Hold Me Close – Kabanata 4

Kabanata 4

Motorcycle

Ang mansiyon namin ay nasa dulong bahagi ng sunod na kalye ng sa kalye ng mga Alcazar. Hindi kami ang pinakamalawak ang azucarera sa buong Altagracia dahil halos kalahati ng tubuhan ay nasa kabilang bayan na. It was under my father’s leadership when we really expanded. Naging kapantay ng mga Alcazar at del Real ang tubuhan namin sa Altagracia at sa buong Negros, masasabi mong kami ang may pinakamalawak.

Ang lumang bahay ng mga Santander ay nasa kanto ng kalye namin. Kapag galing eskuwela o bayan, madalas kong lingunin ang lumang bahay nila. Narinig ko noon na lumipat na sila pero hindi ko nga lang alam kung saan. Nitong nakaraan ay nakita ko naman sa labas ng bahay si Tita Ana kaya naisip kong naroon pa rin sila.

Tingin ko, mas mainam din na manatili sila sa lumang bahay na iyon dahil malapit lang sa mismong opisina ng azucarera ng mga Alcazar. Kung doon na sila nagtatrabaho, kayang kayang lakarin lang ng mag-anak.

I always think that it is not bad to visit them. Lalo na kapag malapit nga lang ang bahay nila sa amin. Kaya lang, mukhang ayaw ni Alvaro at nirerespeto ko naman iyon. Nasabi niya naman na puwedeng magkita kami o puwede ring ihatid niya rito sa mansiyon.

Kung magkikita kami, saan naman? Iniisip ko kung may cafe ba sa bayan na puwedeng pagdalhan ng pusa? O baka iyong malapit na lang sa parke ng municipal hall para malawak ang paglaruan ng kuting? I smiled, growing more and more excited each passing day.

“Aria-“

“May balita na naman ba kay Alvaro?!” dugtong niya sa tawag ko habang kumakain kami ng almusal.

I looked at her. She rolled her eyes at me and shook her head.

“Naririndi na ako, ah! Sabing wala pa, e!”

It’s the second week of vacation and I can’t stop myself from asking Aria about Alvaro’s promise. Naiirita na siya ngayon. I only ask her every other day. Iniisip kong sa dami niyang ginagawa, baka nakakalimutan niya nang sabihin sa akin.

“Sabihan mo na lang ako kapag nagsabi si Alvaro.”

She laughed. “Uy prinsesa, kung ikaw nakahilata lang buong magdamag dito, si Alvaro maraming ginagawa. Nagtatrabaho ‘yong tao kaya huwag kang masyadong demanding para lang sa kuting na ‘yan!”

She may be right. All day, I just watch movies, then take a nap, try to wear nice clothes in my closet, enjoy a hot bath, listen to music, and eat. Kaya madalas kong maisip si Alvaro at ang kuting. Nangungulit ako kay Aria na para bang ganoon lang din ang ginagawa ni Alvaro sa kanila. Of course, he’s working. He’s busy. Visiting and giving me time with the kitten comes last. I should understand.

“Hello?” si Aria na nawala na ang atensiyon sa akin ngayon dahil sa katawagan sa cellphone. “Oo. Ngayon ‘yon, punta kayo rito!”

Nagpatuloy ako sa pagkain. Last week, her friends went here three times. Nagpaparty at nags-swimming. Nasa kuwarto ako at dinudungaw sila. Naririnig ko ang pagwelcome ni Tita sa mga kaibigan nila.

“What do you want for dinner? I’ll order right away!”

Naghiyawan ang mga kaibigan ni Aria. Ang sarap daw lagi bumisita rito dahil hindi strict ang parents ni Aria at nang s-spoil pa. It was fun. I mean, I watched them and they had fun so I also had fun.

“Sina Soren, Chantal, Ciara, Daniel… marami pa- Wala eh. May trabaho daw.”

Napasulyap si Aria sa akin habang kumakain.

“Inimbita ko rin ang mga pinsan ko kasi noong nakaraan pa sila nagsasabi na gustong pumunta. Pupunta raw si Nancy pero hindi ko pa sure kay Chayo. Kung nandito si Chayo, dadalhin noon si Levi kaya pupunta rin si Leandro at mga kaibigan nila.”

Aria laughed and paused to listen on the other line.

“Of course, sila lang. Oo na, Steffi.”

It was just another day of Aria’s party with her friends. Hindi na ako bumaba dahil alam kong pagtatawanan lang ulit nila ako. Lalo na nang narinig ko na hinanap na naman ako ni Soren nang dumating siya.

The next days, it was Aria who went out to meet her friends. One day she would hang out with them on a newly opened cafe. The next day, they will go to the del Reals for a pool party. Her social life is pretty active and I wonder silently what it feels like to feel that kind of life.

Maraming kaibigan. Maraming nakakasalamuha. Gusto ng lahat. Maganda at nakakaaliw.

In short, I envy her. Sometimes, I zone out while I watch her apply gloss on her thin lips. I jump whenever she looks my way and smirk. Tatayo siya at lalapitan ako para kalabitin muli ang mukha.

“Akyat ka na at papunta mga kaibigan ko rito. Sayang hindi mo makikita at inimbita ko ang dalawang ex ni Alvaro. Tingnan natin kung mag-aaway sila.” She laughed evilly.

Well, it’s not new to me. Growing I heard a lot of things abotu Alvaro’s relationships. Hindi ko nga lang alam kung totoo iyon at wala rin naman akong planong tanungin siya. I think it is normal. He’s good looking, very sociable and friendly, and he’s liked by many. Normal lang na magkagirlfriend siya. I never heard of him two timing anyone but he has a pretty long list of exes. He had girlfriends but one girl at a time.

Ang marinig kay Aria ito ngayon, hindi na bago sa akin.

Umakyat na lang ako at inubos ang buong araw sa pag-iisip.

I wonder if I would get boyfriends too, if I was pretty? Ano kaya ang feeling ng may manliligaw? At ano ang pakiramdam kung sasagutin na. Those chic flicks I watched seem to describe it as magical. I wonder if I would feel the same? How would I feel then if I want to break up? At ano ang gagawin ko kapag may nagugustuhang iba naman?

I giggle day dreaming about it. I tried reading stuff like that but I have less books that cater to those things in our library. Kaya noong bumisita kami ng Bacolod, namili ako ng mga libro.

It was about a month of vacation when Aria suddenly told me about Alvaro. Kumakain ako ng breakfast, alas sais y media ng umaga. Ganoon din siya sa harap ko nang bigla siyang napatuwid sa pagkakaupo pagkatapos magbasa sa cellphone.

“Nga pala, magkikita daw kayo ni Alvaro sa municipal hall ngayon.”

Natigil ako sa pagkain. Kagigising ko lang.

“Ngayon?”

“Oo. Ngayon. Bilisan mo diyan at may trabaho siya ng alas siete! Paghihintayin mo pa at baka ma late ‘yon!”

“Huh?!”

Gusto kong magreklamo! Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin? Kailan pa ‘to sinabi ni Alvaro? Kagigising ko lang at ni hindi pa ako nagkalahati sa almusal tapos bibiglain ako ni Aria ng ganito?! Imbes na magreklamo, minabuti kong magmadaling umakyat sa taas at makaligo at makapagbihis na!

Inaabot ako ng isang oras sa banyo pero dahil doon, limang minuto lang tapos na ako. I didn’t think about doing anything with my hair. I didn’t even think about my clothes. I pulled a pair of faded jeans, t-shirt, and my sneakers. Pinasok ang eye glasses at naglagay lang ng cross body bag kasama ang cellphone at pitaka, nagmamadali na akong bumaba.

Kumakain pa si Aria noong pababa ako. Imbes na magtawag ng kasambahay para maihanda ang kotse, lumabas na ako para ako na mismo ang kumausap sa driver.

Natagalan pa ako. I want to blame it all to Aria. Lalo pa nang naisip kong maaaring kagabi pa ito pero hindi niya man lang talaga sinabi sa akin. O baka nakalimutan niya? Hindi ko alam! Hindi na ako magrereklamo. I should even be thankful that she told me that, even when it’s late.

Limang minuto yata ang late ko. Naroon na sa tapat ng municipal hall si Alvaro at ang kuting ay naglalaro laro na sa harap niya. Nakaupo siya sa mababang bakod ng garden sa tapat ng hall, naghihintay. Ang lumang motor niya ay nasa tapat.

Katitigil lang ng SUV namin, binuksan ko na ang pintuan at bumaba na ako. My heart is beating wildly from the thought that I was late. Ni hindi na ako gaano na excite na makikita ko ang kuting.

“Sorry, I’m late!”

Tumayo siya nang nakita ako at inangat niya ang pusa. Nagtaas siya ng kilay.

“Late nga. Ako rin late na sa trabaho,” he said playfully but I took that seriously.

Kinuha ko ang kuting sa kanya at tumango.

“Pasensya na talaga. Uh… gusto mo, kausapin ko si Manolo?”

“Huwag na. Ngayon lang din naman ako na late at limang minuto pa lang.”

Sumulyap siya sa kuting na hawak ko. Samantalang wala akong ibang gusto kundi ang umalis na siya at magtrabaho na para hindi na ma-late.

“Hindi mo ba pupunahin ang kuting?”

Napasulyap din tuloy ako sa kuting. Lumaki naman siya ng kaunti, may collar na at malinis din ang balahibo. Medyo nagkalaman din kahit paano.

“Ah, thank you sa pag-aalaga. Mukhang maayos naman siya buti na lang.”

He chuckled like nothing is wrong. “Buti na lang? Bakit ano ba ang iniisip mo? Mamamayat siya sa puder ko?”

But I have no other thoughts but his work!

“Ah, hindi naman. Uhm…” I panicked. “Trabaho mo?”

Ngumuso siya. “Excited ka na makaalis ako, ah?”

“Hindi naman sa ganoon pero mali-late ka lalo. Kasalanan ko.”

“It’s okay, Yohan. At oo, aalis na nga ako.”

Kumunot ang noo ko, bahagyang nakahimig ng pagtatampo sa boses niya. Ngumuso ako at naisip ng kaunti ang reaksiyon na iyon.

“Ayaw mo yatang nagtatagal ako,” he smirked and turned for his motorcycle.

“Hindi naman sa ganoon kaso…”

He chuckled. “Oo na. Ikaw na ang bahala sa kuting. Magkita tayo ulit dito ng alas kuwatro y media. Kukunin ko si Kuring.”

“Oo!” sabi ko at iniisip na magmamaaga ako para hindi nakakahiya.

He smirked again. “Siputin mo ako, ah? Baka hindi mo na ‘yan ibalik sa akin.”

Natawa ako ng kaunti pero hindi pa rin natanggal ang pag-aalala ko sa trabaho niya.

“Ibabalik naman.”

“Sige, mauna na ako.” At sinuot na ang helmet.

I nodded and watched him go. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang hininga ko habang tinatanaw siyang nakakalayo.

Nagmomotor na pala siya. I remember seeing him ride a tricycle going home. Pero siguro, kapag papuntang trabaho nagmomotor siya. Kapag school, tricycle lang. And… maybe he now has a license because… hmm… is hee seventeen already?

Matagal pa bago ko tuluyang nailipat ang buong atensiyon ko kay Kuring. Bumuti nga ang lagay niya at medyo naibsan ang kaunting pangamba ko. Sa totoo lang, may kaunting pangamba ako tuwing naiisip na walang alam si Alvaro sa pag-aalaga ng kuting.

I suddenly remember his playful words about me accusing him of not taking good care of Kuring. I smiled and petted the kitten.

Ilang sandali ko pa siyang nilaro sa parke. Nang masyado nang mainit at na-bored na kami, nagpasya ako na pumunta sa isang pet shop. Wala sa Altagracia kaya nagpaalam pa ako kay Tita na pumuntang La Carlota. Mabuti naman at pumayag siya pero iyon nga lang, pinagalitan pa muna ako.

“Hindi ba sabi ko sa’yo bawal nga ang mga hayop na ‘yan sa mansiyon?!”

“Hindi ko naman po dadalhin sa atin, Tita. Bibilhan ko lang ng pagkain…”

La Carlota’s pet shop doesn’t sell everything. Mas marami silang para sa aso roon kaya hindi ako makahanap ng ibang kailangan ko. Mga cat food lang at cat treats ang naroon, lalagyan ng pagkain at tubig. Walang pang potty train at iba pa.

I also have the kitten checked sa vet. Alam kong maaaring nagawa na iyon ni Alvaro pero ayaw kong gumastos pa siya para rito. Akin naman talaga ang pusa na ito at ako dapat ang gumagastos.

I went to a cafe to eat lunch at nagtagal kami roon. Pauwi ng Altagracia, naiisip kong maganda sanang magtayo rin ng pet shop doon. Hindi na kailangang pumunta sa La Carlota para sa mga bagay na ito. Or maybe an animal hospital? And it could also double as animal shelter for the abandoned animals?

Namulaklak ang mga iniisip ko habang nilalaro si Kuring sa loob ng sasakyan. I wonder if I can do that? It would also be nice if I become a vet but I know I am bound to be the leader of our sugarmill. Kaya puwedeng kapag may sariling pera na ako, maghire na lang ng vet at tumulong sa mga hayop sa paraang alam ko.

Maaga ako sa parke. Tumae at umihi na si Kuring at panay naman ang sunod ko habang nililinisan ang mga dumi niya. It’s easier now that I have these things. Naka isang ecobag iyon kasama ang treats at ipapadala ko kay Alvaro kapag nariyan na siya.

It was exactly four thirty five when he came. Naglalaro pa kami ng kuting sa parke nang natanaw ko ang pag park ng motor niya at ang pagtanggal ng helmet.

Mabilis kong kinuha ang kuting para lumapit na sa kanya. Lumabas ako sa parke habang inaayos niya pa ang motor at helmet. He’s now wearing a maong jacket over his gray t-shirt. Naka uniporme siya kanina nang nagkita kami sa umaga. Ngayon, iba na ang damit niya.

“Hi…” he greeted when he noticed I’m nearing.

I only smiled. Hindi alam kung paano pa siya babatiin. I would faint if I say Hi back. Dumiretso na lang ako sa nakaparking naming SUV at binuksan na ang pintuan. Bahagyang nagulat ang driver dahil sa biglaan kong pagbukas.

“Sorry, Manong,” sabi ko at kinuha ang ecobag bago sinarado muli ang pintuan.

Pagbaling ko kay Alvaro, nasa likod ko na siya, nanonood sa ginawa ko. Sumunod ang mga mata niya sa ecobag.

“Ah, namili ko para kay Kuring.”

His head tilted. Sinundan niya ang basahin sa ecobag bago nag-angat ng tingin sa akin. “Nagpunta ka ng La Carlota?”

“Oo. Gusto ko kasing mamili. Sa convenient store kasi kaunti lang ang products. Tsaka doon din may private vet.”

He nodded. “Okay. Iniisip kong masyado pa siyang maliit para ipa-vet.”

“Ayos lang. Uh, masyado pa nga siyang maliit. Magsabi ka na lang kay Aria kung may problema at ako na ang bahala sa vet.”

He chuckled. “I want to raise him in the wild, Yohan. Iyong hindi gaanong maarte at malusog ang katawan.”

Kinagat ko ang labi ko. I know what he meant by that. “Ako rin naman. Pero… baka lang kailanganin.”

He nodded and smiled. Naglahad siya ng kamay sa akin para sa kuting kaya ibinigay ko naman kaagad. Tinatanaw niya ang kuting habang nagsasalita. “Buti pinayagan ka. Malayo ang La Carlota, ah.”

“In-explain ko naman kay Tita ang sadya ko. Pinagalitan ako ng kaunti pero pumayag din naman.”

He nodded. “Kung makabisita ako sa La Carlota, mamimili na rin ako para sa kanya.”

“Uh… ako na ang magbabayad!” agap ko dahil iniisip ang gastos.

“Nagtatrabaho naman ako kaya may pera ako, Yohan.”

“Pero puwede mo sanang ipang gastos… uh… sa ibang bagay ‘yon.”

“It’s okay.”

Nagkatinginan kami saglit. Ibinagsak ko ang mga mata ko sa kuting, hindi matagalan ang titig niya.

“Magsasabi ulit ako kung kailan. Nag yayaya si Aria sa inyo pero hindi ko pa mapaunlakan dahil sa trabaho. Pero baka sa susunod, bibisita ako at dadalhin ko si Kuring.”

I nodded. “Okay. I’ll… just wait.”

I smiled. I know that he’s saying good bye but he remained there, petting the kitten. Lukot na ang handle ng ecobag sa mariin kong hawak.

“Alvaro?!” A girl called behind him.

I tried to see who it was but when Alvaro turned, he blocked my vision.

“Pauwi ka na ba?”

“Oo. Bakit?”

“Paangkas naman o. I drop mo lang ako sa amin. Madadaanan mo naman, e!” the girl said.

Alvaro turned to me first. I smiled to him and tried to crane my neck to see who it was. It was his classmate, I think. Sa ilang beses kong tingin sa kanila, halos memorize ko na ang mga close friends at classmates niya.

“Wala akong helmet na extra.”

“Ayos lang ‘yan. Malapit lang amin, e.”

He sighed. “O sige,” sabay lapit niya rito. “Tamang tama may taga hawak sa kuting ko.”

Ibinigay niya sa babae ang kuting. Tinanggap naman ng babae na medyo may pag-aalinlangan. Binalikan ako ni Alvaro at agad nilahad ang eco bag. He smiled.

“Uuwi na ako. Madadaanan ko ang kanila. Umuwi ka na rin. Ingat ka.”

I nodded fast. Umalis din siya at dumiretso sa motor niya.

“Alvaro! Paano ako yayakap kung may hawak na kuting?!”

Alvaro laughed. Sumampa na siya sa kanyang motor.

“Huwag ka nang kumapit. Hindi ko bibilisan. Mabagal lang para hindi mo na kailangang kumapit.”

“Huh?” ang babae sabay lapit na sa motor at nakatingin pa rin sa kuting.

I swallowed hard as I looked at them. Sumampa na rin ang babae sa likod ng motor ni Alvaro. Alvaro turned a bit to check the kitten.

“Ayusin mo ‘yan. Kapag nalaglag ‘yan, lagot ka sa akin,” may pang-asar sa tono niya.

“Alvaro!” ang babae sabay hawak ng mahigpit kay Kuring.

The engine of his motorcycle roared. He turned to me smiling. Then he winked. Napasinghap ako.

“Ayusin mo,” paalala niya muli sa angkas bago umandar ang motor at mabagal na umalis.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: