Mapapansin Kaya? – Kabanata 17

Kabanata 17

Gusto Kong Marinig

Ugh! Pinukpok ko ulo ko dahil sa kahihiyang nadarama. Sht naman, oh! Bakit ang green ko na? Hindi naman ako dating ganito?

Umayos agad ako nang narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Lumabas siya ng may dalang Betadine at bulak.

Tinitigan niya ulit ang tuhod ko. Ngayon, syempre alam ko na kung bakit.

“Uhm… Yung sa kamay na lang muna-“

Pero bago pa ako natapos magsalita ay lumuhod na siya sa harapan ko. WTF? Agad kong tiniklop agad ang nakaawang kong mga hita. Uminit ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata.

Tumingala si Wade. His jaw clenched…

“Itaas mo yung pants mo hanggang tuhod, Reina. Para magamot ko yung sugat mo.”

Napalunok ako. OO, NA! Ako na ang green! Pero masisisi niyo ba ako kung nag-iba na ang tingin ko kay Wade. Hindi na siya gentleman! Playboy na siya sa paningin ko.

“Tsss…” Bumaling siya sa binti ko at marahang tinupi ang pants ko pataas.

Naramdaman kong tumindig ang balahibo ng binti ko pagkahaplos ng daliri niya sa legs ko. Natigilan siya ng ilang sandali saka nagpatuloy sa pagtutupi ng pants ko.

“Hindi na kailangan, Wade.” Sabi ko.

“Next time, kung balak mong pumunta sa mga gig ko, sabihin mo para mabigyan kita ng VIP pass. Hindi yung nakikihalo ka sa mga tao.” Seryoso niyang sinabi.

Lumakas, bumilis at lumipad ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita kasi barado ang lalamunan ko sa puso kong pilit na lumalabas sa dibdib ko.

“Alam kong galit ka sa mga nalaman mo sakin kaya hindi ko ineexpect na manonood ka. Kaya nga nanlalamig ka sakin ngayon, hindi ba?” Tumingala siya habang tinutupi ang kabila.

Napalunok ulit ako. Yung tipong bawat dampi ng mga daliri niya sa binti ko ay nanginginig ang sistema ko. Pero para sa kanya ay parang wala lang. Just the usual thing. That’s why I hate playboys! Naghuhuramentado ka na dahil sa ginagawa nila, pero para sakanila, nakakaantok pala.

“Hindi naman sa nanlalamig, Wade. Nabigla lang ako. Hindi ko inasahan. Buong akala ko mahal mo si… Zoey.” Humina ang boses ko sa huling salita.

Marahan niyang nilagyan ng Betadine galing sa bulak yung sugat ko sa tuhod. Maliliit na galos lang naman iyon, pero tinatrato niyang parang malaki at sensitive.

“Gusto ko si Zoey. Yun ang totoo. Pero hindi ko siya niligawan dahil alam kong kulang pa ang ‘gusto’ pag nanliligaw na.”

Umiling ako, “No, Wade. You’re a playboy. Gusto mo ng maraming babae. Ayaw mo magpatali.”

“Oo, Reina. Ayaw ko… Sorry, ayaw ko pang mabaliw kaya ayaw kong magpatali. Pero tingin mo kung maiinlove ako may magagawa pa ako? Wala diba? Kaya hanggang sa hindi pa ako naiinlove, hindi ako magpapatali.” Umirap siya sakin at nagpatuloy sa panggagamot.

“Pero bakit mo ginagawa yan?”

Napatingala siya sakin, “Huh?”

Kinabog ang dibdib ko dahil sa diretso niyang titig, “I mean… bakit ka playboy? Bakit mahilig kang manakit?” Tanong ko.

“Reina…” Suminghap siya. “Hindi ako playboy. Ayaw ko lang magpatali. Ayaw kong mainlove. Ayaw kong magkagirlfriend. Bata pa ako at marami akong pangarap.”

“Pero sinaktan mo si Zoey.” Napalunok ako. “Ginamit mo siya.”

Namutla siya sa sinabi ko. I looked away. It was the truth.

“Oo, Reina. Hindi ako perpektong tao. Napapangunahan ako ng masasamang bagay. Maaring dahil bata pa ako noon at makitid pa ang utak ko. Kung alam kog okay sa kanila at…”

Pumikit ako.

Suminghap ulit siya, “Wag na lang nating pag-usapan.”

Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan siyang nagpapatuloy sa paggamot ng sugat ko.

“Hindi, Wade, gusto kong marinig.” Sabi ko.

Bumaling ulit siya sakin. Nakita kong masyadong naging expressive ang mga mata niya. Para bang binabasa niya ang iniisip ko at natatakot sa maari ko pang maisip.

“Kasi kung ako yung tatanungin mo, I’ve seen Rozen and Dashiel… Kung makapanakit sila, walang awa. Hindi ko maintindihan pero tinanggap ko dahil mga kapatid ko sila. At si Rozen yung tipong pag nagugustuhan na siya ng babae ay aayaw na siya agad. Pero ikaw… You’re playing with their feelings. Pinaasa mo si-“

“Hindi, Reina. Hindi ko siya pinaasa. Nung una ginagawa lang naming pampalipas oras ang isa’t-isa. Isang beses lang, Reina. Dahil hindi ako umuulit.”

Napapikit ulit ako sa sinabi niya. Masyado namang parental guidance itong mga sinasabi niya. But I need to hear it from him. Ayoko ng mag-isip at magkamali. I want the truth… And I hope this is…

Dumilat ako at ginulo niya ang buhok niya. Hindi na siya nagsalita pa ulit.

“Tapos, ano, Wade?” Hinuli ko ang tulirong mata niya.

Kinuha niya ang kamay ko. Bumilis agad ang takbo ng puso ko. Anong gagawin niya sa kamay ko?

Binuka niya ang palad ko at kumuha ulit ng bulak. SUSMARYOSEP! Reina Carmela, get a grip of yourself!

Napapikit ako sa hapdi. Mas malalim yata yung naging sugat sa palad ko kumpara dun sa tuhod.

“Yan kasi… di nag iingat.” Aniya.

“Tapos, ano, Wade?” Inulit ko ang tanong.

Huminga siya ng malalim, “Tama na, Reina.”

“Hindi… Gusto kong malaman.” Sabi ko.

“Bakit?” Tumaas ang kilay niya. “Anong mangyayari kung malaman mo ang mga detalyeng yun? Magagalit at manlalamig ka lang lalo sakin.”

“No, Wade. Titignan ko kung gusto parin ba kita kung malaman ko yun.”

Napalunok siya, “Mas lalong ayaw kong malaman mo ang mga detalyeng yun ngayon…”

Tumigil siya sa paggamot ng sugat ko. Nilapag niya ang bulak sa mesa at tumayo.

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Come again? Hindi ko gaanong narinig o hindi ko gaanong maintindihan o hindi lang talaga ako makapaniwala?

Nilagay niya ang kamay niya sa mukha niya.

“Alright, Reina. Nakuha mo na ang gusto mo. Nalaman mo na yung mga sikreto kong ayaw ko sanang dalhin dito sa syudad.”

“Ano pa, Wade? Akala mo pampalipas oras, tapos anong nangyari? Nahulog ka ba sa kanya?” Diretso kong sinabi.

Buong atensyon ko ay nakabaling na sa kanya.

Lumuhod ulit siya sakin. I stiffened. What the freak? Bakit tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya?

Ngumuso siya at seryosong sinabi, “Lalagyan ko ng ng dressing saka ibababa ang pants mo.”

“HA?”

Napamura na siguro ako ng pagkalakas-lakas kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

Ngumisi siya, “Ito, Reina.” Sabay turo sa nakafold na pants ko.

Parang umalis yung kaluluwa ko sa katawan. SHT! Lupa, kainin mo na ako ngayon din!

“Kanina ka pa, ah. Wag ka nga masyadong mag isip! Hindi na healthy yan.” Humalakhak siya.

DAMN! Kanina niya pa pala napapansin? I looked away. Buti at nagpatuloy siya sa pagsasalita kahit na natatawa na siya sa naging reaksyon ko.

“Sinabi niya saking gusto niya ako. Magkaibigan na kami ni Zoey, noon pa, Reina. Kaya naman hindi ko siya agad natanggal sa isipan ko pagkatapos niyang umamin sakin. To be honest, gusto ko rin siya as a friend. Ayaw kong mawala siya sakin. At kuntento naman siya saming dalawa. Mutual understanding.”

“Schoolmate ko si Zoey nung highschool. Paano kayo nagkikita?” Kumunot ang noo ko.

“Reina, hindi naman ganun kalayo ang Alegria dito. Kung gusto mo talagang umuwi, magagawa mo rin yun sa loob ng isang araw.”

Ang tanga ko talaga.

“So, umuuwi siya tuwing, uh, weekends?”

“Oo. Pero dumating sa puntong pinapili niya ako. Kung siya ba o yung pag-aaral ko dito sa Maynila. Pinili ko syempre ang pag-aaral. Kaya nagalit siya at ginawa niya sakin yun.”

Ngayon, alam ko na. Siguro ay narealize ni Zoey ang pagmamahal niya kay Wade kaya nag makaawa siya noon. Pero ayaw na ni Wade ng magulong relasyon na yun. I sighed. Hindi ko alam kung dahil ba naging malinaw sakin ang lahat o dahil nalaman kong hindi niya mahal si Zoey.

Bakit kaya gusto ko parin siya kahit marami akong kahindikhindik na nalaman tungkol sa kanya? I really need to be cautious. Paano kung ganun ang gawin niya sakin tulad kay Zoey? Kung sana’y alam ko noon pa na playboy siya, sana hindi ko na inamin sa kanyang gusto ko siya.

Tumayo ako. Sinundan niya ako ng tingin.

“Wade, uuwi na ako. Gumagabi na, eh. Uhm…”

Nagkatinginan kami.

“Okay. Saglit lang.” Tumayo siya kaya mas lalo kong napasadahan ng tingin ang abs niya at ang perpektong biceps niya.

DAMN! Nag wo-work out kaya siya? UGH! Mukhang hindi. Ano kayang ginagawa niya sa Alegria? Soccer? Ano pa?

May kagat siyang t-shirt, dalang keys at wallet pagkalabas niya ng kwarto.

Sinoot niya yung t-shirt niya sa harap ko. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko talaga yung dalawang magkabilang abs sa tabi ng abs na nag flex. The obliques and serratus. Tinikom ko agad ang bibig ko. Baka tumalsik pa yung laway ko dito. SHT! Salivate ang peg.

Pinikit ko ang mga mata ko at tinalikuran siya.

“Uh? Saan ka pupunta?” Tanong ko.

“Bibili lang ako ng pagkain sa labas.”

Dinilat ko ang mga mata ko.

“Hindi ka ba marunong mag luto?” Hindi ko siya nilingon.

Pero naglakad siya papuntang harapan ko. Thank God, may saplot na siya ngayon.

“Hindi masyado.” Ngumisi siya. “May binibentang pagkain naman ang landlady dito sa kabila. Kaya walang problema.”

Tumango ako at nag-iwas ulit ng tingin. I can cook. But… UGH!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: