Blown by the Wind – Kabanata 5

Kabanata 5

Pain

Takot na takot ako noon. Paulit-ulit kong inimagine kung paano ako makakalusot dahil paniguradong pagnalaman ni Mommy at Daddy ang ginawa ko’y pagagalitan nila ako ng husto.

That night, while I was in my room, I couldn’t sleep. Panay ang pakikinig ko kung may kakatok ba sa kwarto. Galit na Daddy o Mommy. Ngunit hindi dumating. Nakatulugan ko na lamang ang lahat ng iyon.

Kinaumagahan ay bumaba ako para mag-almusal. Panibagong araw sa eskwela though I don’t feel like going to school. I don’t feel like eating breakfast. I don’t feel like seeing my parents or sisters.

Kumpleto kami sa hapagkainan. Tahimik nang naupo ako sa aking silya. Si Daddy ay may kausap sa cellphone at medyo natataranta ang boses niya. Mommy is looking at her iPad, reading something.

Kumuha na ako ng pagkain sa pinggan. My two sisters are eating normally. Ilang saglit ay uminom ng tubig si Ate Lyanna at nag-angat ng tingin sa akin. The coldness of her stare made me realize that she probably know what happened.

Binaba ni Daddy ang cellphone. Tumikhim at bumaling kay Mommy na ngayon ay ibinigay agad sa aking ama ang atensyon.

“Paano na ito, Ephraim?”

“Nanghingi na ako ng palugit,” Dad said in a defeated tone.

Bumaling ako sa aking pagkain. Unti-unting nginunguya ang ulam habang nakikinig sa usapan.

“Kawawa naman si Vincent. Ginawa niya ang isang disenyo buong magdamag kaya ayon sa library, tulog pa hanggang ngayon.”

Umiling si Daddy. “Oo nga. Kaya nga sinabi kong tanggapin niya na ang alok kong laptop.”

“Ano raw ba ang dahilan kung bakit nashred ang gawa ni Vince, Dad?” si Ate Reanne.

Nanigas ako sa tanong ni Ate. Hindi ko nagalaw ang kubyertos habang nag-aantay sa sasabihin ni Dad. Pero siguro naman, kung alam nilang kasalanan ko, ginising na nila ako kagabi pa lang at sinisi na sa lahat.

“Aksidente lang daw. Ayos lang. Makakapag-antay naman daw ang kliyente,” si Daddy pagkatapos ay sumimsim sa kanyang kape.

Dahan-dahan kong ibinuga ang aking hiningang kanina pa pinigilan. Napakurap-kurap ako nang medyo gumaan ang pakiramdam. Hindi niya nabanggit ang ginawa ko.

“Kumusta na iyong kaso na hawak mo? Hindi ba ngayon ang hatol noon?” Dad asked Mom.

Tahimik akong nagpatuloy sa pag kain. Mabuti na lang at iniba ang usapan. But then I also realized how it’s so easy to get away from a problem as big as that. Why isn’t my Dad angry at him? Noong nilagay ko sa shredder ang gawa niya, I can imagine him being scolded and thrown out of our house… forever. Why is he still allowed here? At ayos lang talaga kay Daddy na biguin siya nito?

“Oo. Ngayon na ang hatol noon. The suspect is guilty of rape,” matamang sinabi ni Mommy.

For months, she had been busy with this case. Madalas niyang hinahandle na kaso ay iyong related sa Violence Against Women. Though I hear her talk about it and Ate Reanne all the time, I can’t seem to find any interest about it.

“Paano nangyari, Mommy?” putol ni Ate Reanne.

“Hija, the rule of law is not the rule of men. If the victim’s allegation of rape is backed with medico legal and complete story, that is enough to make the suspect guilty.”

“But you said it was probably consented? She’s a minor but they’re in a relationship! Matagal na nilang ginagawa iyon, ‘tsaka lang naging rape noong nabuking?”

“Even so… If the victim called rape, and with enough evidences, it will be… rape in the end.”

Konti lang ang kinain ko at nagpaalam na ako sa kay Mommy at Daddy para maihatid na ng aming driver. Dire-diretso ang lakad ko palabas ng bahay nang bigla akong tinawag ng malamig na boses ni Ate Lyanna.

“Eury,” she called.

My heart jumped. I feel so guilty. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko tuluyang binalingan si Ate Lyanna.

She straightened her glasses before speaking.

“I know what you did.”

If only I can make my heart follow my expressions, paniguradong kalmado na ito ngayon. But I am such a good actress, I can look calm and composed while my heart is panicking.

“What do you mean, Ate?”

Tinigilid ni Ate ang kanyang ulo. “About Vincent’s shredded designs.”

Nagtagis ang aking bagang. What? Did he tell her? Si Dad lang ang walang alam? O baka naman hindi niya pa pinapaalam? Sekreto nila ni Ate?

“I heard you cry inside the library. I know what happened,” she explained.

“Dapat lang iyon sa kanya. For all we know, Ate, he’s just trying to win Dad’s firm! Alam niyang gustong-gusto siya ni Mommy at Daddy kaya pinagsasamantalahan niya iyon-“

“My Gosh, Eury? Can you hear yourself?” may diin na bulong iyon ni Ate.

Naitikom ko ang bibig ko. Kita ang galit sa kanyang mga mata ngayon.

“Ano ba ang problema mo, ha? You act like you’re so jealous of him.”

“I am just trying to save Mom and Dad. We don’t know where he came from! What his motives are. Ilang linggo pa siya rito, tingin mo kilala mo na siya agad? Plus-“

“You are not making sense. This is all just because you’re jealous!” paratang niya.

“Totoo naman ang sinasabi ko, Ate-“

“Kung nagseselos ka dahil puno ng puri ang mga magulang natin sa kanya, sana nag-aral ka ng mabuti. Sana hindi mo inuna iyang mga modeling at pag-aartista mo! Hindi iyong naninira ka ng tao!”

Anger boiled within me. I can’t believe that my sister, who’s supposed to realize what I think, couldn’t understand.

“Bakit, Ate? Do you know how it feels to be hated by our own parents?”

“What the hell are you talking about?” gulantang niyang tanong na parang guni-guni ko lang ang lahat ng ito.

“Do you know what it’s like to see that they are both proud with you and Ate Reanne, not with me? Nararamdaman mo ba iyon?”

Hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko. The strong facade I tried to plaster on my face isn’t effective.

“My God! Iyan lang ba ang problema mo?”

Lang.

Natigil ang mga luha ko. I can’t cry in disbelief.

Ganoon ba ako kababaw para problemahin iyon?

“Isipin mong mabuti, Eury! We are lucky that we’re born like this. We’re lucky that we can eat three times a day. Lucky that we have our own house or a car to take us to our schools! Ang iba riyan, Eury, walang makain. Walang mga magulang. Walang bahay. Walang wala. Kaya iyan lang, problema na para sa’yo?”

Maybe it is too much to ask. Maybe, Ate Lyanna is right. I should be happy with what I have. I should be grateful with everything. At least, hindi ako gaya ng iba. At least, nakakakain naman ako ng tama araw-araw.

Maybe, I should learn to appreciate what I have. Not think about what I don’t.

“That’s an eighty! Congrats, Eury!” si Amer nang ibinigay sa amin ang aming mga marka para sa Calculus.

Nangiti ako habang niyugyog ng kaibigan. Ilang saglit kong tinitigan ang aking mga marka habang nakangiti at niyakap agad siya.

Sabay kaming tumalon. Tiningnan ko ulit ang aking marka. He pointed at the bulletin board.

“May titingnan lang ako, ha? Dito ka muna,” he said.

Tumango ako at nanatili ang mga mata sa aking nakuhang marka.

Nakihalo si Amer doon sa mga estudyanteng dinumog ang bulletin board. Naroon kasi ang listahan ng mga may pinakamataas na marka sa Calculus. I don’t have to look just to see if I’m there. Wala ako roon. I’ve never been included in that.

“Hi!” bati ng isang lalaki.

Binaba ko ang aking marka at binalingan na ang lalaking palapit. A short man in his late twenties came. Naka shades at polo shirt siya. He smiled. Naglahad agad siya ng kamay nang may tamang distansya na kami.

“I’m Dante. I work at CMA. Alam mo ba iyon?”

Kumunot ang noo ko. “Sorry, hindi po.”

“That’s the modeling agency where Eissen Philips, Joyce Arevalo, and Lav Roque came from. Pwede mong isearch sa internet.”

Binigay niya agad sa akin ang kanyang calling card.

“I’m a talent scout. Bawat school, hinihingan ko ng mga listahan ng may potential. Since, you’re on the top list, I am offering you this opportunity.”

Namilog ang mga mata ko. This is a big company, then? Kung dito galing ang mga nasabi niyang pangalan!

“We have a go-see schedule. If you’re wondering why we’re reaching out to schools, madalas kasi ng mga magaganda at magagaling talaga, hindi masyadong interesado maghanap ng agency. Iyong masipag maghanap ay iyong nangangailangan talaga at medyo tagilid pa,” he laughed at that.

Ngumuso ako at muling tiningnan ang calling card. Naroon ang go-see schedules. Nasa isang residential building ito sa Mandaluyong.

“Ngayon, kung gusto mong sumali. You can contact us. Pwede ka ring pumunta sa mga go-see namin. May offer ka na ba?”

“May magazine shoot po ako sa sunod na linggo,” I said.

“Which magazine?”

“Candy po.”

“That’s great! But I’m sure that won’t do you much. An agency is what you should have. Kahit tanungin mo pa ang mga batikang modelo. Lahat dumaan sa mga agency.”

Tumango ako. Alam ko iyon. Hindi lang sumagi sa isip ko dahil wala naman akong alam na agency.

“Well, then. I won’t be long,” ngumiti ito at naglahad muli ng kamay.

Tinanggap ko ito at nginitian siya pabalik.

“Thank you. I’ll think about it…” sabi ko kahit na lumilipad na ang isipan sa unlimited possibilities na maaaring gawin sa akin nito.

Nagmamadali ako pauwi sa bahay sa araw na iyon. Excited sa natanggap na marka at medyo proud sa sarili.

“Nandyan na po ba si Daddy?” tanong ko sa kasambahay na nasa sala.

“Oo, Eury. Nasa opisina…” sagot nito.

Hindi ako dumiretso sa library, kung nasaan ang tutor ko. Kailangan kay Daddy ako dumiretso para makita niya itong marka ko.

Dumagungdong ang puso ko nang palapit na sa pintuan ng opisina. Mabilis ang hininga nang pinihit ko ang door handle at binuksan iyon.

Isang malaking hininga ang hinigop ko at nangingiting labi nang sabay akong nilingon ni Daddy at ni Vincent.

Vincent is standing in front of Dad’s large office table. Daddy is on his swivel chair, looking at a silver colored laptop.

“Eury, ano ‘yon?” tanong ni Daddy.

Napatingin ako kay Vincent. His eyes were as cold as eyes, and his lips pursed in a hard line. Sinundan niya ako ng tingin habang hinihingal na nilapitan ang lamesa ni Daddy.

“Dad, look at my grade in Calculus!” sabi ko sabay pakita.

Ang titig ni Vincent sa akin ay mariin. Sa gilid ng aking mga mata, ramdam na ramdam ko ang panunuot ng kanyang tiitg. But I didn’t mind that. I don’t give a damn about him.

“Eighty? Huh!”

Dad’s shoulders jumped a bit. Humilig siya sa kanyang swivel chair at nakangisi akong tiningnan. I smiled back at him. He’s finally happy with my grade!

I realized that I should be happy with whatever affection my parents can give me. I should settle for it. Dahil hindi lahat ng tao’y kasing swerte ang estado ng buhay.

“You’re proud of that?” he asked.

Ang malapad kong ngiti ay unti-unting bumaba at naging hilaw.

“Eury, you’re seriously proud of a grade that’s… eighty?” seryosong tanong ni Daddy.

Suminghap ako at unti-unting kinuha ang papel kung nasaan ang marka ko. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung bakit. Binaba ko ito sa aking palda at muling tiningnan si Daddy.

Umiiling siya at nakangiti. He’s full of disappointment and ridicule.

“I thought it’s a ninety-five, hija. You’re so happy that I thought you finally reached even ninety-five. Eighty lang pala. Aim highed. That’s ridiculously low. I can’t believe you are already proud of that…”

Uminit ang pisngi ko. Ramdam ko ang titig ng pangatlong tao sa akin sa silid na ito.

“Architect,-” I cut him off immediately.

What is that? Pity?

“But my previous grade is seventy-five, Dad! Limang puntos po ang itinaas ko? I should be happy, right? That should make me happy, right? Because I improved!”

“Tama, hija.” Dad nodded dramatically. “Bakit nga ba ako mag-eexpect ng mas mataas pa riyan? Sige na, go to the library and listen to your tutor. Vincent and I are busy with this project here…”

Marami pa sanang sasabihin si Daddy pero tinalikuran ko na siya sa kahihiyan at sa nagbabadyang tutulong luha.

Maybe I have cried about this for so many times. Na hindi na iba ito. Na kaya ko na itong harapin. Diretso ang lakad ko patungo sa library. Punishing myself for being so dumb. For being so weak in academics. For being too interested with the arts and vanity. For thinking that beauty is my only talent. No! There is no talent. There is only hardwork. And with hardwork, I can be good at anything!

Walang bakas ng luha pagkapasok ko sa library. Binati ako ng aking tutor na medyo mas seryoso ngayon.

“Medyo natagalan ka na naman. Practice?” she asked.

“Yup and I went to Dad’s office. What’s for today?” I asked settling in my usual chair.

Muntikan na akong mapatalon nang may nakitang ibang anyo sa lamesa kung nasaan madalas si Vincent. A woman in her early twenties, with long and straight hair, is sitting on Vincent’s chair. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti ito. Her lips that’s obviously smeared with red lipstick shined.

Napahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. She’s fair and tall. Almost as tall as my sisters and almost as slender as them. Naka corporate attire. Dark pencil cut skirt, red undershirt, and dark coat. Sa harap niya’y may isang kulay itim at malaking laptop na “Acer”.

“Good afternoon! You must be Eury?” she asked.

“Uh, yeah,” sabi ko.

“Eury, si Vanessa, girlfriend ni Vincent. She’s also an architect,” si Miss Almacen sa isang seryosong boses.

Vanessa smiled at me sweetly. Marahan akong tumango, ilang sandaling natigilan bago bumaling kay Miss Almacen. My tutor blocked my vision. Hindi ako nakapagpatuloy sa paninitig sa girlfriend ni Vincent!

“Where’s you Calculus homework? Kailangan na nating mag double time, Eury. Malapit na ang quarter exam ninyo!”

Hindi agad ako nakabawi. Medyo naghang pa ang utak sa nakitang girlfriend ni Vincent.

“Eurydyce! Are you listening?” medyo mas istrikta pa si Miss Almacen ngayon.

“O-Opo…”

Binuklat ko agad ang aking notebook at nilapag sa aking lamesa. Dumating na ang aming kasambahay na madalas magdala ng pagkain para sa amin ni Miss Almacen. But then I’m too preoccupied with something that I can’t get myself to listen to Miss Almacen’s discussion.

Kahit na tinabunan na ni Miss Almacen ng whiteboard ang vision ko sa girlfriend ni Vincent ay nagawa ko paring sumilip. I caught her reading a book.

Napakurap-kurap ako at binalik muli ang atensyon sa whiteboard. Bumukas muli ang pintuan, hindi ko kita ang pumasok pero nang narinig ko ang boses ni Vanessa ay alam ko na agad.

“Kumusta? Tinanggap ba ni Architect?” she asked.

Muli akong sumilip. Hinampas ni Miss Almacen ang desk ko dahilan kung bakit binalik ko rin agad ang mata ko sa whiteboard. Kanina’y nakita kong tumayo si Vanessa at nangingiting sinalubong si Vincent.

“Oo. Salamat sa laptop.”

“Sabi ko naman sa’yo na pwede kang manghiram ng laptop ko kung nahihirapan ka,” anito.

“Kaya ko naman kasing wala,” Vincent said with amusement.

“Yabang mo talaga!”

Bumukas muli ang pintuan. Abala na naman si Miss Almacen sa pagsusulat ng kung ano sa whiteboard kaya nagkaroon ako ng chance na sumilip muli. Nakita ko si Ate Lyanna na dumating. She’s all smiles to the both of them. Made me a bit uncomfortable and irritable than usual.

“Nagpahanda ako ng meryenda ninyo, huh? ‘Tsaka dito na rin kayo magdinner. We eat our dinner at around seven o’clock, kapag narito na si Mommy. Kaya if you’re used to eating earlier, I suggest you eat the snacks first,” si Ate Lyanna.

“Eury,” si Miss Almacen na ngayon ay tunog disappointed na sa kawalang gana ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Now, she looks more stressed than me. Naupo siya, tila sawa na sa pagsaway sa akin.

“Sige! Sanay din akong alas sais pa lang nagdidinner na,” si Vanessa.

“Kaya nga. Pati si Vincent, ‘di ba? So inexpect ko na ganoon din ang nakasanayan mo. Don’t worry, our maids will serve snacks,” si Ate Lyanna.

Tumawa si Vincent. “Hindi ka na dapat nag-abala pa, Lyanna.”

“That’s okay, Vince. Nakakahiya naman. First time ito ni Vanessa rito.”

Miss Almacen’s voice made me snap out of my blank reverie.

“Break muna, Eury. I know you’re bothered with the noise. Why don’t you change your clothes first? Balik ka rito pagkatapos para mas makapag focus ka na.”

Tumango ako at kinuha na ang bag. Tumayo at muling binalingan ang ngayong tahimik nang grupo ng tatlo. Ate Lyanna seems very fond of Vanessa. Nakita ko pang nakatingin sila sa laptop nito habang nakangiti.

“Wow, that looks so nice! You’re into interiors, too?”

Diretso akong naglakad patungo sa pintuan at lumabas na. Pagkasarado ko ng pinto ay nadatnan ko ang pakanta-kanta naming kasambahay. May dalang tray kung nasaan ang hinandang mga waffles at juice para sa mga panauhin.

The dark matter inside of me awakened. I smirked for a split second before holding the end of the tray.

“Manang, kina Vincent at sa kanyang girlfriend po ba ito?” tanong ko.

“Oo, Miss Eury. Bakit po?”

I smiled at her sweetly.

“Ako na po. Ibibigay ko po ito sa kanila pagkapasok.”

Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan ng isa sa mas bata naming kasambahay. Ngunit sa huli ay napapayag ko rin. Tumango siya at binitiwan ang tray. The weight of it is all on me now.

“Sige na po. Ako na ang bahala…”

Tumango siya at umalis na rin. Hinintay kong tuluyan siyang makaalis bago nagmamadaling bumaba. Dala pa ang bag sa kabilang balikat.

Diretso ang lakad ko palabas. Sa labas ay kulay kahel na ang langit. Nagsusumigaw ng papalubog na araw.

I opened our gates. The guard looked at me. I smiled at him.

“Manong, para sa asong kalye po!” I said and then quickly went to the bushes.

Nilapag ko ang tray sa gutter. I squatted and started calling the dogs.

Ilang sandali ang lumipas ay wala pang mga aso. Nakapangalumbaba ako habang tinitingnan ang nilalangaw nang mga waffle sa aking tabi.

“Ma’am, baka po pagalitan ka ni Architect pag nanatili ka riyan sa labas,” si Manong guard nang nakitang kanina pa ako roon.

Saktong nakita ko iyong mga asong tinutukoy ko. Agad kong kinuha ang mga platito ng waffle at inilahad sa kanila. Isang kagat at dinala na nila ang pagkain palayo. Pati din iyong isa.

Nilapag kong muli ang platito sa tray at nagmamadali nang pumasok sa loob. Ngumiti ako kay Manong at nilagpasan na siya.

I went to the kitchen to put the tray back when I heard the clinking of the pitcher on our ref. Narinig ko rin ang pagpapaliwanag ng isa pang kasambahay.

“Pero ibinigay ko talaga kay Gelai iyong para sa inyo ni Miss Vanessa, Vincent,” si Aling Rosa sa isang nag-aalalang tinig.

“Ayos lang po, Aling Rosa. Kukuha lang po ako ng tubig para makainom kami. Hindi naman po ako gutom.”

Sinarado ni Vincent ang pintuan ng ref bago ko pa nailagay sa nook ang tray. Natigil si Aling Rosa sa pagsasalita nang nakita akong ganoon ang ayos. Vincent’s eyes bore into the tray I’m holding.

“E-Eury? Pagkain ninyo ba iyan ni Miss Almacen?” tanong ni Aling Rosa.

Mataman kong tiningnan si Vincent. His annoyance is dripping even when he’s trying to act casual and unaffected. He laughed a bit and then he started pouring water in the glass.

“Ayos lang, Aling Rosa,” ulit ni Vincent.

“Magbibihis lang po ako,” sabi ko at nagmamadali nang bumalik sa kwarto.

Humilata ako sa aking kama at hinilamos ang kamay sa aking mukha habang iniisip muli ang huling ginawa. I know he realized what I did. At dapat wala akong pakealam doon! Holy crap, Eury!

Ugh!

Sana kainin na lang ako ng lupa ngayon! Well, if it’s any consolation, siya lang naman ang may alam. At ‘tsaka lang mapagtatanto ni Aling Rosa ang ginawa ko kung iisipin niyang mabuti iyon! That’s it!

Lumabas ako ng kwarto at bumalik na sa library. Arogante kong hinawi ang buhok ko at binalingan ang corner kung nasaan kanina nakaupo ang girlfriend ni Vincent. Nagulat ako na wala na roon.

“Tagal mo namang makabalik!” si Miss Almacen.

“Sorry po. Naligo pa kasi ako,” paliwanag ko at muling binalingan ang corner.

“Well, that’s fine. At least now, it’s not as noisy. Let’s continue?”

Tumango ako at medyo kumunot ang noo. I started solving her problems on the board. Pagkatapos ng tatlumpong minuto ay tinawag niya na ang pagtatapos ng aming session.

Ginapangan agad ako ng kaba nang napagtantong dinner na. Sabi ni Ate Lyanna, invited si Vincent at si Vanessa sa aming dinner! Pwede kayang ‘di na ako bumaba?

Kakaisip ko lang noon nang inakyat ako ni Aling Rosa sa library upang tawagin para sa hapunan. The look on her face told me that she’s realized what I did.

“Tawag ka. Ng Daddy mo…” aniya sa medyo mariing boses.

Tumango ako. “Opo, Aling Rosa. Bababa na po ako…” marahan kong sinabi at sumunod na sa matanda.

The first time I heard the lot laugh, I rolled my eyes secretly. Parang kulog ang tawa ni Daddy sa kwento ni Vanessa at ni Vincent.

“So she’s a Cum Laude, too! That explains the brilliance!” si Daddy.

Nakita ko ang pagbaling ng mga mata ni Vincent sa akin nang dumating ako at naupo sa aking upuan. Just like that, I can sit here and pretend that I’m a ghost. Pero sa totoo lang, mas gusto kong parang hangin na lang ako. Dahil sa oras na mapansin ako, alam ko na ang mangyayari.

“Lyanna here is also a candidate for Magna Cum Laude! Reanne is a Summa, for sure!” si Daddy.

“Whoa! Pamilya pala ito ng mga genius!” Vanessa noted.

Not. Obviously. Are you dumb? Oh yeah, I’m invisible. Ghost.

“Well, Eury is trying her best to keep up with us,” si Ate Reanne.

At least she noticed me. Nag-angat ako ng tingin sa girlfriend ni Vincent. Nakita kong napatingin siya sa akin. I smiled fakely at her. Pinuno ko ng pagkain ang bibig ko.

“Naku, hija. She’s interested with theater arts and modeling,” si Mommy.

“Oh! That’s great, Judge! Bagay po sa kanya dahil ang ganda po niya! If she’s lucky, she might have the chance to enter showbusiness!”

I did not react on that. Ngumiti lamang muli ako.

“Ang pangit naman kung puro ganda na lang. At isa pa, showbusiness is far from being a profession. That’s for the lazy.”

And it starts now… Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na lang sa pagkain.

“Kung sa bagay po. Most of the actresses now don’t have any talent. They cannot sing and dance. Ganda lang ang pinagmamayabang,” si Vanessa.

Napa angat ako ng tingin sa babae. She smiled at me awkwardly. Now, I don’t regret what I did with her snacks! Damn her!

Isang sipa ang natanggap ko sa ilalim ng mesa. Natigil ang paninitig ko sa girlfriend ni Vincent. Nakita kong tumaas ang kilay ni Ate Lyanna sa akin bago nagsalita.

“By the way, Vanessa, I’m so glad that you had the time to help Vincent out with their project,” si Ate Lyanna, nililihis ang usapan.

“I can always help him. He’s just too proud to ask. Mabuti na lang at tinawagan ako ni Tito Ephraim.”

Tumawa si Daddy. “I know he’d be too proud to ask for your help. Ni ayaw nga niyang tanggapin ang alok ko ng laptop kahit na kailangan niya at tama lang na bigyan ko siya noon.”

“Bibili na po ako ng bago, Architect. Siguro sa makalawa.”

“Sigurado na ‘yan?”

Nagtawanan sila. Nakisali pa ang dalawa kong kapatid sa tawanan. Ako lang yata ang hindi natawa.

Nahagip ni Daddy ang ekspresyon ko. Napawi ang ngiti niya at umiling agad.

“By the way, Tria, alam mo ba itong si Eury? Kanina’y nagmamadaling ipakita ang marka niya sa Calculus. Akala ko’y tumuntong na ng ninety. Hanggang eighty parin. Naku!” Daddy shook his head and laughed.

Natawa rin si Mommy, pati ang dalawa kong kapatid. I saw Vanessa’s faint smile.

Naestatwa ako at napangiti. Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang aking buhok.

“Reanne cried when she got an eighty nine for Calculus way back!” si Ate Lyanna.

“God, I hate that subject!” si Ate Reanne.

Nagtawanan ulit sila.

“Calculus!? That’s so easy!” si Vanessa.

Sumubo ako ng pagkain pero hanggang bibig lang iyon. Hindi ko na malunok.

“It is but I hate my teacher. Hindi nagtuturo pero ang daming quizzes!” si Ate Reanne.

“I can teach you that, Eury. Kung sana’y hindi lang ako laging busy sa trabaho!” Vanessa said in a concerned tone.

I smiled fakely.

“Ayos na si… Miss Almacen.”

“Well it only makes sense, Ephraim. Tumaas ang marka niya ng limang puntos,” si Mommy.

Pinipigilan na nilang mas matawa pa ngayon.

Binaba ko ang aking kubyertos at uminom na lamang ng tubig. Muli kong pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok.

Hinintay kong matapos ang lahat na kumain. Nang tumayo si Daddy ay tumayo na rin ako at umalis na roon.

Nagmamadali kong tinakbo ang hagdanan. Bawat hakbang ko’y bumubuhos ang mga luha na kanina ko pa itinatago at pinipilit na isiksik sa gilid ng aking mga mata.

I opened the library’s door to get all my remaining things. Gamit ang likod ng aking palapulsuhan ay pinunasan ko ang aking mga luha. But the tears came fast and without mercy. The pain literally attacked my heart without stopping. Muli kong pinunasan gamit ang aking mga daliri.

The door opened. Bago ako tumalikod at nagkunwaring nagliligpit ay nakita kong si Vincent ang umakyat.

“What are you up to again? No shredding this time,” he said in a serious tone.

Mabilis paring umagos ang luha ko. Hindi ko pinalis para hindi niya malamang umiiyak ako. Nagpatuloy lang ako sa pagliligpit ng gamit. Inisa-isa ang mga ballpen papasok sa bag.

Natahimik. Hindi na nasundan ang panunuya.

Ang mga luha sa aking pisngi ay naroon parin. Palihim ko itong pinalis bago nagpatuloy sa pagliligpit.

“Sinabi ko kay Architect na bata ka pa at maaaring hindi mo pa alam kung ano ang gusto mong gawin. Your parents are uptight and proud-“

Isang beses kong marahas na pinalis ang aking mga luha. Binalingan siya at pinutol ang sinabi.

“Wala kang pakealam doon!”

I saw the shock in his eyes. Nagulat din ako dahil medyo malapit na pala siya sa akin.

“Don’t act as if you care. You obviously don’t!”

Kitang kita ko agad ang iritasyon sa kanyang mga mata. “Look, I clearly didn’t tell your parents that you shredded my works. Pati ang ginawa mo kanina, hindi ko sinabi sa kanila. If that isn’t caring for you-“

“E ‘di sabihin mo!? Sino ba kasing nagsabi sa’yo na ilihim mo ‘yon!? Magsumbong ka!” sigaw ko.

Pumikit siya ng mariin. Tila unti-unting nauubusan ng pasensya sa akin.

Lahat naman yata nauubusan ng pasensya.

“I’m trying my best to understand you. Ang hirap mong-“

The tears pooled in my eyes. My anger and hatred for him… for everyone… for everything deepened.

Bakit pa ako narito?

Inisip ko muli ang kapirasong wisdom na sinabi ni Ate Lyanna sa akin kanina. Na okay lang. Na walang wala itong sakit na dinaranas ko sa ibang walang makain. Na kailangan, maging masaya ako kahit na ganito ang nangyayari. That my pain is irrelevant compared to others. That my pain is nothing compared to the pain of other people.

“Oo! Mahirap akong pakisamahan! Lahat naman nahihirapan sa akin kaya h’wag ka nang sumubok! Hindi ko kailangan niyan!”

Mabilis akong naglakad pero dalawang hakbang ay hinarangan niya ako. Matalim ko siyang tiningala. He towered over me. His scent annihilating my thoughts. His eyes seeing through me like I’m nothing but a feather in this universe. He cocked his head to one side, tila naghahamon sa gagawin ko.

Tinulak ko siya ng buong lakas at agad na akong tumakbo sa pintuan para makaalis na roon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading