End This War – Kabanata 46

Kabanata 46

Selos

Pagkatapos ng araw na iyon ay sumama ako kina RJ papunta sa studio nina Kira para sa fitting. Kasama ko rin si Billy at JV na parehong kasama dun sa ramp na sasalihan ko. Noon kasi, hindi ako masyadong pinapasali ni Clark sa mga ramp. Ang gusto niya lang ay yung mga nasa fashion at teen magazine kung saan siya ang mag pho-photograph tapos ako ang bibihisan.

“Francesca!” Nagbeso si Kira sakin sabay ngisi.

Tumango din ang mga dati kong kakilala sa studio nang dumating ako. Ang mga male models ay nagbabatian samantalang kitang kita ko ang female models na nagsusukatan ng gowns.

“Ni liitan ko yung mga sukat mo kasi kitang kita ko na medyo pumayat ka. Pero sexy parin naman.” Ngiting ngiti si Kira sakin habang sinasabi yun.

Tumango ako at iginiya niya ako sa isang table na punong puno ng designs ng mga damit.

“Ito yung susootin mo.” Sabay turo niya sa isang puting gown.

“Mahirap sootin yan.” Utas ko nang nakita ang disenyo.

Puting gown pero ang daming mga nag i-ekis na tela. Kitang kita ang pusod, tiyan, at likod ko sa oras na sosootin ko ito. May sobrang habang slit pa doon at nakikini kinita ko nang mahirap maglakad sa gown na yun.

“Oo. Kasi yan yung featured gown at alam kong kaya mong sootin yan!”

Napalunok ako at tumango.

“Well, narinig ko rin nga pala yung sinabi ni RJ.” Nilingon niya si RJ at bumaling agad sakin. “Na gusto mo dawng sumabak sa FHM. Pwede, Chesca, sa GF or The Month ka muna bago tuluyang pumasok. Malaking break yan para say-“

“Hindi siya sasali sa FHM.” Pareho kaming napalingon ni Kira sa nagsalita sa likod.

Nakita kong makisig na nakatayo si Hector habang mukhang galit na tinitingnan si Kira. Ginapangan ako ng kakaibang kaba. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? At bakit niya ako pinapangunahan? Ayan na naman ang pagiging control freak niya.

Nilingon ko ang iilang mga female models na halos lumuwa ang mga mata sa kakatingin kay Hector. Sanay sila sa nag gugwapuhang lalaki pero iba talaga ang dating ni Hector. May kung ano sa kanyang bago sa paningin at masyadong lalaki. I know, people. Naakit din ako sa kanya dahil diyan.

“OHH! Hector!” Halos mag beso rin si Kira sa kanya pero inilagan siya ni Hector. “Nandito ka ba dahil nag bago ang isip mo? Mag momodel ka na ba?”

“Hindi. Nandito ako para bantayan si Chesca.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumikhim ako lalo na nang nakita ko ang pag linga linga ni Kira saming dalawa. May kung anong kumislap sa mga mata niya nang napagtanto ang sinabi ni Hector.

“Oh! Okay… Okay…” Ngumisi ngisi na parang baliw si Kira.

Umiling na lang ako at umirap.

“May pamalit ka na pala kay Clark. At di ko maipagkakailang, shit, mas masarap yata yan, Chesca.” Bulong ni Kira sakin. “Ah!” Nilakasan niya ang boses niya para marinig ni Hector. “Sigurado ka bang ayaw mong mag modelo?”

Umiling si Hector at tinitigan ako.

Ano ba? Pwedeng tama na ang paninitig?

“Oh, siya.” Sabay hila ni Kira sakin.

“Teka lang, Kir. Pagsasabihan ko lang ang isang ‘to.” Sabi ko at hinablot agad ang kamay ni Hector para makalabas kaming dalawa sa lugar na iyon.

Nang nakalabas kami sa studio at hinarap ko si Hector. Naabutan ko siyang pahirapang lumunok habang tinititigan ang kamay kong hinahawakan ang kamay niya. Uminit ang pisngi ko at agad agad na binitiwan ang kamay niya. Bumaling siya sakin ng ganun parin ang ekspresyon.

“Hindi mo ba ako naiintindihan? Ang sabi ko sayo, ayaw kong malaman ng mga tao na magkakilala tayo!”

“Pero-“

“Walang pero-pero! Lubayan mo nga ako! Anong pake mo kung sasali ako sa FHM? Diba nagbabasa ka naman nun? Bumili ka ng kopya pag nakasali ako! Okay? At wag mo na akong gambalain!”

“Teka lang-“

“Shut up!” Sigaw ko at tinulak siya para makadaan ako.

“Teka lang.” Hinila niya ng malakas ang braso ko kaya napabalik ako sa kinatatayuan ko.

Mabuti na lang at wala masyadong tao kaya walang nakakakita sa aming dalawa.

“I am going to court you again.” Nag igting ang bagang niya sa sinabi. “Hear that?”

Kinunot ko ang noo ko at tinitigan ang mukha niya.

“You want war? I’ll give you war, Chesca. And I’ll make sure I’ll win this. I’ll win you, again.”

Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.

“Talo ka na sa gyerang ito, Hector. Dahil hinding hindi na ako uulit sayo. Experience ka lang. At mananatili kang experience.”

Bumalik ako sa loob at dumiretso sa nakangising si Kira.

“Manliligaw mo? Territorial, ah? Parang leon na may ari ng isang buong gubat?” Tumatawa siya nang iginiya ako sa isang fitting room.

Hindi na ako nag react. Lalong lalo na nung nakita ko ulit na humahakdaw nang naka pamaywang na parang hari si Hector sa buong studio. Nangingiti ang mga babaeng tumitingala sa kanya.

“Ano ba kayo? Mga gwapo naman kami dito, bakit ganyan kayo makatingin sa kanya?” Dinig kong reklamo ni Billy.

Well, of course.

Unti-unti kong sinarado ang pintuan ng fitting room habang tinititigan ang galit na mga mata ni Hector sa malayo. Nakatitig din siya sakin. Parang lawin na binabantayan ang bihag.

Of course, Hector is really different. Makisig, gwapong 6 footer. Tikas niya pa lang alam mo ng may sinasabi siya sa buhay. Bawat hakbang niya ay nag iiwan ng kahulugan na mayaman siya at hindi siya sanay na inuutusan o binabangga. Bawat gusto niya ang siyang masusunod. Hindi siya sanay na bumabagay kundi siya ang binabagayan. And I’m a big challenge for him, right now. Dahil hinding hindi ko siya susundin. Bawat gusto niya ay aayawan ko. Tingnan natin kung hanggang saan yang pag ibig mo, Hector.

Dalawang babaeng assistant at si Kira ang nag ayos sa akin sa loob ng room. Mahirap sootin ang gown. Kung hindi mo kabisado ang lahat ay maari mo yung masira. Bawat tela ay dapat nasa tamang lugar sa katawan mo.

“Sumali ba si Janine?” Tanong ko kay Kira.

“Hmm. Hindi.”

Tumaas ang kilay ko.

Buti. Kasi kung sumali siya, papatayin ko na naman siya sa inis.

Nagulat ako nang ni make upan ako nung isang babae. Gusto ko sanang umapila pero nagsimula na siya at masisira ang paglalagay niya ng foundation kung bigla akong magsasalita.

Ilang sandali ang nakalipas…

“Kir, ba’t kailangan mag make up?”

“Hay naku! Hindi ba sinabi ni RJ sayo? Yung gown mo kasi tsaka yung gown ni Amy, suite ni Brandon at RJ ay yung featured. Pinili yun ng sponsor na resort kung saan gaganapin yung fashion show. Sponsor nila lahat. Accomodation, food, stage, lahat! For one condition.”

“Ano?”

“Magpalagay ng billboard na may model at gowns bago yung event at ilagay yung resort nila bilang sponsor. So… eto… Mag pho photoshoot tayo saglit bago mag rehearse.”

“Ahh? Sinong photographer?”

“Si Omar.”

Napabuntong hininga ako sa sagot ni Kira.

Mabuti na lang at hindi si Clark. Ang dami ko namang pinoproblema. Nang lumabas ako ay natuyuan ako ng lalamunan nang nakitang nandoon parin sa kinatatayuan niya si Hector at nakatitig ng diretso sa akin.

Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

“Chesca!” Sinalubong ako ng nakahubad na si Brandon habang binabalandra ang abs niya at ang shiny niyang buhok.

“Brandon!” Tumawa ako.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag apila ni Hector. Humahakbang na siya patungo samin pero tinalkuran ko siya para harapin si Kira.

“Kira! Simulan na natin yung shoot para makapag rehearse na. Ilang shots ba?”

“Ayos na siguro ang 30? Pagpipilian lang naman.” Aniya sabay muwestra samin sa parte ng studio kung saan green na telang inilatag para doon kami mag shoot.

Hindi ko na hinintay na dumating si Hector. Dumiretso na ako doon kasama si Amy, RJ, at Brandon. Pumwesto ako sa gitna.

“Nagsisimula na ang rehearsal kasi nagmamadali yung iba.” Sabi ni Kira habang tinitingnan ang photographer na si Sir Omar habang nag si-set up ng kanyang camera.

Si Brandon at ako ang nasa gitna. Si RJ ay nasa gilid ko samantalang si Amy ang nasa gilid ni Brandon.

“Hindi ko na kayo uutusan since mga professional naman kayo.”

Tumawa si Kira at humalukipkip.

May isa pang humahalukipkip na para bang nagmamasid at handang manggulpi sa oras na may dumapong kamay sa balat ko.

Tinaas ko ang kilay ko at hinarap ang matalik kong kaibigan na si Brandon. Nakangisi siya at may pina pacute-an sa ibang modelong nakatingin. Lagi naman siyang ganito.

“Brandon…” Bulong ko.

“Hmm?” Nilingon niya ako.

“Hawakan ko ang tiyan mo, ah-“

“Anong tiyan? Abs, yan, Chesca, Abs…” Pagtatama niya.

Umiling ako. “Alright, abs, then.”

“Tapos ako, hahawakan ko ang baywang mo at ang legs mo?” Ngumisi siya.

“Ikaw bahala. Basta ba maayos yung shots.”

“Hawak ako sa likod ni Brandon, ah?” Ani Amy.

“Chesca, hawakan mo yung tie ko.” Sabi ni RJ.

“Nag iimbento na naman tayo ng mga pose.” Tumawa ako at sinubukan iyon.

“Okay… Ready?” Sigaw ni Sir Omar.

Ginapangan agad ako ng kaba at nag seryoso na sa ginagawa. At dahil sobrang professional ni Brandon ay kaya niyang hawakan ang legs at baywang ko nang walang pag aalinlangan at seryoso paring nakatingin sa camera.

KItang kita ko ang pag kalas ng haukipkip ni Hector sabay laglag panga sa bawat mabibilis na shot ng camera ni Sir Omar.

“VERY GOOD, BRANDON!” Sigaw ni Kira.

Inirapan ko si Hector at hinamon. Wag kang magkakamaling umapila dito at malalagot ka sakin. Nandoon lang siya. Parang bomba na pagkakalabitin ay agad sasabog. Diretso ang tingin niya kay Brandon. Sa last set ng shots na ginawa namin ay bumulong na si Brandon sakin.

“Why do I have this feeling na papatayin ako ng lalaking nasa harap?”

“Hayaan mo siya.” Utas ko.

“Yan ba pinalit mo kay Clark?”

Hindi ako nagsalita.

Narinig ko ang pagngisi niya sa tainga ko. Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at umambang hahalikan. Inangat niya rin ang kamay niyang nasa baywang ko lang nung una at hinaplos niya ang leeg ko.

“WHAT THE FUCK, MAN?” Hindi na nag atubiling tinulak ni Hector si Brandon kaya napahandusay si Brandon sa kulay green na tela.

“OH MY GOD!” Sigaw ni Kira.

“Kanina pa ako nagpipigil sayo!” Tinuro niya si Brandon na tumatawa habang nakahiga na sa sahig.

“Brandon!” Sigaw ko at dadalo na sana sa kanya pero hinila ni Hector ang braso ko.

“Stop it, Chesca! Just stop it! Selos na selos na ako! Alam mo yun?” Hinarap niya ako.

Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong studio. Maging ang nag rerehearse sa malayo ay dinig na dinig na iyon.

“Easy pare, modelo ang GF mo.” Singit ni Brandon.

“I’m not his girl, Brandon.” Singit ko.

Ginulo ni Hector ang buhok niya at tinitigan ako. “Chesca! Narinig mo? Nagseselos ako! Ayaw kong may humahawak sayo maliban sakin. Ayaw kong ganyan ang soot mo.”

Ang kapa din naman talaga ng mukha ng lalaking ito na sabihin iyon sa harap ng maraming tao.

“Wala kang karapatan sakin, Hector. I’m not yours!” Tinulak ko siya at humingi agad ng paumanhin kay Sir Omar bago pa magsalita ulit si Hector ng kung anu ano.

Nakita kong nanliit ang mata ni RJ sa akin. Para bang gusto niyang mag tanong kung anong meron samin ni Hector pero nag kibit balikat na lang ako.

“Okay na yung shots.” Sabi ni Sir Omar.

“Chesca, okay na. Wag na lang kayong sumali sa rehearsal. Pati ikaw, Amy. Magbihis na kayo.” Sabi ni Kira.

Dumiretso ako sa fitting room at nagbihis habang ngiting ngiti si Kira sakin.

“What?”

“May ideya na ako kung paano siya papasalihin sa modeling, Chesca.”

Tumaas ang kilay ko at umiling.

Habang nasa fitting room ako ay narinig ko ang mga sinasabi ni Kira kay Hector.

“Alam mo, Hector… Hindi talaga maiiwasan yan kasi model si Chesca. Uh, I don’t know kung anong meron sa inyo pero kung nagseselos ka… Ba’t di ka na lang mag model? Promise, pag may shoot na pinapatungan ng lalaki si Chesca, ikaw ang pipiliin kong mag model kasama niya.”

Nanlaki ang mga mata ko habang hinuhubad ko ang gown sa loob. Walangyang Kira! Walangya talaga!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: