Chapter 5
Chase Martin R. Castillo
Pumasok ako sa loob ng office ng diumano’y boss ko. Yung lalaki yung nauna at umupo dun sa upuan ng ‘boss’.
“Chase Martin R. Castillo.” Sinabi ko agad nang nakita ko ang isang close-up painting ng mukha niya (mula labi hanggang mata lang ang ipinakita), sa baba nun may nakalagay na Chase Martin R. Castillo.
Napabuntong hininga siya.
“Now you finally know, eh?”
“Sorry po. Di ko talaga naalala. Dami ko kasing iniisip eh.” Sabay kamot sa ulo ko.
“No. Its okay!” Tapod ngumiti siya. One dangerous smile.
Para bang tinititigan niya ako at nababasa niya ang isip ko kaya siya ngumingiti. Bakit? Anong iniisip ko? Na ang bobo ko talaga dahil di ko naalala ang pangalan niya tapos manghang-mangha pa nga ako nung nagkakilala kami dahil ang gwapo niya diba? Siguro dahil masyado akong preoccupied sa lahat ng nangyayari.
“So… tinanggap mo ba yung offer ni Adrienne?”
Tapos nagloading na naman ako at napatingin sa chandelier sa itaas at sa malaking glass window sa gilid na nagpapakita ng iba’t-ibang building sa buong I.T. Park.
“Adrienne?” Sabi niya ulit. “You don’t remember?”
“Ah! Hindi! Yung… Hindi ko tinanggap. hehe.” Tumatawa ako na parang krung-krung sabay kamot ulit sa ulo ko.
My God Eli! Yung bading nga pala yun na nag-offer sakin ng modeling job! Actually, ngayon, mejo nararamdaman ko ng pwede ko yung gawin tapos sabihin kay Adrienne na sana hanggang Cebu lang ang ad na yun. Pu-pwede kaya yun?
“Okay. That’s good.” Sabi niya nakatitig parin sakin.
Ayan na naman ang ngiting pilit niyang pinipigilan kaya ngumunguso siya.
“By the way, this is the office of my mother… the President and CEO of CPI. In case di mo alam, her name is Marie Elizabeth Castillo. Everyone calls her madame, you should too.” Aniya habang pinaglalaruan ang ballpen ni ‘Madame’.
Napabuntong-hininga ako. Tapos tumaas ang kilay niya na para bang kini-kwestyun ang pag buntong-hininga ko.
“A-Akala ko kasi ikaw yung boss ko…” Sabi ko bigla, avoiding his stare.
Another one of his supressed smile flashed. Ugh! Pakiramdam ko umiinit na naman ang pisngi ko. No doubt, I’m blushing!
“Why is there a problem with me? Ayaw mo ba akong boss?”
Ngayong tinanong niya na iyon, naitanong ko na rin sa sarili. Struggle na naman ako sa sagot dahil di ko rin maintindihan kung bakit takot akong maging boss siya.
“Uh… hindi…po…” Ngumiti na lang ako ng plastic.
Kelan ba ako makakalabas at makakapagtrabaho? Diba ngayon na dapat!? Ba’t nandito pa kami sa office eh di ko naman pala siya boss?
Niluwangan niya ang neck-tie niya at tumingin sa relo.
“Kung ayaw mo akong boss… Sorry to tell you, Eliana, but I’m the Chief Operating Officer of this company. Boss mo rin ako…”
Nanlaki ang mga mata ko pero ngumiti parin, “O-Okay po Sir! Nice meeting you!” Sabi ko kahit na mukhang sarcasm yung pagkakasabi ko.
Hindi niya na napigilan ang pagngiti. Naririnig ko na yung pintig ng puso ko! Kinakabahan ako. Will I get fired?
“Come over here, Eliana.” Sabi niya sabay tayo. “You should arrange these papers first… then magtimpla ka ng kape.”
Agad akong pumunta dun sa kanya at i-aarrange ko sana yung papers at mga folders nang sabay naming kinuha ang mga iyon kaya nahawakan niya ang mga kamay ko.
Limang mahahabang segundo siguro kaming nagkatitigan bago binitawan ang papers at folders dahil may biglang pumasok sa opisina… Isang maputi, kulay-brown ang buhok at malalaking gold earrings na babae ang pumasok at may dalang Louis Vuitton bag…
Pagkapasok niya, nakanganga na ang bibig niya at tinanggal ang sunglasses at mukhang nakita ang scene bago kami lumayo sa isa’t-isa ni Sir Chase.
“M-Ma…” Sabay halik ni Chase kay ‘Madame’. “I thought you’ll be here in an-“
“Bakit? Nahiya ka sa nakita ko?” Kumindat si madame sakin! “Eliana, my new secretary?” Ngumiti siya.
“Opo…” Sabi ko.
“Paki timplahan mo ako ng kape.” Patuloy niya.
“Okay po…” Sabi ko habang umaalis na sa opisina…
“Oh wait…” Ngumisi si Madame. “You don’t know how I like my coffee.”
Tumigil ako para dinggin kung paano yung kape niya.
“Chase… will you teach her how to do it?” Hindi na tumingin si Madame kay Chase o kahit sakin, doon na nakatoon ang atensyon niya sa mga papel at folders.
“Sure, Ma.”
Nakatingin na si Chase sakin at naglakad na rin patungo sa kitchen ng office.
“Put your bag on your table.” Aniya nang nakitang dala-dala ko parin ang bag ko.
Pero bago ko pa nagawang ilagay ang bag ko sa table, kinuha niya na ito at tinanggal sa balikat ko.
“Here…” Sabi niya. “You should start to put things here…” Ngumiti siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Gutom ba ako? Naisip ko ang tanong na yan dahil habang naglalakad kami, parang ang gaan ng mga paa ko. Para bang anytime, pwede akong madulas dahil sa gaan nito. Pero sa layo ng kitchen, narealize ko kung ano o sino ang nagdudulot sakin ng pakiramdam na ‘to, si Sir Chase. I don’t know why.