Kabanata 1
Summer
Alam kong malabong payagan ako ni Kuya Manolo sa gusto kong mangyari. Pareho nilang ayaw ni Ate na nakikipagkaibigan ako kay Ella. Paano pa kaya kung malaman nilang kahit paano, gusto ko siyang tulungan?
Iyon ang dahilan kung bakit sinadya ko ang azucarera para rito. Ayaw kong sa bahay ko kakausapin ang mga kapatid. Alam ko na ang dugtong noon at nasisiguro kong pareho nilang ayaw.
If you have siblings older than you, it’s only normal that they could never understand your issues. They both think I am too young to think or decide about anything kaya lagi na lang nila akong napapagalitang dalawa.
Parehong tapos nang mag college si Kuya Manolo at Ate Peppa. Ate Peppa is our eldest and she is already readying to get married. Meanwhile, Kuya Manolo was newly promoted as our Manager for the milling. Kaya siya ang sadya ko rito sa azucarera.
Kahit malapit lang ang mansiyon namin dito sa building, sumakay pa rin ako sa aming sasakyan dahil medyo mainit ngayong summer na ito. Bali-balita’y El Nino raw.
Lumabas ako sa sasakyan. Mabilis na umikot si Ate Soling at pinayungan ako habang marahang naglalakad patungo sa mga building.
Abala ngayon. Ilang truck ang nakikita kong nagdidiskarga ng tubo sa makina kaya bukod sa mainit, maalikabok pa. I looked at my pink spaghetti strapped dress and sandals. Certainly not a very good look to visit here but I didn’t think I would stay for long.
“Sino po ang sadya?” agad na may lumapit sa aming trabahante.
“Si Manolo,” sagot ni Ate Soling.
“Naku, si Sir nasa makina. Wala sa opisina. Ang mabuti pa…”
Marami pang paliwanag at sinabi ang trabahante samantalang ako lumingon na sa mga makinarya. Sa lahat ng lugar na pinuntahan ni Kuya sa araw na iyon, doon pa talaga sa maalikabok! But then at least he’d realize how serious I am if he saw me here?
My eyes locked at a familiar face near the trucks. Maraming trabahador doon pero agad kong nahanap ang medyo madungis na nakatitig sa amin. Isang nipis na puti ngunit maalikabok na t-shirt, faded jeans, at lumang bota, sa ayos at tangkad pa lang, alam ko na kung sino ang nakatitig sa akin.
I sighed and remember the many times I notice how he looks away everytime I notice him. Hindi na ulit siya naging substitute teacher dahil hindi na nagkasakit ulit si Mr. Bersabe pero madalas ko naman siyang makita. Nasa iisang campus lang kami at dahil dati siyang Team Captain ng basketball noon, siya naman ang tumutulong na mag coach ngayon sa SHS na team nina Leandro Castanier at Levi del Real.
“Ano Sancha? Sa makinarya raw. Baka pagalitan ka ni Manolo kapag pumasok ka roon?” tanong ni Ate Soling pagkatapos nilang mag-usap ng trabahante.
Ngumuso ako at nag-isip kung ano ang dapat gawin. I can’t stop now and wait for Kuya Manolo on our mansion. Like usual, he won’t agree to me.
“Si Sir Manolo ba?”
Halos napatalon ako sabay tingin sa gilid. My lips are now in a grim line as I realized Alonzo is nearing us. Kanina’y nasa makinarya siya at mukhang hinihintay ang mga truck na matapos. Nakatingin lang siya at inakala kong hanggang doon lang! Now, he’s here!
He kept a good distance and pulled the neck of his shirt as if trying to wipe away the sweat near his jaw. Tumikhim ako. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang parang ako ang naco-conscious. If it’s true that he likes me, then it’s his problem, not mine! Bakit ako ang kakabahan para sa kanya?
“Oo. Nasa makinarya raw si Kuya?”
Tumango siya. “Nasa loob. Kinakausap pa ang mga tauhan. May problema kasi yata at pinapatingnan pa.”
Napatingin ako kay Ate Soling. Now, for sure, I can’t go inside that. Magagalit si Kuya kung badtrip siya sa problema.
“May sadya ka?” si Alonzo.
“Oo, Alonzo. Ano sa tingin mo, Sancha? Kung sa opisina mo na lang hintayin ang Kuya mo?” si Ate Soling.
Nagdadalawang-isip pa ako.
“Baka busy siya at hindi na bumalik ng opisina.”
“Kung gusto mo… sasabihin ko na naghihintay ka sa opisina,” si Alonzo sabay tingin sa paligid. “Mainit at maalikabok dito. Mas mabuting sa loob ka ng opisina maghintay.”
Tumingin ulit ako kay Ate Soling na para bang may sagot sa kanya. Tumango naman si Ate.
“Nasisiguro akong alam ni Kuya ang sadya ko kaya baka hindi niya ako siputin sa opisina. Sige, maghihintay na lang ako rito, Ate.”
Alonzo shifted his weight and looked at the machinery side.
“May shed doon malapit sa parking. Hindi kakayanin ng payong n’yo ang init ngayon. Doon na lang.”
Napatingin ako kay Ate Soling. That knowing look on her face told me what she remembered. Kumalat sa buong school ang tsismis tungkol sa pagkakagusto ni Alonzo sa akin. Hindi man naabutan ni Ate Soling, narinig niya raw sa kapatid niyang nag-aaral pa noon ng elementary. Minsan niya na ring narinig ang pang-aasar ni Margaux sa akin kaya alam niya ang tungkol dito.
“Uh, ano, Sancha? Tama si Alonzo. Doon na lang siguro at mukhang may upuan pa!” si Ate Soling na nabasa sa mga mata ko ang pag-ayaw sa panunukso.
“S-Sige.”
Ngumiti si Alonzo at nilingon ang shed. May dalawang trabahador na nakasilong doon. “Sige. Mauuna na ako at lilinisan ko lang.”
Halos tinakbo ni Alonzo ang distansya. Pinanood ko siyang pinaalis ang mga trabahanteng naroon. Nagtawanan sila at inilingan na lang siya. Tinulungan pa siyang pagpagin ang alikabok at punasan ng basahan ang upuan ng shed.
Nang natapos sila, tumayo siya sa gilid at inilahad sa amin ang upuan. Bahagyang tumawa si Ate Soling.
“Kasya naman yata kayo rito. Puwede naman kayong umupo.”
“Ah, hindi na. Magandang hapon, Miss Alcazar. Pasilong lang po kami konti habang naghihintay sa diskarga,” medyo natatawang sinabi ng pinaalis ni Alonzo kanina.
Tumango ako. Alam kong natatakot silang punahin ko pero hindi naman talaga ako magrereklamo.
“Sige po, lalapitan na nami ang truck!” ang isang lalaki naman. “Lonzo! Ano? Dito ka lang? Ikaw talaga!”
Alonzo chuckled and nodded. Bumaling siya sa amin. “Maiwan ko na kayo. Magtatrabaho lang.”
“Salamat, Alonzo,” si Ate Soling.
Alonzo stalled for a moment. Naupo ako at hinintay na umalis siya. He looked at me like I forgot something. Tumikhim si Ate Soling at umupo na rin sa tabi ko. Maybe Alonzo realized that I didn’t get it or I didn’t know what he wants, he twisted his lips and started walking away. Tinalikuran kami.
Nang tuluyan na siyang nakaalis, ‘tsaka pa lang nagsalita si Ate Soling.
“Ang bait ni Alonzo. Caring!”
Hindi ko na dinugtungan iyon dahil ang tungkol sa lalaking iyon ang pinaka ayaw kong pag-usapan.
“Sana man lang nag thank you…” kinanta ni Ate Soling ang sinabing iyon.
I narrowed my eyes and looked at her. “Nagthank you ka na naman. Ayos na ‘yon.”
Nagkibit siya ng balikat at hindi na nagsalita.
Hindi ko alam kung ilang sandali kami roon. Ang dami nang nagawa ni Alonzo na trabaho. Umakyat na siya sa gabundok na tubo, bumaba na, naghakot, nag drive ng truck, at nagdiskarga. Dinalhan kami ng tubig ng isang trabahante at uminom na lang ako.
I craned my neck when I notice someone walking out of the machinery building. Nakita ko ang pagtingin din ni Alonzo sa natanaw ko. He then jogged a bit towards Kuya Manolo. Tumayo ako at ganoon na rin si Ate Soling.
“Akala ko magtatatlong oras tayo rito! Dios ko!” si Ate.
Nakita kong may sinabi si Alonzo kay Kuya. Napatingin si Kuya sa shed at agad akong kumaway. He looked at me with his bored expression. Tumango si Alonzo pagkatapos sinabihan ni Kuya ng kung ano at nakita kong aalis na sana siya. I saw Kuya calling him back. May sinabi ulit na tinanguan ni Alonzo at tumingin sa akin.
Nakalapit na si Kuya kasama ang iilang trabahante. Sa tabi niya ay nariyan pa rin si Alonzo. I guess he made him stay, huh? I didn’t let it affect me, though.
“Ano na naman ‘yan?” panimula ni Kuya sabay kuha sa isa sa mga mineral water bottle namin at uminom.
I was a bit hesitant. Nakikinig sila pero… bahala na.
“About, uh, Ella’s Mom.”
“Tss. Hindi ka pa rin ba nadadala? Ang tagal nang sinabi ni Ate na huwag kang didikit diyan!”
“Hindi ako dumidikit, Kuya. I just want to help her out.”
“The del Reals will eventually call them persona non grata. At baka nakakalimutan mo na noong sina Mommy at Daddy ang may kaaway ay tumulong din naman ang mga del Real sa pagpapaalis sa mga taong ‘yon dito sa Altagracia?”
“I know. We are allies, alright. But we don’t have to treat anyone as enemies. At this point, tingin ko kasi kumakapit ang Mommy ni Ella kay Tito Luis dahil wala nga siyang trabaho. Walang pera!” sabi ko.
Napasulyap ako sa mga nakikinig lang na trabahante. Alonzo’s lips were apart as he listened to me.
“If we give her work, she’ll earn. She will feel independent and she will stop seeing Tito Luis. With that nakatulong pa tayo ng kaunti sa mga del Real na tigilan na ‘yong pagkikita ng dalawa.”
Bahagyang natigilan si Kuya Manolo sa sinabi ko.
Someone from behind Alonzo cupped his jaw to make his mouth shut. Tinawanan ito ng isang kasama kaya bumaling siya sa kanila at pabirong pinagsusuntok.
I heard him mutter “Mga gago.”
Tahimik na nagtawanan ang iilan at umiling si Alonzo sabay tingin sa akin. He licked his lower lip and dropped his eyes on the floor, as if a soldier back on serious duty.
“I admit it. You’ve got a point there. Pero bakit ikaw ang lumalakad nito? Kung gusto ng Mommy ni Ella na magtrabaho, ba’t ‘di siya ang mag submit ng requirements at mag apply?”
“Because she knows you’d reject it. See? I have to explain this to you so you’d open your mind. Kung hindi’y sinunog mo na ang resume, hindi mo pa alam ang rason ko.”
“Fine, Sancha!” ani Kuya sabay baling kay Alonzo sa tabi niya.
Alonzo’s eyes are still down.
“Lonzo.”
“Sir,” agap niya.
“Paki sabi sa Papa mo na may kukunin ako. Pakitingin na rin kung ano ang may bakante.”
“Sige, Sir. Sasabihin ko kay Papa.”
“Kahit ano, ha, Sancha. Huwag mamimili sa puwedeng ipagawa at hindi ako nakakasiguro sa magiging bakante.”
“Sige, Kuya,” sabi ko.
“Sumama ka rito kay Alonzo sa opisina at marami pa akong aasikasuhin.”
“Okay.”
Unti-unting inangat ni Alonzo ang tingin niya sa akin. He swallowed hard and lead the way. Mabilis na binuksan ni Ate Soling ang payong at nagsimula na kaming maglakad, sunod kay Alonzo.
Alonzo’s father is the head HR of our sugar milling. Utility naman ang kanyang Mommy. It slowly dawned on me as we walked towards the building where the offices are.
He opened the door for us. Pumasok ako at sumunod naman si Ate Soling. Inulan agad kami ng bati. I greeted everyone in the offic politely. Napatingin ako kay Alonzo at nakitang bahagya niyang hinila ang t-shirt, para bang na co-conscious sa dungis niya.
When he opened the door for us, though, I can smell the remnants of a manly perfume. I didn’t smell body odor or was I too preoccupied with other things.
“Alonzo, bakit? Oh! Magandang hapon, Miss Alcazar!” bati ng ama ni Alonzo.
“Magandang hapon din po, Tito.”
Gaya ni Alonzo, matangkad din ang kanyang ama. Mas bata rin ito kay Daddy ng ilang taon. Ang alam ko, nag-iisang anak si Alonzo. Dito na nagtrabaho ang mag-asawa at simula nang nag eighteen si Alonzo, nagsimula na rin dito. Noo’y part time lang at utusan, hindi legal na trabahante tulad ngayon.
During his school days, though, tumitigil siya at nagpapart time na lang. Nag co-concentrate siya sa pag-aaral lalo na’t medyo maganda ang marka niya sa isang kursong kailangang tutukan. His being a coach to the SHS basketball team or those frequent substitution is probably his ways to earn during school days and this during summer.
“Papa, ipapatingin daw kung anong department ang may bakante. May gustong papasukin si… Sancha.”
“Oh! Walang problema. Sige, teka at titingnan ko. Upo muna kayo.”
“Thank you, po,” sabi ko at lumapit sa upuang malapit kay Alonzo.
Nakita kong lumayo siyang bahagya sa akin. Napalingon tuloy ako. My lips protruded as the curiosity ran on my mind.
“Mayroong bakanteng utility, laborer marami, driver- Babae ba ‘yan o lalaki?”
“Babae po yata, Papa.”
“Babae po,” ako naman kasunod ni Alonzo.
“Puwede na ‘tong utility, kung ganoon? Sino ba ‘yan? May resume ka ba riyan, Sancha? O puwede naman na isunod na lang iyon tutal sa’yo naman galing ang recommendation.”
“Kailan po puwedeng magsimula? Tatawagan ko pa po para mahanda niya.”
“Puwede na bukas kung kaya na!”
“Talaga po? Sige, po, salamat! Tatawagan ko na muna.”
I excused myself and went out of the office for the call. Nakitsismis yata si Ate Soling sa loob kaya hindi na sumunod sa akin paglabas. Si Alonzo ang sumunod sa akin. Humilig ako sa dingding habang katawagan si Ella. Nakapamulsa naman akong pinagmamasdan ni Alonzo.
“Talaga, Sancha! Naku! Salamat!” si Ella sa kabilang linya.
“Puwede nang magsimula bukas at puwedeng i-follow na lang ang resume.”
“Naku! Nakakahiya naman! Ngayon agad ihahatid ni Mommy! Thank you! Hindi na ‘to ipagpapabukas pa at nakakahiya na.”
I chuckled and glanced at Alonzo. He looked away and sighed.
“That’s nothing. I just wanna help you out.”
“Ako kaya? Puwede ring mag apply? Wala akong ginagawa ngayong summer at gusto ko talagang magtrabaho.”
“Naku, hindi ka pa puwede s’yempre. Underage ka pa. Kapag na lang nag eighteen ka, walang problema.”
“Oo nga e. Sayang. Pero salamat talaga! Naka print na naman ang resume ni Mommy. Ihahatid niya na riyan ngayon. Nasa labas siya nagdidilig ng halaman. Ibabalita ko sa kanya! Kakausapin mo?”
Well, that’s too much there.
“Hindi na, Ella. Ayos lang. Pumunta na lang kayo rito at hanapin si Mr. Salvaterra. Sabihin n’yo na lang na ‘yong nirekomenda ni Sancha.”
“Sige! Thank you talaga, Sancha!”
“You’re welcome. I’ve got to go now. Bye.”
“Bye! Thank you!”
I smiled and cut the call. Naglakad ako pabalik na sana sa loob ng opisina pero binagalan ko nang palapit kay Alonzo.
“Thank you,” I said coldly.
He licked his lower lip. “You’re welcome. May ipapagawa ka pa ba?”
Ngumiti ako at umiling. “Wala na. Tatawagin ko na lang si Ate Soling at uuwi na kami.”
He slowly nodded. “Bukas… i… chi-check mo ba kung pumasok ang nirekomenda mo?”
Aaminin ko, medyo nagulat ako sa tanong niya. Ni hini siya nakatingin sa akin. Not that he isn’t attentive, he just couldn’t look at me, I can feel it. Umiling ako.
He’s tall. Taller than average boys his age. Or maybe I find him very tall because I am just 5 foot and shorter than the girls my age. Siguro rin dahil sa nakagisnang trabaho kaya medyo maskulado na ang katawan niya. Matangos ang kanyang ilong, manipis ang labi, at kung tititigang mabuti may halong kayumangging kulay ang itim na itim na mga mata. His hair is also very dark, even when it’s damp from sweat it looked thick. And every time he lowers his gaze, I can see the wave of his thick lashes. It looked more beautiful than my thin brown ones.
“Hindi na.”
His lips twisted and then he nodded. “Take care, then. Enjoy your summer.”
Suminghap ako at tuluyan na siyang nilagpasan para tawagin na si Ate Soling. Hindi kalaunan, pabalik na kami sa bahay. Halos mabali ang leeg ni Ate Soling katitingin sa labas. Nanatili naman ang mga mata ko sa harap hanggang sa nakauwi na kami.