End This War – Kabanata 44

MERRY CHRISTMAS!


Kabanata 44

Worth It

Diretso ang lakad ko papuntang CR. Ni hindi ako lumingon pagkatapos ng titigan namin ni Hector. Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatingin sa salamin.

Parang may kung anong kumikiliti doon. Parang may hollow space na nilulukot. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Bahala na nga! It’s just Hector! The man I hate so much…

Mabilis kong binuksan ang pintuan para makalabas sa CR. Nakita kong nasa kabilang table si Hector kasama ang mga lalaking kaibigan. Nagtatawanan sila pero si Hector ay tulala at nakahalukipkip. Nagulat ako nang tumango si Oliver sa akin! Nandito din pala si Oliver!

Bahagya ko siyang tinanguan pero hindi nagtagal ay bumaling ako kina Desiree na ngayon ay mahinang naghahalakhakan.

“Ang gwapo niya talaga.” Bulong ng di nagpapahalatang si Tara.

“Chesca…” Hinila ako ni Desiree.

“Hmm?”

“Alam mo ba yung tumulong sayo sa pag tayo? Yun yung transferee student galing probinsya. SOBRANG SUPLADO PERO ANG GWAPO.” Aniya.

Yeah right! Alam kong ganyan siya.

“Suplado siya nung una, pero kalaunan hindi na…” Sabi ni Tara. “Nakausap ko siya, e.” Kinilig pa siya nang sinabi niya yun.

“Ano ba kayo. Wa’g kayong pahalata!” Utas ni Janine.

Nakuha ni Janine ang buong atensyon ko kahit na si Hector naman talaga ang pinag uusapan namin. Tinitigan ko siya. Nakita ko naman ang pag urong ng titig niya. Nag iwas siya ng tingin at namutla ulit.

Tinaas ko ang kilay ko at bumaling sa nagsasalitang si Desiree.

“Hector Dela Merced. Ang hot ng pangalan!” Kinilig siya habang sinasabi niya yun.

“Hector… parang porn star.” Panira ko.

Ngumiwi si Tara at Desiree. “Di noh! Ikaw talaga!” Saway nila sakin.

Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang paninitig na ginawa ni Hector sa akin. Kahit na ganun ay panay na lang ang ngisi ko kina Desiree. Habang nag kukwentuhan kami ay aliw na aliw ako sa paninitig ni Hector. Magdusa ka diyan. Sa oras na kausapin mo ako, masusuntok talaga kita. Nanggigigil na ang buong sistema ko.

“See! I knew it! She’s here!” Narinig ko ang boses ni Kira.

Dumating siya kasama ang iilang kaibigan kong modelo din noon. Matatangkad, gwapo, makikisig na dala ni Kira.

“Chesca! I missed you!” Bati ni RJ sabay patayo sakin at yakap.

Tumayo na rin sina Desiree, Tara, at Janine. Nakipag beso din ang bruha sa ibang kasama naming models noon. Mabenta talaga si Janine sa mga male models dahil single siya. Pero hindi ko alam bakit single parin siya gayung marami naman kaming kaibigang nag ga-gwapuhan at single din. Iyon naman pala… nakatali ang gusto niya.

“I missed you, too, RJ!”

“Single ka daw?” Pambungad ni Billy sa akin. Isang playful model na nasa agency nina Kita.

Ngumiwi ako. “Oo. And very, very available.” Kinindatan ko siya.

Narinig kong umalingawngaw ang tawa ng isang preskong model na kilala ko rin.

“BRANDON!” Halos mapatili ako nang yakapin ko ang isa sa pinaka close kong modelo.

Kakalipat niya lang ng agency. Nasa kabilang agency kasi siya noon pero hindi ko alam bakit napadpad siya dito sa kabila.

“See, guys?” Sabay tawa ni Kira.

Sa dagat ng mga male models ay nakita kong nakatayo at humahalukipkip si Hector. Mukha mo! Tangina mo! Hayop ka! Naiinis ako kasi kung makapag react siya ay parang kanya parin ako pagkatapos ko siyang iniwan?

Tinaas ko ang kilay ko at bumaling kay Kira. “O, bakit?”

“Napadaan kami dito tapos naisip kong pumasok kasi nafifeel ko na nandito ka.” Tumawa si Kira. “Uy, next week ah-“

“Excuse me…”

Kumalabog ang puso ko nang narinig kong pinutol ni Hector ang pagsasalita ni Kira. I cannot believe it! I just can’t! Tumikhim ako at bumaling sa gilid sabay iling. Nagmumura na ako dito na parang tanga dahil sa biglaan niyang pag sulpot.

“Yes?” Namilog ang mata ni Kira nang bumaling siya kay Hector.

Kinagat niya pa ang labi niya na parang natatakam habang ni hi-head to foot siya. Nakatingin ng diretso si Hector sakin. Kitang kita ko ang pag wo-walk out ni Clark palabas ng fastfood habang nangyayari ang lahat ng ito.

“Hector Dela Merced! We meet again!” Naglahad ng kamay si Kira ngunit di iyon pinansin ni Hector. Imbes ay bumaling lang siya sakin.

“Pwede ba kitang makausap?”

Narinig ko ang buntong hininga nina Desiree, Tara, at Janine.

“Bakit po?” Tumatawang tanong ni Desiree.

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sagot ni Hector.

“OKAY!” Sinigaw ko ang sagot nang sa ganun ay hindi siya magpaliwanag sa kanila. “Excuse me lang, Kir. Sa inyo din, boys… I’ll be back.” Kinindatan ko sila at dumiretso palabas ng fast food.

Padabog akong nagpartsa hanggang parking lot. Nang nakalayu na ng husto ay humalukipkip ako, tinaas ang kilay , at binalingan si Hector.

“What is it, Hector?”

Umamba siyang magsasalita pero hindi ko na napigilan ang bibig ko.

Nanginginig ito habang binabara siya ng iba’t ibang salita.

“HAYOP KA! Ang kapal ng mukha mo sumingit sa usapan ng may usapan! Ayaw na kita sa buhay ko! Naka move on na ako kaya pwede ba wa’g ka nang sumawsaw! Masaya na ako dito-“

“Makinig ka-“

“Okay lang naman eh! Okay lang naman na nandyan ka sa tabi pero wa’g na wa’g mo lang akong iistorbohin sa buhay ko! Kasalanan ko ba na dito talaga ang mundo ko! Mabuti pa bumalik ka na lang sa Alegria since iyon naman talaga ang mundo mo diba kasi nakakairita ka!”

“Pwede bang makinig ka?” Sigaw niya.

Namilog ang mga mata ko. “Anong karapatan mong utusan ako? Anong karapatan mong hingin sakin yan? Na makinig ako? Dahil last time, ako ang di mo pinakinggan. Kaya mula ngayon-“

“Oo! NAGKAMALI AKO!” Ginulo niya ang buhok niya at agad bumalandra sa akin ang pagiging desperado niya. “Nagkamali ako nang sinabi ko sayo lahat ng masasakit na salitang iyon! Pero, God damn it Chesca! Naghahalikan kayo nun at sinabi niya pang ginagamit niyo lang ako-“

“HINDI BA ALAM MO NANG DI KITA GINAGAMIT? Hindi ba naliwanagan na tayo? And for god’s sake it was just a kiss! Nakita mo ba yun? Tinulak ko si Clark nun pero malakas siya!”

“Ni hindi mo sinabing may ex ka! Ni hindi mo sinabing may ibang mga lalaki ka!”

“EX KASI PAST, HECTOR! WALA NA! Bakit pa natin yun pag uusapan kung ang importante noon ay tayong dalawa!”

Mabilis ang hininga naming dalawa pero wala ng nagsalita. Tahimik at nagkatitigan lang kami. Puno ng galit ang puso ko. Galit sa taong nasa harap ko. Nagngingitngit ako sa galit dahil bumuhos ang mga alaala ko nang nasa Alegria pa kami.

“BINIGAY KO ANG SARILI KO SAYO!”

Nanlaki ang mga mata niya.

“Do you remember it, Hector? Tingin mo may matinong babaeng ibibigay ang sarili niya para lang sa titulo ng lupa? And I’m a freaking virgin! Hindi lang yung buong sarili ko ang binigay ko sayo kundi ang pagka birhen ko!”

Nagbadya ang maiinit na luha sa mga mata ko pero pinigilan ko iyon. No, Chesca. No, for the love of God, NO! Do not effing cry!

“Chesca! Galit na galit ako sayo dahil buong akala ko ginamit mo ako! Galit na galit ako kasi sinabi ni Aling Nena na narinig niya ang tiya Lucy mong sinisiwalat habang namamalengke na kukunin mo sa bahay namin ang titulo niyo dahil mag on na tayo! Sa oras na pumasok ka sa kwarto ko ay makukuha mo yun!”

Nalaglag ang panga ko.

“Hindi ako naniwala!” Sigaw niyang nanginginig.

Nakita ko ang kamay niyang nanginginig din. Tumunganga lang ako sa mukha niya. Hindi ako nagbigay ng ekspresyon. No damn excuse is going to take away the pain, Hector.

“Pero nung nakita kitang umalis ng bahay niyo pagkatapos kitang hinatid? Kinabahan na ako! No, Ch-Chesca won’t go anywhere without me-“

“You selfish brat-“

“YES! SO WHAT IF I’M SELFISH? HUH? I’m selfish dahil ayaw kitang mahawakan, matingnan o maisip man lang ng iba!”

This is insane!

“PERO NANG NAKITA KONG PUMUNTA KA MISMO SA GAZEBO! Dun natin una yun ginawa.” Parang kumalabog ang puso ko nang narinig kong pumiyok ang boses niya.

No. Damn. Excuse. Is. Going. To. Take. Away. The. Pain.

“Tapos may lalaki kang kausap! Sa mismong gazebo, ha? I felt fucking betrayed! Pero okay lang… di mo magagawa yan sakin!” Matapang parin ang boses niya kahit na bumuhos na ang kanyang luha.

Habang nakikita ko siyang ganito ay parang pinipiga at hinihiwa ng pa unti-unti ang puso ko. Pinilit kong ikunot ang noo ko para mapigilan ang nagbabantang mga punyetang luha.

“Di magagawa ni Chesca sakin. Mahal ako nun.” Umiling siya at humikbi. “Pero, son of a bitch, naghalikan kayo sa harap ko! At sinabi pa nung lalaki na magkabalikan na kayo?”

Humakbang siya palapit sakin.

“HA? MAGKABALIKAN? BAKIT? NAGING KAYO BA? I’m her first love! I’m her first everything! I’m the only man she’ll ever love! AKO DAPAT, CHESCA!” Hinawakan niya ang braso ko.

Agad kong hinawi ang kamay niya at tinuro ko siya.

“At kilala niya pa ako, ha? At sinabi pa niyang wala lang ako sayo… Na alam niya ang lahat! Na ginagamit mo lang ako!”

“Don’t you ever bring that up, Hector!” Sigaw ko. “Bullshit! Wala kang tiwala sakin? Ha?”

Pulang pula ang kanyang ilong at punong puno ang kanyang mga mata ng luha.

“Pagkatapos kong ibigay lahat sayo, wala ka paring tiwala sakin!?”

“Tangina, Ches, kung ikaw nasa mga paa ko nun-“

“Kung ako nasa paa mo aalis ako pero di kita tatawaging whore, Dela Merced!”

Tumahimik siya. Humakbang ako palapit sa kanya. Diretso at tagos ang tingin ko kahit na punong puno ng luha ang kanyang mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat feature ng kanyang mukha na miss na miss ko na. Fuck it! Stop, Chesca! We are at war! Show no mercy!

“Hinding hindi ko sasabihing ‘experience’ lang yun!” Sigaw ko.

Pumikit siya at nakita ko ang pagdaloy ng luha galing sa kanyang mga mata.

“I’m sorry…” Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

Hinawi ko ang mga kamay niya.

“I’m so sorry!”

Kinagat ko ang labi ko at hinawi ulit ang kanyang mga kamay na umamba na naman sa pagyakap sakin.

“Hinding hindi ko bibilhin ang Alps!” Sigaw ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

Nakita kong nanginig ang kanyang balikat dahil sa paghikbi. Binalewala ko iyon. Kung pwede lang burahin ang kanyang mukha sa harap ko at kausapin na lang siya nang di nakikita nang sa ganun ay hindi ako mahabag ay matagal ko ng ginawa!

Binuksan niya ang sasakyang nasa tabi ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang Jeep Commander pala itong nasa tabi ko. May kinuha siyang isang papel galing sa drawer. Nakatayo ako sa gilid ng sasakyan niya habang pinapanood siyang inaayos ang kanyang sarili bago humarap sakin.

“Tangina ka! Ang kapal ng mukha mong umiyak sa harapan ko ngayon at mag sorr-“

Padabog niyang dinikit sa salamin ng sasakyan ang papel na kinuha. Kinulong niya ako sa kanyang mga braso. Nakahawak ang magkabilang kamay niya sa salamin ng sasakyan at ako ang nasa pagitan nito. Nakapikit ako dahil sa gulat sa ginawa niya.

“Bibilhin ko iyon at ipapangalan sayo, Chesca!” Aniya.

Tumigil ako sa paghinga nang narinig ko iyon.

Ang daming bumuhos na tanong sa utak ko. Bakit? Para saan? Para makuha ulit ako? Peace offering? Well, it’s too late, Hector. Too late! Naranasan ko na lahat ng kabalbalang pwedeng maranasan sa Alegria at sa bawat pinagdaanan ko ay wala ka!

“At eto!” Pinakita niya sakin ang isang papel.

“Binili ko ang bahay niyo at ipinangalan sayo!”

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko! “WHAT?!”

Tumango siya na para bang okay na ang lahat samin. Kinunot ko ang noo ko at hinablot ang titulo sa kanyang kamay. Nakita ko doon ang kumpletong pangalan ko na nakapangalan nga sa titulo ng bahay.

“May bumili nun sa inyo. Pero binili ko ulit kasi alam kong pag nalaman mong ako ang bibili, hindi ka papayag-“

Tinaas ko ang kilay ko.

Like I said, nothing will melt my heart. Not his money, not his presence… just nothing.

Tinupi ko ang papel at itinago ko iyon sa likod ko.

“You said I’m a whore, right? Na mukha akong pera?”

Nakita kong bumuo ulit ang mga luha sa kanyang mga mata. “Ches, parang awa mo na-“

“You said experience lang ako, diba?” Nanginig ang boses ko.

Hindi ko mapigilan ang pagkahabag kahit na galit na galit parin ako.

“Ches, itigil na natin ‘to. May kasalanan ako at pagbabayaran ko yun-“

“You said, right!? DELA MERCED?”

Pumikit siya. Kitang kita ko ang hinagpis sa mukha niyang walang kasing perpekto. Nakakatawa kasi namamangha parin ako sa mukha niya kahit na galit ako. Ganun ba siya ka gwapo at ganito ako kung maka react?

“Then guess what? I am…” Ngumisi ako. “Salamat sa bahay, ah?” Medyo nanginig na naman ang boses ko. “At wa’g kang mag alala, experience ka lang din.”

Tinulak ko siya. Nabigla ako nang halos matumba siya sa tulak ko. Wala na talaga yata siyang lakas.

“Ches, please-“

“Malibogka, eh. Sa sobrang kalibugan mo? Dinamay mo pa ako. Pero okay lang…” Winagayway ko ang titulo ng bahay namin. “I have this… It’s all worth it… Worth it ang ibigay sayo ang virginity ko para lang sa bahay, para lang sa pera…”

“Chesca, don’t say that-“

Umiling ako at tinalikuran siya.

“Chesca, parang awa mo na, please, mahal na mahal parin kita hanggang ngayon! Hindi kita makalimutan!”

Hindi ako lumingon.

“Chesca, please… I’m going to pay. What do you want? Paano mo ako mapapatawad? Paano kita mamahalin ngayon? Saktan mo ako. Please, Ches… Parang awa mo na! Come back to me.”

All is fair in love and war. This is war, Hector. And you are going to pay for every pain I felt… for every tear I shed… for every memory you left. Mas mahal pa iyon dito.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: