Give In To You – Kabanata 1

Kabanata 1

Memories

Hilu-hilo pa ako patungo sa trabaho. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pag-iisip. Una, iyong nangyari sa amin ng lalaking hindi ko kilala. Pangalawa, si Clyde na tawag nang tawag hanggang ngayon. Pangatlo, ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over na tinamo kagabi.

Nasa loob pa ako ng aking Cruze. Propesyunal ako sa pagtatago ng hang over. Dahil makinis ang mukha ko, tatabunan ko lang ng makapal na smoky eyes make up ang aking mga mata para hindi makita ang bigat nito. My lips are in soft pink at isang kalabit sa matangos kong ilong ay tapos na ako.

Bumaba ako sa aking sasakyan at inayos ang suot kong itim na peplum dress. Naglakad na ako ng diretso sa lift.

“Good morning, Miss Porsh!” bati ng security guard. “Blooming si ma’am ha?”

Nginitian ko ang security guard ng building. “Salamat!”

Nagsara ang lift at napawi ang ngiti ko. Blooming, really? Gusto kong maiyak! Last night I lost my virginity over this stranger! My God, ano ba ang iniisip ko kagabi?

Halos wala akong maalala sa nangyari. Only some tidbits of it. Ang tanging sigurado ako ay masakit ang gitna ng aking hita. I’m sore for Pete’s sake and my head is throbbing big time!

Tumunog ang lift sa tamang floor at bumungad sa akin ang mga taong nakakahalubilo ko sa araw-araw. Ilang batian ang naganap sa ibang mga empleyado at mga kasamahan ko sa opisina.

“Portia!” pamilyar na boses ni Tessa ang narinig kong tumatawag.

Umirap ako at naglapag ng bag sa aking mesa. Papaulanan ako ng mga tanong ng mga kasama ko, panigurado!

Ngiting aso si Tessa na agad sinundan ni Jade. Ang dalawa ay kaklase ko noon sa college at hanggang ngayon ay magkasama parin kami sa trabaho.

Umupo ako sa swivel chair habang ang dalawa ay nakapaligid sa akin, naghihintay ng sasabihin.

“My God! Can you imagine it, Jade? Kung ibang lalaki iyon ay hinablot na kita nong paalis kayo sa bar!” Nangingiti at nananaginip na sinabi ni Tessa.

“What? You saw us? Bakit hindi mo ako pinigilan, Tess? I was so drunk! The next thing I know we were…” napapikit ako.

“Continue, Porsh!” excited na gigil ni Jade.

I can’t believe my friends! Hinayaan nila ako ng ganon? I know we’re adults but we usually protect each other from jerks. Clearly, jerk ang isang iyon dahil gusto niya ng panandaliang aliw! Not that he raped me or something, I’m not entirely blaming that guy for what happened kasi ako rin naman ang nagdala sa sarili ko nito. It’s just that I needed a better judgement that night! Hindi iyong pinapangunahan ako ng makamundong pagnanasa!

“Sino ba iyong lalaking iyon?” tanong ko.

Napawi ang ngiti sa dalawa. Nagkatinginan pa at madrama akong tinawanan na para ang bobo ko.

“What?”

“Hindi mo iyon kilala, Porsh! That’s Logan Torrealba!” dismayadong wika ni Jade. “Hindi mo kilala?”

His name sounds familiar but other than that, wala na. Hindi ko kilala ang lalaki.

Pagkatapos nang nangyari sa amin noong lalaki ay bumaba na kaagad ako sa hotel. Iniwan ko siya doong tulog. Nahirapan pa ako sa pagtatawag ng taxi sa labas ng F1 Hotel at nagmadali na ako sa bahay, madaling araw iyon. Hindi na kami nag-usap. Wala rin akong naalalang binanggit niya ang pangalan niya sa akin.

“He’s the son of Retired General Armando Torrealba!” iritado na si Jade sa pagkakawalang muwang ko.

“I know General Armando Torrealba. He’s usually in TV. Pero hindi ko kilala ang anak niya!”

Napalingon ang dalawa kong kaibigan sa Project Supervisor naming dumaan. Ngumiwi sila at nagbulungan bago unti-unting naglakad palayo sa aking lamesa.

“Mamaya na lang lunch. Mag-uusap tayo,” bulong ni Jade.

Tinanguan ko siya kahit na hindi pa ako mapakali. Logan Torrealba! Saan ko nga ba narinig ang pangalan ng lalaking iyon! And how I’m such a stupid girl for sleeping with him! Giving him my V card! I can’t believe it!

Halos napatalon ako nang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko itong mabuti bago kinuha sa loob ng bag. Mabilis ang paghinga ko habang pinagmamasdan ang tumatawag. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. I want him to call but not for this topic. I know… I know para saan ang tawag niya.

“Hello, dad? Good morning!” Kahit na takot ay hindi ko maiwasan ang saya sa boses ko.

“Portia, what happened to you and Clyde?” iyon ang pambungad niyang diretso sa akin.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. May parte sa aking gumuho. Iyong parteng umaasa na tumawag siya para kamustahin ako at hindi iyong kamustahin kami ni Clyde.

“We’re-“

“Hindi ba I told you to stick to him? To make it work out? You’ve been friends since college and you know he’s a good man! Why can’t you stick to him?” iritadong sinabi ni daddy.

“Nag cool off lang kami, dad. He… He cheated again.”

“Men cheat, Portia. That’s not new. What matters most is that siya ay bumabalik sa’yo. He’s pursuing you, alright? He called me yesterday na hindi ka raw sumasagot sa tawag niya! Naghintay siya sa labas ng condo mo pero hindi ka umuwi. Where were you?”

Parang asin sa sugat ang tanong ni daddy. Naaalala ko lang ang nangyari kagabi. “I was out with my friends, dad. Okay. I’m sorry. I-I’ll call him later.”

Gusto kong maiyak pero pagod na ako don. I’ve been like this for like twenty one fucking years. I know how to please dad. I know what to do. I know what they want…

“Good girl.” Mahinahon na ang tono ni daddy.

Napangiti na ako. What I’d give for his praises.

“Nasa trabaho ka na?” tanong ni daddy.

Tumango ako pagkatapos ay nagsalita para kay daddy. Tuwang-tuwa sa tanong niya. “Yes, dad!”

“Mabuti. I gotta go, Porsh. May business meeting pa akong pupuntahan.”

“Okay, dad. Take care, alright? I love you.”

Naputol ang linya sa cellphone. Napaawang ang bibig ko at tinitigan ko na lang ang screen. Ilang sandali pa bago ako nakagalaw at nakabalik muli sa aking wisyo.

Inikot ko ang swivel chair ko pagkatapos kong binuhay ang computer. Tinitigan ko muna ang pangalan ni mommy bago ko iyon pinindot. Nilalaro ko ang labi ko habang naghihintay na sagutin niya ang aking tawag.

“Hello…” kalmado niyang sinabi.

“Mom…”

“Portia?” Nabigla ang tono niya. “What happened?”

“I just called to check on you, mom. Nasa opisina na po ako. Kayo po? Kailan nga ulit iyong exhibit?”

“Not sure yet, Porsh. Will call you kung finalized na. Ngayon, hindi pa. I need to go. Tutulungan ko pa si Katelyn sa mga gagawin niya.”

“Okay, mom. Bye. I love you. Ikamusta niyo po ako kay Kate-“

Naputol na ang linya bago ko masabi ng buo ang sasabihin. Natulala muna ako bago ko tiningnan ang computer. Makakalimutan ko rin ito. I’ll just work.

Ganado si Jade at Tessa sa lunch dahil sa pag uusapan namin. Kumukuha ako ng mga gulay at karne sa cafe habang sila ay sunod nang sunod sa tray ko, nagtsi-tsismisan.

“Oh my God, Porsh!” Jade’s chubby face lightened up. “He’s like God’s gift to women. Tapos ginawaran ka nga ng Panginoon ng regalo dahil sa kanya! Anong nangyari? Nag-usap kayo? Saan ka niya dinala?”

Parang machine gun ang mga tanong ni Jade. Sumunod sila sa akin sa aming madalas na inuupuan at naglapag na rin ng kani kanilang tray. Inaayos ni Tessa ang kanyang kulot na buhok bago ako pinaulanan na rin ng tanong.

“Did he kiss you? Did you… do it?” halos mapatili si Tessa.

I can’t believe they’re now vulgar just because of that man! They’re not usually like this! Dapat ngayon ay pinapagalitan at pinapangaralan na nila ako. Dapat ay pinasok na nila ako sa simbahan at pinangumpisal sa pari pero imbes ay pinagkakanulo pa nila ako ngayon sa demonyo.

“I need to call Clyde later-“

“Bwiset ‘yang si Clyde! ‘Wag mo na nga iyang pansinin! I don’t care about him!” sabi ni Tessa.

“Pwedeng mag-usap muna tayo tungkol kay Logan?” wika ni Jade.

“What happened between us is over, Jade,” seryoso kong wika. “That’s one night. ‘Yon na ‘yon. Let’s not put drama in it…”

Namilog ang kanilang mga mata at napa O ang kanilang mga labi. Umiling ako at umirap. Now their assumptions are confirmed. Anyway we’re both adults. Nanghihinayang at pinagsisisihan ko na nawala ko ang virginity ko sa lalaking iyon. Pinangalagaan ko iyon! Even kay Clyde na tatlong taon ko nang boyfriend! Now I lost it sa isang iglap! I’m ashamed of what happened. I fully regret it! But then I can’t turn back the time! Kasalanan ko rin naman.

“So may nangyari nga? Was he good in bed?” bulgar na tanong ni Jade.

Tinampal ni Tessa ang kamay ni Jade. “Ano ka ba, Jade!? Okay! I know Logan’s not really up for some emotional relationship, girl. He’s a playboy and we all know that. It’s just really amazing that you two… you know.” Tumawa si Tessa. “Pag nagawi ulit siya sa building na ito ay makikita mo-“

“Nagagawi iyon sa building na ito?” Halos mailuwa ko ang kinakain.

“Jesus, Porsh! Where have you been? He’s Rage de Fierro’s cousin!”

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Tessa. Rage del Fierro is the owner of this building. At nagtatrabaho ako sa ilalim ng maraming kompanya nila.

“Oo. At pinsan din sila ni Brandon, iyong kliyente natin nong nakaraan? Sa kanilang tatlo ay si Logan na lang ang binibenta sa market. Wala na ang dalawa. Sold out na,” tawa ni Jade.

Natigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Nakakatakot isiping maari kaming magkita ni Logan sa building na ito!

Bumukas ang automatic double doors ng cafe at pumasok doon ang dalawang lalaki. Napasinghap at napatili si Jade at Tessa at ako ay halos magtago na sa ilalim ng mesa.

Ang dimple ni Logan Torrealba ang bumungad sa akin. Malaki ang ngiti niya at nang pinsan niyang si Brandon Rockwell nang pumasok sila doon. I can’t believe it! He’s here! Naka puti siyang button down long sleeve top at itim na pants. Habang nagsasalita siya, ang bawat kibot ng kanyang labi ay nakakapanindig balahibo. It’s like you’re watching him kiss while he talks.

Natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanyang katawan. I couldn’t take my eyes off his strong and powerful shoulders. Para bang ngayong may araw ay mas lalo lang nadepina ang bawat bahagi ng kanyang katawan.

Lahat ng tao sa cafeteria ay halos mabali ang leeg sa kakatingin sa kanila. And I’m like hiding behind Tessa. For God’s sake, why is this all happening to me?

Tumikhim ako at nilagay ang mga kubyertos sa aking pinggan. I need to straigten up. I know the rules of one night stand. I know. Ako pa ba ang hindi makakaalam niyan? There’s no feelings involved. Nothing. We’re strangers after what happened.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at binalingan ang dalawang kaibigang nangingiti at excited habang tinitingnan ang dalawang bumibili ng pagkain.

“Hindi ko pa natatapos iyong mga design. Aakyat na ako. Dito pa ba kayo?”

“Hala ang KJ nito!” sabi ni Tessa sabay tingin sa dako ng dalawang lalaki.

Nakatalikod si Brandon sa amin, ang nakapusod niyang buhok ay agaw pansin. Samantalang ang ngiti ni Logan at ang kanyang dimple ay kitang-kita habang sumisimsim ng kape. Lumipat ang tingin niya galing kay Brandon patungo sa akin.

Memories of last night came to my mind like the flare of a hot wind. Nag init ang mukha ko nang naalala iyon at napawi ang ngisi ng lalaking katitigan ko.

“He doesn’t usually come here anymore. Pero bakit siya nandito?” magulong tanong ni Jade sa likod.

Dahil sa titig niya sa akin ay napabaling na rin sa aking banda si Brandon. Ngumisi ito bago binalik ang tingin kay Logan.

Logan’s jaw tightened and his mouth pursed. At parang kalabit ay nilapag niya ang mug na dala bago pumanhik patungo sa akin. Abot-abot ang tahip ng aking dibdib at hindi na nagpaalam nang naglakad paalis doon at diretso sa elevator.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: