Blown by the Wind – Kabanata 3

Kabanata 3

Insult

The unclosed issue between us will probably forever stay that way. Kahit ano pang paliwanag at pagtanggap ko sa lahat ng aking kamalian. And here I thought that an emergency couldn’t possibly bring back what happened years ago. An emergency I so want to keep a secret just to forget the past’s almost the same premise.

Nakita kong nagkatinginan ang dalawang nasa harap ko, tila hindi alam kung ano ang nasabi ni Wanda. Rod sighed and sipped on his water.

“Are you that sister?” tanong niya sa akin, nagpabasag sa katahimikan.

There’s no need to say it out loud. Without answering, I know he’d conclude right away.

“Anong kwento, Rod?” tanong ng isa pang lalaki.

The man only shrugged the question off. Kahit na ang mga kasamahan niya’y kuryoso na sa lahat.

I sighed. Nanatiling tahimik sa buong hapagkainan hanggang sa nagpasya akong humingi ng paumanhin kay Wanda. I am so insensitive. I did not even think about their feelings and my effect on them.

Hinanap ko sa buong bahay ang matanda. Nakita ko itong kausap si Vincent sa labas ng bahay, ‘di kalayuan. Sa distansya’y hindi maririnig ang pinag-uusapan. But the way the old woman speaks to Vincent, I sensed her deep-rooted anger. Likod man ang nakikita ko sa lalaki, alam ko ring mataman itong nakikinig sa matanda.

“I’m sorry for what happened, Eury,” si Cassanda na dahilan ng pag-ikot ko.

“I understand,” agap ko dahil iyon ang totoo. “I may be too insensitive. Nanghihingi ako ng tulong sa mga taong naagrabyado ko noon. I’m sorry, too.”

“I’m sure Vincent means well to his offer. After all, he’s owed your family the things he has now.”

Umiling ako, bilang pagsang-ayon sa nauna niyang sinabi at pagprotesta sa naging tono niya. I do not doubt his offer. I do not doubt his motive. As I did not doubt him before. Kung ano mang nangyari noon, ako ang nagkamali at sa akin ang lahat ng sisi.

Siguro nga ay isang malaking kamalian ito. To even fall here is already a big mistake. To ask and receive help is even a bigger mistake.

“I do not doubt his offer, Cassandra.” Natahimik ako roon, ayaw nang pahabain pa ang pag-uusap.

I owe them my explanation. I owe Vincent that, too. But I am afraid that it is too late… or it is not the right time to do that.

The amount of problems I have right now is probably Karma’s gift to me. A blast for every little thing I’ve done for my own satisfaction years ago.

Dalawa ang pagpipilian ko ngayon. I can just walk away and accept defeat from all of these. Anyway, no one will believe me and their opinion of me won’t change. Another is to face this head on, and make up for all the wrong things I did.

Kung tutuusin, mas magandang option ang nauna. With my problems right now, I am positive that I should just take it one at a time.

“Pasensya ka na talaga kay Wanda. She’s just… worried for my brother,” sabi ni Cassandra. “After all, it took her years to finally find us.”

My eyes widened at that shocking information. First, she’s Vincent’s sister. Second, Vincent has relatives!

Hindi ko alam iyon. I can still remember the first time we met and my father clearly said that he’s an orphan! And he has no relatives!

“Y-You’re his sister?” nagtataka kong binanggit.

Hindi siya sumagot sa tanong na iyon. Nanatili ang mga mata sa labas ng bintana kung saan nag-uusap si Vincent at ang matanda. “The men are his colleagues. They are here for a project in Caticlan. Pati siya. They’ll leave when the project is done. Ako at si Milo na lang ang maiiwan dito. Si Wanda ay ang aming tiyahin na nakatira, hindi rin kalayuan dito.”

Napakurapkurap ako sa sinabi ni Cassandra. I didn’t know he really has relatives. Blood relatives! Not that I was ever interested! But then kahit noon pa man, alam kong wala na talaga siyang kamag-anak. The reason why it was so easy…

“Siguro ay nagtataka ka,” sabay lipat ng mga mata niya sa akin ngayon. “I was born and raised in Iloilo by a friend of our Momma. Vincent was raised in the provinces of Luzon, by our another mother’s friend as well. Mas nauna akong nahanap ng aming tiyahin. We found Vincent later, after he left Manila for… I think you know what.”

Tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ngayong nalaman ito.

I don’t get how she’s even nice to me when she knows what kind of girl I am. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang kabaitang ito. Kahit na sabihin pang pinagsisisihan ko ang lahat. Kahit pa sabihing nakarma na ako sa lahat.

“Totoong maaaring dito ka muna mamalagi habang hinihintay mong dumating ang mga gamit mo. Kapag naman wala sina Vincent dito, pinapaupahan ko rin naman ang ibang kwarto. That’s probably what he meant with his offer.” Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.

Her eyes dimmed. I sensed her defenses immediately and I don’t hate her for that. We are all products of our experiences. Apparently, she’s heard what kind of experiences I can give.

“Gusto ko lang malaman, I hope you take no offense… Sinadya mo ba ang pagpapaanod dito?”

Gusto kong matawa at magmakaawa na sana ay ganoon nga. Ayaw kong masaktan dahil alam ko rin namang gawa ko ang lahat ng ito. I am the author of other people’s prejudices. I shouldn’t be offended!

Napakurap-kurap ako. Kinagat ang pang-ibabang labi at umiling. Sa katotohanan at kalahating kasinungalingan.

“Inanod ako rito pagkatapos ng shoot. I don’t have any idea where Vincent is this whole time until I saw him here.”

“I’m sorry,” aniya pagkatapos marinig iyon.

Umihip ang hangin galing sa labas. Nakita kong nilapitan ng isa sa mga kasamahan ni Vincent ang dalawang nag-uusap sa labas.

The old woman nodded and was escorted by Bodi back to the house. Huminga ako ng malalim. Nilingon ni Vincent ang bintana sa aming banda at agad nahanap ang aking mga mata.

Napalunok ako. Nakita kong naglakad na siya pabalik na rin ng bahay. Binalingan ko si Cassandra ngayon na nanatiling seryoso.

“Kakausapin ko si Wanda. Mag-usap kayo ni Vincent.”

I nodded and then turned to the large opening, kung saan paniguradong papasok si Vincent. The white see through curtains on the sides flew because of the sea breeze. Niluwa noon ang anyo ni Vincent, stiff and formal.

“Mag usap tayo sa library,” aniya at nagpatuloy na patungo sa malaking hagdanan na tingin ko’y gawa sa Molave o Narra. Kahit ang mga barandilya ay nagsisigaw ng karangyaan sa iba’t-iba nitong ukit ng bulaklak at baging.

Pumasok siya sa sunod na pintuan ng kwartong pinagdalhan niya kanina. Bumungad sa akin ang isang silid na puno ng mga aklat ang mga dingding. Isang mabulaklak na antigong chandelier ang nasa itaas at ang maliliit na parisukat ng sliding door nito patungo sa malaking veranda ay gawa pa sa kabibe. Natitiyak kong antigo iyon dahil ipinagbabawal na iyon ngayon.

Isang malaking lamesa ang nasa harap na nilapitan niya. Slightly keeping my uneasiness to myself. I’m not used to seeing him like this. This is just so different. So different from the image I remember of him.

Hindi siya naupo sa swivel chair na naroon. Imbes ay nanatili siyang nakatayo, leaning backwards to the large and hardwood table. May sofa man sa likod ko’y hindi rin ako naupo. The tension within me is building up and I can’t just sit down while we talk. Definitely not.

Huminga ako ng malalim at naunang magsalita dahil nanatili siyang nakapamulsa habang pinagmamasdan ako.

“If only there’s a way I could get my P.A. here immediately, I would,” panimula ko.

I saw his ebony brow shot a bit. Finding my first sentence a bit ridiculous. Tiniis ko ang katiting na insultong naramdaman doon.

“I can also borrow money from you, pay it once I’m in Manila but I have to stay and wait for my Manager’s orders,” mataman kong sinabi.

Swallowing my pride, alam kong masyadong makapal ang mukha ko para hingin pa sa kanya ito. Na pagkatapos ng lahat ng nagawa ko, nagagawa ko paring humingi ng pabor,

“I can…”

Pinasadahan ko ng tingin ang buong library. This is not even a bad place to sleep. May sofa naman dito at hindi naman siguro ako aabot ng dalawang araw.

“I can crash here…” sabay tango ko at baling muli sa kanya.

I saw his lips twitch at my favor. Tumuwid siya sa pagkakatayo at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

“It won’t take long, for sure,” paliwanag ko. “Isa pa, I can only contact my manager through your phone so I will need to wait until she contacts me again.”

His dark and mysterious eyes were locked on me. Ni hindi ko sigurado kung nakikinig ba siya o naninitig lamang.

His darkly handsome features had always been an eyesore to me. With that flawlessly cropped black hair, sleek dark eyes, luscious lips, I hated him to bits. So much.

Iyan ang una kong nakita noon. I am not normally a mean person but there was just nothing I can do about it now.

“Lyanna, Reanne, Eury, this is Vincent, my intern,” father said in a happy tone.

Sa harap naming tatlo, nilalahad ni Daddy ang isang lalaking hindi man kasing tanda, siguro mas matanda ng kaonti sa aming eldes na si Ate Lyanna.

He looked at my two sisters first. Ang dalawa na magkasing tangkad at parehong pormal. They both held out their hand as a welcome to the guest.

“Treat him as your brother. From now on, he’ll be assisting me with my work. May mga araw na rito ko siya ipapatira. Isa siyang magaling at nagsisimulang arkitekto. With no siblings and relatives unlike you three…”

Kinain ng dilim ang boses ni Daddy para sa akin.

Ilang beses kong narinig sa mga kasambahay, mga kamag-anak, at sa mga magulang ko, na ako ang huling tsansa nila para magkaanak ng lalaki. When they found out that I’m a girl, they both got disappointed.

Hindi pa ako pinapanganak, disappointed na sila sa akin.

Nagpatuloy ang pagdadalang tao hanggang sa ipinanganak ako. To their horror, hindi na nga ako lalaki, hindi pa makasungkit ng magandang marka sa eskwelahan. I was bothered with so many private tutor at home, unlike my sisters who can study on their own.

Ngunit ano mang pilit ko, mas gusto ko ang maglaro ng mga barbie doll. I like my dolls. I sing to them every night. I like my doll houses and I always imagine living in one.

Kaya hindi ko maitsura ang pagguho ng mundo ko nang nakilala ko si Vincent.

“If only he’s younger, we could’ve adopted him!” si Mommy sa isang excited na tono.

Pagkatapos kamayan ni Vincent ang dalawa kong kapatid ay naglahad siya ng kamay sa akin. The man with the golden brown complexion, ruthlessly jet black hair, strong jaw, and disturbingly handsome held out his hand for me.

Bumaba ang mga mata ko sa kanyang malaking kamay. His long and firm fingers trying to reach out to me… like an insult.

Buong buhay ko, ginawa ko ang lahat para lang mapansin ako! I tried to study hard but I never excelled. I tried to sing and dance, where I think I’m good at, they never appreciated it. I tried everything but they never gave a fuck. Ngayon, uuwi sila rito, may dalang pangarap nilang anak? Pamalit sa akin? Dahil hindi ako naging lalaki? At hindi naging magaling?

“Eury!” sigaw ni Dad nang nakitang hindi ko tinatanggap ang kamay ni Vincent.

“Ay naku! Pasensya ka na, Vince. She’s just always like that. She’s moody…” Mom said.

I snapped out of my anger and held out my hand. Umawang ang bibig ko, pinakawalan ang kanina pang pinipigilang sakit.

I firmly shook his hand just for show. To show them that he’s welcome for me. To not give away the anger that’s now seeping within me.

“Oh, tara na sa loob ng bahay?” si Mommy sabay giya sa bagong dating papasok sa bahay.

Dad shot me a warning glare before entering the house. Sumunod si Lyanna sa kanila at bago naglakad sy Reanne ay nilingon ako.

“You have a problem?” she asked, still smiling from the meeting.

Umiling ako at pilit na ngumiti.

“Tagal ko nang gustong magkaroon ng kapatid na lalaki! Ikaw? Ayaw mo?”

Tumango ako bilang pagsang-ayon na gusto ko rin. Kahit ang totoo, hindi.

Tahimik ako sa hapag sa gabing iyon. Mas matanda ng isa o dalawang taon si Vincent sa panganay naming si Ate Lyanna na ngayon ay malapit na sa katapusan sa kanyang kurso. Kaya naman mas nagkasundo sila, unang gabi pa lang ng lalaki sa bahay.

I was silent the whole time while I’m listening to them. Wanting to butt in but I never had the chance.

“I will let you see his works, Lyanna. He’s so good, anak! Unique ang mga disenyo niya kaya naman agad kong kinuha bilang intern.”

“Maraming salamat po sa papuri, Architect,” ang lalaki nahihimigan ko ng ngiti.

Nanatili ng mga mata ko sa pagkain. Tinutusok ito at walang ganang sumubo.

“I offered him to stay here for free since we have a lot of guests room, pero tumanggi pa! He’s living alone in a small apartment in Mandaluyong. But since I have an urgent project, I’m offering him to stay here!”Father exclaimed.

“Where did you study architecture, Vincent?” Ate Lyanna asked.

Nagpatuloy ang mga palitan ng mga tanong at sagot nilang lahat. My mother and father seems so pleased with the outsider.

“These are his works, hija…” si Daddy sabay pakita sa isang iPad na pinagkaguluhan nila.

Nag-angat ako ng tingin sa lalaki na nangingiti habang pinagmamasdan ang pamilya kong pinupuri ang kanyang mga gawa. Anger dripped in me. Hate spread in my system like spilled water. Lumipat ang mata ng lalaki sa akin dahilan kung bakit binaba ko ang tingin kong muli sa aking pinggan.

“Wow! Ang galing!” si Ate Lyanna.

“Patingin. Patingin?” usyoso ni Ate Reanne.

Naputol ang litid ko sa naririnig na papuri para sa lalaki. Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig bago maligayang bumaling kay Daddy.

“Dad, I was offered by a friend to model for a teenage magazine. Alam n’yo ba iyong Candy Magazine?” tanong ko.

Bahagyang kumunot ang noo ni Daddy at nanatili ang ngiti para sa mga kapatid kong pinagkakaguluhan ang iPad.

Vincent’s eyes went to me, a bit attentive. While my Daddy is busy watching my sisters. Nilingon ko si Mommy para makahanap ng tagapakinig.

“You think it’s wise to consider that, Mom?” I asked sweetly.

Napawi ang ngiti ni Mommy galing sa dalawa kong kapatid. Ngayon, bumaling sa akin at nagseryoso.

“A what? Magazine?”

“Yes!” Pleased that she’s finally heard me.

“It’s a teen magazine. ‘Yong uso na binibili ko minsan? Amer’s mother knows the editor in chief! She sent my pictures at nagustuhan noong Editor in-“

“There’s no future in that pursuit, Eury. Alam mo ba iyon?” Mommy cut me off.

Natahimik ako roon. Flushed and coloured, bigla akong nahiya sa katahimikan. Mas lalo pang nahiya sa kaalamang ang aming panauhin ay nakikinig at nagmamasid sa akin.

“But it could be a big break for me! You know how much I like modeling and stuff-“

“Those who enter showbusiness are the people who celebrates only their vanity. To be successful in that kind of business is cheap, Eury. Why don’t you just concentrate with your tutorials nang lumaki naman ang grado mo sa Math.”

“Dad, Dad, this is so nice! Wow! I cannot believe that you just graduated, Vincent!” sabay pakita ni Ate Lyanna sa iPad kay Daddy. Completely erasing what I just said… sana pati ang insulto na nasabi ni Mommy sa akin.

I sighed, defeated.

Pinagmasdan kong muli ang piraso ng ulam sa aking pinggan. Pinaglaruan at pinanatili ang mga mata roon habang sila’y patuloy na namamangha sa gawa ng panauhin.

It’s funny, right? To be hurt that way and in the end feel so numb. Hindi ko alam kung tumatalab pa ba sa akin ang insulto o ano.

At grade 11, I still have a tutor. Kaya ko mang mag-isa, hindi iyon sapat para makuha ang gradong inaasam ng mga magulang ko.

In our study, that’s where we usually have our sessions after school.

“Eury naman. You arrived late because of your extra activities, hindi mo pa nagawa ang iniwan kong assignment sa’yo kagabi,” banayad na sinabi ni Miss Almacen nang nakita ang notebook ko.

“Pasensya na po, nagkaroon lang talaga kami ng practice sa dancetroupe. May presentation po kasi kami sa katapusan at hindi namin magawa ang practice ng alas kuatro dahil sa practice sa cheerdance,” paliwanag ko.

Ang pintuan sa aming study ay bumukas. Nakita ko si Vincent na pumasok, may dalang mga blueprint. Lumingon si Miss Almacen na ngumiti kaagad sa lalaking pumasok.

Wearing his usual simple V-neck t-shirt, and jeans that hugs his pelvis lowly, I can almost see the sparks between my tutor and my father’s intern. Umirap ako at umiling.

“Design ba ulit, Vincent?” tanong ni Miss Almacen sa isang mas banayad pang boses.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok at binaba na lamang ang tingin sa aking notebook. Naroon ang assignment na ‘di ko nagawa. Gagawin ko na lang ngayon.

“May aayusin lang, Miss. I hope I’m not interrupting anything between you and your tutee,” he said in an arrogant tone.

Nakita ko pa ang pagsulyap niya sa akin. With a knowing and a bit insulting smile, I hate that damn look. Para bang alam niyang hindi ako gusto ng mga magulang ko. Na alam niyang siya ang gusto ng mga ito. Na pwedeng pwede niya akong palitan kung gugustuhin niya.

I purposely crumpled a blank piece of paper just to express my anger. Bumaling si Miss Almacen sa akin.

Nakita ko ang paglapag ni Vincent ng blueprint sa ‘di kalayuang mesa. Ngayon ay may pagtataka na sa mga mata habang pinagmamasdan ako.

“Problem, Eury?” tanong ni Miss Almacen.

“Wala po. I’m going to do my assignment now.”

It took me an hour to finish my assignment. Sa loob ng isang oras, inabala naman ng tutor ko ang pasaglit na tawanan at kwentuhan sa kay Vincent na nagcoconcentrate sa ginagawa.

“I’m done, Miss Almacen!” sabi ko nang natapos.

Kalagitnaan ng tawa ng Tutor ko’y bumalik siya sa aking lamesa para tingnan ang aking mga sagot.

Unfortunately, three out of five problems were done wrong. I feel so frustrated. It took me an hour! Ibig sabihin, pinaghirapan ko na iyon! Sana pala hindi na lang ako nag-abala pang mag-isip ng isasagot kung mali din pala ang higit sa kalahati ano?

What is the purpose of Calculus in my existence, by the way? Why the hell do we even bother solving problems that are all abstract?

“Kita mo na! I’m gonna explain this to you right now, Eury. How you’re wrong with what you did in this three problems.”

Nagsisimula na si Miss Almacen. Hinigit niya ang moving whiteboard ng study para maiharap sa akin.

Nakikita ko ang pagsulyap-sulyap ni Vincent sa aming dalawa. Tinapunan ko rin siya ng tingin at nagpang-abot ang mga mata namin. Humalukipkip ako at tiningnang muli ang white board kung saan nagsusulat na si Miss Almacen.

She started explain how wrong I was. Started explaining actually to the whiteboard, not to me. Ni hindi niya alam na hinihila na ng antok ang aking mga talukap. Nawawalan na ng lakas ang aking mga kamay at nahuhulog na ang aking ulo.

“The summation of this, Eury, shouldn’t be solved this way. You also have forgotten that the greatest integer function is defined by…”

I jumped a bit. Nakatulog ako saglit at agad na binuka ang mata para makita ang blackboard. Nahagip ng tingin ko ang lalaki sa hilagangkanluran ko na imbes na mag concentrate sa ginagawa ay nakatitig sa akin ng seryoso.

His deep-set brooding eyes are directed on me like I’m a difficult problem he needed to solve. Tumuwid ako sa pagkakaupo. The awareness that he caught me that way made me cringe. Tumikhim ako at bahagyang inayos ang mukha.

Now my eyes are wide awake. Walang bakas ng antok dahil sa napansin. Muli kong binalingan ang banda niya at nakita kong nagseryoso na siya sa ginagawa, hindi na nakatingin sa akin.

Great! I was kicked awake because of that fucking stare.

“Nakikinig ka ba, Eury?” tanong ni Miss Almacen.

“Opo.”

Looking at his eyes now, I don’t know what’s the difference at all. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Finally found the courage to open up what happened before. It was my own selfish fault. At bukod sa problemang kinasasangkutan ko ngayon, gusto ko rin itama ang problema noon.

“Did you call your father?” he asked. Tila nanunuri ng kung ano.

“No, I didn’t. I am an adult now. My problems are mine. No need to contact my family. I can solve this on my own,” matapang kong sinabi.

Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakatingin sa akin tila nananantya. Maybe he wants to end this fast. He wants me to immediately go back to Manila because being staying in a place like this suffocates us both.

“I’m sorry for upsetting Wanda. I know her response is just natural. I’m sorry about what happened years ago. We both know that it was my fault.”

Nanatili siyang seryoso. Pinagmasdan kong mabuti, naghanap ng maaaring mas magandang reaksyon niya sa sinabi ko.

“Alam ko namang…” pinisil ko ang mga daliri ko. Tensyonado na. “Mali iyon pero iyon lang ang naisip ko-“

“You don’t really have to say sorry for something you’re not sorry about, Eury. I will still accommodate you in my house even without your apology.”

“I am, really, truly sorry, Vince. This is not because I need your help right now. Hindi naman siguro tayo pwedeng manatiling magkaroon ng sama ng loob sa isa’t-isa habang buhay-“

His brows furrowed like he’s heard a very annoying cry.

“You’ll be staying in my room, Eury. That’s all that we should talk about. The rest… keep it to yourself.”

“But, Vince, hindi man sinadya na magkita tayong muli rito, siguro’y pagkakataon na rin ang nagtulak sa akin na makita kang muli at mahingi ang-“

He pointed the door dismissing me immediately.

“I can always throw you out of here,” he said in a very strained voice.

Mabilis ang hininga ko. To the millions of insults I have received my entire life, I thought I would never get hurt with anything anymore. Akala ko ang pinakamasakit ay ang mga insultong natamo ko galing sa mga magulang ko.

But right now, to be dismissed after I’m truly asking for forgiveness, I realized that there is an even greater pain.

“O-Okay…” nanginig ang boses ko at dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan.

Binuksan ko agad ang pinto, bago pa lumandas ang luha sa aking pisngi. Pinalis agad ito bago maisarado muli. Before I closed the door, I saw him look at me with so much pain in his eyes. When our eyes met, he immediately looked away. And I… closed the door between us.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading