Chapter 2
Handsome and Gentleman
“Nasa Cebu na ako.” Sabi ko sa cellphone kay Daddy.
“You should stay in a hotel! Nagpabook na ako sa Waterfront, just ride a taxi and tell the driver!” Sabi ni Dad.
“Dad, wag na. Kukuha ako ng apartment or something here. Don’t worry. Tsaka, tatlong araw lang ako sa hotel. Nagpabook na si Bench sa isang hotel dito. Icancel mo na yung Waterfront na sinasabi mo. Don’t worry too much about me.” Sabi ko.
“I can’t help it! Bakit ba kailangang diyan ka pa tumira? If you want to get into an open school, pwede naman dito ka na lang sa bahay-“
“Dad, sige na po! Birthday present nga diba!? Don’t worry, kung di ko na kaya, uuwi ako diyan agad-agad! Okay? Don’t worry please. Bye!”
Nasa harap na ako ng paradahan ng taxi sa labas ng airport. Papara na sana ako nang biglang may lumapit sa akin, nakauniform galing sa isang Audi na SUV.
OH GOD, NO!
“Miss Eliana Jimenez, eto na po ang hinandang kotse ni Mr. Bench Jim-“
Napamura talaga ako sa nakita ko at tinawagan agad ang pinsan kong sa sobrang yaman namimigay na lang ng pera! Kung anu-anong naiisip! Hindi iniisip kung ano ang pakay ko sa paglayo sa Manila!
“Bench!”
“Eli-“
“Bench, my God! Drop it! Gusto kong mamuhay ng normal dito, ba’t nagpadala ka ng SUV?”
“Hindi ko pinadala yan, binili ko diyan-“
“Ibalik mo na yang Maynila kasi magtataxi lang ako. Halos ayawan ko nga yung pag hohotel ko ngayon dahil masyadong galante, papadalhan mo pa ako ng driver at SUV? Wag na… you know what’s normal life? NORMAL! Yung tulad ng buhay ni Denise nung wala ka pa. That’s normal life! Not freakin rich kid life!”
“Wait… hindi normal ang buhay ni Denise kung wala ako-“
Napabuntong hininga na lang ako at… “Bench, magtataxi ako. Send this SUV back to Manila. Okay?”
“Okaaaay!” He said lazily.
Binaba ko ang cellphone ko at mukhang tinawagan niya ang pinadalang driver at ilang sandali ay umalis na din.
May nakita akong taxi… papara na sana ako pero biglang may kulay neon green akong nakikita sa gilid ng mata ko.
Neon green ang kanyang t-shirt kaya mas lalong umitim ang kulay ng kanyang balat. Mohawk ang buhok at agad kong naramdamang baklush siya nang naglahad siya ng kamay at nagsalita…
“Ang ganda-ganda mo naman, girl! Half-american ka ba? I’m Adrienne, by the way.”
Tinanggap ko ang kamay niya, “Eliana Jimenez, di ako half american.”
“Jimenez? Probably may dugong espanyol!” Aniya. “I’m working for this underwear company at nag s-scout kami ng pwedeng mag model sa isang ad dito sa Cebu.”
May kinuha siyang credit card galing sa wallet niya.
“In case you need money, you may want to try.” Binagay niya ang calling card niya sakin.
“Ah… di ako pwede.” Sabi ko agad.
Oo, kailangan ko ng pera. Magtatrabaho ako habang mag-aaral sa open university ng school namin tulad ni Brent na sa internet lang nagmemeet sa prof at di na kailangang pumasok pa sa school. Magtatrabaho ako dito sa Cebu. Maghahanap ako siguro secretarial jobs para magkaroon ng apartment, mamuhay ng simple at hindi umaasa sa iba. Independent.
Hindi ako pwede sa modeling jobs dahil ayaw kong malaman ng kahit na sino na nandito ako sa Cebu. Natatakot akong malaman ni Yuan at sundan niya ako dito.
“Ba’t naman?” Tinanong niya ako pero nakatingin siya sa likuran ko at nakangiti.
“Uh…”
Lumingon ako at nakita ko ang isang matangkad na lalaking naka blue button-down shirt. Matangos ang ilong, pula ang labi, maliwanag ang mga mata at malinis ang gupit ng buhok. Nagmamadali siya pero mukhang matitigil sa paglalakad dahil kay ‘Adrienne’.
“CHASE!” Tili ng mukhang kinikilig na Adrienne.
“Adrienne! Kaw pala! Sinusundo ko si Mama.”
Ayun si Adrienne at hindi na ako pinansin at naka aligid na dun sa lalaking tinilian niya.
“Nakarating na pala si Madame?…”
Tinitigan ko silang dalawa at nakita kong sumulyap at tumitig din yung lalaki sakin. Awkward. Tinoon ko na lang ang pansin ko sa taxi na hinahanap ko.
“Ah eto ba?” Biglang hila ni Adrienne sa braso ko na para bang matagal na kaming magkakilala. “Hindi ko siya kaibigan. Dito kami nagkakilala… yinaya kong mag model. Maganda diba?”
Tinitigan ulit ako ng lalaki, ngayon nakangiti na.
“I trust your taste, Ad…” Nilagay niya ang kanyang index finger sa baba at tinignan akong mabuti.
Never in my whole life did I blush this much. Oh God and I don’t know why!
“Oh she’s blushing! Girl! Pulang-pula ka na! Naiilang ka kay Chase?” Sabi ng INGRATITANG si Adrienne!
God! At di pa ako napahiya ng ganito! Nakakahiya! SINABI NIYA PA KASI!
Tumawa si Chase! Relax lang Eli… Relax! Ba’t namumula ako eh tinitignan lang naman ako nitong lalaking ‘to.
“Chase Martin Castillo.” Naglahad siya ng kamay.
Tinanggap ko pero halos sumabog na ang ulo ko sa init ng pisngi ko at sa sinasabi ni Adrienne…
“Blush ka nang blush girl ah?! Si Chase na kasi… syempre!”
“Uh… Eliana… Jimenez. Aalis na ako.” Sabi ko at halos out-of-focus na ako na tumitingin sa dumadaang mga taxi at pinapara kahit alam kong may tao na sa loob.
“Ako na.” Sabi ni Chase.
Pinara niya ang taxi para sakin at nilagay ang bagahe sa likuran ng taxi.
“S-Salamat.” Sabi ko.
HE IS SO HANDSOME THAT I CAN’T BELIEVE HE’S A GENTLEMAN!