Kabanata 3
Kiss
Mariing nagtagal ang titig ni Kuya Levi sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at bababa na sana ako pero ayaw niyang tumabi. Namumungay ang kanyang mga mata habang titig na titig sa aking labi.
“Ano ‘yan?”
Inangat niya ang baba ko at alam ko kaagad kung ano ang ibig sabihin niya. I put on some light lip tint on me and that’s what he’s talking about. Inalis ko ang kamay niya sa aking baba.
“Lip tint,” sagot ko.
Binalik niya ang kamay sa aking baba at palipat-lipat natiningnan ang magkabilang pisngi ko.
“And you put on something on your cheek?” he sounds so offended.
Tinanggal kong muli ang kamay ni Kuya Levi sa aking baba.
“I didn’t! I don’t need to put some! I only slapped my cheek softly once. That’s all it take to achieve pinkish cheek. Natural! What’s on my lips is just liptint, Kuya.”
“Ang bata mo pa para maglagay ng ganyan-“
“Lip tint nga lang. Not lipstick! Isa pa… naggaganito na sina June at Nan, e.”
“Hindi ibig sabihin na gagaya ka, Chayo.”
Tinulak ko si Kuya. He’s being unreasonable. Ano naman ngayon kung maglagay ako?
“Bakit? Sinasaway mo ba ang mga kaibigan mo kapag naglagay sila? Si Keira nga naglalagay, e!”
His eyes widened. “We’re already in college and you are still a Junior High! Chayo!” tawag niya nang nilagpasan ko na. “Huwag mong gagayahin ang mga college at batang-bata ka pa!”
My brother seems so heated. Nilingon ko siya at nginitian. He looked so pissed. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang magiging mood niya buong araw. Lalo pa sa idadagdag ko ngayon.
“Nagpaalam na ako kay Mommy. Puwede na nga’ng magboyfriend, e, Kuya,” I chuckled.
Halos pamulahan si Kuya ng mukha sa sinabi ko. Now he’s so pissed. Naglakad siya patungo sa akin kaya tinakbuhan ko na.
“Subukan mo, Chayo! Bubugbugin ko ang magiging boyfriend mo!” aniya habang palayo ako sa kanya.
Tinawanan ko siya. “Didn’t know you’re a caveman, Kuya!”
I laughed at my brother’s threat. Kahit pa ganoon ang banta niya, kilala ko si Kuya Levi at mas mananakit pa siguro ako ng tao kaysa sa kanya. But then I wonder quietly if he meant what he said. Maybe not. Having a boyfriend isn’t a big deal.
Tatlo sa masusugid kong manliligaw ay pare-parehong mayayaman din sa Altagracia. It’s so hard to decide because they all have almost the same reputation – handsome, and cool hearthrob. At s’yempre ang hinding-hindi ko kayang gawin sa kanila ay ang pagsaba-sabayin. I am strictly not a fan of infidelity, kahit pa boyfriend pa lang.
Kung ano ang naging batayan ko para sagutin ang napiling maging unang boyfriend? Well, it was who had more effort.
“Yes!” sigaw na paulit-ulit ni Ralph.
Nasa gitna kami ng rectangular building ng junior high. Napapalibutan kami ng ilang kaklase at schoolmate na dinamay niya sa ginawa niyang surpresa. Ang mga taga ibang grade level ay tinatanaw kami galing sa terrace ng nakapalibot na JHS building. Ang iba ay pumapalakpak at humihiyaw.
Ralph prepared a surprise for me. Hindi ko alam na kinuntyaba niya ang mga friends ko para bigyan ako ng mga bulaklak every now and then with some sweet notes in it. At b-in-lindfold nila ako pababa ng building at dinala sa gitna, kung saan naghihintay ang mga kaibigan namin.
Nang binaba ang blindfold ko, mga balloons at bulaklak ang nasa paligid namin at ang mga kaibigan niyang may dalang cardboard na may nakalagay, “Will you be my girlfriend?”
“I love you, Chayo,” wika ni Ralph at binigyan ako ng isang bouquet of roses.
As a smile crept on my lips, I remember my Mom’s words about the man she marry, my Dad… he says the right words always at the right time.
Those three words are the right words and he made all of these for it to look like the right time… to confess!
But I wasn’t cheesy not a liar. Malinaw kong sinabi na hindi ko alam kung paano talaga ang umibig. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko bago ko tawagin iyong pagmamahal. For me, it is a big deal because I think my Dad failed to properly discover his feelings for my Mom from the very beginning. At kahit sabi nila’y mana ako kay Daddy, hindi ako naniniwalang kaya ko ring manahin ang kanyang mga pagkakamali.
“Yes, Ralph,” iyon ang sinabi ko kanina pagkatapos ng tanong ni Ralph dahilan kung bakit nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat.
Ralph shouted a big “Yes” to the crowd and they cheered more. Niyakap ako ni Ralph sa ending at nakitang maging ang teachers na nanonood ay ngumiti lang at umiling para sa aming dalawa. It was dreamy. Muntik ko nang maisip na siguro iyon nga ang pag-ibig pero naibalik sa isipan ko ang maraming pagkakataon na mas masaya pa sa nararamdaman ko ngayon. They say love is the greatest happiness. If something is happier than this, then maybe… this isn’t love yet.
Dahil classmate ko si Ralph, pareho kaming pumasok sa classroom pagkatapos ng lahat. Kung wala si June at Nan, baka mag-isa kong dinadala ang mga bulaklak at balloon. Nangaral sandali ang aming adviser tungkol sa young love, but nothing really about stopping us from being in a relationship at a young age.
“Ihahatid na kita mamaya,” si Ralph at tumabi sa akin.
Katatapos lang ng isang subject namin kaya wala pa ang susunod na teacher. Tumango ako at ngumiti. Tinapik at kinantyawan siya ng mga kaibigan niya.
“Suwerte mo, Ralph!” nag-uunahan nilang sinabi.
“Nabasted si Simon! Grabe!” Tinutukoy ng mga kaibigan niya ang classmate ni Ella na manliligaw ko.
I also thought that Simon will be my first boyfriend. Naisip ko kasi noon na magandang magkaroon ng boyfriend na hindi classmate at mas matanda sa akin ng isang taon. Kaya nga lang, mas madiskarte si Ralph at may pasabog pa kaya siya ang sinagot ko.
“S’yempre!” mayabang na sinabi ni Ralph sa mga kaibigan.
Pagkatapos ng klase ay lumabas na kami sa Junior High building. Kasabay ko si Ralph at sa likod namin, sina June at Nan kasama ang mga kaibigang lalaki at mga kaibigan din ni Ralph. Bringing my large bouquet of roses from him, agaw pansin kami sa buong school.
Ang lahat ng nanonood, mapa college man o senior high ay talagang napapatingin. At nang lumiko na kami sa mga bulletin boards at pathway patungong gate, malayo pa lang napansin na agad ng mga kaibigan ko.
“Hala, Chayo! Nandyan si Kuya Levi malapit sa guard house kasama ang mga kaibigan!” si Nan, medyo nag-aalala.
Ginapangan ako ng kaba dahil na rin sa banta ng Kuya. Kaya lang, kilala ko si Levi at puwedeng pagalitan ako pero hindi niya naman tototohanin ang pambubugbog na banta.
“Sigurado akong narinig ni Kuya Levi ang tungkol sa surpresa ni Ralph kanina. Tinext ako ng pinsan ko, e. Tinanong kung totoo ba. Ibig sabihin, kumalat ‘yon kahit sa mga Senior High,” si June naman.
“Ayos lang ‘yan. Kilala naman ako ni Kuya Levi,” si Ralph na medyo naapektuhan sa mga sinasabi ng kaibigan.
Ngiting-ngiti pa ako kanina habang naririnig sila. Kahit naman na kabado dahil sa reaksyon ni Kuya, mas may tiwala naman ako na walang mangyayaring kahit ano. Kaso, nang namataan ko ang buong grupo ni Kuya Levi at nakita kung sino ang mga naroon, napawi ang ngiti ko.
My every step started to move fast na halos nahuhuli na si Ralph. Hindi naman siya nagreklamo dahil siguro pare-pareho kaming kabado. At kung puwede lang magkaheart attack sa sobrang kaba, kanina pa siguro ako inatake. Sa malayo pa lang kasi, kitang-kita ko ang madilim at nangmamaliit na tingin ni Leandro sa amin.
Bakit ba ako kinakabahan, e, hindi naman talaga mambubugbog si Kuya Levi?
My eyes drifted on who’s in front of Leandro and saw that it was the beautiful Keira. Kanina lang, kaharap at kausap niya si Leandro. Pero siguro nang nakitang masyadong abala si Leandro sa tinitingnan, sinundan niya na iyon ng tingin. Now she is also looking at me. It made me more nervous.
Nangmamaliit din ang tingin ni Kuya Levi sa mga bulaklak na dala ko.
“Hi, Kuya!” I said almost too happily.
Kuya Levi’s eyes did not leave Ralph. So naturally, Ralph greeted him, too.
“Hi, Kuya Levi,” Ralph said politely.
“Anong kuya? Kapatid ba kita?” he said sarcastically.
Tumawa ang mga kaibigan niya. Gusto kong makita kung sinu-sino iyon kaso abala na ako sa pagtatalim ng tingin para kay Kuya Levi.
“Kuya Levi!” saway ko. “You’re so mean! Ralph is my boyfriend!”
“I know. The whole school knows, Chayo, with the stunt he pulled this lunchbreak.”
“Pasensya na, Kuya Levi,” si Ralph.
Tahimik sa likod ang mga kaibigan ko, medyo takot siyempre sa mga nakakatandang kasalamuha. Pinigilan ko si Ralph dahil wala naman siyang dapat ihingi ng pasensya kay Kuya o kanino man.
“That’s enough, Ralph. Naninibago lang si Kuya kasi I never had a boyfriend.”
Madilim pa rin ang titig ni Kuya Levi sa akin. It was as if he was dying to pinch and twist the side of my stomach to prove his point but he couldn’t because we’re in front of everyone.
“And also…”
Habang nag-eexplain ako, nahagip ng tingin ko ang banda nina Leandro at Keira. I saw Keira’s hand rested on Leandro’s forearm. Bumaba iyon sa palapulsuhan ni Leandro at sa huli, sa kanyang palad. Her fingers fitted perfectly on the spaces of Leandro’s long fingers. Parang kumalat ang lamig sa tiyan ko at mabilis na ibinalik kay Kuya Levi ang titig.
“N-Nakapagpaalam na nga ako kay Mommy at pinayagan niya naman ako. Si Daddy, well, he’s not very strict. Ikaw lang,” sabi ko.
Slowly, I enumerated the things a girlfriend can do with a boyfriend. Oo, Chayo, normal ang holding hands, ‘no! Bakit parang na-ooffend ka na ganoon, e, normal naman iyon? Kahit nga halikan, normal iyon sa magboyfriend, e.
So… how about me and my boyfriend? Then holding hands and kissing Ralph should be natural! Who’s stopping me, anyway?
“Halika na at umuwi na tayo!” si Kuya Levi sabay hawak sa braso ko.
Hinigit niya ako palayo kay Ralph. Nilingon ko ang mga kaibigan ko, my confidence unfaltered.
“Thanks for bringing some of Ralph’s gifts!” sabay ngiti ko.
Ralph took that as a cue to get everything.
“Ilalagay ko ba ito sa sasakyan n’yo?” he asked me.
I nodded. “Yes, please! Thank you.”
Pare-parehong naggalawan ang mga kaibigan ko para sundin si Ralph patungo sa aming SUV na nakaantabay sa driveway ng school. Muling hinigit ni Kuya ang braso ko, gustong-gusto nang iligpit sa loob ng sasakyan pero hindi ako nagpapaanod.
“Wait lang, Kuya,” I said.
Mas lalong bumusangot ang mukha ni Kuya Levi. Nang natapos ang paglalagay ng mga kaibigan ko ng mga gamit sa likod ng aming SUV, nagpasalamat ulit ako. And with a swift look on Kuya Levi’s friends, then back to Ralph.
“Tara na, Chayo!” Kuya nagged.
“Yeah,” I said cooly.
Umamba akong papasok sa SUV. At nang nakaani ng confidence ay ngumiti at binalingan ulit ang iiwanang mga kaibigan at boyfriend.
“Bye, Ralph. I had fun today. Thank you,” I said and then gave him a swift kiss.
My first kiss! It’s natural and inevitable kasi boyfriend ko siya, hindi ba? Bukod sa pagho-holding hands, pwede ring magkiss ang magboyfriend!
Kuya Levi groaned angrily. Ralph was stunned at naghiyawan ang mga kaibigan ko sa ginawa. I did not look back, then. Pumasok na ako sa sasakyan at hindi na nilingon pa ang mga iniwang tao sa school.
I feel so fulfilled or something. Hindi ko nga alam kung bakit basta’t ang satisfying lang ng ginawa ko. Pumait nga lang may naalalang eksena kanina. It was in a slowmotion in my mind and I hate it.
“Mom! Dad! Wala ba kayong gagawin dito kay Chayo? I cannot believe you!” sunod ni Kuya Levi sa aming mga magulang.
Tapos na ang dinner at iyon ang bukambibig ni Kuya Levi sa hapag. Nang narinig ang disappointment ni Mommy at ang pagki-kibit-balikat ni Daddy, hindi niya na tinigilan ang mga ito.
“You have to ground her or something! Mom she’s just Grade 8!”
“As much as I want to ground her for that, Levi, don’t you think it is just natural? At baka pa magrebelde si Chayo kapag pinagbawalan ko?” si Mommy.
“Dad!”
“Levi, mag girlfriend ka na rin. Hindi naman namin kayo pinagbabawalan!” si Daddy naman.
Ngumisi ako ng palihim. Sinundan ko sila at nakinig sa pinag-usapan. So far, Dad’s response was savage. I can’t help but laugh at Kuya Levi. Oo nga at sa guwapo niya at sa daming nagkaka-crush sa kanya, ba’t ‘di siya maggirlfriend?
“Ewan ko po sa inyong dalawa!” iritadong sinabi ni Levi.
Naramdaman ko na paparating na siya sa corridor na pinagtataguan ko. Siguro ay magdadabog na papasok sa kanyang kuwarto. Imbes na magtago, hinintay ko siya para makapang-asar.
“Levi, bantayan mo na lang si Chayo at ‘yong boyfriend niya. Si Ralph ba na classmate niya.”
Hindi na sumagot si Kuya. Nakikita ko na siyang busangot ang mukha at palapit sa akin.
“Kuya Levi, tama si Dad. Ba’t ‘di ka mag girlfriend, ha? Sino ba crush mo at nang tulungan pa kitang manligaw don?” panunuya ko.
Sinundan ko siya habang nagmamartsa. He looked so pissed and I like making him angry.
“Huy! Kuya! Sige na… Sino ba? Promise, I’ll help… gayahin mo si Ralph. Ang cool at bongga kaya ng surprise niya sa akin.”
Nagpatuloy ang martsa niya at lumiko na sa kuwarto.
“Ba’t ka ba kasi hindi pa nag g-girlfriend?” tanong ko.
Nabitin sa ere ang pagtulak niya sa pintuan at nilingon ako sa busangot na mukha.
“Kasi hindi ako gaya ng Ralph mo, nirerespeto ko ang edad ng babaeng gusto ko. If she’s too young for a relationship, then I can wait for my chance!”
Napakurap-kurap ako. Sa huli, sumilay ang ngisi sa aking labi.
“Ang seryoso mo. Bakit? Magpapakasal na ba kami ni Ralph, ha?”
Inirapan niya ako at pinagsarhan ng pintuan. Ngumisi ako at masayang bumalik na lang sa kuwarto.
I just have to remind myself na kahit sinasabing mana nga ako kay Daddy, hindi ako gagaya sa mga ginagawa niya ngayon. Hindi na ang Mommy ni Ella ang naririnig naming kalaguyo niya. It’s the wife of the next town’s politician. But I won’t count that they will last. Sa taong ito, tatlong beses na siyang nagpalit ng babae.
Kinabukasan, maaga ako sa school pero hindi ako sumabay kay Kuya Levi sa pagpasok. Nagkasundo kasi kami ni Ralph na maghintayan sa may gate bago pumasok. Wala pang estudyante dahil lagi naman kaming maaga. Si Ralph nga lang, hindi ganoon kaaga. He said he will try his best to be early. That’s why after a few minutes of waiting inside our car, I then saw him go out of their SUV.
Pumasok na siya sa school at sa may bulletin board, tumayo at naghintay.
“Alis na ako, Manong,” paalam ko at umalis na rin sa sasakyan.
Pagkababa ay dumiretso na ako sa gate. Malayo pa lang, tanaw na ako ni Ralph. Smiling from ear to ear, he waited for me from where he is. At sana hindi ko na lang iginala ang mga mata ko sa paligid dahil nahagip ko kaagad si Leandro sa unahang Kiosk, kung saan sila kahapon nina Kuya Levi. Though, this time, he is alone.
My heart raced. Lalo na nang nagtagal ang tingin niya sa akin, hindi natatanggal. Binalingan ko ulit si Ralph sa pag-aakalang mawawala ang kaba ko pero hindi naman nangyari.
“Good morning!” bati ni Ralph at walang pasubaling inilapit ang mukha for an aggressive and hungry kiss.
Hindi nalaman ang irereact at naninibago, nailagay ko ang aking kamay sa kanyang dibdib, pinigilan siya sa ginawa. Hindi lumapat ang labi niya sa akin.
“What’s the matter?” tanong ni Ralph.
Umiling ako at medyo nagulat din sa sariling reaction. I was confident when I kissed him yesterday in front of many people. Bakit ngayon, parang hindi ko na magawa ulit. Dahil ba siya ang nag initiate no’n?
“Naghalikan na tayo kahapon, ah?” then he tried to kiss me again, this time almost forcefully.
Wait a minute! Bakit parang ayaw ko? Mas malakas na ngayon ang pagtulak ko sa kanya. Irritated at my sudden disagreement to his kiss, he tried again.
“T-Teka lang, Ralph! Nasasaktan ako!” sabi ko dahil nanakit ang braso ko sa diin ng higit niya. For a moment, I felt so forced and unsafe, the scary kind.
“Huh? Bakit?”
Sa pang-apat na beses, inulit niya pero sa pagkakataong ito, nailayo na ako sa kanya. Someone dragged me away from him.
Binalingan ko kung sino iyon at nakitang si Leandro. Hindi nakagalaw si Ralph sa gulat. Ni hindi niya ako natawag. Akala ko titigil siya pagkatapos ng matagumpay na paglayo sa akin kaso lalagpas na kami sa Grade school building at hindi niya pa ako binibitiwan.
“A-Anong ginagawa mo?”
Then he stopped dragging me. Binitiwan niya rin ako at hinarap.
“Sa susunod, huwag kang magboyfriend kung hindi ka pa handa!” he spat coldly.
Gulantang ay napaangat ang mga kilay ko.
“Anong hindi handa? Handa na ako ‘no!”
His head tilted with a hint of annoyance. He licked his lips and his face darkened more. Halatang may sasabihin pa pero hindi na dinugtungan. Imbes, tinalikuran ako at umalis na.