End This War – Kabanata 55

Kabanata 55

Shoot

“Hector, anong gagawin natin?” Tanong ko sa kanya pagkatapos ng seryosong pag aaral naming dalawa.

Humikab siya at binitwan ang ballpen. “Sa mansyon sila tutuloy.”

Kinagat ko ang labi ko. “Pero hindi pwede…” Sabi ko.

“Bakit di pwede?”

“Hindi nila alam na may something tayo.”

Kumunot ang noo niya, “Ano naman ngayon kung malaman nila?”

“Ugh! At… At ayaw ko sa grupo natin. Tsaka… ayaw kong bumalik ng Alegria.”

Matama niya akong tinitigan. “Bitter ka parin ba kay Clark?”

Napangiwi ako sa sinabi niya. “Di ah!”

Hindi ko makumbinsi si Hector na kumbinsihin niya ang prof namin na mag bago ng grupo o gumawa na lang ng ibang project. Kahit anong sabihin ko, palagi niyang isinisingit na bitter pa ako kay Clark kaya ayaw ko siyang makasama.

Pansamantala kong binalewala ang isyung iyon dahil sa gagawin ko bukas. Hindi ko sinabi kay Hector na may gagawin ako. Ni hindi ko alam kung alam ba niyang may shoot ako ngayon. Napagod kami sa kaka study kagabi kaya hindi siya maagang pumunta sa apartment. Maaga naman akong tumulak para sa shoot.

“Kira!” Sambit ko pagkadating ko sa studio alas otso ng umaga.

“Ohh, Chesca! Nandito ka na pala!” Sabay beso sakin.

Pansin ko agad na marami ng tao. May iilang models ng nagsisimula sa pag sho-shoot. Napatingin ako sa mga babae at lalaking nasa tapat ng camera at nisho-shoot ng iba’t-ibang photographers.

Mukha ring may ibang malalaking tao doon. May mukhang Donya na binabantayan lahat ng ginagawa ng photographers at models.

“Sila yung sa brochure.” Paliwanag ni Kira.

Hindi sila nakahubad tulad ng sinabi niya sakin. May top naman sila na sinosoot. At napansin kong baguhan ang mga models na nakuha dahil naaasiwa pa sila sa isa’t-isa.

“Thank God, talaga.” Aniya sabay hila sa akin sa isa pang room.

Nakalatag na doon ang damit na sosootin ko. Nakita ko rin ang naka readyng make ups ng make up artist.

“Shall I tone up my body, Kir?” Tanong ko. “First time ko atang gumawa ng shoot na naka bra.”

“Wag na. I’ve seen you doon sa dagat diba? Unless you gained? I doubt it.” Pinasadahan niya ako ng tingin. “Let me see?”

Kaya ayun at tinulungan niya ako sa fitting room. Sinoot ko muna yung jeans at perfect ang fit nito sakin. Lagpas ankle pa at medyo sexy tingnan sa hips.

“See?” Tumawa siya. “Mag bra ka na rin tsaka mag robe ka na lang para di na mahirapan mamaya pagkatapos mag make up.”

Tumango ako at sinunod lahat ng sinabi niya.

Naging busy si Kira sa kakaasikaso sa mga bagong models. Busy din ako sa make up na ginawa sakin. Kahit light lang naman ito dahil ‘Bare’ ang theme at kailangang sa jeans ma tuon ang pansin ng mga tao kailangan parin tamang tama ang lahat pati pag bagsak ng buhok ko.

“Sinu-sino ang kasama ko?” Tanong ko nang patapos na ang make up artist.

“Bago po, e.”

“Di si Brandon?”

Nasa Tagaytay na naman ang haliparot na iyon. Ewan ko. Naadik ata sa hangin doon.

“Hindi, e. Hindi ko kilala. Mukhang baguhang model. Machachallenge ka kasi baka di marunong.”

Ngumuso ako. “Malaki ang event na ito. Bakit baguhan ang kasama ko? Wala bang iba?”

“Si Kira at Hugo ang pumili, e.”

Kinabahan tuloy ako sa sinabi ng artist. Sino naman kaya itong kasama ko? Mukhang kaming dalawa lang yata, a, base sa mga sinabi ng artist. Kaya naman ay nang natapos na ako, hindi na ako nag atubili pang lumabas sa room na iyon kahit naka robe lang. Kailangan kong kausapin si Kira tungkol sa partner ko.

Naabutan kong nag aalburoto si Kira dahil sa mga baguhang models. Humalukipkip ako habang pinapanood silang ginagaspang ng bading kong kaibigan.

“Ano ba yan?” Pumukit siya at nag face palm. “Act natural! Wag kayong masyadong stiff! Hindi ito labanan kung sino ang may pinaka magandang ngiti! Diyos mio!”

Ganun din naman ako dati. Nakaka conscious kasi ang mga photographers. Ang dami nilang diniderktang pose at lagi kang kinakabahan sa bawat pag sunod mo sa kanila. Si Clark ang nag train sa akin na mag pose na hindi ma conscious. Dahil palagi niya akong ginagawang eksperimento, natuto ako kaya madali din akong naka adjust sa industriya.

“Juskong mga bata ito.” Reklamo ni Kira nang nag wrap up na ang mga batang models.

“Magaling yung isang babae.” Sabi ko sabay turo sa sobrang puti at mukhang magaling na model.

“Ah! Nasa ibang ads yun, e. Yung dalawang babae lang yung kinaiinisan ko. Masyadong baguhan. Si Hugo kasi.” Aniya.

Tumango ako at pinagmasdan ang models na nag ch-change outfit.

“May shoot pa mamaya. Ibang outfit naman sa brochure. Ikaw muna sa ngayon. Wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo, ha?”

Tumawa ako sa kanya.

Imposibleng mabibigyan ko siya ng sakit ng ulo. Beterano na ako sa gawaing ito. Umiling ako at hinubad ang robe. Kitang kita ko na may isang sofa na nilagay doon para sa shoot namin. Umupo agad ako at mabilis naman akong naging komportable sa mga photographers.

“Asan na ang kasama ko?”

Nag evil smile si Kira at kinindatan ako. “Baby Hector!” Patili niyang sigaw.

SHIT! Napaupo ako ng maayos at matigas sa sofa.

Bumalandra sa akin ang katawan niyang sobrang toned. Mariin din ang titig niya habang palapit sa akin. Tumitili si Kira sa background at pumapalakpak. Nung una akala ko nabingi na ako sa sobrang tahimik lalo na nung lumapit na siya sakin. Pero nang pinasadahan ko ng tingin ang ibang models ay kitang kita ko ang pagkamangha sa kani kanilang mga mukha.

Of course, si Adonis ba naman ang pupunta dito ng naka jeans lang? Tingnan natin kung sinong di malo-loose thread ang garter ng panty niyan. Baka nga mag dissolve na lang lahat ng underwears sa isang iglap.

Napalunok ako at bahagyang umupo ng maayos. Nakaupo din ng maayos si Hector sa tabi ko.

SHIT! Kaming dalawa? Shit lang, talaga! Kaming dalawa ang gagawa nito?

“Okay, shall we start?” Sabi ni Sir Omar na main photgrapher dito.

Napalunok ako at tumingin kay Kira na ngayon ay kausap iyong mala Donya na babae.

“Magaling. Ang ganda ng napili mong model at sobrang gwapo nung lalaki. But are they professional, Kira?” Tumaas ang kilay niya.

“Yes, madame. Professional si Chesca Alde? Don’t you know her? And that’s her boyfriend.” Nilingon niya kami at namilog ang mga mata niya dahil wala pa kaming ginagawa. “Komportable silang dalawa sa isa’t isa kaya no problemo!”

Tumango ang donya at ngumisi bago binuksan ang kanyang pamaypay at pinaypayan ang sarili.

“Come on, Chesca!” Namimilog ang mata ni Kira kahit na nakangisi siya. “Do it!

“Shit!” Bahagya akong lumapit kay Hector.

Ngunit tuwing nakikita kong naasiwa siya at lumulunok sa sobrang kaba ay kinakabahan din ako.

“Don’t fail me! Oh come on! Wag niyong sabihin saking di pa kayo nagtatabi sa sofa!” Bunganga nang bunganga si Kira habang nag s-struggle ako sa pose na gusto ni Sir Omar.

