Kabanata 1
Bellboy
“Magandang hapon, Miss Galvez. Shall I call you President Nieves?” tanong ng manager ng aming resort.
Papasok ako sa resort at siya ang sumalubong sa akin. Mrs. Susana Agdipa is the manager of The Coast resort. Naka itim siyang corporate attire na may kulay sky blue na scarf na siyang motif ng buong resort.
“Nieves is an old name. I prefer you call me Snow…”
Ayon sa mga nababasa kong libro, in order to be an effective leader, I should believe in myself. Wala akong panahon upang pagdudahan ang aking sariling kakayahan.
I need to believe in myself so people will believe in me. Hindi ibig sabihin na bata pa ako ay hindi ko na seseryosohin ang mga suliranin dito sa resort. I want them to feel that I’m serious with my job.
“Sige po, President…”
“You can call me, Snow, Ma’am. I’m fine with that…” ngumiti ako.
Hilaw na ngiti lamang ang binigay ni Mrs. Agdipa sa akin. Iginiya niya ako sa elevator. Nauna ako papasok pagkatapos ay sumunod siya.
“So we arranged a dinner meeting for you. Iyon din ang inutos sa amin ni President.”
Tumango ako.
“At ang opisina ni President noon ay ang opisinang nasa tabi lamang ng gusto mong kwarto. Sigurado po ba kayong ayaw n’yo sa isa sa mga presidential suite?”
“Hindi na. Mag-isa lang naman ako. ‘Tsaka, masasayang lamang iyon. Paano kung may gustong mag check in doon habang fully booked na?”
Tumango naman si Mrs. Agdipa. Naiintindihan ang sinabi kong rason.
“We’ll wait for you in our convention center after an hour so we can have the dinner. Iyong mga imbetado ay iyong nasa ibang shift at ang iba’y aalis pagkatapos kang ipakilala.”
“Okay. Hindi na po ako magpapahinga. Maliligo lang ako ‘tsaka magbibihis. Lalabas agad ako para sa dinner. Can you please give me a little overview of the resort. It’s been ages…” sabi ko.
Bumukas ang pintuan ng elevator at tumulak na kami palabas. Nilahad niya ang kamay sa tamang daanan at sumunod naman ako. Beach front iyon kaya ayos lang.
“The resort has 270 rooms, 5 villas. Dalawang pool front at tatlong beach front. Can house up to 800 to one thousand people. It has three large swimming pools. Dalawang restaurant. Seaside and West Coast. Gym, souvenir shop, bars, and the latest spa…”
Imagine all of that in my command. Ngayon pa lang ay nalulula na ako sa trabaho.
“May incharge ba ng reservation online?” tanong ko.
“We’re working on that, Miss President…”
“Just call me Snow, Ma’am,” I politely said.
Hilaw na ngiti muli ang pinakawalan ni Mrs. Agdipa. Tinuro niya sa akin ang isang pintuan na may nakamarkang “Office”.
“Ito ang opisina ni President. Nariyan lahat ng kailangan mo. Ang iyong kwarto naman ay naroon…” Itinuro niyang muli ang dulong pintuan. “Ito ang card para roon…”
“Salamat. Magbibihis lamang ako at bababa rin…”
“Sige po. Maghihintay kami sa convention center.”
Pagkatapos ng usapan ay dumiretso na ako sa kwarto. Nilagay ko ang keycard sa lalagyanan para mag activate ang kuryente ng buong room. Agad umandar ang aircon at mga ilaw. Nasa gilid ko ay ang bathroom. Nakita ko ang mga maleta ko sa gilid ng cabinet.
May isang sofa, upuan, at lamesa. May isang king size bed at may balcony.
Binuksan ko ang glass windows ng balcony at lumabas ako para makita ang kahabaan ng Costa Leona. The island far away in front of me looks majestic. The pristine blue waters of the sea is screaming tranquility. Iilan lamang ang nasa mga sun lounger at halos foreigner lahat.
Umihip ang malakas na hangin at pumikit ako. I’ve been here way back but those were short stays because of something my father wants to forget.
Nilingon ko ang gilid ng balkonahe at nakita ko ang isa sa mga swimming pool ng buong resort. Kids were playing and they are having fun.
I can also see the villas. They were small wooden huts with airconditioned rooms. Inisip ko kung kumusta ang lagay ng mga kahoy na ginamit para roon. Kailangan ba ng resort bombahan ng anti-termite para mapanatiling maayos ang mga iyan? Concrete walls are perfect when you’re near the sea, too. Mabilis masira ang kahoy kapag malapit sa dagat.
Ah! I need to think about that later. In the meantime, I need to get ready.
Pumasok ulit ako sa kwarto at inayos na ang mga gamit. I’m going to wear a white dress with floral print for the dinner. I need to look serious and mature. Pumps will also do.
Naligo na muna ako bago magbihis. Tumawag pa si Papa habang naliligo ako.
“How’s your trip?” he asked.
“I’m fine, Papa. Bababa ako ngayon sa convention para i meet ang staff ng resort.”
“I’m sorry you have to deal with this, Snow.”
“It’s okay, Pa. Wala kang ibang aasahan kundi ako. Kakayanin ko ito.”
“Just call me if you have questions. I know you can do it, hija…”
“Thank you for believing in me, Papa.”
Natigil ang tawag roon. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Basang basa ang buhok ko at tumutulo ang tubig sa aking noo.
Nagbalik ako sa kwarto ng tanging puting tuwalya lamang ang nakatapis sa aking katawan. Kinuha ko iyong damit at dinala ko sa loob ng banyo.
I put on some lotion on my skin first then I combed my hair. May blower doon sa loob ng banyo kaya ginamit ko iyon pampatuyo.
My naturally brown hair later revealed itself. Kailangan ko ring maglagay ng make up para magmukhang mas mature. Dark red lipstick should do the trick. Pink would make me look so young. Malalalim ang mga mata ko, matataas at makurba ang eyelashes kaya madaling lagyan ng make up. I’m also a bit fair, thus, I was called Snow. I need to put color on my skin.
Tinagilid ko ang mukha ko habang naglalagay ng blush on. My jaw resembled that of Tita Marem. Angled and with high cheekbones.
Matangkad ako kaya madalas ay hindi naniniwala ang mga tao ko sa tunay kong edad. I look more like early twenties than a seventeen year old girl. That’s okay. Actually, gusto ko nga ng ganoon.
Lumabas na ako sa kwarto pagkatapos kong bahagyang kulutin ang dulo ng buhok ko gamit ang iron.
Dire diretso ang lakad ko patungong elevator. I checked my phone to see the messages of my bodyguards. They will be staying on our staff room. May ibang staff kasi na stay in. Sasama sila roon.
Pagkababa ko ay naaninag ko agad ang isang babaeng naka kulay beige na corporate attire, isa sa mga uniporme ng empleyado rito.
“Here’s the way, Miss President…” she said.
I smiled at her. I wonder if she thinks I’m older than her?
Dire diretso muli ang lakad ko patungo sa convention center. Wala ito noon. Mukhang isa sa mga ginawa ni Papa para palaguin pa lalo ang buong resort.
A man is standing in front of the brown double doors. He held the door open for me and he slighlty bowed.
“Welcome, Miss President…” aniya.
Nakahilera sa dadaanan ko ang lahat ng empleyadong naroon. Eight men were standing beside me wearing a dark blue uniform, siguro’y mga security. Sa harap ko ay si Mrs. Agdipa na nakangiti.
“Everyone, this is Miss Nieves Solanna Galvez, daughter of President Remus Eugenio Galvez…”
Habang nagsasalita si Mrs. Agdipa ay pinapasadahan ko ng tingin ang mga empleyado. Almost all of them are wearing the Type A uniform. Iyong kulay beige na may burda ng vines sa harap. Mukhang barong sa mga lalaki at mukhang filipiniana sa mga babae. But then the girls hair were fall off their shoulders. I want it clean… I’ll suggest it soon.
Tumigil ang tingin ko sa isang matangkad at pamilyar na lalaki. Sa tabi niya ay isang lalaking hindi katangkaran at sa isang tabi ay isang babaeng nakanguso. Bumaling ulit ako sa lalaking nakilala ko.
He smiled. His perfect teeth showed up! What the hell? Ang future rapist ay isa sa mga magiging empleyado ko?
I cannot believe it! I mean… I thought…
Iniwas ko ang tingin sa kanya. I can’t let him see that I’m affected. Or that I’m thinking about him too much!
“Siya ang mamahala pansamantala sa buong resort. Miss President, these are the staff. The security team.” Itinuro ni Mrs. Agdipa sa akin ang walong security guard na naroon sa gilid ko.
“Which means that the gates are open for everyone right now because you are all here?” I suddenly asked.
Napawi ang ngiti ni Mrs. Agdipa.
“Ang mga bodyguards mo muna, President, ang pinagbantay ko roon. Ngunit mabilis din naman ang mangyayaring ito.”
Tumango ako at binaling ang mga mata sa sunod na hilera.
“These are our online team. Sila ang incharge sa mga tawag for reservations at sa mga mag eemail na rin. Ito naman ang mga maids, sila ang in charge sa housekeeping. Pupwede po kayong magrequest ng isa sa kanila para maglinis ng kwarto mo…” ani Mrs. Agdipa.
Tumango ako. Medyo hindi ko gusto na nakatitig silang lahat sa akin ngayon ngunit kailangan kong mag seryoso. I need to get used to this.
“Ito naman ang chefs. Mga incharge sa kitchen ng dalawang restaurant…”
“Magandang gabi po, President…” ngiti ng isang matandang chef.
“Magandang gabi rin po…”
“Waiter and waitresses sa mga bars at pati na rin sa restaurants… Ito naman ang mga para sa room service…” ani Mrs. Agdipa sabay turo malapit doon sa lalaking rapist.
Okay. I don’t wanna be judgemental but I don’t have his name so allow me to call him that in the mean time.
“Concierges and Front Desks clerks…” sabay turo niya malapit sa mga babaeng katabi noong rapist. “Drivers and bellboys…” turo niya sa rapist at sa mga nasa likod nito.
Tumango ako at nilingon muli ang ibang banda.
“You can all call me Snow while I’m working here. Tulad ni Papa, ang opisina ko ay naroon din sa ikatlong palapag. Hindi ako tutuloy sa aming mansyon at dito ako sa hotel pansamantalang tutuloy para sa trabaho,” seryoso kong sinabi. “Si Papa ay nagpapagaling. He’s scheduled to fly to Manila soon so he can rest and be checked by better technologies.”
Ngumiti ako sa kanila. Medyo bumangon ang usap-usapan concerning my father. I cleared my throat.
“Ngunit habang narito ako ay tutulungan niya akong ayusin ang resort. Gagabayan niya ako dahil ito pa lamang ang unang pagkakataong mamamahala ako nito. So I expect full support from you for the betterment of the resort my grandfather built. Can I expect that from all of you?”
“Of course!” ani Mrs. Agdipa.
Sumang-ayon ang lahat.
“Syempre, President…” isang pamilyar na boses ang humalakhak.
I tried so hard not to look at him but my eyes betrayed me. Siniko siya ng katabi niyang lalaki. Tumigil ang rapist sa pagtawa at kinagat niya ang pang ibabang labi niya. I tore my eyes from that line of sight. Damn it!
“S-so… Uh… Let’s work hand in hand for the future… of The Coast and it’s upcoming hotels…” tumango ako at bahagyang humakbang para matapos.
“Okay! That’s it! All night shifts, bumalik na kayo sa mga pwesto n’yo. You can all claim your food here later. At ang mga first shift at second shift ay pwedeng manatili rito sa center para samahan si Miss President na kumain.”
May iilang umalis. Iilan ang nilapitan ako at nginitian. I smiled back at them. They introduced themselves but I couldn’t quite remember all of their names so I only smiled.
Iginiya ako ni Mrs. Agdipa sa isang mahabang presidential table para sa pagkain. Iba ang lamesang iyon dahil marami ng pagkain samantalang ang ibang lamesa ay nilalagyan pa.
Maingay dahil sa usap-usapan. Panay ang ngiti ko sa mga tumitingin sa akin.
“These are the heads of the different offices, Miss President. Sa security, services, spa, restaurants…”
Ngumiti ako sa mga katable ko. Halos lahat ay medyo may edad na at mukhang matagal na rito sa resort.
They all mentioned their names to me. I smiled and shook their hands.
“Sana ay matulungan ninyo ako.”
“Syempre, Ma’am. Matagal na kami rito at susuportahan ka namin tulad ng suporta namin kay President Remus…”
Ngumiti ako. “I really appreciate it…”
Pagkatapos ng ilan pang kwentuhan ay nagsimula na kaming kumain. Kinwento nila sa akin kung gaano binabalikbalikan ang pagkain sa buffet ng mga restaurants namin. Na magaling ang mga chef.
Seryoso akong nakikinig ng bigla kong napasadahan ng tingin ang kabilang lamesa. Naroon si rapist, kumakain kasama ang kanyang mga kaibigan. Ganadong ganado siyang kumain. Men. Napatingin siya sa akin. Nagtaas ang isang kilay niya.
Kumunot ang noo ko at hinawi ko ang buhok na nasa aking balikat.
“Wala po bang reklamo in terms of services? You know, dysfunctional staff? Drivers? Bellboys?” I asked the one incharge for services.
Kumunot ang noo ng matandang babae at umiling. “Wala naman, Miss President. Meron alam ko sa booking. Kasi mabagal daw ang pagbobook. Inaabot ng ilang araw ang follow ups…”
“So walang reklamo sa mga… uhm… impolite staff?”
“Lahat ng staff dito nakangiti at bumabati sa bisita. Pero syempre, kung reklamo, hindi iyon maiiwasan lalo na sa toxic guests…”
Am I toxic?
Uminom ako ng juice at pasimpleng tumingin muli sa kay rapist na nasa kabilang lamesa. Nakikipagtawanan siya sa mga kasama niyang bellboy at napatingin muli sa akin. Napawi ang ngiti niya.
Bumalin ulit ako sa kausap ko.
“What about pervert staff? Say… roomboys, housekeeping, bellboys?”
Halos ma offend iyong tinanong ko.
“Excuse me, Sibal!” sigaw niya sabay taas ng kamay para sa kabilang lamesa.
Napatuwid ako sa pag-upo lalo na noong nakita kong tumayo si rapist. His fucking name is Sibal?
“Ryan, Omar, tawagin n’yo ang iba pang mga bellboys at drivers…”
Halos isang linya silang tumayo. Napalunok ako.
As I was about to say that the incharge didn’t have to do this, lumapit na sila. Sa likod ko ay naroon na si Sibal.
Tumikhim ako at nagseryoso na lamang. Nilingon ko sila.
“We won the Best in Services Award for hoteliers last year, I’m sure you know that, Miss President…” sabi noong incharge.
Tumango ako. “Well, yes.”
“These are my bellboys, si Sibal, Ryan, Omar, Rolly, Baldo, Ruben, ang iba ay nasa kanilang mga posts. These are my drivers…”
She mentioned each driver. Ngumiti lamang ako at tumayo.
Si Sibal ay nasa gilid ko. Matangkad palang talaga siya. Kahit na medyo matangkad na ako ay dinudungaw niya parin ako.
“Show why we were all given that award to Miss President, everyone…” anang incharge sabay tayo na rin tulad ko.
“I am not questioning their abilities, Mrs. Gorres. I merely want to knoe if they are, indeed, effective…” I said politely.
“Kung gusto n’yo po, Ma’am, magvovolunteer akong personal n’yong bellboy at housekeeper para malaman n’yo kung talagang epektibo kami…”
Pinandilatan ko si Sibal at pormal na idinirekta ang tingin ko sa kanya. Plastik akong ngumiti ngunit walang humor sa kanyang mukha.
“Then we’re all set!” sabi ni Mrs. Gorres.
Binuksan ko ang bibig ko para makaapila. Gusto ko sanang babae ang gagawa noon ngunit…
“This is Percival Riego, Sibal for short… one of the best bellboys we have, Miss President. He’ll take care of your needs from now on…”
Ngiting ngiti si Mrs. Gorres sa sinabi niya. What… what needs? Umiling iling ako at kumurap kurap. That escalated quickly!
“Wait… I still need to think about this, Mrs. Gorres.”
“Hayaan n’yo, President. Gusto ko pong gawin ito bilang paumanhin sa unang pagkikita natin…” ani Sibal sa isang seryosong tono.
Nilingon ko siya. The men beside him were smirking and he’s all so serious like he’s not serious at all! Some female employees were looking at me like I did something wrong!
“We’re ll set!” deklara ni Mrs. Gorres.
Halos mapafacepalm ako nang nagpalakpakan silang lahat dahil sa deklarasyon. What the hell?