Chapter 1
New City, New Life
“Hindi ka na ba talaga mapipigilan?” Tanong ng pinsan kong si Bench.
Kinalas ko ang pagkakayakap ko kay Denise – siya lang yata ang kaibigan ko simula pa noon. Nasa ilalim kami ng private plane nina Bench nang dumating siya kakagaling yata sa office niya. Hinalikan niya ang noo ni Denise at ngumiti. Ang bestfriend ko at ang pinsan ko, finally together.
“Hindi na.” Sabi ko.
Kinakabahan ako pero kakayanin ko ‘to. Sila lang ang naghatid sakin papunta dito dahil ayokong makita si Daddy sa pag-alis ko. Pakiramdam ko uurong ako sa desisyon kong pag-alis kung nandito siya. At syempre pipigilan din ako for sure ni mommy (step-mon ko). Umiyak yun kagabi kasi di niya pa nasasabi sa mga kapatid (step brother/sister, kasi twins) kong aalis ako.
Ayoko din namang umalis, pero kailangan. I’m gonna miss this big city, my home. But all my life I’ve been inside my comfort zone, I need to get out of it cuz a bigger world is out there waiting for me.
Malakas ang ihip ng hangin dito sa airport. Nasa plane na ang baggage ko at hinihintay na lang ako ng pilotong sumakay.
“Joe, yung mga files, ipagpatuloy mo na lang lahat.” Sabi ni Bench sa cellphone niya at binaba agad, tinuon ulit ang atensyon sakin.
Si Bench na pinsan ko pero parang kapatid na rin at ang girlfriend niyang si Denise na mangiyakngiyak na naghatid sakin, mami-miss ko sila. Si Denise lang ang maituturing kong kaibigan ko dahil buong buhay ko, pinrotektahan ako ni Daddy sa ‘real world’. Halos di ako pinapalabas sa bahay not unless kasama ko ang family ko. Bakit niya ginawa yun? Siguro sa sobrang pagmamahal. At ngayon, binibigyan niya na ako ng kalayaan. Pumayag siyang umalis ako dito sa syudad na ‘to.
“You sure you won’t go for Paris, instead? Masyadong malapit yan…” Sabi ni Bench.
“Hindi na. I’m good with Cebu.” Sabi ko.
Hindi pa ako nakakapunta dun pero susubukan kong mamuhay dun ng normal. Kalimutan ang lahat ng sakit na dinulot sakin ng syudad na ‘to. Huminga ako ng malalim, trying to take it all in. Every corner of this city reminds me of him. All the memories came back.
Yuan Tan is his name.
Almost a year ago, nakilala ko siya sa unang skwelahang pinasukan ko. I was home schooled the whole grade and high school years. College ako at fresh eighteen nang pumasok ako sa school at nakihalubilo sa ibang tao bukod kay Bench at Denise. Masaya. Free. Si Yuan Tan ang nagturo sa akin ng maraming bagay. Kung paano maging isang normal na teenager. To have fun. But most of all, he taught me how to love.
But he wasn’t free.
“I want to love you.” Sabi niya sakin isang gabi sa loob ng sasakyan niya. “But my parents… won’t understand.”
May dugong chinese si Yuan. At may ipinangakong chinese na girlfriend na na si Tanika Uytingco. At syempre, nilihim namin ang feelings namin sa lahat. Nung nabuko kami, ipinagtabuyan ako ng parents niya sa bahay nila. Pati siya nagawang ipag tabuyan ako. It broke my heart into pieces.
Last week nung 19th birthday ko, niyaya niya akong makipag tanan, lumabas ng bansa, kaming dalawa lang. Hindi ako pumayag. Six months, di kami nag-usap tapos bigla na lang siyang susulpot na ganun? Akala ko nung tinaboy niya ako wala na talaga kaming dalawa. It made me happy to see that he still wants to be with me after six months of pain. Pero mahirap para sakin ang six months na yun. I was broken and irrepareable. At di pwedeng bigla bigla na lang siyang susulpot sa harapan ko pagkatapos ng mga ginawa niya at mga pinagdaanan ko!
Touchdown, Mactan International Airport.
New city, new life… I hope my past won’t haunt me anymore.
MUST READ!
Alam kong maiksi, sinadya ko yan para sa mga hindi nakabasa ng No Perfect Prince.. Abangan po ang next so you’ll understand… At oo, I’m taking you all to METRO CEBU!
P.S.: LETS ALL ASSUME NA TAGALOG ANG MAIN LANG. NG MGA TAGA CEBU! Okay? ahhhaha! thanks