Dapat daw ay bahagyang naka higa si Hector para kita pa yung jeans at ako naman ay nasa gitna ng hita niya at naka harap sa camera kahit na nagmumukhang naka patong. Kailangan makita yung braso nI Hector kaya itutukot niya iyon sa dulo ng sofa at ilalagay niya sa palad niya ang kanyang mukha. Ang isang kamay niya ay dapat nasa tiyan ko habang ang isang braso ko naman ay nakatukod at hinahaplos ang abs niya. Tangina! Is that pose even possible?

Okay. Humiga na siya kaya pumagitna na ako sa mahahabang legs niya. Iniwasan ko ang pag tingin sa kanyang mukha dahil lumalagapak na sa bilis at lakas ang kalabog ng puso ko. Nang inilapat ko na ang braso ko sa burning abs niyang matigas at mainit ay doon na uminit ang pisngi ko.

“Oh my God, Chesca! What’s wrong with you?”

SHIT! Papatayin ko talaga si Kira! Bakit kailangan niya pang magreklamo ng ganun ka lakas?

“Shut up, Kir! I’m doing my freaking best here!” Sigaw ko.

“That’s not your best shit!” Sigaw niya.

Naka ilang pose na ako. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ni Hector. Wala akong pakealam dahil ako mismo ay nahihirapan dito sa kinauupuan ko. Ilang sandali ay bahagyang iniba ni Sir Omar ang posisyon at aksidente kong nahagip sa kamay ko ang baba ng kanyang zipper. Uminit uli ang pisngi ko.

“S-Sorry.” Nilingon ko siya.

Kitang kita ko ang mabigat niyang paghinga.

OH GOD! Not here!

“Whoa! Magandang contact yun! Nice shot!” Sigaw ni Sir Omar at nung isang photographer.

Dahil sa titigan naming dalawa ay nakakuha sila ng magandang shot. Agad akong tumayo at lumayo kay Hector.

“Paki kuha yung sofa, boys!” Sigaw ni Kira sa mga alipores niyang kinuha ang sofa at pinalitan ng isang high chair.

“Si Hector yung uupo.” Sabi ni Sir Omar.

Tumangutango si Kira sa sinasabi ng photographers.

Medyo nagtalo pa sila sa posisyon namin dahil ang iba ay gustong ako yung maupo. Kaya lang ay pumanig si donya kay Sir Omar at pinagbigyan siya.

“Si Chesca ay nasa gitna ulit ni Hector at seryoso kang titingin sa camera.”

Tumango ako.

“Hahawakan mo ang magkabilang binti ni Hector habang siya ay pipikit at paambang hahalikan ang clavicle mo.”

WHAT? CLAVICLE? Laglag ang panga ko habang nag dadalawang isip na lumapit kay Hector. I’m professional. kahit sinong lalaki pa ag i partner sakin, hindi ako maaasiwa. Pero ngayong, langyang si Hector?

“OH MY GOD!” Madramang sigaw ni Kira. “Teka nga!”

Hinila ako ni Kira sa gilid at umiling siya sakin.

“I’m trying, Kir.”

“I have high hopes kasi kayong dalawa. Hindi naman siguro bago ang mag PDA, diba?”

“Kir, hindi kami ni Hector.” Sabi ko sabay turo kay Hector na ngayon ay tumitikhim lang sa isang tabi.

“You know what? Mas professional pa si Hector sayo kung umasta. Every photo? I can sense every ounce of his wanting, of his need for you… Yung tipong sabik.

SHIT? TALAGA? Napapamura ako ng disoras sa mga sinabi ni Kira.

Nilingon ko si Hector na ngayon ay nag iwas ng tingin.

“Yung heavy breathing everytime you touch his freaking god damned abs! Yung intense gaze sa katawan mo, sa boobs mo, kitang kita! Pero sayo? Para kang robot!”

Naestatwa ako sa mga sinabi ni Kira. Hindi ko maintindihan kung bakit para akong sasabog sa lahat ng sinabi niya.

“Wait! Brenda!” Sigaw niya sa model na tinutukoy ko kaninang maganda at professional.

Patalong humakbang si Brenda patungo samin.

“Will you do that pose, please? Yung pose na sinabi ni Sir Omar, with Hector.”

Nalaglag ang panga ko sa hinihingi ni Kira sa babaeng yun.

“Ay, ano ba yan, nakakahiya.” Malambing na sinabi ni Brenda sabay tingin kay Hector.

Napatingin si Hector sakin. Tinaas ko ang kilay ko.

“Teka, Kira, diba sabi mo sakin si Chesca lang ang kasama ko?”

Ngumisi at tumangu tango si Kira. “Oo, Hector, pag hindi na masyadong Maria Clara ang girlfriend mo, ibabalik ko siya.”

“I’m not his girl-“

“Showbiz!” Agad akong pinutol ni Kira at pinagmasdan niya ang paghawak ni Brenda sa mga hita ni Hector. “Good job, Brenda! Now, closer! Sus! Diyos mio!”

Diniin ni Brenda ang sarili niya kay Hector. Bahagyang gumalaw ag high chair sa sobrang pagkadiin. Kitang kita ko na ang puwetan niyang nasa gitna ng hita ni Hector.

“Oh.” Bumuga ako ng hininga at bahagyang umiling.

“Now, Hector, please.”

Umiling si Hector ngunit hinila ni Brenda ang baba niya patungo sa kanyang leeg. Bahagya pa siyang lumiyad para mas lalong maamoy ni Hector ang leeg niya.

Nagulat si Hector sa ginawa niya. Kitang kita ko ang pag awang ng bibig niya habang nasa baba niya parin ang mga daliri ni Brenda.

“Good job!” Sabi ni Kira.

Kinagat pa ni Brenda ang labi niya nang lumapat sa leeg niya ang ilong ni Hector. Kumulo ang dugo ko. Pakiramdam ko umapaw na ang mainit na tubig sa kumukulong thermos sa utak ko. Mainit na mainit ang pisngi ko at medyo sumugod sa kanila.

“Okay! Okay! I get it!” Sigaw ko sabay hila at tapon kay Brenda sa gilid.

“Aray naman!” Singhal ni Brenda sakin.

“Sorry ha? Na ooffend ako, e? Now let me do it, Kira!” Singhal ko rin.

Nakita ko halos lahat ng ngipin ni Kira sa ngisi niyang iyon. Tumaas pa ang kilay niya. “Of course… The floor is yours.”

Masama ang tingin ni Brenda sakin habang pinapaalis siya ng ibang photographers doon. Yes. Bumalik ka sa pinanggalingan mo. This territory is mine, bitch.

Tinaas ko ang kilay ko at agad nilagay ang kamay sa hita ni Hector. Idiniin ko ang sarili ko sa kanya. Sinugurado kong dama ko sa likod ko yung kanya. You. Are. Mine. Just. Mine. Get that?

Kinagat ko ang sarili ko nang unti-unti niyang nilapit ang kanyang bibig sa tainga ko. Nakahaplos naman ang isang kamay niya sa may beywang ko.

“Selos ka ba?” Bulong niya.

Tumindig ang balahibo ko sa tanong niya. “Sobra.” Kinagat ko ang labi ko.

Hindi ko na maintindihan ang naghuhuramentado at nag aalburoto kong puso. Narinig ko ang bahagyang pagngisi niya sa tainga ko. Binaba niya ang mukha niya sa leeg ko. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko habang nakatingin sa camera.

“Shit. Fuck. I’m so turned on.” Pabulong niyang sinabi.

Pinigilan ko ang pamimilog ng mga mata ko para magkaroon ng magagandang shots.

Naramdaman ko ang kanya sa likod. Mas lalo niya pa akong diniin gamit ang kamay niyang nasa tiyan ko.

“Nakakakuryente ang pagseselos mo.” Bulong niya.

Mahigpit kong hinawakan ang binti niya.

“Coz even if you are not yet forgiven, you are mine alone, Hector.”

“Uh-huh.” Hinga niya sa leeg ko.

“You marked me, right? What’s mine will always be mine.” Bulong ko sa halos di na madinig na tono.

“Uh-huh. Humanda ka talaga pag ibinalik mo na ang karapatan ko. Pangako. Pag naulit, di mo na ako magagawang bitinin ng ganito.” Bulong niya.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: