrasya nito. It’s okay. Sanay ako.”

“Whatever!”

Akala ko ipapaandar niya na ang sasakyan pero nagkamali ako. Inabot niya sa gilid ko ang seatbelt at nilock sa harapan ko bago pinaandar ang sasakyan.

“I don’t really like seatbelts. Pakiramdam ko nasasakal ako tuwing sinusoot ko sila.”

Sinulyapan ko siya. Kitang kita ko ang city lights na naka reflect sa seryosong mga mata niya. Expressive at malalalim niyang mga mata. Matangos ang ilong niya at manipis ang kissable lips. Matulis din ang panga niya. Yung tipong pang magazine na mukha. Yung buhok niya, clean cut at mukhang palaging in place. Hindi nagugulo.

“It’s not about you like it or not… Ang importante ay kailangan mo ito. For your safety.” Seryoso niyang sinabi.

Humalakhak ako, “Ayaw mo ba ng may konting thrill?”

Umiling siya, “Ayaw kong nakikipag usap sayo. Kaya just wait till we get there, alright.”

“Ang harsh mo naman. Ano ba talagang problema mo sakin?” Sabi ko habang tinitignan ulit ang mukha niyang nalilipasan ng iba’t-ibang kulay ng Cebu.

Nagkibit-balikat siya.

Sinubukan kong tignan ang playlist ng sasakyan niya. Tinignan ko rin kung anong meron sa loob ng mga drawers niya. Maybe evidences of…

“Anong ginagawa mo?”

“Nothing… researching.” Sabi ko.

“Researching bout what?”

“Okay. Wala akong mahanap. I google ko na lang… So… may girlfriend ka ba?”

Binigyan niya ako ng galit na mukha, “Wala.”

Ngumisi ako, “Ako rin walang boyfriend. Ba’t wala kang girlfriend? I bet because you’re too grumpy for the girls.” Nanunuya kong sinabi sa kanya.

Hindi siya sumagot. Agad niyang pinark sa tapat ng Crimson ang sasakyan niya. Hindi pa nga ako nakakalabas ay lumabas na siya at padabog na sinarado ang pintuan. Lumabas ako at nag half-run sa pagsunod sa kanya papunta loob ng Crimson.

“Wait lang, Jayden.”

Ngayon lang ako nainis sa heels kong ito ah. Pero parang hindi naman kasi kumpleto ang shorts at peplum top ko kung walang pumps.

“Hey, Jayden!”

Naglalakad lang siya pero ang bilis. Lumiko siya sa restaurant at binati ang mga kakilala niya.

Hiningal ako dun ah.

“Anak ni Mayor Rama, may hinahabol na lalaki.” Sabi ng isang bodyguard ni daddy na nakatambay sa pintuan ng restaurant.

I glared at him, “Nothing dangerous. Wag kayong OA. I’m just chasing my boyfriend.” Inirapan ko siya at dumiretso sa loob.

I think it’s my lucky day!

“Hey, people!”

Kumunot ang noo ni Luke at Celine nang nakita akong sumusunod kay Jayden. Suminghap si Jayden at umupo na sa harap nina Chase at Eliana.

“What a small world! Kilala niyo pala itong si Jayden?”

Nakita kong natatawa na si Chase at Eliana.

“Yup, Charity. Bakit?” Tanong ni Chase.

“He’s my new neighbor. Wow. Ang liit talaga ng Cebu. Paano kayo nag kakilala, Chase?”

“Classmate ko siya sa MBA, Cha. And actually, he’ll work for me para sa resort ko sa Bantayan? Naalala mo yung inoffer kong job sayo as HR? Pero tinanggihan mo kasi gusto mong mag night life gabi-gabi at ayaw mong kaharap ang dagat araw-araw?”

Nanlaki ang mga mata ko, “Huh? Tinanggihan ko ba iyon, Chase?” Pagkukunwari ko. “I don’t remember. Tinanong pa yata kita noon kung kailan ako magsisimula. Ikaw itong hindi na ulit ako kinausap tungkol diyan.”

Tumawa si Luke, “Where’s your ate, Cha?”

“Idunno, outside the country, whatever Luke. Chase? Ano? Kailan?”

Umiling si Chase, “I’ll just text you. Pagsasabayin ko na lang kayo ni Jayden. So…” Tumingin si Chase kay Jayden at sakin.

Nakita kong Biyernesanto ang mukha ni Jayden.

“That’s great!” Napapalakpak ako.

May biglang lumapit sakin, yung body guard ni daddy.

“Ms Rama. Pumasok daw kayo sa VIP section.”

“What? Hindi pa ba ito VIP section? Nandito si Chase Castillo.”

Umiling ang body guard, “Sa VIP section ng daddy niyo po.”

Umirap ako at hinawi ang buhok.

Nakita kong pinagmamasdan ni Jayden ang galaw ko pero umirap siya pagkahawi ko ng buhok ko.

Sinimangutan ko siya. What is his problem? Wala pa naman akong ginagawang masama?

“Wait lang kuya… Chase, deal na yan ah?” Sabi ko.

“Aryt.”

“Sinong hinihintay niyo?” Tanong ko.

Maingay na bumuntong hininga si Jayden sa tanong ko.

“Mga supervisor ng resort. I memeeting ko lang bago idedeploy. Ipapakilala ko yung general manager.” Sabay tingin ni Chase kay Jayden.

“Mga babae ba?” Tanong ko.

Tumango si Chase.

“Nako! Susupladuhan lang yan ni Jayden.”

Tumalikod ako at umalis. Habang umaalis ako ay narinig kong tumawa si Luke at Chase.

“Suplado ka na pala ngayon!?”

You mean… he’s not that grumpy? Nilingon ko sila at nadatnan kong nakatitig si Jayden sakin. Seryoso at malalim ang titig niya. Nagtatawanan si Chase at Luke pero seryoso siya kung makatingin sakin.

Kinindatan ko siya. Sige… Tignan natin kung sinong hindi mahuhulog, Jayden.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: