Chase and Hearts – Chapter 4

Chapter 4
What’s his name?

Ang sabi ni Denise sakin, extremely weird daw yung nangyari sakin sa CPI. Imposible daw na ganun yung HR. Kung ganun daw, baka mumurahing kompanya lang daw yung napasukan ko. Nilarawan ko naman sa kanya ang building ng CPI na halos kasing tayog ng building ng Jimenez sa Maynila. Hindi siya makapaniwala. “Baka na scam ka lang huh?” Aniya.

Dinelete ko ang Facebook account ko dahil puno iyon ng wall post ni Yuan na pinagpyestahan ng mga tao.

Friends ni Tanika: Kabit! Sana wag ka ng bumalik dito. Kung saan kaman sana mamatay ka na.

Hindi yun nabasa ni Denise kasi aniya’y mag dadalawang linggo na siyang di nag-oopen ng account niya. Buti dahil baka na pektusan na niya ang mga iyon at kinasuhan ng kung anong pwedeng ikaso.

Hindi matanggal sa isip ko si Yuan. Di ko nga namalayang di pala ako nag dinner nang nakatulog akong umiiyak sa Hotel room. Hay buhay! Mahal ko talaga si Yuan. Noon, nagdasal ako na sana kaya niyang ipaglaban ako. Anim na buwan din akong naghintay, maiksing panahon pero para sakin ay mahaba na yun. Araw-araw, minu-minuto ko siyang iniisip. Iniisip at binubuhay muli ang mga alaala naming dalawa, hanggang sa halos parang panaginip lang lahat na nangyari samin.

“Eliana?” Sakmal ni Celine sakin.
“P-po?”
“Anong nangyayari sayo? Spacing-out? What’s your problem?” There’s that concerned look in her face again.

Para bang uhaw siya sa mga problema ng mga tao.

“W-Wala. Dito yung table ko?” Tanong ko.
“Oo…” Pumalakpak siya at tinawag ang mga tao sa paligid.

Lumapit naman yung iba, yung iba hindi na…

“New?” Tanong nung isang lalaki na kasing tangkad ko at may malalaki at ‘expressive’ na mga mata.
“Yes, Marc.” Sabi ni Celine. “Eto nga pala si Eliana Jimenez, yung bagong secretary ni Madam, hope you treat her well-“

Tumango yung iba at sa mga mukha nila ay parang kagalang-galang talaga si Celine. Hindi ko naman sinasabing di siya kagalang-galang pero… hindi parin talaga matanggal sa isip ko yung nangyari sa interview.

“Hmm? Ano na naman yan, Celine.” May matangkad at mala diyosang babae ang dumaan at napa-balik talaga lahat ng lumapit, except kay Marc, sa kanilang mga mesa.

Etong girlet na ‘to, matangkad, maputing-maputi, as in para siyang bond paper sa puti at mukhang mahinhin at di ngumingiti.

“Bago?” Nihead-to-foot niya ako.
“Wala kang pakealam, Britt. Back off. Balik ka na lang sa marketing department, di ka welcome dito.”

Nung nagkalapitan na silang dalawa ni Celine, narealize kong mukhang ka-age silang dalawa, magkasing tangkad at parehong magaganda.

“Brittany, dun ka na lang sa Marketing, hayaan mo na si Celine-” Sabi ni Marc.
“No, Marc. Mula nung naging HR siya dito puro palpak ang niha-hire niyang empleyado. Palibhasa ginamit lang yung boyfriend niya para maging HR siya dito. At ikaw naman, hija, anong pangalan mo? Kita ko sa resume mo di ka pa pala nag co-college sana inuna mo ang pag-aaral mo. Celine, may mga graduates na dun sa nag apply bakit siya pa?” Nagkatagpo ang kilay niya na para bang diring-diri sakin.

Uh-oh? Anong gagawin ko? Mukhang ifa-fire na yata ako di pa nga ako nakakaupo sa mesa.

“Ano? Ikaw na lang kaya ang mag HR? Palit tayo ng trabaho? Anong pake mo?!” Tumataas na ang tono ng boses ni Celine. “Ikaw na lang magdesisyon kung sino! Insecure ka yata eh!”
“Girls… girls… tama na…” Awat ni Marc sa dalawa.

Huminga akong malalim at kinabahan sa tinginan ng dalawa.

“Uhh… Aalis na lang muna-“
“No… you’re not leaving.” May boses akong narinig sa likuran.

Tumingin lahat ng tao sa paligid pati si Marc, Celine at ‘Britt’ sa likuran ko.

“What’s wrong here, Celine?”

O.M.G. ITS HIM! YUNG LALAKI! SA AIRPORT! WHAT’S HIS NAME AGAIN? I CAN’T REMEMBER!

“Si Brittany, nangengealam sa new secretary ni madame!”

HE WORKS HERE!?

Nakapamaywang siya habang tinitignan ng seryoso si Celine at tuminginulit sakin. Umaliwalas ang kanyang mukha at tinignan si Brittany.

“Okay… okay… Whatever, but I’m warning you, girl!” Sabi ni Brittany sakin. “You better be good.” Umirap siya at tinalikuran kaming lahat.
“What’s her problem, bro? Pinaiyak mo?” Tumawa si Marc at hinampas ang dibdib nung lalaki.

WHAT IS HIS NAME?

“By the way, eto si-” Sabi ni Celine.
“We’ve met, Celine.”

OMG! Patapusin muna si Celine please?! Hindi ko maalala ang name… A? B? C? D? E? Ffff? Which letter? G? H? I? Jjj? K? L?

“Oh? Really? What’s the girl’s name, then?” Nakataas ang kilay ni Celine.
“Eliana, right?” Sabi nung lalaki.

Tumango ako at uminit na naman ang pisngi dahil alam ko kung ano ang susunod na tanong!

“Anong pangalan niya, Eliana?” Tanong ni Celine sakin habang nakaturo sa lalaki.

Natahimik ang paligid. Pati yata yung security guard sa elevator ay inabangan ang sagot ko. Gosh! This is the hardest question I have ever heard!

“Mmm.” Sabi ko habang tumitingin sa itim na ballet flats na soot ko.

(“Do not wear pumps or anything heeled. Secretary ka, ‘Eliana, kuha ka ng kape… bili ka ng ganito… ganyan… takbo doon…’ kaya mas convinient kung flats. AT! Pagmakita ng mga taong tulad ko ang pumps mong Aldo, Louboutins at iba pa, hindi ka na tatanggapin kasi malalaman nilang mayaman ka at ayaw nating mangyari yun, diba?” Yun lang ang naiisip ko na sinabi ni Denise kagabi.)

I have no hope. Magpakatotoo ka girl.

“Na-Nakalimutan ko…”

Nalaglag ang panga ng lahat at may nakita pa akong mga papel na nabuhusan ng tubig sa bigla. Tinignan ako ni Marc na parang may kasalanang nagawa. Naka perfect O naman ang bibig ni Celine.

Yung lalaki sa harapan ko, nakanguso na para bang gustong ngumisi pero pinipigilan ang sarili.

“Everyone, back to work!” Sabi niya.

Limang segundo siguro bago siya sinunod ng lahat.

“OMG!” Tumatawa si Celine at Marc. Walang tunog yung tawa nila at namimilipit sa tiyan. “Over confident na kilala, di naman pala…” Tumakbo si Celine papuntang elevator, di parin kayang huminga ng maluwang sa kakatawa.
“Congrats, bro.” Tumatawa din si Marc palayo sa lalaki.

Nung kami na lang dalawa ang naiwan…
“You, Eliana, come with me…” Itinuro nung lalaki ang opisina ng BOSS ko…

Akala ko ba madame? WHAT THE? HE’S MY BOSS? OMG! And who is he again? Pls God! Tulungan niyo po ako! Please! Magsisimba na ako sa linggo! Please! Help! What’s his name! OMG! OMG! OMG!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading