Baka Sakali 1 – Kabanata 16

Kabanata 16

Ang Pagsali

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dumating naman si April para sabihin saming pumunta na kami sa classroom dahil malapit ng mag time.

Walang imikan kami ni Jacob hanggang sa classroom.

Hindi pa dumadating ang teacher kaya nag s-strum ulit siya ng guitar at panay naman ang titig ko. May nakatingin din sa kanya. Obviously may iilan din sa kaklase kong nagkakandarapa sa kanya. Hindi lang si April. At sa kanilang lahat… (muntik ko ng maisip na sa ‘aming lahat’) si April ang pinaka lucky! Paano ba naman kasi ay close na close sila ni Jacob.

Pero uminit ang pisngi ko nang naisip ko ang scene kanina. Almost kissing. Sure ba akong almost kiss yun? Baka ako lang pala yung nag a-assume dito?

“Anong gusto mong kantahin ko?” Lumingon siya sakin, talking for the first time after the scene.

“Uhmm. Kahit ano… lang.” Naiilang ako eh.

“Kakanta kami sa Intramurals eh. Kasama yung ibang banda dito. Tsaka mag lalaro din ng basketball. Ikaw? Anong gusto mong salihan?” Tumaas ang kilay niya.

“Wala naman. Cheering lang.”

Required naman talaga lahat ng taong sumali sa cheering, well, except sa mga taga basketball team kung saan kasama si Jacob kaya di niya na kailangang sumali.

Buti dumating yung teacher namin at naputol yung nakakailang na pag-uusap namin ni Jacob.

“By the way, hanggang ngayon wala parin tayong nakukuhang dalawang representative ng Ms Intramurals?” Tinignan ako ni Mrs Gonzalo pagkatapos niyang sabihin yun.

Uh-oh! I know this! Sigurado akong iniisip niya kung pwede ba ako ang mag representa?

“Wala ba sa ibang section?” Tanong ni Eunice. “Si Andrea Flores sa 6-Millions? Maganda yun!” Aniya.

“Hindi siya pupwede, Eunice. Sumali na siya noon diba?”

Umirap si Eunice at, “Kung sana pwedeng sumali ang cheer leader eh ako na sana!”

Nagtanguan ang mga kaklase ko. Pero si Mrs Gonzalo ay nakatingin parin sakin. Lumubog ako ng konti sa upuan ko na namalayan naman ni Jacob kaya napatingin siya sakin.

“Anong ginagawa mo?”

Umiling ako, “Wa’g ka ngang maingay.” Bulong ko.

“Ma’am si Roseanne Aranjuez kaya!?” Ang kumag ay sumigaw at nakita kong umaliwalas ang mata ni Mrs Gonzalo.

Finally, may nagsabi na rin sa gusto niyang mangyari.

Nagtanguan ulit ang mga kaklase ko, pero syempre yung iba ay biglang may ayaw dahil si Jacob ang nag recomenda. Akala naman nila may something samin ni Jacob. Si Eunice ang nanguna sa pag protesta…

“Pe-Pero Jacob! Di naman siya… ugh!”

ANO? ANO? Di ako maganda?! Alam kong maganda ka pero di hamak na mas maganda naman ako noh! Speaking of reality! Umayos ako sa pag-upo.

“P-Po? Di ako mahilig sa mga beauty contest!” Sabi ko agad.

“But you’re qualified!” Parang di ko na ikonek ang sinabi ni Mrs Gonzalo.

Heto naman si Jacob at tawa nang tawa sa reaksyon ko.

NOOOO!

“P-Pero ma’am?!”

“Roseanne, hindi ka sasali sa cheering squad kung papayag ka.” Sabi ni Mrs Gonzalo.

Natahimik ako. Si April naman ay walang reaksyon. Hindi niya ako pinigilan sa pag sali at di niya rin ako chineer na sumali.

Pero gusto ko yun huh? Ayoko kasi sa cheering squad dahil laging nangbu-bully si Eunice. Not bad… bukid naman ‘to at walang nakakakilala sakin galing Maynila. In fact, marami pa nga akong damit na pwede sa mga ganyan eh. Ma eexcite pa si mama kasi mahilig yun sa ganito. Nga lang, di niya ako tinrain ng maayos. Si Maggie lang yung pinapasali niya.

Napabuntong-hininga ako, “O-Okay.”

Hindi ko alam kung bakit pero nakita kong nagkasalubong ang mga kilay ni Jacob at narinig ko ang malaks niyang buntong-hininga. Naghiyawan ang mga kaklase ko. Kinindatan pa nga ako ni Leo Yu at yung iba pang kaklase kong lalaki.

Ewww.

Pagkatapos ng klase ay nilapitan agad ako ng mga lalaking nagkindatan sakin kanina…

“Wow Roseanne! Congrats!” Sabi ni Kiko.

Kilala ko naman sila, hindi naman kasi bingi para di marinig yung mga pangalan nila sa mga oral recitations namin.

“Naku! Baka mas marami ka ng fans niyan dahil maeexpose ka na sa buong campus.” Sabi ni Nathan.

“Uhh… Ayoko ngang sumali eh-“

“Naku! Buti sumali ka! Ang papangit ng mga babae dito. Kaw lang yata maganda!” Sabi ni Tim.

“Huh? Marami namang maganda ah?”

“Saan ba bahay niyo, Rosie, at nang mahatid kita?” Sabi ni Tim.

Pinapalibutan nila ako sa upuan ko kaya di ko makita kung nandyan paba si Jacob pero na gulantang talaga ako nang biglang…

“Huy! Mag sialis nga kayo diyan! Alis na! Hatid-hatid!? May gagawin pa kami!” Sabi niya habang kinakaway-kawayan ang mga lalaking nakapalibot sa upuan ko.

“Huh? bakit Jacob? Wala ba kayong practice sa basketball at banda?” Tanong ni Tim.

Napatunganga si Jacob at… “ano? Mas uunahin ko ba yun kesa sa thesis? Sige na, magsialisan na nga kayo! Hatid-hatid? Bakit? may paa naman ‘tong si Roseanne ah? Ano pang tinutunganga niyo diyan? Alis na!”

Nagsialisan din sila habang nagmumura at nag-uusap-usap tungkol kay Jacob. Kung naiinis sila, ba’t di nila magawang labanan si Jacob? Hindi naman sa gusto kong ihatid nila ako, nagustuhan ko nga yung ginawa ni Jacob eh poero di ko maiwasang mag isip. Mukhang takot sila kay Jacob ah?

“Jacob, yung practice?” Tanong ni Leo sa likuran niya.

“Yep, mauna na kayo.”

Umalis yung mga kasama niya sa banda at tumingin siya sakin. Kaming dalawa na lang ngayon sa classroom.

“Sumali ka pa talaga, huh?” Inis na sabi niya.

“What? Eh ikaw tong nag suggest kay Mrs Gonzalo ah?” Napatunganga ako sa reaksyon niya.

“Kasi alam kong di ka sasali… o baka naman akala ko lang pala.”

“Ayokong sumali, Jacob. Pero ayoko ring maging kaharap araw-araw si Eunice habang nagmumura siya sa kapalpakan ko sa cheering! Ginagawa ko namang tama ang routines pero lagi niya akong-“

“Kahit na! Tsss!” Hindi siya makatingin sakin.

Pulang-pula ang mukha niya sa inis.

What in the world does this mean?

“Ugh!” Sinipa niya ang upuan sa unahan namin, kaya natumba ang dalawa sa unahan sa lakas ng pagkakasipa. “Stupid.” Pabulong niyang sinabi yun.

“Sino? Ako?”

Nabigla ako sa mura niyang english! Abah?! Umi-english si Jacob, teh! Naiisip ko na naman ang pagbubuhat niya ng kahoy sa balikat dito sa the-hills-are-alive. Amazing! ENGLISH! AMAZING!

“Ano? May sinabi ba akong ikaw?” Inis na inis parin siya.

“Eh tayong dalawa lang ang nandito ah? Sino pa bang sinasabihan mo? yang arm chair na sinipa mo?”

“Yung sarili ko! Sino pa bah?” Umirap siya at tinalikuran ako.

Umalis. WHAT THE EF? Anong problema nun? May dalaw yata!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: