Scorching Love – Simula

Disclaimer: I do not have portrayers for any or my characters. Social Media accounts with my character’s name on it is not affiliated with me.

Simula

Nilalamig ako sa kwarto kung nasaan si Papa. Although I am used to the cold, I am still shivering right now. The news of him breaking down because of stress made us all panic. Syempre, bata pa si Papa para magkasakit.

“Kael!” tawag ko sa kapatid kong ginalaw ang tubo ng IV sa kamay ni Papa.

Gulat na napatingin si Kael sa akin. His big looking eyes innocently watched me as I shook my head. Inayos niya ang kanyang glasses na siyang nagpapalaki sa mga mata niya ngayon.

“Don’t touch that! We don’t know what if can do…”

“Sorry, I just want to check on Papa,” yumuko si Kael.

For the past three years, ako ang tumayong ina ni Kael sa America. Umuwi kami ng Pilipinas ngayon dahil sa nangyari kay Papa.

Ang sabi ng doktor, nastress daw si Papa at nagkamild stroke. Naagapan, mabuti na lang.

Hinahagilap ko ang konting hibla ng aking katinuan nitong mga nakaraang araw. My Papa is entrusting me a big responsibility and I’m not even sure if I can do it. Hindi parin ako maka-Oo sa kanya kahit na alam kong wala na akong magagawa.

He’s sick and we need to take care of our resort. He can’t do it while he’s recovering. Kael is just twelve. Kakagraduate ko lang ng Senior High at dapat magka-college na ako sa ibang bansa kung hindi lang kinailangan kong umuwi.

Pwede kong iwan si Kael para makapagpatuloy siya sa pag-aaral abroad ngunit hindi naman siya pumapayag. So I was forced to bring him here now.

“Ate, itatransfer ba si Papa sa Manila?” tanong ni Kael habang umuupo sa gilid ng kama ni Papa.

Tulog na tulog si Papa. Noon ay hindi ko masyadong pinagtuonan ang mga linya sa mukha niya. Ang mga iyon ang nagpapatanda sa kanya. It’s probably caused by stress. Is the resort that hard to manage, then?

“Titingnan pa natin, Kael. Kapag kulang ang pasilidad dito, maaring ganoon ang mangyari…” usal ko.

Pagkatapos kong magsalita ay bumukas ang pintuan ng kwarto. With the doctor is my Tita with some of her body guards.

“Tita…” tawag ko sabay lapit sa kanya.

Lumapit din ang kapatid ko para magmano. She held out her hand and removed her black gloves. Naka all-black si Tita Marem. Black dress, black stilletos, black fedora, black gloves. Her necklace and earrings were pearls. She looks so classic. Like an Aubrey Hepburn painting.

“Ang tigas ng ulo ni Kuya…” ani Auntie sabay iling.

Pagkatapos kong magmano ay nilagpasan niya kaming magkapatid para tingnan ang kalagayan ni Papa. Tulog si Papa kaya hindi niya makakausap. She turned to me when she realized that.

“Ilang oras na siyang tulog?” tanong niya.

“Three hours…” sabi ko.

Ngumiti siya. Even under her fair skin, her high cheekbones were highlighted.

“Paano iyong resort?”

“Maayos pa naman, Tita,” sagot ko.

Tinanggal niya ang isang gloves sa kabilang kamay at tinagilid ang ulo.

“Darling Snow, I know Kuya needs to rest. It’s either you let him do that here…”

She sarcastically eyed the whole hospital room na tila ba naliliitan siya rito and then she turned to me.

“Or in Manila. Which will mean that no one can handle the resort… I can handle it. I volunteer!”

Papa warned me about this. Interesado si Tita Marem sa beach resort namin. Hindi naman first class ang resort ngunit ang mismong pinagtatayuan ng resort ay ang pinakamagandang spot sa buong lalawigan. In front of it is a sandbar. Ilang minuto ang layo ay makakaabot ka na sa iilan pang mga islang magaganda.

Sa sobrang kaakit akit ng pinaglalagyan nito ay marami na ring nagkainteres na mga businessman. Papa did not give it up. Malaki ang kita namin sa resort. Marami ang nagpupunta roon. Papa’s dream is to make it five star eventually.

“I can handle it, Tita Marem…”

Papa asked me to run the resort while he’s recovering. Anong magagawa ko, hindi ba? My majors were about business but I don’t have a proper degree for it. Sa madaling salita, wala akong tiwala sa sarili kong mapapatakbo iyon.

Napawi ang ngiti sa labi ni Tita Marem sa sinabi ko.

“Trust me, you don’t want to go there…” ani Tita. “You don’t know how to run the business.”

“I can do it, Tita Marem. Isa pa, pinagkatiwala sa akin ni Papa ang resort.”

“Hindi mo makakaya iyon, Snow. Anong magagawa ng isang High School sa pamamahala ng resort?”

“I’m a graduate, Tita…”

“What’s the difference? Unless you get a degree, then you can brag. Wala ka pa kaya baka mas lalong ma stress lang ang Papa mo kapag ‘di mo nagawa…”

Bahagyang kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Tita. Matagal na siyang ganito. Medyo may pagkamaldita. The reason why Papa warned me about her.

“Marem…” tawag ni Papa.

Bahagya kaming tumigil sa pagtatalo dahil nilingon namin si Papa.

“Papa…” tawag ni Kael sabay lapit sa kanyang kama.

“Hayaan mo na si Snow. Naniniwala akong kaya niya…”

Lumapit na rin ako kay Papa at tipid na ngumiti.

“And may I ask why were you so stressed, Kuya? When all you are seeing is the beautiful view of Costa Leona? Ipapahamak mo lang si Snow.”

“Kaya ng anak ko. I’ll be there to guide her…”

“Hindi ka ba magpapaospital sa Manila?” tanong ni Tita.

“It won’t take forever. I can rest at the resort. Or here, Marem.”

Umiling si Tita. Bakas na bakas ang disappointment sa kanyang mukha. Nilagay niya ang isang butterfly sunglass bago nagsalita muli.

“Well then, if this is what you want. I’ll always be here. I can help you. Just call us… In the mean time I have a flight back to Manila.”

Tumango ako. Mabuti na lang at aalis na si Tita.

“Kael, take care of your Ate. Snow, good luck!” ani Tita bago kami tinalikuran.

Her bodyguards joined her. Sinarado nila ang pinto at natahimik na ulit ang kwarto.

“I knew she’d come here to offer that…” ani Papa.

“Are you sure about this, Papa? Tita Marem can handle the resort properly. Bakit pa ako?” tanong ko.

“You can handle it properly, too. Ikaw din ang mamamahala niyan balang araw. Kaya bakit patatagalin?”

“That’s different. I’m not ready. I don’t know how to handle a business.”

“You lived on that resort for a long time, anak. You can do it. I believe in you…”

Hindi papigil si Papa. I guess I really have no choice on this.

“Isasama ko si Kael sa Maynila. Doon na muna siya mag-aaral. Ayaw kong may inaalala ka bukod sa negosyo. Tumawag ka sa akin kung may problema o nahihirapan ka. Tutulungan kita, Snow. Hindi naman kami magtatagal. Kung papayag na ang doktor ay uuwi ako sa Costa. Doon ako magpapahinga para magabayan ka.”

Pinag-isipan niya na talaga itong mabuti. The details about it were already said. Talaga palang matutuloy iyon.

I was left with no choice but to act as the President or CEO of the whole resort. Mabuti na lang at iyong binibili ni Papa na resort ay hindi pa lubusang natatapos or else I’ll be doomed. Running one resort is already a big thing, paano pa kaya kung dalawa na?

Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin ng aming sasakyan. Ilang oras pa ang byahe bago makarating sa probinsya. Naaalala ko kung paano kami bumyahe noon. Mahigit kumulang isang oras lang ang layo nito sa airport ngunit probinsyang probinsya ang dating noon.

Sa probinsyang iyon nakatira ang buong pamilya ni Papa. May ancestral house roon na siyang ginawang bahay ng pamilya ni Tita Marem. Hindi kalayuan sa bahay ay ang buong building ng resort. Ang kahabaan ng Costa Leona ay tanaw kahit nasa ikalawang palapag ka pa lang ng building na iyon.

“Sino pong tao sa mansyon?” tanong ko sa driver.

Isang driver at isang bodyguard ang pinasama ni Papa sa akin. Si Kael, tulad ng gusto ni Papa, ay iniwan ko sa kanya.

“Umalis sina Ma’am Maria Emilia kaya maaaring walang tao ngayon doon.”

Pinag-isipan kong mabuti kung saan ako tutuloy. Kung sa mansyon ba o sa isang kwarto na lang sa hotel. It’s going to be accessible if I stay at the hotel. Plus… it’s cheaper, I think. Kesa sa isang buong bahay ang guguluhin ko, mas mainam na sa isang kwarto na lang sa hotel ako tutuloy.

“Sa hotel n’yo na ako idiretso. Kukunin ko ang malaking kwarto sa ikatlong palapag…” sabi ko.

“May numero na po ba kayo kay Ma’am Agdipa?” tanong ng driver.

“Wala pa nga po, e. Doon ko na lang kukunin sa kanya pagkarating ko…”

At an early age, I was forced to be more responsible. When Mama left us, ako ang tumayong ina sa aming pamilya. I encouraged Papa to push his plans on the hotels kahit na halos wala na siyang gustong gawin noon kundi magpakalasing. I sing a lullaby for Kael so he can sleep at night. Tumayo akong ina niya. Kaya dapat ay madali lang itong gagawin ko sa akin.

Tulad ng sinabi ko, sa hotel pumasok ang aming sasakyan. The Coast – that’s what I saw at the gates of our resort. Big italicized gold letters. Sa likod ng pangalan ay ang marmol na dingding at sa paligid ay ang mga halamang sinadyang itanim doon para maging maganda ang tanawin.

The Coast Group of Hotels. Mas maliit namang mga salita sa baba ng mismong pangalan ng hotel.

Tumigil ang sasakyan at lumabas agad ang bodyguard. Lumabas na rin ang driver para kunin ang aking mga maleta sa loob.

“Ako na po ang kukuha ng kulay brown na bag…” sabi ko.

Ilang saglit pa akong nanatiling nakatulala bago ako nagdesisyon na gumalaw. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas na ako.

Bukas ang pintuan sa likod dahil kakakuha lang ng driver at ng bodyguard ng mga gamit ko. Nauna na silang pumunta papasok sa hotel habang kinukuha ko iyong bag sa likod.

And then below the chairs of the car I saw my lipstick. Mukhang nakatakas ito sa aking bag kaya gumulong iyon sa baba ng mga upuan.

“You better be my favorite shade…” bulong ko sabay yuko at suot ng braso sa mga upuan.

I know I can get the lipstick if I turn around and open the damn side of the door but that would take much effort.

Hindi ko maabot!

Sinuot ko ang ulo ko para makita ang lipstick na gumulong pang muli. Kung i-sstretch ko pa ang kamay ko ay makukuha ko rin iyan.

I stretched my arms again and tried to get the black bullet but… someone whistled.

Sinulyapan ko kung sino iyon. At first, I didn’t mind my awkward position but then when I saw the man standing behind me and feasting on my soul below I immediately stopped what I’m doing.

What the hell?

Kumunot ang noo ko at nilingon ko siya. He’s approximately five meters away from me. The lust in his eyes were very evident and his devilish smile made me want to puke.

Inayos ko ang palda ng aking dress. Alam ko kung anong tinitingnan niya kanina. Hanggang ngayon ay naroon parin ang mga mata niya!

But then I remember… we’re in our resort. He might be a guest. But if he’s a guest, that doesn’t mean that it’s okay to be a pervert.

“Good afternoon, Miss!” maligayang bati niya sabay ngisi. “Ano kayang kinukuha mo riyan at parang kay hirap?”

Bahagya pa siyang umuko para tingnan “kuno” kung ano ang kinukuha ko sa ilalim ng mga upuan kahit na ang mga mata niya’y nasa aking palda.

Tumikhim ako at mas lalong inayos ang palda ng aking damit.

“Excuse me, Mister. You might want to get lost before I throw you out of this place.”

I freaking don’t care if he’s a guest or not. Wala siyang karapatang mamboso!”

Napawi ang ngiti niya but amusement is still evident on his eyes. Then I realize, he’s… kind of… well… you can say that actually… no… mahal ang praises ko.

“Gusto ko lang tumulong, Miss… Iyon bang itim na bagay sa ilalim?”

Uminit ang pisngi ko nang tinuro niya ang ilalim ng mga upuan. Which looks like, by the way, he’s pointing at my undies.

I’m on the verge of calling all the security team of the whole frigging resort to throw him out. I don’t care whoever he is. Son of politician, action star, big tycoon, whatever! I need him out of this place!

“What did you say?” pagalit kong sinabi.

“May maitim sa ilalim ng upuan ng Expedition n’yo. Iyon ba iyon?” inulit niya.

Tinuro ko siya, nagbabaga ang aking pisngi.

“Alam ko ang ibig mong sabihin, Mr. Kilala mo ba ako? Kung hindi ay mas mabuting tumahimik ka na lang dahil ipapalabas kita sa resort na ito kung hindi ka tumigil!” sigaw ko.

“Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin, Miss, pero iyong nasa ilalim ng upuan n’yo ang tinutukoy ko. Hindi ba inaabot mo nga iyon?” mas lumalim ang boses niya.

Humakbang siya palapit sa akin. Nanatili akong nakatayo roon. Wala akong balak na umatras kahit rapist pa siya.

“Nahuli kitang sinisilipan ako. You’re a rapist waiting to happen!”

Kumunot ang noo niya at yumuko sa paraang ginawa ko kanina. Walang kahirap hirap niyang nakuha ang lipstick ko.

Nilahad niya iyon sa akin ngunit hindi ko iyon kinuha. Nanatili akong galit, mabilis ang bawat hinga.

“Kung sinilipan kita, dapat ay hinawi ko na iyang palda mo. Yumuyuko ka kanina nang nakikita ang kabuuan ng panty mo kaya nakita ko. Hindi iyon silip dahil ipinapakita mo naman!”

Nanlaki ang mga mata ko. It’s like saying that it’s not rape because I’m wearing a bikini!

Isang sampal ang ginawad ko sa kanya. Hindi ko maalala kung may nasampal na ba ako noon ngunit sa ginawa ko ay pakiramdam ko sanay na sanay ako. Sa sobrang lakas ng sampal ko, pati ang palad ko ay masakit!

Hindi siya agad nakabawi. His hair got kind of messed up and his jaw showed. Umigting ang kanyang panga. He pouted his red lips and then slowly he turned to me.

“Iyan ba ang pagpapasalamat mo?” tanong niya at nilapag ang aking lipstick sa likod ng sasakyan.

“You’re a pervert. Future rapist!” I accused him without hesitation.

I don’t care what happens next. If he’s gonna sue me or what.

Umiling siya at humugot ng malalim na hininga bago unti-unting umalis. Sinundan ko siya ng tingin. Inayos kong muli ang palda ng aking dress. So much for my first day as President. Fuck this.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: