Kabanata 1
Towel
“Magtatapos na lang ang school year, sakit sa ulo ka pa rin, Yohan?” si Tita nang nasa hapag na kami at kakain na ng dinner.
Ginabi kami ng uwi ni Aria dahil sa kuting. Handa naman akong napagutan iyon. Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba sa hapag. Nag-aantay na ang kanyang pamilya sa akin kaya iritang-irita si Tita.
“Pasensiya na po. May kuting lang kasi na inalagaan.”
“Pasensiya na, pasensiya na? Lagi mo ‘yang sinasabi tuwing nagkakamali? Why not change and try not to do something wrong? Instead of always saying sorry?”
“Eh kasi po-“
“Kumain na tayo. Lumalaki na lalo ang labi mo kakanguso mo riyan.”
Aria giggled while I bowed a bit. Uminit ang pisngi ko at napahawak sa labi. Nagpatuloy na sila sa ibang topic habang nagsisimulang mag hapunan samantalang natahimik na ako sa upuan ko. I bit my lower lip and thought of my full lips who doesn’t really suit my small pale face.
Nag-usap sila tungkol sa napabayaan nilang negosyo sa Bacolod dahil lang sa pamamahala sa azucarera. Tita didn’t want to assume this position. As much as possible, she wanted to be away from the Valiente name because of my father’s track record.
“Hay naku! The amount of corruption Kuya Enrique has left! I can’t believe it!” I heard her as their conversation progresses.
Patagal nang patagal, lalo kong naiisip ang maraming pagkakamali ni Daddy noong siya pa ang namamahala. He’s given bribes and received bribes from government officials. He used his money and power to dominate and abuse labor workers. Hindi ko maipagkakaila na inaayos nga ni Tita Amanda at Tito Clavio ang pamamalakad.
They revised the abusive clause in our labor’s manual and given the right pay for all the other workers. Madalas naman nilang ipinapaalam sa akin ang mga ginagawa. Lalo na ang mahahalagang desisyon pero ang iilang maliliit, hindi ko pa gaanong maintindihan.
I looked at my reflection on the glass window. Umuulan sa labas at may halong patak ang repleksiyon ko sa salamin sa harap. I kept on biting my lip thinking about Tita’s remarks earlier.
Then I glanced at my mother’s big picture on my wall. Her lips were full and shaped like cupids bow, just like mine, but hers were pretty to look at. Mine seems misplaced in a small pale face.
I sighed and just looked at the drops of rain on my window. Umuulan. Kumusta kaya ang kuting?
Maaga akong naligo at nagbihis para sana puntahan ang kuting kaya lang nagpahintay si Aria sa akin. It’s a Friday and I know there is a intergame happening at the gym today.
Kasama si Aria sa mga cheerleaders kaya excited siyang pumasok. Kaya lang, sa pag-aayos ay natagalan tuloy hanggang sa limang minuto na lang ay seven thirty na.
“Aria,” I called desperately when I watched her look at her outfit on the mirror.
Hindi ko na mabibisita ang kuting. Kung dadating kami ng seven thirty sa school, wala na akong panahon. I can afford to be late but then I don’t want the attention my classmates would give me if I was.
Kaya ibinilin ko na lang sa driver ang gatas, wet cat food, at box. Kukunin ko iyon mamayang lunchbreak at mukha namang maaga kami dahil sa interschool games.
Muntikn na nga akong ma late. Kung hindi lang ako tumakbo ay baka naunahan na nga ako ng teacher. I silently sat on the corner where I was seated. Nagsimula na ang kuwentuhan ng mga kaklase tungkol sa excitement nila para mamaya.
Pumangalumbaba ako at tumingin na lang sa gilid ko, ang bintana, at inisip ang kuting.
That was always my way of life. May mga kaibigan ako pero sa mga ganitong araw, hindi ako ang pinipili nilang kausapin. Ayos lang naman din sa akin. Gusto ko naman ding makihalo pero tuwing iniisip ko ang kantiyaw sa akin, umuurong ang sikmura ko.
“Dapat nasasanay ka na sa kantiyaw. Lagi ka namang binibiro ng boys!” I always hear that whenever I go silent and feel bad.
At lagi, tumatango ako at iniisip na tama sila. Na dapat nasasanay na ako. Kaya lang, kahit kailan, hindi ako nasanay. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit hindi nila ako gaanong sinasali sa mga grupo, kasi iniisip nila mao-offend ako sa mga biro sa akin.
“Kalansay! Manonood ka mamaya?!” a classmate called.
Naglingunan ang iilang babaeng kaklase. May nakahandang ngisi na sa labi at naghahagikhikan na, wala pa man akong sagot.
“Hindi ko sigurado.”
“Nakita n’yo si Ate Aria kanina? Ang ganda niya talaga sa uniform na ‘yon!” at nagpatuloy na sila sa kuwentuhan tungkol mamaya.
Pero siguro nga manonood na ako. Wala naman din akong gagawin. Gusto ko sanang pumunta na lang sa library at magbasa habang lalong kaunti lang ang tao roon pero kahit paano, gusto ko rin namang makihalo.
Lunchbreak nang nagmamadali na akong bumaba sa building namin. Ni hindi ako nakaramdam pa ng gutom nang binalikan ko ang sasakyan para kuhanin ang gatas at wet cat food, pati na rin ang box na ipinahanap ko sa driver.
Nang nakuha na ang mga iyon, nagmdali agad ako patungong gym.
Nagtatanghalian na ang mga estudyante. May nakikita akong nagpalit na mula sa P.E. uniform at naka casual na damit na ngayon. Ang iba’y naghahanda ng mga banners sa mga kiosk habang kumakain ng tanghalian.
Palapit na ako sa lababong pinag-iwanan ko sa kuting nang napatingin sa isang punuang kiosk. Napatalon ako nang nagtawanan sila ng napakalakas doon. Yumuko ako at agad inisip na ako ang tinatawanan kahit na malayo naman ako sa kanila.
Slowly, I lifted my head to check if they were really laughing at me. I realized they were not. Hindi ko alam kung ano ang topic nila pero nakita kong wala namang nakatingin sa akin at parang may pinag-aagawan lang silang cellphone.
It was a group of Senior high school students. Isa sa kanila’y naka suot ng varsity jersey kaya naisip ko tuloy kung nasa grupong iyon ba si Alvaro. I shook my head and just continued walking towards the toilet and the many sink on the side of the gymnasium.
I called for the kitten. Nasa lababo na ako at naghanap ng hindi basang espasyo para ipatong ang box.
I called more and looked at under every sink.
I sighed my relief when I heard his small meows. He’s still here!
Nang nakita ko siya, sumilay ang ngiti sa labi ko. His small shaking steps warmed my heart. Agad din namang napawi ang ngiti ko nang natanaw na kalahati sa katawan niya’y natatabunan ng putik!
Umulan kagabi kaya maraming nagkalat na putik sa paligid. Doon niya siguro naakuha.
“Anong nangyari sa’yo?” I asked and slowly lifted him up.
I faucet opened. Napatalon ako at nakita si Chantal Castanier na naghuhugas ng kamay habang tinitingnan ako.
Her long wavy hair fell til her waist. Unlike Aria, there is no trace of make up on her face yet, she looked beautiful.
“Anong nangyari?” she asked innocently while looking at the kitten.
“A-Ah,” medyo nahihiya akong sumagot. “Nahulog yata siya sa putikan, e.”
“Halika paliguan natin.”
She turned the faucet off and walked towards me. Kinabahan ako bigla.
“Baka lamigin siya?” medyo may pag-aalinlangan kong sinabi dahil ayaw ko namang tanggihan siya.
Iyon nga naman ang maganda sanang sulusyon.
“Hahanap ako ng tuwalya. O may panyo ka ba?”
“Uh, oo.”
“Patuyuin mo na lang gamit ang panyo mo. Magbibilad naman ‘yan sa araw.”
Walang pandidiri at pag-aalinlangan niyang kinuha ang kuting at mabilis na pinaagos ang tubig.
I still don’t know if what she’s doing is right but it’s too late. The kitten meowed while she removed the mud on his fur. I swallowed hard and stepped closer to Chantal. Hindi naman siya nairita kaya unti-unti akong huminga ng malalim habang tinitingnan ang pagliligo niya sa kuting.
Another faucet turned on near us. Namilog ang mga mata ko nang nakita kung sino iyon! Napasulyap siya sa amin habang naghuhugas ng kamay.
It was Alvaro!
I stiffened immediately.
“Anong ginagawa n’yo?”
“Tinatanggal ang putik nitong kuting,” sagot ni Chantal.
Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi naman ako ang tinatanong pero parang ako ang kinakabahan. Chantal didn’t seem to mind Alvaro. She’s very confident. Isang taon ang tanda ni Alvaro kay Chantal, gaya na rin kay Aria.
“Kaya pinapaliguan? Kaninong ideya ‘yan?” Alvaro smirked.
Nagkatinginan kami kaya mabilis akong umatras para matabunan ng katawan ni Chantal ang tingin niya. My heart pounded. Even with the rustle of water, and the kitten’s cry, my heart could still be heard!
“Kikidlatan daw ang magliligo ng pusa, ah?” he chuckled.
Chantal chuckled too, abala pa rin sa kuting. I smiled a bit, wanting to chuckle with them but it feels… forbidden.
I feel like I’m an intruder in a cute moment of these two beautiful people.
Yumuko ako at pinilit na huwag ngumiti. May paniniwala nga’ng ganoon dito sa probinsiya pero ginagawa na lang iyong katatawanan. Alvaro threw a joke at Chantal and I heard it. I wanted to laugh but it feels forbidden.
“Kaninong ideya ang pagliligo niyan, kung ganoon?” he asked after their laughs.
Sinarado ni Chantal ang gripo at ibinigay sa akin ang pusa. Nilingon niya si Alvaro at nginitian.
“Ako? Bakit? Kikidlatan na ba ako?”
Alvaro laughed and didn’t say a word. Inabala ko na ang sarili ko sa pagtutuyo sa kuting gamit ang panyo ko. Sumulyap ako kay Alvaro at nakitang lalo siyang lumapit kay Chantal. I tore my eyes off them immediately. Again, feeling like an intruder.
“Hindi ko pa nagagamit ‘tong tuwalya ko, ito na lang ang gamitin mo.”
At first, I thought he was talking to Chantal. Pero bumaling din si Chantal sa akin at parang hinihintay nilang dalawa ang sasabihin ko. Nang nakita ko ang paglalahad ni Alvaro ng face towel niya, agad akong umiling.
“H-Hindi na! Puwede na ‘tong panyo ko!”
Napaatras si Chantal nang naglakad lalo palapit si Alvaro. Natigil ako sa paghinga at nang natanaw na nakatitig siya sa akin, biglang dumagsa sa isipan ko ang mga insecurities. I don’t wear make up so probably I look so pale. My hair is long, wavy but untamed, and just last night… Tita Amanda noticed my thick lips. Yumuko ako at naisip naman ang mataas na leeg na madalas nang tukso sa akin.
Nakakahiya ako.
At ayaw kong tinititigan niya ako. Mas lalo lang akong nahihiya.
Hindi ko tinanggap ang face towel niya kahit patuloy niyang inilalahad ito. Nanatiling panyo ko ang nakabalot sa kuting.
Alvaro sighed when he realized I won’t get his face towel. Nahihiya ako at natatakot na naiirita siya sa pagtanggi ko.
“W-Wala ka nang tuwalya mamaya sa game kaya… ayos na ‘tong panyo ko.”
“Ayos lang,” Alvaro answered and put his towel on the box for the kitten.
Chantal coughed. “Uh, Alvaro tawag ka nga pala ni Kuya. Punta ka na lang doon. Mauna na ako.”
“Sabay na tayo,” Alvaro said.
Sabay na tumalikod ang dalawa at nagpasya na umalis na. Hindi ako nakagalaw. Tiningnan ko ang tuwalya ni Alvaro sa box ng kuting. At bumaling din ako sa kanila ni Chantal na naglalakad palayo.
Matagal kong natanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga. At para akong mahihimatay sa bilis ng pintig ng puso ko.
I sighed my relief after a long while and smiled. Ang bait niya talaga. Pero wala na siyang tuwalya kung maglalaro sila mamaya.
Tiningnan ko ang tuwalya niya. Naisip ko tuloy na umalis at magpuntang bayan para bumili ng face towel para sa kanya. Pero nakakahiya iyon? Paano ko naman ibibigay sa kanya?
Tiningnan ko ang inilapag niyang facetowel sa box. Hindi pa naaman yun nadudumihan at puting puti pa. Ibalik ko na lang kaya sa kanya iyon? Hindi kaya siya magagalit na nagpumilit ako?
Kung sabihin ko na nag-aalala lang ako na wala siyang magamit? Hindi naman siguro siya magagalit.
Pinatuyo ko ang kuting at pinakain. Tinanggal ko ang face towel ni Alvaro sa box at nagplano na ibalik na lang sa kanya iyon.
Hindi tulad kanina, buo na ang loob ko na manood ng game. Hindi na muna ako sa library tatambay habang naghihintay na umuwi si Aria. Sa gym ako pupunta mamaya at makikinood para ibigay sa kanya ang face towel.
Pagkatapos alagaan ang pusa, pumunta na ako sa halos wala nang katao-taong cafeteria. Tapos na ang lunch break at ang lahat ay abala na sa paghahanda mamaya. Ako naman, ngayon pa lang kakain dahil sa kaaalaga sa pusa.
I put Alvaro’s face towel in front of me while I was eating my lunch. My face heated at my day dreams while I was eating. Na mananalo sila at bababa ako sa bleachers para ibigay sa kanya ang face towel niya.
Tatanungin niya ako kung bakit hindi ko ginamit?
Sasagot naman ako na nag-aalala ako na baka wala kang gamitin kaya okay lang.
I can’t help but smile but in the end, my smile fades at the thought of my unpleasant face in front of him. I bit my lip again and stared at my half finished food. Nakakahiya. Paano naman kung mapahiya siya dahil lumapit ako sa kanya? Kakantiyawan ako at madadamay siya.
Fear got the best of me the reason why I couldn’t get myself to go to the gymnasium that afternoon.
Maingay ang mga estudyante sa loob ng gym samantalang nasa tabi ako ng kuting at nag-iisip. I heard their cheers but it was sometimes equalled by the competing school’s cheers. Sa naririnig koo, mukhang hindi nila matambakan ang kalaban.
I wish they win. It would be nice to watch but I’m embarrassed and scared.
It was second quarter when I heard Santander a few times. At nang ganoon din sa third quarter, doon ko lang natanto na dapat nga akong manood.
Sa maliliit at tahimik na hakbang, pumasok ako sa gym. Tutok ang mga tao at nakita kong lamang ang kalaban sa score board. I swallowed hard and tried to find a corner for myself. Galing sa kinatatayuan ko, nakita ko si Sancha Alcazar kasama ang mga kaibigan niya sa malayong right side ng bleachers. She looked stiff but her friends were loud and cheerful.
Hindi naman ako puwede sa gitna dahil maraming tao. Nasa pinakagitna pa si Chayo del Real at ang kanyang mga kaibigang maingay na nagchi-cheer din para sa team ng school.
On the left side, there were people, too. May banda lang na wala na halos tao dahil masyado nang malayo. I sighed and decided to sit there instead. Sa kabilang banda ng bleachers ay taga ibang school na bumisita rito para lang sa larong ito.
Naupo akong mag-isa sa madilim at walang taong bahagi ng bleachers. Nilapag ko sa kandungan ko ang tuwalya ni Alvaro. Naglalaro siya. My heart fluttered each time I see him maneuver a move. At lalo pa kapag nakakapuntos. Kalaunan, nakikisaya at nakikicheer na ako.
Natigil nga lang dahil may nakapansin sa akin at nang tiningnan nila ako sa sulok, bahagya silang bumunghalit ng tawa.
I calmed myself and stopped cheering for him.
“Ayusin mo raw Alvaro!” sabay kantiyaw ng iilan pagkatapos bumaling sa akin.
“Baka matalo tayo nito dahil nanonood si Kalansay!”
Yumuko ako at tumigil na talaga sa pagcheer. Tumigil din naman sila sa pagkantiyaw sa akin dahil natatalo na nga ang school. Ang kabilang school na ang maingay ngayon. Natanaw ko na tumayo na si Alonzo Salvaterra sa bench, kasama ang isa pang coach. Levi del Real got fouled out. I gritted my teeth and wished for them to win.
Maraming sinabi ang coach kay Leandro at Alvaro. The next minute started. Ilang shoot galing kay Leandro, pumantay ang score.
Kaya lang lumamang ulit ang kalaban. One shot from Alvaro and it’s just a point. Twenty seconds left and most of my schoolmates were already giving up. Nagsasaya na rin ang kabilang school dahil sa pagkapanalo nila, wala pa man.
It was Alvaro’s last three point shot that decided the game. Our school won! Napatayo ako sa excitement at sa pride para sa kanya!
Gusto kong bumaba at ibigay ang face towel niya. In fact, for a few moments, I really did join my schoolmates in going down the bleachers to celebrate that win!
Nasa barandilya na ako nang nakita ang iilang mga kaibigan niyang babae ang nagbigay ng face towel sa kanya. He laughed with them and received one. Hindi niya alam kung kanino galing dahil sa dami ng pumunta at nakisaya.
“Thank you!” he said cheerfully at the girls who congratulated him.
Some even joked and wiped his sweat on the forehead. Naghiyawan ang lahat at may tinulak pang babae sa kanya. Pinigilan niya ang mga kaibigan.
“Pawisan ako!” aniya dahil nahihiya na lumalapat ang balat sa babaeng itinutulak.
“Uy, Giraffe. Tingin nang tingin kay Alvaro. Ano ‘yan?” a schoolmate noticed me.
Agad kong itinago sa likod ko ang face towel sa kahihiyan. Nakaturo siya sa akin habang nagsisisigaw galing doon.
“May pa-face towel din si Kalansay!”
Slowly I put his towel down. At gaya ng pagpasok ko sa gym, tahimik ulit akong lumabas, mag-isa, at nagmamadali. Nahihiya. Hindi alam kung bakit pa naisip ko na puwede iyon.