Baka Sakali 3 – Kabanata 8

Kabanata 8

Umuwi na Tayo

“Are you sure about this?”

Hindi ko inakala na dadating sa puntong ganito.

Nasa harap ko si Jasmine at Eunice ngayon. Sinamahan ako ni Eunice sa kabilang bayan kung nasaan ang bahay nina Jasmine.

At first, I never thought it’s possible for me to approach them. Silang dalawa ang lubusang tumututol sa amin ni Jacob. They’ve been a bitch to me and I to them.

Kinain ko ang pride ko. Kinalimutan ko lahat. At ang posibilidad na maaaring gamitin nila ito para makaganti.

“Tinanong mo ba si Jacob?” tanong ni Jasmine nang hindi ako sumagot.

Hindi ko na natanong si Jacob. Alam ko rin naman kasing hindi siya papayag. Isa pa, nasubukan ko nang iopen sa kanya ang posibilidad pero sarado ang kanyang utak.

“This is mine, anyway…” nag iwas ako ng tingin.

“You did not tell him?” kumunot ang noo ni Jasmine.

Nagkatinginan ang dalawa.

Nasa loob kami ng isang opisina sa bahay mismo nina Jasmine. Ang kanyang ama ang talagang namamahala sa negosyo nila. I would talk to his dad if I could but for now, siya pa lang ang makakausap ko dahil nasa Maynila di umano ang kanyang ama.

Susubukan kong ibenta ang Trucking. At kapag tinanggihan ko, isasangla ko ito. At least I would still get money. At ibibigay ko iyon kay Jacob.

“Malalaman din niya iyon… Look, are you interested? ‘Yong daddy mo lang ang naisip ko dahil business n’yo ‘to noon. Hindi pa gamay ni Jacob ang larangang ito kaya hindi nakakabawi. Habang hindi pa niya gamay, gusto kong bitiwan niya muna-“

“Are you sure na gusto mong bitiwan niya ito pansamantala o may paggagamitan ka sa pera?” singit ni Eunice sabay halukipkip.

If this was a normal day, I would slap her hard. Ano ba ang tingin niya sa akin? Gahaman sa pera?

“Si Jacob ang may pag gagamitan sa pera. Alam kong alam mo, Eunice, na nahihirapan siya ngayon sa negosyo nila. Sa pagkamatay ni Don Juan Antonio, maraming naiwang utang. He can’t handle the business very well yet.”

I controlled my feelings. May kailangan ako kaya dapat hindi ako magpapadalos dalos.

“This is your way of helping him out?” tanong ni Jasmine.

Umiling si Eunice. Hindi ko na alam kung tama ba na sa kanila ako lumapit.

Tumayo ako.

“If you can’t help us, then at least send me to someone who will…”

Napalunok si Jasmine at naupo sa isang swivel chair. Nanatili akong nakatayo. Buo ang desisyon kong lumapit na lang sa iba. Maraming hacienda sa Alegria, pwede akong lumapit sa iba pang mga pamilya. Ayaw ko nga lang noong una dahil alam kong mas mabuting kina Jasmine kami lumapit. Tutal ay kanila naman talaga iyon bago binili ni Jacob at pinangalan sa akin.

“I don’t get why Jacob named the Trucking after you.”

“If you can’t help me, Jasmine-“

“I am not going to help you. Si Jacob, ang tutulungan ko, Rosie. Don’t get me wrong…”

Nag tiim bagang ako. Gustong gusto ko nang mag walk out pero kinain ko pati ang natitira kong pride. Eto na ‘yon. Eto na ‘yong maaaring makakabuti kay Jacob.

“I am not sure if my dad will allow me to buy the Trucking again. Kaya nga namin iyon pinagbili dahil ayaw niya nang mag handle sa Alegria dahil wala kaming lupa doon. I can find you buyers but if you can’t wait for that, papayag akong isasangla siya pero dapat hindi na abutin ng isang taon ang pagtutubos.”

Natahimik ako. Sa sitwasyon ni Jacob ngayon, hindi ko alam kung ilang buwan o di kaya’y taon ang aabutin para lang maging stable ulit ang negosyo ng kanyang ama.

“Sinangla mo ang Trucking?” tanong ni Maggie.

Pagkatapos ko sa kina Jasmine ay umuwi na ako ng Maynila. I need to prepare for the upcoming contest.

Inenrol ako ni Kira sa isang magandang gym. He wants me fit for the pageant. At ako, gagawin ko lahat para lang manalo.

“Pumirma lang ako ng kasulatan, Mag. Pag hindi nakahanap si Jasmine ng bibili ng Trucking, papayag siyang isangla ko ito sa malaking halaga naman.”

“Pati ang mga Truck? Nagtanong ka ba kay Jacob?”

Tinitigan ko lamang ang kapatid ko. Unti unting tumalim ang kanyang mga mata nang napagtantong hindi ko siya sinasagot dahil hindi niya magugustuhan ang sagot ko.

“Kahit sa’yo ‘yon, kanyang pera ‘yon, Rosie!” ani Maggie.

“Wala na siyang pera sa ngayon. Ni hindi ko na nakita ang Hummer niya bago ako umuwi. At isa pa, ayaw kong maghintay na bawian pa sila ng ari arian bago ko ito gawin.”

“You really think this is the solution?”

“No… I just think this will lessen the burden.”

Umiling si Maggie. Umiling rin ako. I am so confused but there’s light in my decision. At kahit gaano kaliit pa ng liwanag na ‘yan, papatulan ko, para kay Jacob.

Naging abala ako sa contest. Isang bagay na itinago ko rin kay Jacob dahil ayaw niya.

“Bumili ka ng MAC, Rosie. Your lips are plump and perfect, dapat ay alagaan mo…”

Dahil sa trabaho ko, kailangan ko ring mamuhunan ng para sa katawan. Anyway kapag nanalo ako, mababawi ko rin ang lahat ng gastos. Simula gym, make up, at treatment sa buhok ay pinagkagastusan ko. Mabuti na lang at marami rami akong gigs nitong summer kaya hindi na ako nahirapan.

“Oh my God!” nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang laman ng aking acoount.

Five hundred twenty-five thousand pesos. What the hell? Saan nanggaling ang Five hundred thousand?

Nanginginig ang kamay ko nang binawi ang card sa ATM. Wala akong ibang maisip kundi si Jacob.

Mabilis kong pinindot ang kanyang numero. Nagpupuyos ako sa galit. Habang nag ri-ring ay inaayos ko ang mga sasabihin ko sa aking utak.

“Rosie!” maligayang bati ni Jacob. “Ano, uuwi ka na ba?”

Nag tiim bagang ako. Kahit na ganoon ang pambungad niya, hindi ko basta bastang makakalimutan iyong ginawa niya.

“Hindi ba nag usap na tayo? Ayaw ko ng pera! Bakit may pera sa account ko?”

“Hindi ba kailangan mo? Ayan! Pwede ka nang umuwi dito at bumalik na lang pag enrolment na-“

“Jacob, please!” frustrated kong sinabi. “I can make my own money. Hindi ko kailangan ng pera mo! Ibabalik ko ‘yan sa account mo-“

“Hindi ka mapigil pigil sa mga gig mo diyan. Ilang araw ka nang di napapadpad dito. Sinabi din sa akin ni Eunice ang kasunduan niyo ni Jasmine, Rosie… Alam kong kailangan mo ng pera. Para sa mama mo o sa inyo ni Maggie, isipin mo na lang na tulong ko ‘yan bilang boyfriend mo.”

Nalaglag ang panga ko. Eunice? She told Jacob? What the heck!

“E-Eunice?” tanong ko.

“Oo. Tumawag siya noong isang araw at sabi niya, bakit ka raw nangangailangan ng pera. Lumapit ka raw sa kanya. Rosie, ako, ba’t di mo ako lapitan?”

Hindi niya alam ang ginawa kong kasunduan kay Jasmine. At least Eunice didn’t tell him. But after a few more days, malalaman niya rin. Kinakabahan na ako.

“Jacob, I have money. I just need to make more. I can don it. I don’t need your help. Ibabalik ko sa’yo ang pera mo…”

“Rosie-“

Pinutol ko ang tawag. Ayaw kong makipagtalo dahil alam kong hinding hindi siya magpapatalo.

Ipinagpatuloy ko ang pagtatrabaho. Tawagan lang muna kami ni Jacob. Mahirap pero kailangan kong kayanin.

Lalo na ngayong hectic ang schedule. Tuwing naiisip kong siyam na oras ang byahe, hindi ko na mapagkasya ang schedule ko kaya pahirapang umuwi.

“Uuwi ka pagkatapos ng shoot na ito?” tanong ni Kira, nakatingin sa repleksyon ko.

Tumango ako.

“Paano ‘yan, kailangan ka sa makalawa? May ramp tayo tapos magfafinalize para sa Tagaytay-“

“Babalik din ako agad.”

Nag ngising aso siya. I wish I can ride with his joke.

“Can’t get enough of your boyfriend, huh?”

“Kira!” bigla siyang tinawag ng payat na organizer.

Pareho kaming napatingin sa organizer.

“May bisita si Rosie Aranjuez!”

Nanlaki ang mga mata ko. Nagkatinginan kami ni Kira. Sino naman ‘yon? Nasagot kaagad nang bumungad si Jacob sa pintuan ng backstage.

“Jacob!”

Kumalabog ang puso ko. Tumayo ako, kahit nahihirapan dahil sa gown na suot. Mabilis ang lakad niya patungo sa akin.

“Jacob! Hi!” Nilagpasan niya si Kira at dumiretso siya sa akin.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Ngayon ba ‘yon? Oh shit!

Hinaklit niya ang palapulsuhan ko. Hinila ko pabalik sa akin.

“Mag usap tayo!” galit niyang sinabi.

“Oh!” ani Kira sabay tingin sa akin. “Rosie, five minutes. Don’t ruin your make up,” paalala niya.

Hinila ko si Jacob patungo sa balkonahe ng studio. Nasa 10th floor kami ng isang tower. Abala ang mga tao sa pag piprepare sa mga models at shoot. Ito ay kalendaryong ipapamigay ng V Malls sa susunod na taon.

Sinarado ko ang pintuan para magkausap kami ng maayos. Umihip ang hangin at tanaw naming dalawa ang kabuuan ng Taguig.

“Jacob…” malambing kong sinabi.

“Sinangla mo ang Trucking?” pagalit niyang tanong.

Malayo siya sa akin at seryoso ang mga mata. He’s wearing a grey v neck t shirt. Isang dogtag ang nakasabit sa kanyang leeg. He’s like a model pulled out straight from a boyish magazine.

“Iyon lang ang naisip kong paraan para-“

“Para saan? Rosie, naman! Hindi mo sinabi sa akin? Nalaman ko na lang noong may mga tauhan nang kumuha?”

“Hindi ko sinabi sa’yo kasi alam kong hindi ka papayag!”

“Alam mo pala, bakit mo sinangla?”

“Ihuhulog ko sa account mo ang perang nakuha ko doon. Para makatulong sa J.A. foods, Jacob. Iyon ang mas importante-“

“Importante ang Trucking sa akin! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo ‘yan? Hindi mo ba pinapahalagahan ang mga bagay na importante sa akin, ha, Rosie?”

Parang pinipiga ang puso ko. Nag init ang gilid ng aking mga mata ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

“Syempre, pinapahalagahan! Alam kong importante pero kung importante lang pala dahil sa akin, o dahil may sentimental value sa akin, isasantabi ko muna ‘yon para lang-“

“Hindi lang ‘yon sentimental value! Kumikita naman ‘yon ah!”

“Yes! But not enough to pay for your debts. You know that! Jacob! Naman! Isipin mo muna sa ngayon kung paano aayusin ang problema! For once-“

“Iniisip ko naman ah! At parte ang Trucking sa plano ko! Tingin mo ba hindi ako nag iisip sa mga nangyayari sa negosyo? Iniisip ko, Rosie! Kaya nga hindi ko gustong ibenta ang trucking pero ano ‘tong ginawa mo!?”

Hindi ako nakapagsalita. I don’t know anything. I don’t know if he found a solution to all these. Or he’s still just experimenting. All I want is a sure win. All I want is to make sure that he’s going to be okay in the end, kaya ko iyon nagawa.

Sinuntok niya ang railings at tinalikuran ako. Tanaw niya ang kabuuan ng syudad at habang tinitingnan ko ang likod niya, sobra sobra akong nasasaktan.

Nagkamali nga ba ako? But… all I can see is the way he’s failing? And I don’t want that. I don’t want him to fail. I would blame myself in the end. Dahil alam ko, hindi ako bulag, bumabagsak siya dahil sa akin. Sa pag iisip sa akin.

Nilingon niya ako. Malamig parin ang kanyang mga mata. Kahit hindi niya isigaw sa akin kung gaano ko siya nasaktan sa ginawa ko, alam kong sobra sobra syang nasasaktan.

“Bumalik na tayong Alegria…” aniya.

Umiling ako. “I have a stint.”

“Binalik ko sa’yo ang pera na binigay ko noong nakaraan. ‘Wag ka nang mamroblema…”

Pumatak na ang luha ko habang umiiling. Kahit anong gawin niya, hindi ko gagalawin ang pera niya. Kaya ko pang mabuhay. Hindi ako lumpo para hindi magtrabaho.

“Hindi mo ako responsibilidad. Kaya kong mabuhay, Jacob, ng ako ang magtatrabaho.”

Mas lumamig ang tingin niya sa akin. Para akong nilalason ng titig niya. Para akong tinututukan ng baril.

“Kailangan kita sa Alegria,” aniya.

“Pupunta ako doon pagkatapos nito. Please, pagkatapos nito…”

Bumaling siya sa loob ng studio. Pagkatapos ng ilang saglit ay nilingon niya ako.

“Ito ba ‘yong pinagpaalam mo sa akin na contest?”

Shit! Tumango na lang ako.

Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga matatayog na buildings sa labas. Ang hangin ay hinihipan ang buhok niya. Umiigting din ang kanyang panga.

Suminghap siya pagkatapos ng ilang sandali at nilingon niya ako.

“Wala ka ba talagang tiwala sa akin?”

Parang punyal na tumusok sa aking puso ang kanyang tanong.

“Jacob, nagtitiwala ako sa’yo…”

Umiling siya. “Kung ganoon, bakit mo pa ito pinagpatuloy? Bakit mo sinangla ang Trucking? Bakit hindi mo ako hinahayaan?”

Pumikit ako ng marahan. Gusto ko siyang yakapin. I trust him. I believe him. But it’s just so hard to see him taking all the hardships by himself.

“Jacob, ako ang nandito at nakatingin sa lahat ng nangyayari… Jacob…” bumuhos ang luha ko. “Nakikita ko na isa isang nawawala sa’yo ang mga dapat sa’yo… At nakikita ko rin na pinapangalagaan mo ‘yong para sa akin, and in exchange, you forget yourself! Ayaw ko ng ganoon!” Humikbi ako.

Umiling siya. “Kahit kailan ba, Rosie, nagreklamo ako sa lahat ng nawala sa akin?”

Hindi ako nakasagot. Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mga mata.

Naglahad siya ng kamay sa akin. Kitang kita ko ang pagod sa kanyang mga mata.

“Umuwi na tayo. Sumama ka sa akin… Magiging maayos ang lahat,” aniya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita ko rin ang pagpipigil niya sa kanyang luha. Para akong natunaw sa kinatatayuan ko. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang bumuhos. Nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya at pagkatapos ay tumango.

“Magpapaalam lang ako kay Kira…”

Lumabas kami doon. Sabog na siguro ang make up ko dahil noong lumabas ako’y nanlaki ang mga mata ni Kira.

“Ano? Eh ngayon kayo imemeet ng CEO ng V Malls! Aatras ka?” pasigaw niyang sinabi.

Shit! I just really need a break. Ilang araw na rin akong hindi nakauwi ng Alegria kaya nagkakaganito.

“Hindi ako aatras. Kailangan ko lang talagang mag break muna. Di muna ako sisipot ngayon. I’m sorry. I’m really sorry, Kira…”

Napatingin si Kira sa malayong likod ko. Kahit di ko lingunin, alam kong si Jacob ang tinitingnan niya.

“Naku, ha! Ikaw ang manok ko dito, Rosie tapos ganito ka!? Naku, naku!”

“Hindi lang naman ako ang wala di ba?”

“Pero maganda na itong opportunity to raise your popularity sa mga pahina ng catalogue! Mas lalaki ang tsansa mong manalo! Baka pa may ma meet kang judges, Rosie! Sayang! Hay naku!”

Hindi na ako nagsalita. My decision is final.

“Pagkabalik ko, aasikasuhin na natin ‘yong sa Tagaytay.”

“Naku! Sigurado ka ba diyan? Baka mamaya mapurnada! Naku!”

“Oo. Sigurado, Kira. Pangako.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: