Mapapansin Kaya? – Kabanata 44

Kabanata 44

Sukatan

Nakatingala ako sa ilaw sa kwarto ko pagkagising ko sa sumunod na araw. Namumugto ang mga mata ko sa pag iyak kagabi. Puyat ako kasi hindi ako agad nakatulog sa kakaisip sa mga sinabi ni Wade sakin. He’s so hurt. Nasaktan din naman ako pero mas nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya at sa pag iwan ko sa kanya.

Mapapatawad niya pa kaya ako? Sa mga sinabi niya sakin kagabi, mukhang hindi eh. Para siyang sumabog na bulkan sa galit niyang ipinakita kagabi. Maibabalik pa ba namin yung dati? At kung hindi man, sana mapatawad niya na lang ako.

May lumandas na luha na naman sa mata ko. Ang hapdi-hapdi na nito sa kakaiyak ko kagabi.

“Ma’am.” Sigaw ni manang at kumatok sa kwarto ko.

Madali kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili.

“Po?”

Binuksan ko ang pintuan para salubungin si Manang. Nakita kong may bitbit siyang telepono.

“Tumawag yung manager ni Mr. Rivas. Ang sabi puntahan mo raw si Wade sa kanyang condo para masukatan ng suit niya.”

Nalaglag ang panga ko at kinuha agad ang telepono sa kamay niya.

“Hello?”

Pero walang sumagot.

“Wala na po… Kanina pa siya tumawag. Binaba niya na. Ngayon lang kasi kita nagising.”

Lumingon-lingon ako sa pag-aakalang nasa Paris pa ako at condo ko pa ito. Walang wall clock sa tapat ko, Oo nga pala, nasa bahay na ako!

“Anong oras ako pupunta at anong oras na?”

“Ang sabi eh mamaya pang alas tres. Alas dose pa lang ngayon.”

“Okay po, salamat. May address ba ng condo ni Wade, manang.”

Inabot ni manang ang address ng condo ni Wade. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang sa last floor ito ng isang sikat na pangmayamang condo. Dinaig pa si kuya Dashiel!

“Sige po, thank you!”

Nagmadali akong maligo at magbihis. Kaya’t eto, 1:30PM pa lang ay ready na ako. Naaasiwa naman ako sa damit ko ngayon. Mejo nakalimutan kong nasa Manila na nga pala ako. Pero sige na nga, pagbigyan, since sa fashion industry naman ako papasok, mas mabuti kung mejo nasa trend yung soot ko.

Nagdala ako ng mga designs, portfolio, measuring tape at kung anu-ano pa. Siguro, pagkatapos kung pumunta sa condo ni Wade, ibibigay ko itong portfolio kay Hugo para masali ako sa Fashion Week.

Nilagay ko ang mga iyon sa front seat ng BMW ko. Yes, after four years, buhay pa itong sasakyan ko. Inalagaang mabuti ni Noah kahit hindi niya naman ito ginagamit ay parating chinicheck at minimaintain ang makina.

Sana wag masiraan. Oh, well. Pinaandar ko iyon at mukha namang ayos ang tunog ng makina.

Traffic naman kaya siguro pagdating ko doon, alas tres na. Ilang sandali ang nakalipas ay nabigla ako dahil nasa tapat na ako ng Towers na tinitirhan ni Wade.

“Big time, Rivas.” Bulong ko sa sarili ko.

Papasok na ako sa underground parking nang biglang tumunog ang cellphone ko.

“Hello?”

“Reina!” Pambungad ni Liam.

“Yes?”

“Ugh! Kakagising ko lang. Ang sakit ng ulo ko. Ikaw? Kanina ka pa gising? May hang over yata ako.”

Humalakhak ako, “Oo. Lasing na lasing ka kagabi.”

“Wala nga akong maalala eh. Ewan ko.” Tumawa siya.

“Naku! Uminom ka na lang ng mainit na sabaw para bumuti pakiramdam mo…”

“Puntahan mo naman ako dito sa bahay. Ipagluto mo ako, pretty please?” Malambing niyang sinabi.

“Ha? Eh… Papunta ako dito kina Wade.”

“Ha? Bakit?”

“Diba, gagawan ko siya ng suit.”

“Matatagalan ka ba diyan?”

“Hindi naman. Siguro mga 30 minutes. Tapos pupunta pa ako sa opisina nina Hugo sa Makati para ibigay sa kanya itong portfolio.”

“Talaga? Ginamit mo yung sasakyan mo?”

“Oo.”

“Bakit di mo sinabi!? Sana ako yung nag drive. O etong sasakyan ko ang gamitin natin. Matagal na yang di nagagamit ang sayo, baka masiraan yan.”

“Hindi. Okay lang naman siya.”

Nag break ako kasi nakahanap na ng parking space.

“Talaga? Itext mo ako pagkatapos diyan ah?”

“Okay… Pahinga ka na lang muna. May hang over ka pa eh.” Tumawa ako.

“Okay, I love you, baby.”

Natigilan ako sa sinabi niya. I know he’s affectionate. Ito ang unang pagkakataong sinabi niya ito sakin. Siguro ay narinig niya so Noah, Rozen o di kaya ay si Coreen na nagsasabi sakin nito.

“I love you, din.” Sagot ko sabay putol ng linya.

Huminga ako ng malalim bago pinulot ang mga gamit ko sa tabing upuan. I’m sure he wasn’t serious about that.

Pinilig ko ang ulo ko. I’m sure wala lang yun, diba? Okay. Lumabas ako ng sasakyan ko at nagmadali ng pumunta sa elevator.

Pinindot ko ang pinakahuling floor bago yung helipad sa taas ng building. Nang nakarating na ako sa floor na yun, nanginginig na naman ang buong sistema ko. Nararamdaman ko na ang presensya ni Wade kahit konting lakad pa bago makarating sa unit niya.

Tumigil ako sa tapat ng pintuan niya. Pareho kong kinatok at pinindot yung bell sa pintuan niya.

Mejo matagal yung pagsagot. Ano kaya ang meron? Kaya hayaan, muntik na akong atakehin sa sobrang tagal ng pagbukas.

Malakas akong kumatok at pinindot-pindot ang bell.

“Yesss?” Sabay bukas ng isang lalaking kulay green ang mga mata.

Nakangisi siya at topless. May cross na necklace siya at naglahad siya ng kamay sakin.

“Zac.”

Napalunok ako, ngayon ko lang naalala. Ito ay isa sa mga kabanda ni Wade sa Going South. “Uhmmm. Reina.”

Nagkibit balikat siya.

“I know you! You’re the girl from Moon Records! Yung biglang pumasok?”

Nilakihan niya pa ang bukas ng pintuan kaya mas lalo kong nakita ang katawan niya. I don’t want to look.

“Who’s there, Zac?” Dinig ko yung tawag ni Wade galing sa loob.

“Uh, oo. Ako yun. Uhm, nandito ba si Wade?”

“Ahh! Puro naman kayo Wade mga babae. Pwedeng ako muna?” Humalakhak si Zac sabay halukipkip sa harap ko.

Mas lalong na define ang muscles niya sa braso. Kinagat ko ang labi ko sabay tingin sa mga dala ko.

“Ako kasi yung mag de-design sa suit niya-“

“WHAT? Pwedeng ako rin, pa design?”

“ZAC! SINONG NANDYAN?” Sigaw ni Wade galing sa loob.

May nakita akong lalaking lumabas galing yata sa room kung nasaan si Wade, nakita kong may soot siyang damit at napanganga siya nang nakita ako.

“Zac, papasukin mo.” Sabi nun.

“Wag kang makealam dito, Adam. See? She’s drooling over me.” Sabi ko.

“I’m n-not.” Nag iwas ako ng tingin sa katawan niya.

“Sinong nandyan?” Naaninaw ko ang topless na katawan ni Wade.

MY GOD! Pinagpawisan ako ng maiinit. Kanina pa nakabalandra ang katawan nitong si Zac pero sa katawan ako ni Wade pinagpawisan ng ganito! Napanganga din siya nang nakita ako.

“It’s not yet three, Reina!” Galit niyang sinabi sakin.

Napatingin ako sa relo ko. 2:15. Di ba pwedeng maaga? My gosh! Nagkamali pa yata ako.

“Come one, Wade. Don’t be rude to this pretty lady. Ano naman ngayon kung maaga siya, diba? We can chitchat first hanggang mag alas tres.” Sabi ni Zac.

“Dude, Shut up.” Humakbang si Wade papalapit sakin at hinagis niya kay Zac ang isang damit.

“What the fvck?” Sigaw ni Zac.

“Wear that and go home.”

“Pero di pa tayo tapos sa practice, Wade ah?” Sabi ng isa pang lalaki.

“N-Nag papractice pala kayo? A-A-Aalis na lang ako. B-Babalik na lang ako mamaya.”

Tumalikod ako sa kahihiyan pero nagawa niyang hilain ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang nasa kamay ko at agad niya naman itong binitawan. Nilagay niya ito sa likod niya at nakita kong kinuyom niya ang kamay na ito.

“U-Umupo ka muna.” Sabay turo sa isang sofa.

Bumaling siya sa mga kabanda niya.

“Umuwi na nga kayo.” Aniya.

“You suck, Wade! Sige na, Adam. Tutal may asawa ka na naman, ikaw na ang magligpit doon kasi busy pa ako dito sa pakikipag usap sa kay Miss Ganda.” Umupo si Zac sa tabi ko.

Nanigas ako na parang timang sa sofa. Nakakuyom ang dalawang kamay kong nakapatong sa lap. I’ve been living with three freaking boys for more than 2 decades pero ngayon lang ako naaasiwa ng ganito.

Isa-isa ko silang tinignan. Nakahalukipkip ang isang chinito doon sa pintuan ng mukhang music room kung saan sila nag papractice. Yung isa naman ay nagliligpit ng gamit. Si Wade ay nasa harapan ko at nakatitig sa lalaking nasa tabi kong si Zac.

“So, saan ka ba nag aral ng design?” Tanong niya sakin.

Mas lalo siyang lumapit sakin. Buti na lang at nakadamit na siya ngayon.

“Zac!” Untag ni Wade.

Dinig na dinig ko ang pabalik-balik na buntong hininga ni Wade.

“S-Sa France.”

“Whoa! I’m half German. Pinoy ang nanay ko at dito na sa Manila ako lumaki. Alam mo yun? Magkakasundo pala tayo nito since you have some foreign background.”

Uminit ang pisngi ko. Kasabay nito ang pananapak ni Wade kay Zac.

“Dude, umalis ka na. Wag kang magkalat dito.”

Nanliit ang mga mata ni Zac kay Wade.

“Anong problema mo? Dati naman pinapaubaya mo ang mga babae samin, ah? Kahit nga si Shan, diba?”

“DUDE, WILL YOU JUST SHUT UP!” Galit na sigaw ni Wade.

Napatayo agad si Zac sa pagkabigla sa sigaw ni Wade.

“Okay… Okay… Easy… Makaalis na nga. Ang high blood mo, ah. Tsss.”

Ngumisi si Zac sakin sabay kaway-kaway at pa cute.

“Bye, Miss Ganda! Alis na kami. Padesign din sana ako ng suit… May calling card ka ba?” Tanong niya.

Nataranta ako sa pag hahanap ng calling card sa loob ng bag ko.

“W-Wala… Hindi ko yata nadala… Uhm… Ilalagay ko na lang sa isang p-papel.” Naghanap ako ng papel.

“Wag na, Reina, ako na ang magbibigay ng numero mo.” Sabi ni Wade.

“H-Huh? Okay.” Sabi ko at tumigil sa pagkakataranta.

“Teka lang, ah, Wade? Pwedeng ako rin, pa design.” Singit nung Adam habang binibigay ang ibang gamit sa chinitong nakatayo lang at nakangiti.

Wade clenched his jaw.

“Okay.” Simpleng sagot niya kay Adam.

“Okay. Miss, pwedeng sukat lang muna ngayon. Wala pa rin kasi akong napipiling designer. Sukatan mo lang ako, tsaka na ako pipili ng design?”

“O-Okay.” Tumayo agad ako at kinuha yung tape measure sa mga gamit ko.

“Ako rin?” Sabi ni Zac.

“Not you, Zac.”

“What? W-What?”

Hindi ko na alam kung anong bulungan ang nangyari sa kanila ni Wade kasi tinalikuran ko na sila para sukatan si Adam.

Una kong sinukat ang balikat ni Adam. Kinuha ko lahat ng stat niya sa upper extremities. Nahirapan nga ako kasi hindi ko alam kung anong design kaya hindi rin ako sigurado kung tama ba yung mga kinukuha kong sukat.

Sinukat ko yung lower extremities niya…

“Reina, kailangan ba t-talaga ng ganyan?” Sabi ni Wade nang nilagay ko na ang kamay ko sa lower belly button ni Adam para sukatan ang slacks.

Humalakhak si Adam sa inasal ni Wade.

“WHOA! Swerteng unggoy!” Sigaw ni Zac. “Tayo na nga, Austin! Favoritism itong si Wade.”

Unti-unti kong sinoot yung tape measure sa gitna ng hita niya.

“Ako na nga, Reina!” Sigaw ni Wade at hinablot sa kamay ko yung tape measure.

“H-Huh? S-Sorry.” Tinignan ko siya, hindi siya makatingin sakin. “Pwede namang ako lang. Sanay naman ako.”

Masama ang tingin ni Wade sakin habang sinusoot niya kay Adam yung tape measure. Kaya imbis na magsalita ako ay kinuha ko na lang ang nakuhang sukat ni Wade.

Pagkatapos nun, siya na mismo ang nagsukat kay Adam sa slacks.

Bumuntong-hininga siya nang umalis na sila at panay ang correction ko sa mga isinulat ko sa notebook. Sana kasi ako yung sumukat para mas sigurado. Bakit pa kasi kinuha ni Wade ang tape measure, ayan tuloy. Baka magkamali pa ako nito! Oh my gosh! Mawawala na yung pangarap ko sa Fashion Week.

Nakatingin parin ako sa notebook ko at nakatayo sa harap ng isang table nang naramdaman ko ang paghakbang ni Wade sa likod ko.

That familiar heat… Ngayon ko lang naalala na nakatopless pala siya. Nanigas ako at unti-unting natigilan sa ginagawa kong pag co-correction ng mga sukat.

Mas lalo pa siyang lumapit. Ramdam ko na ang hininga niya sa ulo ko. Mainit na ang likod ko at halos maligo na ako sa pawis kahit aircon. Nanghina ang mga binti ko. Yung tipong bibigay na ito, anytime.

“Ako naman ang sukatan mo, Reina.” Malamig niyang sinabi sakin.

Napapikit ako at naalala ko yung mga panahong niyayakap niya ako sa likuran. Yung pag upo ko sa gitna ng hita niya. Yung pakiramdam ko tuwing malapit kaming dalawa… it was this feeling. I missed it so much…

“Gusto ko ng tamang sukat. Yung malapit sa katawan ko… Kaya wag kang mag dalawang isip na lumapit rin para makuha mo yung tamang sukat.”

Napalunok ako ng isang beses pero para itong bato na hindi ko malunok-lunok. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito. Bibigay na yata ako.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: