Blown by the Wind – Simula

Simula

“Fiercer!” the photographer demanded.

Inangat ko ang aking noo at inawang ang bibig. Nilagay ko ang aking kamay sa balikat ni Flyn.

“Carrie, chin to the left!”

The flashes of blinding lights from the large lightings made me close my eyes for a brief moment. I opened it only to be showered with another set of shots.

Inside the studio were photographers, stylists, artists, and the staff of a famous magazine. Isang tipikal na araw sa aking trabaho.

Kung bakit hindi ako nakasisigurong maayos nga ang lagay ko ngayon ay hindi ko alam. This is all that I ever wanted to be. Or… maybe… it isn’t.

“Flyn! You look too fierce!”

“Oh God! Walang too fierce, Sir!” Flyn winced.

Humalakhak ako at bahagyang tinapik ang kaibigan. She rolled her eyes at me and continued with her facial expression.

“You look so adorable, Eury!”

Tumigil ang phographer sa pagkukuha ng pictures. The men in front oc the desktop, where the camera is connected, agreed to his compliment.

“Thank you, Sir Collins,” I said sweetly to the photographer.

“Did you model before Astra?” he asked when he resumed taking our pictures.

Hindi. Kaya nga nahihirapan ako ngayong humarap sa camera habang kinakausap niya ako. I talked in between clicks.

“No, po. My first time is when I entered showbiz…”

“Oh! That’s… you’re good!”

Sumulyap si Carrie sa akin at pasimpleng ngumiti. I smiled at her. Bumaling muli ako sa camera at napaulanan muli ng mga kuha galing sa photographer.

Unti-unting napuno ng bulungan ang studio. Even without looking directly at the person who went in, I know who it is. Sa mga bulaklak pa lang na dala, sa reaksyon ng mga staff, at sa pagtigil mismo ng photographer, alam ko na iyon.

I smiled at Zander. Parang tumigil ang mundo sa studio nang nakita siya para lang mabati. The staff went at him and exchanged smiles. The photographer chatted with him for a while before finally turning to us.

They expected me to run to him and hug him tight. Alam ko dahil noong tinanguan ako ng photographer ay nakitaan ko ng disappointment ang kanyang mga mata.

“I’m sorry. I thought we’re not done with the shoot,” I explained.

Zander, in his black longsleeves, khaki pants, and topsider, looks so handsome. Niyakap ko siya saglit at kumawala rin para makuha ang mga bulaklak na dala niya.

“I love them!” I said as I looked at the red roses wrapped in fancy paper.

“Hmm. Let me guess? Visiting her before your tour and her two-week shoot?”

Zander chuckled. “I am gonna miss her so bad, Jayb.”

“That’s just so sweet!” puna ni Flyn na ngayon ay nasa likod ko na.

Ngumiti ako sa kanila ni Carrie. Kandong ang mga bulaklak na agad pinagkaguluhan ng dalawang co-member ko sa Astra, a rising girl-group. We can both sing and dance. Especially Flyn, of course! She’s our leader.

“Oh, Zander? Ilang araw ba kayo ni Blair sa Mall Tour ninyo?” Flynn asked.

Nilingon ko si Zander. He wrapped his arm around me. Bumaba ang tingin ko sa mga bulaklak na dala.

Slowly, my dreams are coming true. Inabot ako ng ilang taon sa kakahanap ng lugar ko sa mundong ito, ngayon ko pa lang naramdaman na nagkasya ako. Despite the frequent deep thoughts… Despite the frequent realizations… I am here to prove that I am not just a pretty face.

“It may take a month, I guess. May Boracay stop kasi kami,” sagot ni Zander sabay tingin sa akin.

He’s worried that I might get jealous of his partner or love team. Ngumiti lamang ako at ibinigay sa isang personal assistant ang mga bulaklak.

“You’ll be there for Laboracay, Zander?” Sir Collins asked.

“Yup. Break na rin sa medyo hectic na schedule,” sagot ni Zander sabay hapit sa aking baywang.

“Okay, enough with this. Team! I will take a look at the shots! Powder the girls!” Utos ni Sir Collins sa mga staff.

Ilang sandali ko pang pinagmasdan na naging abala ang mga tao bago tuluyang iginiya si Zander sa aming room.

Complete with three big mirrors with lights, tig-iisa kami ng espasyo ni Flyn at Carrie. Pareho na silang naroon sa kanilang lugar at inaayusan na rin ng artists. Naupo ako sa akin at sinenyasan ko iyong aking artist na mamaya na.

Kumuha ng monoblock chair si Zander at nilagay sa tabi ko. Nakatingin ako sa kanyang repleksyon sa salamin. He smiled at me and a dimple showed up.

Mapupungay na mga mata, badboy image, and a sweet smile, everyone loves him. At twenty-seven years old, he’s already very accomplished as an actor and model. He’s a national idol, parehong sa mga bata at matatanda. Together with his love team, Blair, they can make the crowd roar, sa kilig man o sa mangha.

“You jealous?” he asked.

Ngumiti ako at umiling. Nagtaas naman siya ng isang kilay bilang pagpapakita ng hindi paniniwala sa amin ko.

He leaned on me to give a chaste kiss on my cheek. Ngumiti akong muli at tiningnan ang aking mukha sa salamin.

“Sigurado ka ba sa offer ni Hubert?” tanong niya sa akin, nakatitig din sa aking repleksyon.

“I can’t say no. Besides, our schedule is a bit clear for the next weeks. Kung hindi ko iyon kukunin, I’ll get really bored.”

Kahit na nakatuntong sa top song ang isa naming kanta, hindi parin kami matatawag na sikat. Hindi kasing sikat ni Zander. O hindi kasing sikat ng mga batikang mang-aawit.

I’ve been in trhis group for almost a year now. Matagal na mang may koneksyon kami sa mga prodyuser, ilang taon pa bago ko napagdesisyunang tuluyang sumabak dito.

“Hmmm. Okay, then.”

Lumayo siya at may kinuhang sinenyas sa nag-aabang niyang personal assistant. Kumunot ang noo ko, lalo na noong nakita ang pag ngisi niya.

“I have a surprise for you…” he said.

“What?” natatawa kong sinabi.

Ilang sandali ay inabot sa kanya noon ang isang brown envelope. I hate surprises. I don’t think I can tolerate anyone who says, “I have a surprise” and then call me the next day. Pakiramdam ko ay hindi ko makakayanan iyon.

Agad kong pinunit ang pakpak ng envelop para makita ang nasa loob. My eyes widened with unknown feelings. Bumundol ang kaba sa aking puso. Alam kong ginusto ko iyon at ilang beses ko nang nasabi kay Zander pero hindi ko ata kaya ito.

“What is this?”

My degree has informed me too much about these. I just want to know firsthand, what is it for.

He laughed at my reaction. Alam niyang alam ko kung ano iyon pero kailangan kong malaman kung ano ang plano niya!

“No!” agap ko.

“We deserve it, Eury. I named the title after you.”

What the hell!?

Mabilis at nanginginig kong tiningnan ang mga dokumentong naroon. Sa huli, natagpuan ko ang isang orihinal na kopya ng titulo ng isang lupain.

“The construction is already going on, Eury,” he chuckled.

Gusto kong bitiwan ang mga papel. The fear materialized in front of me. Parang nahulog ang puso ko, mula sa ikasampung palapag, at nabasag ng pinong piraso.

Napawi ang ngiti ni Zander ng naibalik ko sa kanya ang mga dokumento. Gusto kong umiyak. Gusto kong magsisigaw. Gusto kong kumawala.

Why, even when this is what I want, do I feel so trapped? Why, even when I tried to love him, I couldn’t get past to the love for a friend? Why am I even here?

This is what you want. A voice whispered.

This is what you should do. Anyway, you have no place in…

“What is the problem, Eury?” his voice is now demanding and a bit shaken.

“Hindi mo kinunsulta sa akin ‘yan, Zander!”

Nagbago ang anyo ng kanyang ekspresyon. If he was confused, a while ago, now anger is evident on his face.

“Why would I do that, Eury? If you love me, you are willing to spend your whole life with me!”

Napalingon sina Flyn at Carrie sa aming dalawa. Pumikit ako at umiling.

“At least ask for my opinion!” giit ko.

“Why? What’s wrong with the house’s design? You don’t like it?” his voice softened.

Kumirot ang puso ko nang narinig siya. Hindi ako makabawi. Nanatili akong nakapikit, hindi alam kung paano siya haharapin ngayon.

“That is not my point, Zander,” I said softly. Hoping he’d understand. Hoping that his mind isn’t closed. “We are together but I’m too young to think about the future right now-“

“Because of your career? Damn, Eury! I have my own career, too! If people will know about our relationship, I’ll probably get fired for it but I don’t mind! I am willing to sacrifice!” frustrated niyang sinabi.

Huminga akong malalim para mapakalma ang sarili ko. I need to make him see reason. All the more we shouldn’t take this step because we both should be focusing on our careers!

“I talked to Tito and Tita! Ayos naman ang dalawa ah? What is the problem with you?”

Shit.

“Why did you have to talk to them? Can’t we just talk about it? Tutal ay tayong dalawa naman ang nasa relasyong ‘to!”

“Bakit mo pa pinoproblema iyon, kung ganoon? I don’t understand you! Damn! Whatever! I’m leaving now! It is useless to talk to you like this…”

Nasapo ko ang aking noo at hinayaan siyang umalis. My heart ached. Hindi ko alam kung para saan. O baka para sa lahat.

Ayaw kong saktan si Zander. Ayaw ko ring masira ang career niya dahil sa isang padalos-dalos na desisyon. Damn it!

Tahimik si Flyn at Carrie sa kwarto. Hindi na inusyuso pa ang nangyari. Respeto man o kawalang pakealam iyon ay ayos lang sa akin. I was never really friends with them before showbiz. I only got introduced after a shoot. Silang dalawa ay nagsisimula nang kumanta noon. Dalawang taon na siguro silang duo nang dumating ako. Our career boomed right then and there. We immediately had some offers, bigger than their last two years in this business.

I don’t want to admit it but people were just a sucker for a pretty face. With talent or not, they want an idol who can flawlessly sport any look. Sa katauhan ko, nagkaroon ng kulay ang grupo ng dalawa. They soared high on social media because of me.

It is pitiful, actually. Dahil sa kanilang dalawa, I’m the lesser talented. I cannot sing high notes, unlike them. I can only sing soft parts. I cannot dance hiphop, like them. I could get close but it will take weeks for practice.

Natapos ang shoot ng walang imikan. Dumiretso na ako sa van, takot na baka maiwan sa flight ko patungong probinsya, kung saan gaganapin ang offer ni Hubert na shoot para sa isang magazine.

I did not inform anyone from my family or friends about this. Alam na rin naman nila ang tungkol doon pero wala akong ganang pagpaalaman sa kanila sa ngayon.

Mabilis kong hinanap ang numero ni Zander sa aking cellphone. I want to at least tell him that I’m now leaving Manila for the shoot. Kahit na paniguradong abala na siya ngayon, galit pa sa akin, ayaw ko paring maging insensitive.

He did all of that in the hopes that I’ll be happy. Kung may sisisihin man dapat dito, ako iyon.

Ako:

I’m sorry. I hope we can talk again once you’re free. I’m leaving for Romblon now. See you soon.

Pagkababa ko ng cellphone ay nilingon ko na ang repleksyon ng aking mukha sa salamin ng van. My naturally pink cheeks surfaced. May bahid parin ng lipstick ang aking mga labi at ang pinakulot na buhok ay nagmistulang sabog sa isang shampoo commercial. My hooded eyes made my eyes look a bit chinky. My narrow pointed nose didn’t need the enhancement the make up can do. I buttoned my jacket up to avoid the reveal of my cleavage.

“Manong, salamat po!” sabi ko sabay ngiti sa driver at sa personal assistant na hanggang doon na lang sa parteng iyon ng airport.

I can do my own make up, aside sa pangako ni Hubert na mayroon siyang make up artist doon sa kanyang team. I don’t need a P.A, as well. Hindi naman siguro ganoon ka hectic ang magiging schedule.

“Walang anuman po, Miss. Ingat ka po sa byahe…” sabi ng aking personal assistant.

Tumango ako at nagtungo na sa looban ng airport.

Dire-diretso ang lakad ko. May iilang namumukhaan ako. May iilang pinipicture-an ako sa malayo. May ibang nagtatagal ang tingin sa akin, iniisip siguro kung saan ako nakita.

Sometimes, I’m glad that I’m not as famous and successful as Zander. He couldn’t walk normally in places like this. Magkakagulo sa NAIA kung sakaling naglalakad siyang mag-isa. But then he’d never walk alone. He’d always have security as per his manager’s orders.

May dalawang nagpapicture sa akin habang nag-aantay ako na mag boarding sa gate, bukod doon ay wala na.

Hubert and his team are waiting for me outside the airport of Tablas. Tatlong lalaking ipinakilala niya bilang photographer at isang stylist, nagpapaalala sa akin sa kaibigan kong malamang ay nag-aantay ng isang tawag galing sa akin.

Sa isang van nila ako pinasakay patungo sa isang liblib na beach resort, kung saan gaganapin ang magiging shoot para sa magazine.

The shoot will be a bit revealing. Alam ko na iyon lalo na’t adult magazine iyon. Hubert did nothing but make me feel comfortable during the ride.

“The theme will be sunset so we’ll have to do this fast. This is for the inside shots. The cover will be shot at a different place, most probably the next day,” sabi ni Hubert sabay ngiti.

Mas mahaba na ang balbas niya kumpara noong huli kaming nagkita. His round face and bald head were the same. Tahimik at mukhang halos ‘di magkakakilala ang team niya habang nasa van kami. Ang tanging medyo friendly lamang ay iyong stylist.

“We have our own set of clothes but I assume you have yours, too?” the stylist butts in.

“Yes. But… this is your shoot and your theme so I might have to conform.”

Tumango ang stylist at isa-isa ng ipinakita sa akin ang mga susuotin.

A skin tone almost see-through dress with real vines and leaves and a real flower crown. Gusto ko iyon, kahit na hindi ako sigurado kung magiging komportable ba ako. I can wear bikinis but I guess it is different with props like these.

Without adieu, nang nasa resort na kami at naigiya na ako sa isang kwarto, nagsimula na agad kami sa gagawin.

Hubert along with the other photographers started their preparations. At dahil sa tabing dagat gaganapin ang shoot, hindi na kailangan ng sobrang make up para sa akin. A natural look will do. Kailangan lang ng magandang poses, directed by Hubert himself.

I went out of the room at around four thirty in the afternoon. Pagod pa sa byahe’y kailangan ko paring gawin ito. Alam ko namang ganito ang kahihinatnan.

Naging propesyunal naman ang lahat. Naging maganda ang takbo ng shoot lalo na’t nakisabay pa ang haring araw. Kulay kahel na langit sa dagat na papaurong. Buhok na mamasa masa, sa ilalim ng araw na nagmistulang alab.

The stress got me in the middle of the hour shoot. Napahawak ako sa ulo nang biglaang nahilo sa pagod at gutom.

“Are you okay?” Hubert said.

Tumango ako at muling umayos. Three shots and I fell on the sandy beach. My eyes turned black.

Marami akong naging pagkakamali sa buhay na ito. Sa sobrang dami, hindi ko na alam minsan kung ano ang tama at kung ano ang mali.

People’s reactions are supposed to be mirrors of that. If they are happy about you, it can mean that you are doing it right. If they are mad at you, it means you are doing something wrong.

Masakit ang aking mga paa habang tinatahak ang matarik at padalisdis na daanan. Walang saplot ang mga paa’y hindi ko na inalintana ang sakit ng bawat bato, korales, o anumang matutulis na bagay.

My tears fell, blurring my eyes. The cold of the night sent shivers down my spine. The only thing I hear is the sound of crickets and night frogs…

Kung isang normal na gabi, inayos ko nang mabuti ang sleeve ng suot na damit. Lalo na’t punit ito, hindi malaman kung nahagip ba ng mga sanga ng ligaw na halaman o sa ibang rason.

Humikbi ako. Kinakalma parin ang sarili kahit na alam kong imposible iyon sa ngayon.

I lost my balance and fell on a rock. Ang kanang parte ng mukha ay tumama sa bato. Napadaing ako sa sobrang sakit.

Kung tutuusin, pwedeng manatili ako rito at mahiga. Hayaan ang sarili sa kung ano mang mangyari sa hinaharap ngunit hindi…

I may have been pained, this is nothing compared to the pain of those who are left by their parents, who are rejected by their loved ones, who cannot eat a meal in a day, who cannot even drink clean water. Walang wala itong lahat kumpara sa kanila kaya bakit ako susuko, hindi ba?

That mentality has always been my motivation. Kahit na alam kong, balang araw, mapapagod din ako sa kakaisip niyan.

I heard footsteps coming closer. Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo.

I am aching all over. My feet are sore. My head is painfully hurting. Ang mga masukal na sanga’y kanina pa sumusugat sa aking braso at binti.

With only the moon as my light… as my guide… I ran as fast as I can.

Pinagtatawanan siguro ako ng tadhana ngayon. O baka ito talaga ang gustong mangyari ng tadhana sa akin. Baka ito talaga ang sukli sa lahat ng ginawa ko.

I stumbled and fell again to a group of dried branches.

I groaned when I got cut all over. Napatingin ako sa aking paa’ng ngayon ay dumudugo. Making it impossible for me to stand up and walk properly.

But it was adreline rush, the eagerness to get away, the need to be safe… that kept me going.

Itinulak ko palayo ang bangkang nasa dalampasigan. Ang buwan sa langit ay tila nanghahalina sa akin. Kahit na alam kong wala na akong patutunguhan. Wala akong alam. At maaaring ito na talaga ang katapusan.

After all the journey of pain, sorrow, and pretensions, I am here now finally marking a scene as a final chapter.

Buong lakas kong itinulak ang bangka hanggang sa tuluyan itong lumutang sa tubig. Nilingon ko ang likod kung nasaan nakita ko ang mga humahabol sa akin.

“Eury!” marahas na sigaw ni Hubert nang namataan ang ginawa ko.

Nasa baywang ko na ang dagat nang pilit kong inangat ang sarili ko para sumakay sa bangka. Ang hapdi ng lahat ng sugat sa aking katawan ay tila umpisa ng himig ng kamatayan.

Why am I running even when I know I’ll die anyway? Because, if I ever die, I wanna die in peace. If I ever die, I don’t mind dying alone… in the ocean… under the moon.

If I die, I want it to completely reflect me: lonely and ambitious.

Pinalis ko ang luhang bumuhos sa aking mga mata at nanginginig na kinuha ang lubid na hihilahin para umandar ang rotor ng bangka. For a fleeting moment, I remember clearly how I’ve known how to do this.

“Eury! Hindi ka makakatakas!” sigaw ni Hubert.

One pull and the machine came to life! Mabilisan itong nagtungo sa kung nasaan ang buwan. Palayo nang palayo sa sibilisasyon ng islang iyon. Palapit ng palapit sa tahimik na dagat. Sa kawalan. Sa katapusan. Sa kung saan ko papayagan ang sarili kong tuluyan nang mapapikit.

And I don’t know why being in the middle of this vast and dark ocean, I find my peace. Away from everyone I ever loved, I found a deep connection.

I guess it is perfect. To just die here.

One thought on “Blown by the Wind – Simula

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading