Kabanata 4
Huli Ka
Hindi matanggal si Wade sa utak ko. Hindi dahil may nararamdaman ako sa kanya, kundi dahil iniisip ko kung ano ang atraso ko sa kanya.
Wala akong mahugot sa kakarampot kong utak. Walang dahilan para kamunhian niya ako ng ganun. Hindi ko naman siya na-offend at lalong wala kaming past.
Napabuntong-hininga ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan namin.
Alas tres pa lang ngayon pero naibigay ko na kay Mr. Dimaano ang report na ipinapagawa niya sakin. Dahil wala naman talaga akong ginagawang masama kanina, wala akong masabi sa report na iyon. PInagalitan niya ako dahil hindi ko inaming namboboso ako kay Wade. Umiling ako at kinuha ang cellphone ko para itext si Coreen.
“Reina, sabi ng kuya Dashiel mo, siya na daw susundo sayo mamaya kasi may inutos siya sakin.” Sabi ni manong.
“Okay, po.” Sagot ko.
Marunong na akong magmaneho ng sasakyan, yun nga lang, paranoid ang parents ko pagdating sakin. Lalo na si daddy. Lalo na pag busy sila. Ayaw nila ng mag-isa akong nagmamaneho. It’s either yung driver o si Dashiel ang susundo sakin. Parehong may sasakyan si Noah at Rozen. Pero may iba-iba silang buhay. Si Rozen ay busy sa mga chics, si Noah ay busy sa banda.
“Kung busy si kuya, pwede naman akong mag commute.”
Hindi umimik ang driver sa sinabi ko.
“Manong, padrive po hanggang Starbucks. Inaantok po kasi ako, tapos may pasok pa ako mamayang 5pm.” Kakasabi ko lang nito sa driver nang nakita kong lumabas ng school si Wade.
“Okay.” Marahang pinaandar ni manong ang sasakyan.
Ako naman ay nakatitig kay Wade na naglalakad sa labas ng school. Konting galaw niya lang, sumisilip agad ang malalim niyang dimples sa kaliwang pisngi. Nakalagay ang magkabilang kamay niya sa bulsa.
“M-Manong, pwedeng pakisundan na lang muna yung lalaking yun. Pero yung di nahahalata, ah?” Hindi na ako nag-isip sa sinabi ko at itinuro na si Wade sa driver namin.
“O, sige. Sino ba iyan? Classmate mo?”
“Di po, new vocalist po nina Noah.”
Tumango si manong at sinunod ang gusto ko.
Tumawid si Wade sa pedestrian lane. Niliko ni manong ang sasakyan para maabutan namin si Wade.
Hindi lang siya yung tinitignan kong mabuti, maging ang mga tao sa paligid ay pinagmamasdan ko. Kitang-kita sa mga tao, lalo na sa mga babae, ang pagkamangha nila sa pisikal na kaanyuan ni Wade. Hindi niya na kailangang ngumiti at magpapansin. Simpleng hakbang niya lang at paglingun-lingon sa kalsada ay nakakaagaw na siya ng pansin. Simple lang siya manamit, jeans lang atsaka t-shirt pero daig pa niya ang mga artista sa atensyong nakukuha niya sa mga tao.
May nakita akong kumaway sa kanya. Ngumiti siya at kinawayan niya rin. Hindi nagtagal ang tingin niya sa mga babaeng kumaway. Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga babaeng manggigil at manisay sa kilig dahil sa simpleng pagkaway niya.
Tumigil si Wade sa isang apartment. May batang biglang humila sa t-shirt niya.
“Patay kang bata ka, supalpal ka ngayon.” Sabi ko.
Yun ang unang naisip ko dahil sa kasamaan ni Wade pero nagkamali ako…
Yumuko siya at tinapik ang ulo ng bata.
“Sino yun? Anak niya?” Tanong ko sa sarili ko.
Nilapitan ang bata ng isang buntis. Mukhang ito yata ang nanay niya. Hindi ito anak ni Wade. Mejo matanda na yung lumapit, eh.
“Anak yan ng may-ari ng apartment na ito.” Sabi ni manong.
Tumango ako at pinagmasdang mabuti ang pagngiti ni Wade sa mga taong nakapaligid. Nakipaghigh-five pa siya sa bata bago pumasok sa loob ng apartment.
So nag-aapartment siya. Wala silang bahay dito sa Maynila. Pagkatapos ng 15 minutes ay lumabas ulit siya na may dala-dala ng gitara sa likod.
Sinundan ulit namin siya pabalik ng school. Hindi kalayuan sa school ang apartment niya kaya pwedeng lakarin niya lang. Ganun parin ang nangyari, panay ang bati niya sa mga nakakakilala sa kanya.
“Sige po, thanks manong.” Sabi ko at lumabas na ng sasakyan pagkarating ko ng school.
Anu ba yan! Dahil kay Wade nagiging stalker na ako. Paano ba naman kasi, gusto kong malaman kung bakit galit na galit siya sakin. Mabait naman siya sa iba. Bakit hindi siya mabait sakin?
Mga sampung tao na ang binati niya at nginitian niya ngayon. Oo, sinusundan ko siya dito sa loob ng campus. Nababaliw na yata ako sa ginagawa ko.
“Huy, Reina!” Biglang tulak ni Coreen sakin.
Napatalon ako sa bigla. “Ano?” Irita kong tinanong.
“Saan ka ba galing? May pasok pa tayo! Lika na!”
Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 4:30 na pala. Ang bilis naman ng oras! Dahil sa pang-iistorbo ni Coreen sa akin, nawala ko tuloy si Wade.
“Sinong hinahanap mo?” Tanong ni Coreen at tumingin din sa dinaanan ni Wade.
“W-Wala.” Sabi ko.
“Asus! Meron! Mukha mo, mas transparent pa sa tubig.” Itinaas niya ang leeg niya para tignan.
“Lika na nga!” Hinila ko siya palayo dun sa kinatatayuan namin.
Talak nang talak si Coreen nang papunta kami sa classroom…
“Leche… Sana makapanood na ako ng practice nina Noah. Kailan ba sila magpapractice sa bahay niyo at nang makabisita na ako.”
“Grabe ka. Akala ko ako bibisitahin mo, yung kapatid ko pala.”
“Bah, syempre. Sa panahon ngayon, dapat tayo na ang naghahabol. 1 is 10 na kaya ang ratio ng mga babae at lalaki. Baka pag pinatagal mo ang paghahanap, mauubusan ka na. Mas maagang pag aasawa, mas mabuti.”
Umiling ako, “What?”
Hindi ako makapaniwalang pinag iisipan ito ni Coreen. Hindi pa nga sumasagi sa isipan ko ang pagbo-boyfriend, nag iisip na siyang mag asawa, at sa kuya ko pa! Haha!
“Kaya ikaw, bilisan mo na ang pag hahanap ng mahahabol mo. Nineteen na tayo, average marrying age ang 23, kailangan 3 years and up kayong mag boyfriend bago ikasal. Buti pa itong akin, matagal na kami kaya sigurado na akong sakin siya mahuhulog.” Tumang-tango pa si Coreen.
Tumawa na lang ako. Hindi ako sigurado kung totoo ba yung mga sinabi niya.
Natapos ang klase namin ng 6:30PM. Boring at nakakaantok. Pero okay na rin kesa sa mga klase ni Mr. Dimaano. Gusto kong antukin dun sa subject niya pero hindi ko magawa dahil parang uwak siyang nakamasid sakin at naghihintay ng magandang tiyempo para pagalitan ako.
“Sinong susundo sayo?” Tanong ni Coreen.
Nandyan na kasi ang sasakyan ng daddy niya, minsan kasi hinahatid nila ako. Pero dahil si Dashiel ang susundo sakin, hindi ako pwedeng sumama kahit kanino. Magagalit yun. Istrikto na naman yun.
“Si Dashiel.”
Ngumisi si Coreen at kumaway. “Okay! Itext mo na para makauwi ka na. Bye, Reina! I love you!” Nagflying kiss si Coreen sakin.
“I love you, too!” Nagflying kiss din ako sa kanya at kumaway.
Napatingin ako sa paligid ng benches na pinaghihintayan ko kay Dashiel. Puno ng lovers. Lovers in school ang peg. Samantalang ako, mag isa dito. Nakakahiya naman. Yung isang love birds ay halos maghalikan na sa paglalampungan. Hay naku! Gabi na kasi kaya hindi na gaanong nakikita ng guards. Tsk.
Makapag CR na nga muna. Mukhang overtime si Dashiel, ah.
Naglakad ako papuntang CR. Hinawakan ko ang isang pimple na natutuyo na.
“Hay salamat…”
At least… kahit na ganito ang mukha ko, may mga panahong pimpless ako. At sa mga panahong yun, inspired ako. Pakiramdam ko ang ganda ko na. Siguro kung pumuti lang ako ng konti, maganda na talaga ako. Hmmm. Hinawi ko ang bangs ko at nilagay sa tuktok ng ulo ko.
“Not bad.”
Kumain kaya ako ng Kojic? Haha! Bangag na yata ako. Suminghap ako at hinalughog ang bag. Wala akong dalang pampaganda. Suklay lang ang mejo close sa ‘pampaganda’ kaya pinagtiyagaan kong suklayin ang buhok ko.
Biglang may kumabog sa isang cubicle.
Napatalon ako sa bigla. Natigilan ako sa pagsuklay at napatitig sa cubicle na iyon.
“Hello?” Nanginig ang boses ko.
I know this. Ganito sa mga horror movies. Naghintay akong masira ang ilaw. Naghintay ako ng black out. Nanginig na ako sa takot. Pero di ako makagalaw.
“May tao ba riyan?” Tanong ko.
Dahan-dahan akong humakbang palapit ng cubicle.
“Hmmmm…” May narinig akong ungol.
OH MY GOSH! May tao!
“Okay ka lang ba?” Tanong ko habang tinutulak ang pintuan.
Nabitiwan ko ang suklay ko nang nakita kong nagpapalitan ng maiinit na halik si Wade at si Zoey sa loob ng cubicle. Nalaglag ang panga ko sa naabutang pangyayari. Halos magkagutay-gutay ang t-shirt ni Wade sa paghila ni Zoey sa kanya. Magulong-magulo ang buhok ni Wade at nakahawak ang isang kamay niya sa legs ni Zoey.
“OH MY GOD?” Sigaw ni Zoey at tinulak agad si Wade.
Nakaawang pa ang bibig ni Wade nang tinignan ako. Wala siyang imik. Hindi rin siya nagpakita ng ekspresyon. Seryoso lang ang mukha niya pero itong si Zoey ay di ko na maitsura.
Nag-init ang braso ko hanggang ulo dahil sa hiyang naramdaman. LIKE, WHAT THE FREAKING SHIZ? Seriously? Naabutan ko ba silang muntik ng mag… sa CR?
“S-Sorry!” Pumikit ako at tumakbo.
Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko. Buti agad kong nakita ang sasakyan namin. Dumiretso ako sa loob pero hinahabol ko na ang hininga ko. Napahawak ako sa kumakabog kong puso.
Shucks? Bakit parang ako yung nahalay sa nakita ko? OMG!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]