Against the Heart – Kabanata 4

Kabanata 4

Coward

Hindi matanggal sa isipan ko iyong nangyari. Gusto kong isipin na baka tama si Leandro at hindi pa ako handa. Pero ano nga ba ang pakiramdam ng pagiging handa? Do you wake up one day and realize that you’re ready for a relationship?

Noon bang nagising siya sa unang araw niya sa pagiging kolehiyo, naisip niya kaagad na handa na siyang magkaroon ng girlfriend? Kaya niya girlfriend ngayon si Keira?

Thinking about Keira somehow bothered me. I liked her but for some reason, my perception of her is mixed with some other foreign feeling.

“Sabay tayong kumain mamaya!” deklara ni Ralph nang nakatabi sa akin.

Bumuntong-hininga ako. Ganito ba talaga kapag may boyfriend? Gusto kong mag-isip at mag muni-muni tapos bigla siyang susulpot?

Isang linggo na simula noong nangyaring surpresa niya. Hindi pa humuhupa ang usap-usapan tungkol doon. It was all dreamy for them pero ang hindi nila alam, naging medyo demanding si Ralph.

“Tayong dalawa lang, please,” dagdag niya.

Noong una, ayos lang naman na kaming dalawa lang. At pinagbigyan niya naman ako nang sinabi kong puwede bang sumama siya sa amin nina June at Nan sa cafeteria. Naka dalawang araw siguro siyang sama sa amin nang muli niyang nirequest na gusto niyang kaming dalawa ulit. At nami-miss ko na na kaming tatlo lang muna ni June.

When I told him that I want to be with June and Nan for that day, he got mad at me for it.

“Ano? Mas pipiliin mo sila kaysa sa akin?”

“Huh? I just want Nan and June like the usual. Magkasama naman tayo kahapon, ah?” naiirita na rin ako.

“Boyfriend mo ako, Chayo!”

Is this really part of it? Why will I have to compromise?

“Oo, pero lagi na tayong magkasama! Wala na akong time para sa mga kaibigan ko!” giit ko.

“Hindi ka ba masaya na magkasama tayo?”

“M-Masaya pero gusto ko na munang makasama sina June at Nan!”

“Baka nagsisinungaling ka lang. Ang totoo, hindi ka talaga masaya na kasama ako. Mas pipiliin mo ang mga kaibigan mo! Sige! Sumama ka na sa kanila!” he then left me after the argument.

Uwian nang sinuyo niya ako. Sa totoo lang, ayos lang sa akin na hindi na muna ako suyuin ni Ralph. It’s suffocating to see him all the time. Sa classroom, nagkikita kami. Sa cafeteria, magkasama. Kapag pumupunta ako sa library, nandyan din. Naghihintay ako kay Kuya, naghihintay din siya. Lahat na lang ba ng gagawin ko, nariyan siya?

Nakakairita! I wonder if it was better to have Simon as my boyfriend, instead? He texted me last night, hindi raw siya susuko. He still likes me. Maghihintay daw siya.

Naisip ko tuloy… he says the right words at the right time, too, huh. Kasi kung kailan siya muling nagtext sa akin, doon pa sa mismong mga araw na medyo nagdududa ako sa desisyon ko kay Ralph.

Umayos din kami kahapon nang suyuin niya ako. Nag sorry at tinanggap ko naman. Kaso heto na naman siya ngayon.

“Tayong dalawa lang muna, Chayo. Pambawi ko sa’yo kahapon sa pag-aaway natin,” aniya.

His offer seems tempting. Unti-unti akong pumayag.

Ang sabi niya, sa Kiosk na kami kakain. Kaso ayaw niya sa JHS building dahil mas’yado daw maraming chismosa. Sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Hindi rin naman puwedeng sa Senior High at laging punuan doon.

“Sa likod tayo ng soccerfield. Ano sa tingin mo?”

Ang likod ng soccerfield o pinakagilid na likod ng gym ay laging walang tao. Bukod sa tapat na iyon ng college department, pinamumugaran pa ng matatayog na mga puno, at sa layo at liblib noon, napapagod na ang mga estudyanteng pumunta. Isa pa, madalas pang mga miyembro ng frat na nagva-vandalize o may kalokohang ginagawa ang mga pumupunta roon.

“Ang layo noon, Ralph.”

“Walang tao roon at walang dumadaang teacher. Walang chismoso. Doon na lang! Sige na!”

I sighed. “Sige.”

“Ako na ang bibili. Mauna ka na roon, okay? Para hindi ka na mapagod. Libre ko. Ano bang gusto mo?”

Isang mainit na tanghali sa Altagracia habang tahimik akong naglalakad. Bawat hakbang, naririnig ko ang mga damong naaapakan. Palayo nang palayo sa pathway, mas lalong naririnig ang sayaw ng mga dahon sa saliw ng ihip ng hangin.

I cherished that moment. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko alam kung bakit medyo malungkot ako. Gusto kong mapag-isa kanina at tingin ko, ito lang ang tanging oras sa araw ko na mag-isa nga ako. Sana matagalan si Ralph…

Medyo na-guilty ako sa iniisip kaya lang hindi ko mapigilan. Naupo ako sa sementong bench at nilapag sa sementong lamesa ang bag. Most of the time, I will take my phone out but this time, I treasured that moment of aloneness.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko na si Ralph na palapit doon. I guess the moment of being alone was short, huh?

Nakita ko rin na unti-unting nalalagyan ng estudyante ang mga kiosk sa hindi kalayuan. Siguro naglunch break na rin ang college students or something.

“Here…” si Ralph at nilapag ang aming mga pagkain sa lamesa.

Umupo siya sa tabi ko at kalaunan nagsimula na kaming kumain. Masarap namang kausap si Ralph kapag hindi kami nag-aaway. Nga lang, it was weird to laugh at his jokes and then feel like he’s leveling up his touches on me.

“Hindi nga? Kanino? Baka mali ka?” tanong ko, medyo humupa ang tawa.

He was telling me about a Grade 9 student who surprised someone in their classroom. Ginaya raw ang surpresa niya sa akin pero dahil hindi afford ang maraming bulaklak at mga balloons, kaonti lang ang nadala.

Habang kinikuwento niya iyon, pumapalupot ang kanyang braso sa aking baywang at inilalapit niya ako sa kanya. He put some strands of my hair behind my ear.

“Kay Ella. Kaya ayun at binasted niya. Gusto yata ng bonggang surprise. Hindi ba nasabi mo na inggit iyon sa’yo?”

Nag-iwas ako ng tingin at unti-unting tumango. Kahit na matagal na ang nangyari, hindi ko pa rin talaga gusto ang babaeng iyon. Hindi na yata magbabago ang tingin ko roon.

“Sorry. Badtrip ka ba kasi napag-usapan natin?” pabulong nang tanong ni Ralph.

Umiling ako. “Hindi naman.”

Then he kissed my cheek. I stiffened. Oo at nakuha niya na ang unang halik ko pero hindi pa rin ako sanay na hinahalik-halikan lang.

“Ralph…” pigil ko sabay layo ng kaonti sa kanya.

“Chayo, sige na… wala namang nakakakita, e,” he whispered and kissed me again.

Tinulak ko ang mukha niya at halatang nabadtrip agad sa kabastusan ng ginawa ko.

“Ano ba? Girlfriend kita, ah?”

“Lagi na lang kapag tayong dalawa at walang tao?”

“Ganoon naman talaga ang girlfriend, e. Hinahalikan?! Ako dapat ang nagrereklamo rito kasi ang arte mo lagi!”

Hindi ako nagsalita. Somehow, I wonder if I was really being too moody these days.

He resumed kissing me. I obliged. At kalaunan, humaba ang halikan. I was in the middle of thinking that it was bearable. Kissing is okay. I responded slowly pero natigil nang kalaunan ay naramdaman ko ang kamay niyang naglilikot sa aking blusa.

I pushed him away a bit. Nga lang, mas naging agressibo siya at natapos ang mga unang butones. His hand slid on my chest and I felt him on my brassiere.

“Anong nangyayari rito?” a voice thundered.

Sa takot naming pareho ni Ralph, umayos ako at napa hawak sa blusa. Si Ralph naman ay napatayo at lumayo sa akin. I sensed his fear. Oo nga naman at dapat siyang matakot dahil kung malalaman ng teachers ang pinaggagagawa namin dito, baka anong gawin ng mga magulang niya sa kanya. Lalo pa’t parehong aktibo sa simbahan at kilalang conservative ang family nila.

Leandro Castanier’s dark eyes immediately found what’s wrong with my blouse. Umawang ang labi niya at naramdaman ko ang nanunuot na galit. Bakit ba kasi ito nandito at bakit lagi na lang siya ang nakakahuli?

“Kuya, sorry!” pauna ni Ralph, takot na takot.

Meanwhile, I looked calm on my seat. Unti-unti kong binutones ang blusa ko at nakita kong madilim na tumingin si Leandro sa ginagawa ko bago binalingan si Ralph.

“I could report you to the JHS teachers and your parents will be called by our discipline officer-“

“Kuya, sorry! Sorry talaga! Hindi naman sa ganoon… uh… huwag mong ireport, please-” nanginginig ang labi ni Ralph, nag-uunahan ang mga salita sa bibig at halos tatakbo na.

When Leandro stepped once, kahit wala naman siyang ginagawa, naunahan na ng takot si Ralph. Nagkukumahog siyang tumakbo at halos kaladkarin na ang bag. Tumayo ako at tinapos ang pagbubutones. Tahimik akong gumalaw at nag-ayos ng mga pinagkainan namin ni Ralph, silently disappointed at his actions.

Sinundan ng tingin ni Leandro si Ralph at nang nawala na, bumaling sa akin. Sumulyap ako sa kanya habang nagliligpit doon.

“Ano kayang sasabihin ni Levi kung nalaman niya itong nangyari?” he said.

Nagtiim-bagang ako, kinakabahan sa mga banta niya. My relationship with Kuya Levi is tainted now. Hindi siya gaanong namamansin sa akin at kahit anong aliw ko, ayaw niya. At hindi ko na kayang isipin kung ano ang gagawin niya kapag nalaman na ganito nga.

“At ano ang mangyayari sa inyo ng boyfriend mo kung malaman ng mga teachers na ganito ang ginagawa n’yo rito?”

Isa pa, kahihiyan kapag nalaman pa ng teachers. Ipapatawag ang parents ni Ralph at mabilis na maglalaho ang usapan tungkol sa magandang sorpresa niya dahil matatabunan iyon ng eskandalo.

“We’re just d-doing what boyfriends and girlfriends do.”

Napasulyap ako sa kanyang mahabang mga binti nang humakbang siya at lumapit sa kung nasaan ako. He looked so pissed. Mas lalo lang pagkatapos marinig ang sagot ko kaya inunahan ko na.

“Huwag mong sabihin sa teachers, please. Ayokong ipatawag si Ralph at-“

“You care so much for your coward boyfriend, huh?” malamig niyang sinabi.

“Aktibo sa simbahan ang p-parents niya at k-konserbatibo…”

Leandro’s lips twisted as he listened to my stuttering words. Tumaas din ang kanyang kilay at tila ba may nakakatawa sa sinabi ko. O… hindi siya natatawa. Naiiritang ngiti ang pinakikita niya.

“You think I care?”

I gritted my teeth. Hindi ko alam kung alin ba ang mas malala, ang ipatawag ako sa principal o ang tanung-tanungin ni Leandro. Heck, I think he is even worse than the actual disciplinary officer.

“Ganoon ba ang tipo mo, Chayo? Tatakbuhan ka na lang at iiwan kapag may problema?”

Napakurap-kurap ako. His rhetorics bothered me but I have more bothering thoughts.

“A-At please, huwag mo akong isumbong kay Kuya Levi-“

“Hiwalayan mo ang duwag mong boyfriend, kung ganoon!” he demanded.

Natigilan ako at kahit pa marami akong pabor na hihingin sa kanya, hindi nakatakas sa akin ang sinabi niya.

“At bakit?”

Hindi siya kumibo, hindi makapaniwala na kinikuwestyon ko siya ngayon.

“Ba’t kita susundin? We did wrong, I admit it. But that doesn’t mean that we can’t change our ways and be more responsible-“

He laughed mockingly. “Ang bata mo pa. Manika pa lang dapat ang hinahawakan mo at hindi ang duwag na ‘yon!”

My face heated. This man is so… so… rude! All the wrong words in the very wrong time!

“I’m thirteen, Leandro! At matagal na akong tapos sa manika!” I fired.

Wanting to get out of there because my anger is too overwhelming, mabilis kong kinuha ang bag ko. Matalim ko siyang tinitigan.

“Sige! Isumbong mo kami! Iyon naman ang gusto mo, ‘di ba? Ang mapahiya ako! Ang mag-away kami ni Kuya Levi? Bahala ka!” naiiyak na ako sa iritasyon.

“The right thing to do now is to break up with that coward, Chayo! In the first place, you won’t be in this situation if you avoided it!” he fired back at me cooly.

My pounding heart is too overwhelmed. Gigil ako sa iritasyon sa kanya kaya nang harapin siya para sa huling pagkakataon, bago tuluyang umalis, hinayaan ko na ang mga salitang bumuhos.

“Eh, bakit kita susundin, ha? Susundin mo ba ako kapag sinabi kong makipagbreak ka rin sa girlfriend mo?”

Bumuhos ang luha ko sa iritasyon at sa huli, dumiretso na palayo sa kanya. Hindi na siya nilingon ulit.

Oo at sa nangyari kanina at sa nakita ko kay Ralph, mas lalo lang akong nabigyan ng dahilan para makipagbreak. The stupid ran away without thinking about me! Ang gentleman mo naman, Ralph! Kahit pa ayaw kong maisip ni Leandro na sinunod ko ang sinabi niya, hindi ko naman kayang balewalain ang nangyari at magpatuloy kay Ralph!

“Break na tayo!” namumugto pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina.

Nasa building na kami ng Junior High School. Kitang-kita ang pamumutla niya, hindi pa yata nakakarecover sa sinabi ni Leandro.

“A-Anong sabi ni Kuya Leandro? Isusumbong ba tayo?”

“Hindi ko alam,” sabi ko at nanghihinang nilagpasan siya.

Hinawakan ni Ralph ang braso ko at pagod akong binalingan siya. Kita pa rin sa mukha niya ang takot.

“Chayo, kaibigan iyon ni Kuya Levi, ‘di ba? Siguro naman nakausap mo? Napakiusapan mo na huwag tayong isumbong?” pumiyok ang boses ni Ralph sa huling tanong.

I sighed. He did not even think about me breaking up with him. Pero sa bagay… malaking problema nga kung ipatawag kami sa Principal’s office dahil doon. Naalala ko ang sagutan namin ni Leandro kanina at nasisiguro kong sa mga binitiwan kong salita, magsusumbong nga iyon.

“Gawa na lang tayo ng excuse…”

Sinapo ni Ralph ang noo niya, tila problemadong-problemado.

“Anong excuse? Shit! Nakita niya kayang nakahawak ako sa dibdib mo?”

Napalinga-linga ako dahil medyo malakas ang pagkakasabi niya noon at baka may ibang makarinig! I cannot believe him!

Umiling ako dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang excuse namin sa nakita ni Leandro. Bahala na! Tinalikuran ko si Ralph at nagpatuloy sa paglalakad.

“Chayo…” sunod niya sa akin.

But then… the day ended but a word from our adviser or the principal about it didn’t come. Handang-handa na ako na tanggalin sa klase. Naging paranoid din si Ralph buong afternoon class. Tuwing may teacher, akala niya lagi pinapatawag siya.

“Anong nangyari sa inyo? Hindi kayo nagpapansinan, ah? At… namumugto ang mga mata mo,” tahimik na tanong ni Nan.

Suminghap ako. “Wala na kami.”

“H-Huh? B-Bakit? Kaya ka umiyak?”

The weird thing was… the tears I shed earlier wasn’t for that relationship. Hindi ko na sinagot si Nan dahil mahihirapan naman akong mag-explain kung bakit ako umiyak, kung ganoon.

Hindi na nagpumilit si Ralph na ihatid ako. Syempre dahil wala na naman kami. Si Nan at June ulit ang kasabay ko palabas ng school. Naroon si Kuya Levi at ang kanyang mga kaibigan sa huling kiosk ulit, gaya ng lagi kapag wala silang practice.

My heart hammered. I am expecting him to come at me, angry… or maybe ignore me more. Kaya lang nang nakalapit na kami, akbay ang iginawad ni Kuya Levi sa akin at malaking ngisi.

“Oh… I like this day already. My sister, without her boyfriend…”

Natawa ang iilang mga kaibigan niya. Nagtagal ang tingin ko kay Kuya Levi at nakitang walang bakas ng galit iyon.

Then my eyes went to his friends. I stopped on Leandro. His piercing eyes bore on me.

Hindi niya sinabi? Hindi niya sinabi! Hindi ako makapaniwala… I expected him to tell Kuya Levi and probably the principal but…

“Uwi na tayo!” si Kuya sabay kaladkad sa akin, bago ko masuyod ang mga kaibigan niya. Hindi ko nakita si Keira kanina. O sa dami nila, hindi ko lang napansin?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading