Getting to You – Kabanata 3

Kabanata 3

Favorite

Binalita ko kaagad kay Soren na pumayag si Alonzo sa training na gusto niya. Tuwang-tuwa siya na tumawag talaga siya.

“Totoo ba ‘yan, Sancha?”

“Oo. Uh… Kung… papayag ka raw na Linggo. Kasi wala siyang ibang… oras.”

“Oo naman! Kahit kailan niya gusto, s’yempre. Pero kada Linggo lang ba?”

“M-Mag ti-text lang daw siya kapag kailan siya free pero sa ngayon, Linggo pa lang ang maipapangako niya.”

We go to church every morning of a Sunday. Kumakain sa hardin pero sa buong araw ay wala nang gagawin. Pinapayagan naman akong lumabas ng Linggo at hindi naman mahigpit sina Mommy at Daddy. Siguro hindi ko na lang babanggitin na si Soren ang kasama ko, lalong lalo na kay Ate. She doesn’t approve of me seeing Soren but my parents are okay with it so it must be okay.

Tinitigan ko ang cellphone ko na may mensahe. Pagkatapos sabihin ni Alonzo na tuwing Linggo lang siya puwede, kinuha niya ang numero ko. Ako ang i-ti-text niya kung may pagbabago man sa schedule niya o kung tuloy ba sa mga practice.

Unknown Number:

This is Alonzo. Save my number.

Tumikhim ako at unti-unti ring sinunod ang sinabi ng mensahe niya. Tama nga naman iyon.

Ako:

Okay.

I replied to be polite. My heart jumped when I saw another text from him.

Alonzo:

Pumayag na ba si Soren sa araw na gusto ko?

Ako:

Pumayag naman.

I don’t know why I am both uncomfortable and nervous. Wala namang dapat ika nerbyos sa usapan, e.

Alonzo:

Makakalabas ka ba kapag Linggo?

Ako:

Oo.

Alonzo:

Alright.

The next thirty minutes I spent on looking at my phone thinking of a reply but it’s a dead end so it should be okay. I didn’t reply on it. At sa huling reply naman ni Alonzo, mukha namang wala siyang planong pahabain ang usapan.

“Thank you so much, Sancha!” halos umangat ako sa kinatatayuan sa higpit ng yakap ni Soren sa akin.

Nagtawanan ang iilan pang mga kaibigan naming naroon. Si Ella man ay natawa na rin sa reaksiyon ni Soren.

“I have a gift for you later!” aniya.

“Ano naman ‘yon?”

Pilit kong kinalma ang sarili. Inayos ko rin ang buhok dahil sa yakap niya nagulo ito. Soren smiled boyishly. Sa tabi niya ay si Julius.

“Basta! Mamaya na at pinapadala ko pa rito. Sama ka mamaya? Manonood ako ng practice game ng varsity.”

“Uh, I can go. Maghihintay pa naman ako sa driver na dumating, e.”

“Good. I’ll give you my gift later and… kakausapin ko rin si Alonzo. Naroon naman siya mamaya, Julius, hindi ba?”

“Oo. Basta Monday, siya talaga ang nag co-coach.”

“Okay!”

Nang umalis ang mga lalaki’y malisyoso na akong siniko ni Margaux. Alam ko agad ang naiisip niya. Ella watched us as we walked back to our classroom.

“Ang lakas mo kay Alonzo, ah?”

“Hindi naman. Papayag naman talaga siya kasi may bayad ‘yon.”

“Talaga lang? E, ang alam ko may nagyaya rin diyan na magtrain, babayaran din, pero hindi ‘yan pumayag.”

“Baka hindi niya pa kailangan ng pera no’n. Ngayon lang.”

“Hmm. Kung sa bagay. Speaking of him, noong Sabado nasabi ng pinsan ko na grabe raw makapanlait si Anais kay Alonzo. Sa Silliman kasi sikat talaga siya kasi maraming seniors na batch niya na roon na nag kolehiyo. Kaya itong si Anais, naninira.”

Tumigil ako sa pintuan ng classroom at hinarap ang kaibigan. I’m not really interested about Alonzo but I can’t help it. Minsan ko na rin kasing narinig ang mga kuwento tungkol sa iritasyon at pandidiri ni Anais sa kanya.

“Matapobre lang talaga siguro si Anais.”

“Hindi naman yata matapobre si Ate Anais. Kasi kaibigan niya si Keira at Leandro. Tingin ko naman, maayos siyang makisama sa dalawa. Ayon kay Leandro…” si Ella na banayad na nagsalita.

“You’re right, Ella,” si Margaux. “Ang totoo may usapan na nagtapat daw si Anais sa nararamdaman niya para kay Alonzo. Isa raw ‘yan sa nabasted kaya bitter.”

“Totoo,” si Ella ulit.

Napabaling kami ni Margaux sa kanya. She smiled shyly.

“Sorry, I can’t help it. Naroon kasi ako nang nag confess si Ate Ella kay Alonzo sa labas ng locker room. Nagliligpit ako ng libro nang narinig ko ‘yon.”

“Oh! Juicy!” malapad na ngumisi si Margaux.

“P-Pero ayaw kong ipagsabi… kasi… baka magalit si Ate Anais sa akin.”

“Sabihin mo na, Ella! Anong nangyari? Napahiya ba si Anais?” pangungulit ni Margaux.

“Eh… Ayaw kong sabihin. N-Naawa ako. Huwag na.”

“Sabihin mo na!” Namimilog ang interesadong mga mata ni Margaux. At dahil sa malapad niyang ngiti, mas lalo siyang hindi mapagkakatiwalaan. “Hindi ko sasabihin kahit kanino.”

“Ayoko!” natatawa na si Ella pero halatang gusto niya talagang manahimik na lang.

“Pilitin mo si Ella, Sancha!” si Margaux na dinamay pa ako. “Paano binasted ni Alonzo si Anais?”

My mouth remained in a grim line. Bakit ko ba kailangan pang malaman iyan?

“Hindi naman ako curious. Tara na at pumasok na tayo sa classroom,” sabi ko.

“Ang KJ naman, Sancha! Wala lang naman, e. Tsismisan lang!” si Margaux na bubulong-bulong sa likod ko.

Maaga ang dismissal namin dahil sa Library Period. Hindi pa dumadating ang driver namin at kahit na puwede ko namang itext para makarating dito ng mas maaga, hindi ko na ginawa para makipagkita pa kay Soren sa gym.

Naroon na siya pagkalapit ko. Pero hindi ko puwedeng hindi mapansin ang paglingon ni Alonzo sa akin galing sa bench sa loob ng court. Nasa bleachers naman kami at dumiretso na ako kay Soren.

Nakita kong may hawak siyang box ng isang international branded na donuts. Ipinakita niya sa akin iyon. I smiled because I know it isn’t sold here in Altagracia. Siguro’y sa Bacolod o Iloilo niya pa iyon binili para sa akin.

“I have here my favorite donut! My gift for you!” aniya sabay ngiti.

“Thank you, Soren!” masaya kong tinanggap.

Mabilis siyang lumingon sa likod ko. “Kay Sancha lang ito!” deklara niya kay Ella at Margaux.

“Oo no! Hindi kami manghihingi!”

Tinawanan na lang namin ang pagiging segurista ni Soren. Nanatili kami sa benches, pinapanood ang practice game. Soren cheered for Julius’ team even when they are not winning it.

Hindi ako masyadong attentive sa panonood sa game. Nanatili akong nakaupo roon kaya madalas kong mapansin ang sulyap ni Alonzo galing sa court patungo sa amin. I cleared my throat.

“Dito lang ba kayo? May kikitain lang ako saglit,” si Margaux habang nakatitig sa cellphone niya.

Umirap ako at umiling dahil siguro’y isa na naman iyon sa manliligaw niya. “Babalik ka pa ba?”

“Pasama, Margaux. Pupunta ako sa cafeteria, may bibilhin lang. Baka umuwi na ako dahil walang tao sa bahay. Bukas na lang ulit, Sancha!” si Ella.

Tumango ako at ngumiti. “Sige.”

“Mag ti-text lang ako kung makakabalik pa ba ako. Bye, Sancha!”

Iniwan na ako ng dalawa. I still have thirty minutes left before our driver comes. Not that he comes exactly on time.

“Tapos na!” Pumalakpak si Soren. “Nice game!”

Tumunog ang siren. Nilingon niya agad ako bago muling tumabi.

“Puwede kayang lumapit kay Alonzo? Tingin mo?”

Natanaw ko si Alonzo na nilalapitan ngayon ng buong team. May sinabi siya rito at mukhang tapos na nga ang kanilang practice game.

“Do you think it’s alright? I mean, nasabi niya na na Sunday pa siya free-“

“Hindi naman ako magpapatrain ngayon. Kakausapin ko lang at magpapasalamat lang ako sa pagpayag niya. Iyon lang.”

Tumango ako.

“Isa pa, pauuwiin na ang iba pero sina Julius yata babanatan niya ng training ngayon saglit. Kaya hindi pa siya aalis.”

“O-Okay lang naman siguro.”

“Oh? Sige, bababa ako! Dinalhan din kita ng juice. Kumain ka muna habang naghihintay sa akin. Favorite ko ‘yan!” sabay turo niya sa regalo.

“Puwede namang sa bahay na lang, Soren-“

“Hindi puwede, Sancha! Gusto ko makitang ikaw talaga ang kumakain niyan. Para masiyahan ako. Favorite ko ‘yan kaya sige na! Magtatampo ako sa’yo kapag hindi ka makaubos ng kahit dalawa lang!”

“Dalawa!” nagulantang ako dahil hindi naman ako gutom.

Hindi pa nga ako tapos magsalita, nagmamadali nang bumaba si Soren. I don’t think I could eat two! Hindi ako gutom. Hindi naman siguro sasama ang loob ni Soren kung isa lang ang kakainin ko rito.

Nakita kong hinarap ni Alonzo si Soren. Alonzo politely entertained him while Soren is a bit shy. Nagkakamot sa ulo at hiyang-hiya magsalita.

I opened the yellow box he gave me and slowly looked at the donuts inside. Isang flavor lang ang lahat ng iyon. Pare-pareho. Naaalala ko na nasabi nga pala ni Soren na paborito niya iyon. This must be his favorite flavor.

Hindi pa ako nakakain ng partikular na flavor na iyon. I actually haven’t eaten much donuts my whole life.

Tinitigan ko ang isang donut at kumuha ng tissue para pulutin iyon. My eyes narrowed. I removed one sliced almond on top. I just remember a scene of my seventh birthday party where… my cake was full of peanuts. Sinugod ako sa ospital pagkatapos kong kumain ng isang slice dahil hindi ako makahinga.

Simula noon, hindi na ulit ako kumain ng peanut. At hindi ko na maalala kung kasali ba ang wallnuts at almonds sa nagpapasama sa loob ko. Still, I tried to remove some of the toppings even when I’m not sure if it will do me good or not.

Leaving only almost half of the toppings, I figured to try it. Matagal na ang nangyari at peanut naman iyon kaya hindi naman siguro makakasama sa akin ang almonds. Isa pa, baka kapag nakita ni Soren ang ginawa ko, magtampo pa siya.

Surprisingly, it’s delicious. I know now why Soren likes it. I enjoyed eating it. O siguro dahil hindi ako sanay na kumain noon kaya sarap na sarap ako.

After I finished one, I stopped. Uminom ako ng juice at masaya dahil hindi naman sumama ang pakiramdam ko. Iyon nga lang, pagkatapos lang ng ilang minuto, nararamdaman kong medyo naninikip ang dibdib ko.

Una, akala ko guni-guni ko lang iyon. I’m too scared to eat it that I am actually living my fears now. Kaya lang, kalaunan ay lumala ang paghahabol ko sa aking hininga.

I was never asthmatic so I’m sure this isn’t asthma. Kinalma ko ang sarili ko at nag concentrate sa paghinga. Nasulyapan ko sa bleachers ang panonood ni Alonzo sa akin kaya pilit ko pang kinalma ang sarili at halos pinigilan ang bawat paghabol ng hininga.

Uminom ako ng juice. Nakita ko si Soren na pabalik na sa kinauupuan ko. I tried to smile and supress what I’m feeling.

“Ayos ka lang? Pinaakyat ako ni Alonzo rito para tingnan kung ayos ka lang ba?” si Soren.

Nakatingin pa rin si Alonzo sa amin. Tumango ako.

“Oo. Ayos lang ako,” sabi ko, itinatago ang bawat hirap ng paghinga.

“Kumain ka na? Favorite ko ‘yan! Al Capone ang tawag diyan. Favorite mo na rin? Masarap?”

“O-Oo!”

“Mabuti. Kain ka pa! Baba lang ulit ako dahil nag-uusap kami ni Alonzo tungkol sa Sunday. Ikaw na lang daw iti-text niya. Mabuti na rin at nang talagang makasama ka sa training ko. Kaya ko namang pakiusapan ang may-ari nitong school para dito na kami magtraining. Wala naman kasing gumagamit dito kapag Linggo…”

Hindi ko na masundan ang kuwento ni Soren dahil habang tumatagal, lalong lumalala ang paghahabol ko ng hininga.

“Kain ka pa. Baba lang muna ako, ha!”

Tumango ako, hindi na makapagsalita. Tinalikuran ako nI Soren at muli na siyang bumalik sa court. Meanwhile, I feel dizzy. Nagdidilim ang tingin ko at mas lalong lumala ang paghahabol ko ng hininga.

It feels like it’s an involuntary move to catch my breathing so hard. Humihinga lang naman ako ng ganito kapag pinipilit ko pero ngayon, kusa na akong naghahabol ng hininga!

Tumayo ako nang hindi ko na kaya. Nagdidilim ang paningin ko pero ang init dito sa gym ay mas lalo lang nagpalala. I need fresh air and I need to get out of here.

Nabitiwan ko ang bote ng juice na bigay ni Soren. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko iyon at nagmamadaling umalis na sa bleachers. Ni hindi na ako nakapagpaalam kay Soren dahil kung magtatagal pa ako, hindi ko na anong mangyayari sa akin.

Nanlalamig ako. Nakalabas na at nakalanghap ng mas maluwang at mas sariwang hangin pero mas lumala pa ang paghinga ko. It was as if there’s no air but I’m the only one experiencing it!

Maglalakad pa sana ako patungo sa mga building nang may biglang humila sa akin. Alonzo’s immediately made me sit on the nearest concrete bench.

“Teka… lang…” Bawat salita ko may paghabol na hininga sa gitna. “Uuwi… Uuwi… ako. Hindi… Hindi ako… maka…”

“Calm down. Please, uh, humiga ka muna. Dadalhin kita sa… clinic.”

Umiling agad ako. Hindi ko maimagine na hihiga ako rito sa bench pero ang sama talaga ng pakiramdam ko.

He swallowed hard. Nagdidilim na ang paningin ko pero nakikita ko na pilit niya ring kinakalma ang sarili niya. Kita ang takot sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang cellphone ko na muntik niya pang mabitiwan.

Kasabay ang pag bukas niya sa box na dala ko. Inilahad niya ang cellphone ko sa akin.

“Buksan mo-“

Mabilisan ko nang binuksan. He was obviously confused on what to do first. He’s watching me but he’s also on the phone.

“Manong,” narinig ko.

Hindi ko alam kung tumawag ba siya o si Manong ang tumawag.

“Si Alonzo po ito. Nasa labas na po ba kayo? Sige po-“

It was a quick call. Didilat na sana ako para tingnan kung ano ang sunod na ginawa niya kaso ang nakita ko na lang ay ang pag-angat niya sa akin. He scooped me and carried me. I think he sprinted towards the buildings and the parking lot.

Hinahabol ang hininga at pikit na ang mga mata nang napasandal na ako kung saan. Pilit akong ihiniga ni Alonzo sa back seat at hindi ko maipagkakailang hindi ko na rin naman yata kayang maupo. I heard Alozo’s voice.

“Napano, Alonzo?”

“Hindi yata siya makahinga, Manong. Pakidala po diretso sa ospital-“

“Anong nangyari? Anong hindi makahinga? W-Wala namang asthma si Sancha-“

“Manong, dalhin n’yo na sa ospital!” Alonzo demanded loudly.

Isang malakas na bagsak ng pintuan at dire-diretso na ang sasakyan namin sa ospital.

Dumilat ako na nasa emergency room na, maayos na ang paghinga at may nakaturok sa aking braso. Si Kuya Manolo ang naroon at nakita kong nasa cellphone siya. Pagod pa ako at sa gilid ng silid, nakita ko si Alonzo.

“She’s okay now. The doctor said she can go home. She’s given medicine.”

Nanghihina pa ako at medyo nahihilo pa. Nakita kong lumapit si Alonzo at mariing tiningnan ang nakakabit sa akin.

“Ang sabi ni Alonzo, may dala raw si Sancha kanina na donut. It’s an allergic reaction.”

“Diphen ito, Alonzo,” sabay pakita ng nurse sa ginagawa. “Ayos pa naman siya nang dumating dito. Mabuti at nakita mo agad.”

Tumango si Alonzo at hindi na nagsalita.

“Sino ang nagbigay kay Sancha ng mga donut, Alonzo?” si Kuya Manolo.

“Hindi ako sigurado, Sir,” si Alonzo.

“Wala ba siyang kaibigan doon?”

“Kuya,” nanghihina kong tawag.

“I want you to rest, Sancha. At huwag kang tumatanggap ng pagkain kahit kanino man! But I want to know, who gave you the donuts?! You’re allergic to nuts!”

Kinagat ko ang labi ko.

“I thought it’s just peanuts, Kuya-“

“Kaya ka hindi pinapakain basta-basta ng pagkain sa labas dahil diyan! At hindi mo pa ako sinasagot? Sino ang nagbigay sa’yo no’n?”

I can only imagine their reaction if I name Soren right now. Umiling ako, ayaw magsalita.

“Manliligaw mo? Sino ‘yan?!”

“Sir, mas mabuti po siguro na pagpahingahin na muna si Sancha ngayon. Sa susunod na lang po siguro siya tanungin tungkol diyan. And I’m sorry for butting in,” si Alonzo.

Huminga ng malalim si Kuya. “I know. I’m sorry, Sancha. I’m just really worried. Thank you, Alonzo. Buti at nariyan ka.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading