Baka Sakali 1 – Kabanata 27

Kabanata 27

Mahalin Mo Rin Ako

“Pwede bang m-manligaw?”

Dilat na dilat ako pagkatapos kong marinig ang tanong ni Jacob. Kahit na nilalabanan ko ang tukso ng pagtalon sa kinahihigaan ko at maglagay ng lipstick saka ibulalas ang sasabihin ko ngayon…

“Di pwede.” Pinikit ko ulit ang mga mata ko.

“H-Huh? Bakit?” Tanong niya.

“Akala mo ganun kadali yun, Jacob?” Ngayon napaupo na talaga ako.

Ganun kadaling magpatawad pagkatapos niya ako ininsulto ng tagos sa buto? Kala niyo madali lang ang ipamukha sakin kung gaano kami kahirap at gaano ako ka mukhang manggagamit sa paningin niya? Halos awayin niya pa nga ako pagkatapos nung Ms Intrams… at bago yun binibwiset niya pa ako? Gagapang ka muna Jacob bago mo maririnig ang matamis kong Oo!

Teka!? Ni coconsider ko bang sagutin siya? REFRESH YOUR MEMORY, Rosie! Yung lahat ng panggagago na nadama mo sa kanya! At elast si Callix, isang beses lang niya akong ininis (o dalawa) pero itong si Jacob inaaraw-araw pa eh. Umiiyak na nga ako di pa tumitigil. Ganun siya kasama! Tubuan ka sana ng sungay… pero… (evil smile) yes!

Tsaka… ba’t nga ba siya manliligaw? Di pa naman niya sinabing mahal niya ako diba?

“Gaano pala ka-kahirap manligaw? Hindi… first time ko kasi ito eh…” He looked away.

OH! Some revelation there, huh? Sa kagwapuhan niyang ito ay di pa siya nakakaranas manligaw. Virgin na virgin pa ang kumag kaya naman pala hiyang-hiya pa at namumula ang pisngi.

Well, hindi naman talaga yun ang ibig sabihin ko sa ‘di ganun kadali’ – actually, ang ibig kong sabihin dito ay hindi ganun kadaling magpatawad sa lahat ng pambababoy niya sakin pero dahil binigyan niya ako ng ideya sa pagsasabing: gaano kahirap manligaw? ETONG SAYO!

“Kasalanan mo yan kasi first time mo! Alam mo bang nakakaturn off dahil di ka marunong manligaw?!”

Halos makita kong umusok yung pisngi niya sa pula nito. Nagalit agad siya…

“ANO? Sinong nagsabing di ako marunong manligaw? Sus! Marunong ako noh! Bigyan pa kita ng flowers araw-araw!” Aniya. “Anong gusto mo? Roses? May plantation kami ng roses dun sa dinidevelop pang lupa sa Kampo Juan…”

“HINDI AKO MAGPAPALIGAW SAYO AT AYOKO NG ROSES!” Kahit gusto ko ng roses… nang iinis lang.

“B-Ba’t di ka magpapaligaw sakin?” Parang nainsulto ko siya sa sinabi ko.

“Dahil mayaman ka!” Sabi ko.

“Akala ko ba gusto mo ng mayayaman?” Nagkasalubong ang mga kilay niya.

Umirap ako, “Basta!”

“Nagdadahilan ka naman yata eh!”

“Basta!” Then… it struck me… Oo nga pala! May masasaktan ako kung manliligaw siya.

Marami. At isa sa kanila ay si April… Ang tangi kong kaibigan dito sa Alegria.

“Ayoko!” Sabi ko agad at humiga pabalik sa sofa.

“Napaka unfair mo naman yata, Rosie!” Aniya.

Hindi ko na siya sinagot. Buti at nakatulog ako… pero ilang saglit lang ay nagising na ako na may kumot sa buong katawan ko.

Nasan si Jacob? – Ito ang una kong naitanong sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako nang di ko siya agad nakita pagdilat ko. Nung umupo na ako, nakita ko siyang nakahilig ang ulo sa kabilang sofa at tulog na rin.

Napatingin ako sa mga supot ng pagkain doon sa mesa. Kailangan na nga pala naming mag lunch… 2:00PM na! Ilang sandali ay uuwi na si Maggie o di kaya si Auntie Precy kaya dapat kumain na kami.

Hinanda ko ang pagkain. Thank God at luto na siya at di ko na kailangang magluto. Tapos ginising si Jacob.

“Jacob. Huy!” Sinampal ko ng marahan ang mukha niya para magising siya.

“Aray.” Ang OA nito. Napahawak na sa pisngi at puso niya pagkagising niya.

“Huh?”

“Sakit! Araaay…”

“Heh! Ang OA mo! Kumain na nga tayo!”

“Ito naman. Di ka ba concerned sa well being ko?”

“Well being mong mukha mo! Kung di ako concerned sana hinayaan kitang matulog hanggang sa magutom at mamatay! Pasalamat ka’t ginising kita.” Sabi ko habang papalakad sa kusina at sumusunod siya sa likuran ko.

Umupo ako sa mahabang mesa kung saan ko nilatag ang mga pagkaing dinala nung mga yaya nina Jacob.

“So… concerned ka nga! Aha! Crush mo ko no?”

Pinipigilan kong ngumiti.

Ginagawa niya ang lahat para mapaamin ako na may gusto ako sa kanya, huh? Sorry Jacob pero diniskartehan ako ng pinakaplayboy sa Maynila at alam na alam ko kung paano gumana ang utak niyong mga lalaki lalo na pagdating sa panliligaw… dagdagan pa ng pagiging inexperienced mo…

“Hindi! Hindi ka pumasa sa standards ko. Sorry.” Tapos sinubo yung spagetti na nilagay ko sa pinggan.

He frowned, “Sige nga! Ilista mo yung standards mo nang malaman ko kung totoo ba?!” He crossed his arms.

“Tumigil ka na! Yun na lang isipin mo. Kumain na tayo. Tsss! Wala ka ng pag-asa.” Sabi ko sabay tuhog sa fried chicken gamit ang tinidor ko.

Mabilis na tinuhog niya rin ito kaya naagaw niya ang atensyon ng mga mata ko. Seryoso ang mukha niya at…

“Hindi kita titigilan, Rosie. Liligawan kita hanggang sa mahalin mo rin ako.”

Naramdaman ko talagang na stretch ang eyelashes ko sa paglaki ng mga mata ko sa sinabi niya… Parang sinabi niya na rin saking mahal niya ako!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: