Hold Me Close – Kabanata 5

Kabanata 5

Secret

I couldn’t stop thinking about our meeting. Kahit pa isang linggo na ang lumipas mula noon, paulit-ulit pa rin sa utak ko. It became my past time.

Nakahiga ako sa duyan malapit sa pool habang iniisip iyon. I stopped reading because it crossed my mind. Matagal tuloy bago ko napansin ang biglaang ingay sa tanggapan.

“Huh? May bisita si Aria?”

It was too late, though. Yes, she had visitors. Usually she tells me beforehand. Ayaw kong makihalubilo sa mga bisita niya dahil aasarin lang ako, at ayaw din naman niya akong makihalo sa mga kaibigan niya.

Kaya nakapagtataka na hindi niya ako sinabihan sa araw na iyon. Nataranta ako bahagya. I always look ten times more awful when at home. I don’t comb my hair or even powder my face. Worse, I’m wearing an ugly ruffled dress!

Hindi ko pa agad maisuot fluffy Marie cat slippers ko dahil sa pagmamadali! Natatakot ako na kapag naabutan ng mga kaibigan ni Aria, pagtatawanan lang ako!

“Yohan?” si Aria.

Papasok na ako sa bahay at didiretso na sana sa hagdanan nang nasalubong ko si Aria. Behind her is Alvaro! Hawak niya si kuting at dala niya ang ecobag!

Hindi ako magkanda ugaga sa uunahin ko. Natigil ako at may kaunting tawanan sa likod nila, mga kaibigan ni Aria at Alvaro. My eyes flew to them even when Alvaro and Kuring is more important.

Bakit hindi sinabi ni Aria ‘to? Nakaramdam ako bigla ng hiya sa itsura ko! At pakiramdam ko ang tawanan galing sa mga kaibigan nila ay para sa akin.

“Si Yohan pala may-ari niyang kuting?” Daniel, Alvaro’s friend asked.

Hindi sumagot si Alvaro. Lumapit lang siya sa akin para iabot ang kuting. Tinanggap ko naman iyon, kinakabahan.

“Hindi kasi puwede rito sa amin. Ayaw ni Mommy,” si Aria ang sumagot.

“Eto ba ‘yong inaalagaan ni Josefa sa lababo sa gilid ng gym?”

Sinipat ko ang isa sa mga kaibigan ni Alvaro na parang ginagawang katatawanan ang pangalan ko. Madalas niya akong tawaging ganoon. I have no problem with my name but whenever he calls me that, with a hint of insult, I suddenly hated it.

“Mabubuhay naman yata ang mga pusa kahit pabayaan,” one of their girl classmate said.

She looked pretty with her short curly hair and freckles. Maiksi ang shorts at naka spaghetti lang. Kita ang strap ng kanyang bikini sa dibdib. Siniko niya si Alvaro at nginitian.

“Ang bait!”

Alvaro only shrugged.

Juan chuckled. “Kung sa bagay, kawawa nga naman ang ganito ka liit na kuting kung hahayaan sa school. Ang liit pa…”

“Mahilig ka ba sa pusa, Juan?” the curly haired girl turned to him.

“May alaga ang kapatid ko niyan sa bahay. Ayos lang naman, nalilibang ako minsan. Ayos lang sa inyo, Alvaro?”

“Wala namang problema.”

Nagtagal ang tingin ko saglit kay Juan, ang tumatawag sa akin ng Josefa. I dislike him from always teasing me about my name but… I’m kind of glad that he likes cats.

“Nilalaro ko. Marami pa nga kaming extrang laruan sa bahay. Kaunti na lang pusa namin ngayon, naglayas ang iba. Gusto mo ba ng laruan para sa kuting, Josefa?”

Umiling ako, hindi pa rin nagtitiwala.

“Bumili na siya noong nakaraan kaya meron na namang laruan.”

“Sus! Tama na nga ‘yan! Tara na sa pool! Yohan, doon ka na sa likod at laruin mo ‘yang pusa!”

I nodded fast because that’s what I want to do now, to disappear in front of them. And just be alone with my kitten.

Nagmadali ako sa pag-alis dala ang kuting at ang echobag. Laman ng echobag ang catfood, isang laruan, malinis na lalagyanan ng pagkain at tubig. Idiniretso ko sa hardin namin. Nasa kabilang side iyon ng mansiyon at mukha namang sa pool sila.

Dumaan ako sa lanai at bumaba patungo sa bermuda. Natatabunan na ng anino ng bahay ang sikat ng araw kaya hindi na mainit kahit labas na iyon.

Nilapag ko ang kuting at inayos ang mga gamit niya. My lips protruded when I saw the ecobag.

“May extra bag ako sa taas, gawin ko kayang lalagyan para sa mga gamit mo? But it shouldn’t be girly, right? Si Alvaro ang madalas na magdadala lalo na kung bibisita ka rito.”

Naalala ko tuloy ang nangyari. Hindi ko inasahan ito! Hindi man lang ako nakapag-ayos. Nakakainis si Aria, hindi man lang ako sinabihan. Not that I’d look pretty if she reminded me but at least I’d prepare, right?

I sighed and looked at the kitten. Unti-unti niya pang kinikilala ang lugar.

“Dito ka sana nakatira kung papayag si Tita, Kuring…”

I tilted my head while I watched her getting acquainted with the grass.

Masaya na ako na matanaw siyang naglalaro. Nilalapitan ang mga halaman at kuryoso sa lahat. Kapag biglaang tumatakbo dahil nakakakita ng tutubi, hinahabol ko. Iniisip kong kukunin pero naaawa ako kaya hinahayaan ko nalang na tumakbo takbo. Basta huwag lang malayo ng husto.

Matagal bago ko naisip ang damit ko. Maybe I should change into something more decent like shorts and a t-shirt. Nakakahiya na ito pa ang naabutan nilang suot ko.

Kinuha ko ang kuting at unti-unti nang pumasok sa mansiyon. Natatanaw ko ang direktang pintuan patungong pool. Maingay sila roon, nagtatawanan. May mga pagkain na sa lamesa. Wala si Tita at Tito pero nakapaghanda pala si Aria.

Nakaupo si Alvaro sa upuan, basa na ang buhok at walang t-shirt. Nakatalikod siya sa loob kaya hindi niya kitang nakatingin ako. The curly haired girl, I couldn’t remember her name but I remember she’s a transferee last yr. Nakahawak ang kamay sa braso ni Alvaro.

His girlfriend?

Tahimik akong umakyat at dumiretso na sa kuwarto. Nagbihis na ako ng shorts at isang lumang white t-shirt na malaki.

Hinayaan ko ang kuting na matuwa sa carpet ng kuwarto ko. Kinagat kagat niya ang himulmol at humalakhak lang ako habang nagbibihis.

After that, I remained in my room to play with the kitten. Alvaro and the girl’s hold crossed my mind. I thought it’s Aria and Alvaro? Hmm. So it’s the transferee.

I kind of like him, alright. Pero wala naman yata akong pag-asa. Bukod sa pangit ako, bata pa. Pero kahit maging magkasing edad kami, mukhang malabo pa rin. I was just curious with his girls. It seems like he always gets the prettiest girls of their batch. Or even the other batches.

Oo nga pala, akala ko ba gusto niya si Chantal? Kung sa bagay, maraming nakaaligid na lalaki kay Chantal. I heard Levi del Real fancies her, too. If I were Chantal, with all the boys I have, I’d choose Alvaro. Levi is years older and Alvaro is just a year older than her. It’s a perfect age gap.

Kakaisip ko, muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala ako si Chantal Castanier.

Soren is good looking too but he’s a bit of a bad boy. Eh, bakit? Si Alvaro nga, playboy. Magtatagal naman kaya si Chantal at Alvaro?

Bakit ko ba pinoproblema ‘to? Wala naman akong makukuha. But it was pleasurable to think that I’m pretty and be courted by someone like Alvaro!

Hinayaan ko ang noo kong sumandal na sa carpet habang binabantayan ang kuting. I teased him with the toy. Naalala ko tuloy ang ecobag kaya bumangon ako at pumunta na sa closet.

Naghanap ako ng bag doon na puwedeng panlalaki. I have a black crossbody bag here that’s simple and unisex. Kasya rin doon ang mga baon ng kuting kaya puwede na ‘to. Ipinasok ko na lang din doon ang ecobag.

Lumabas ako ng kuwarto kalaunan pero nang natanaw ko sa barandilya na nasa loob ang mga bisita ni Aria at kumakain ng merienda, bumalik muli ako sa kuwarto.

Doon ko na pinakain ang kuting. Doon kami mas nagtagal kahit na gusto ko sanang lumabas na kami. We also went to the veranda but because I was scared she’ll run and fall, nagpasya na ako na bumaba na.

Tamang-tama at wala na sila kaya bumaba na ako. Naririnig ko nasa pool na naman sila nagkakatuwaan.

Dahan-dahan akong bumaba. At kalaunan, lumabas na nang hindi naririnig o napapansin.

Kauupo ko lang sa gutter at ibababa ko pa lang si Kuring nang napatalon ako dahil may nagsalita.

“Saan kayo galing?”

It was Alvaro! Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba. I didn’t expect him to be here. Nakat-shirt at shorts na siya. Basa pa ang buhok at hindi na yata nagswimming.

“Sorry, did I scare you?” aniya nang natanaw ang reaksiyon ko.

I sighed. “Uh, nagulat lang ako.”

He smiled and nodded.

Nakita ko ang paglapit niya, ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng shorts. Hinayaan ko na ang kuting sa paglalaro.

“May extra na bag nga pala ako rito para sa gamit ng kuting kung… dadalhin mo. Para hindi na ang ecobag.”

Nagkatinginan kami. He smiled again.

“Dinala ko siya noong nakaraan s vet.”

Namilog ang mga mata ko.

“Magkano ba… ang nagastos mo?”

Kumunot ang noo niya at nagtaas na rin ang isang kilay. “Bakit?”

“Babayaran ko. May pera ako para diyan…”

Nanatiling kunot ang noo niya bago siya umiling. “May pera din ako, Yohan.”

“Pero kasi… ako dapat gagastos?”

“Gumastos ka na noong nakaraan. Dapat nga binayaran pa kita roon. Marami kang binili na pagkain niya. Aabutin pa yata iyon ng ilang buwan. Hayaan mo akong gumastos din para kay Kuring.”

Ngumuso ako at unti-unting tumango.

“Kailan kaya mauubos ang pagkain niya? At… uh… buwan? Kaunti lang ‘yon.”

“Balak kong pakainin siya ng regular na pagkain minsan para hindi siya maumay sa catfood. Kaya magtatagal iyon. Isa pa, huwag ka nang gumastos. Nagtatrabaho naman ako at may pera ako.”

“H-Hindi mo ba gagamitin ang pera mo para sa… next schoool year?”

He chuckled. “Gagamitin pero mas mauuna ang kailangan ni Kuring. Wala naman akong ibang pagkakagastusan bukod sa motor ko.”

I cleared my throat a bit. Well, maybe some flowers for your girlfriend? I don’t know.

Nagtagal ang tingin niya dahil wala na akong masabi. Kinabahan ako bigla dahil wala na nga akong masabi.

“Nagulat ka kanina pagdating namin, hindi nasabi ni Aria sa’yo?”

“Ah. Hindi. Oo. Hindi ko alam. Baka nakalimutan niya.”

“Yup. You look flustered when you saw us,” he chuckled.

Uminit ang pisngi ko.

“N-Nagulat lang…” I chuckled nervously.

He nodded and another long pause between us two. Kinakabahan na ako lalo.

“Pinakain mo naman si Kuring?” he asked with a playful grin on his lips.

“Oo. Napakain ko na.”

“Talaga? Tumae at umihi na rin?”

“Oo din.”

“Saan kayo galing? Sa taas?”

“Oo… uh, sa veranda. Kaso baka mahulog siya kaya bumaba na kami rito.”

He smiled. “Kapag nagtatrabaho ako, sa bahay lang siya. Si Mama ang nagbabantay.”

“Paglaki niya mukhang mahihirapan nang bantayan. Baka aalis alis na…”

“Huwag mo sabihin sa aking nagpaplano kang bilhan siya ng kulungan?”

My lips parted. Umiling naman siya.

“Kasi hindi ako papayag, Yohan. Kung gusto niyang gumala, hahayaan ko siya. Babalik naman din siya.”

“Hindi naman sa ganoon pero may mga pusa kasi na matagal babalik, e. Kaya…” Hindi ako makatingin sa kanya. Tuwing sinusubok ko, nakaabang ang nanliliit niyang mga mata.

He really is against it. I also don’t want the kitten to be caged but I’m just worried.

“Babalik din ‘yan, hahanap lang ‘to ng girlfriend.”

Bahagya akong sumimangot. Medyo nahihiyang simangutan si Alvaro. He chuckled so I had no choice but to look at him with my frown.

“Don’t tell me you also don’t allow that?”

“Well, how about we have him neutered?”

Hindi nagbago ang simangot niya. Samantalang ako naman medyo kumalma na.

“Ayaw mo bang magkaanak siya?”

“Hindi ko alam. Gusto naman pero parang mas okay ‘yon?”

“Inaalala mo ba ang mag-aalaga sa mga anak niya? Dadalhin ko samin.”

“Paano kung hindi mo alam kung saan ang mga kuting niya?!” medyo na carried away ako.

Namilog ang mga mata niya at unti-unting humalakhak. Uminit ang pisngi ko.

“Okay, let’s calm down. Bata pa naman siya at pag-uusapan na lang natin ‘yan sa susunod.”

Nagpanic ako bahagya nang narinig si Aria.

“Alvaro?”

Kinuha ko ang kuting para abalahin ang sarili. When I turned to look at them, I saw Aria’s hand snaking on Alvaro’s arm. Nagulat si Alvaro at bumaling kay Aria. He slightly moved his arm so she wouldn’t hold it.

Binagsak ko ang tingin sa kuting na nasa harap at naisip na masyado talagang friendly si Aria. Baka magalit ang girlfriend ni Alvaro dahil sa hawak na iyon!

Nakatingin na si Alvaro kay Aria. Aria was smirking at him.

“Nandoon na ang hinihingi nina Daniel. Balik na tayo, tara?”

Nilingon ako ni Alvaro.

“Balik na ako doon, Yohan. Kukunin ko na lang dito ang kuting mamaya bago kami umuwi.”

I nodded. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ang pag-alis niya. Sumunod naman si Aria pero bumaling siya sa akin at nilagay niya ang index finger sa gitna ng lips.

“Secret lang…” she whispered and chuckled before she stalked Alvaro.

Kumunot ang noo ko, medyo hindi naiintindihan. What does she mean? Aagawin niya si Alvaro sa girlfriend niya?

Aria is pretty but she’s nasty. Sana hindi naman niya gawin iyon. Sayang naman kung maganda siya pero masama ang ugali.

Naririnig ko na ang tawanan ng mga kaklase ni Aria. Lalabas na sana ako para iabot na kay Alvaro ang kuting. Nakahanda na rin naman ako kasi nakapagpalit na ng gamit. Kinakabahan ako at baka pagtawanan na naman pero bago pa nakapagdesisyon, lumabas na si Alvaro.

I immediately held out the kitten for him. Nasa balikat ko na ang bag.

“Aalis na kayo?”

“Oo,” sabay tanggap niya sa kuting.

Inilahad ko na rin ang bag.

“Pasensiya na, ihahatid ko sana sa’yo-“

“Okay lang. Huwag ka na lumabas doon.”

Napakurapkurap ako bago tumango.

“Alis na kami. Baka… bago mag enrolment ulit, bumalik kami dito.”

“Kung gusto mo… ako na pumunta sa inyo-“

“Hindi na, Yohan.”

Idudugtong ko sana na na-miss ko si Tita at ang luto niya dating mga merienda. Hindi kasi masyadong nagluluto ng ganoon dito sa mansiyon pero pinutol niya na ako.

“Ako na lang ang bibisita.”

“Okay.”

Tinawag na siya kaya isang lingon ay umalis na rin siya agad. Hindi na nga ako lumabas pero tiningnan ko sila sa tabi ng dingding. Pinanood ko ang pag-alis nila at nakita kong naka dress na ang girlfriend ni Alvaro.

Hawak ng girlfriend niya ang braso ni Alvaro kung nasaan ang kuting. At kalaunan, nakaalis na rin sila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading