Against the Heart – Kabanata 1

Kabanata 1

Girlfriend

“Dapat hindi mo na ‘yon ginawa, anak…” wika ni Mommy.

Nagsorry si Daddy sa akin pagkauwi namin. He did not reprimand me or anything. He was sorry but I wonder quietly if he was sorry enough to stop it. He hugged me tight for a long time and then tucked me to bed after our dinner.

Ngayon, si Mommy ang bumisita para kausapin ako at sa kanilang dalawa, si Mommy pa talaga ang nagsabi ng ganito?

“Bakit hindi? That girl’s Mom is the reason why we are this way now, Mommy!”

Alam kong mabait si Mommy pero hindi ko matanggap na kaya niyang magparaya. Kaya niyang palagpasin ang lahat.

Parehong mayamang pamilya ang pamilya nina Mommy at Daddy. Parehong may pag-aaring malawak na asukarera at magkatabi pa. Mommy was her usual self way back her teenage years and Daddy was a playboy. Is a playboy.

Daddy fell in love with Mommy at sa huli, naging sila nga. Pero siguro, mahirap talikuran ang nakasanayan. Dad was a playboy and maybe playboys never really change.

“Pero hindi kasalanan ng bata, Chayo. Intindihin mo na lang.”

“Bakit ako ang iintindi? Bakit hindi siya? Bakit hindi niya intindihin na ayaw ko sa kanya dahil kabit ni Dad ang Mommy niya?”

Hindi nakasagot si Mommy. Nagpatuloy siya sa paghaplos sa buhok ko.

Kung manang-mana si Kuya Levi kay Daddy, sa pisikal na anyo. Manang-mana naman ako kay Mommy. Her pale skin is as creamy as mine. My slim body and face looked like hers. Even my long straight brown hair was from her. Ang maaamong mga mata, ilong na nababagay sa maliit at payat na mukha, thin and pink lips, and a small chin… lahat na. I was the young Rosario del Real. Walang pinagkaiba ang itsura naming dalawa kung titingnan ang mga dating larawan niya.

The only striking difference between us is the attitude. I was then proud to have inherited the del Real’s angst and drive. Proud that my attitude was from the great Luis del Real. Ngayon, hindi ko na alam.

“We have the same wallet, that ingrata!”

“Chayo!” saway ni Mommy.

“Si Dad ang nagbigay sa kanya noong wallet, Mommy. And I know that her mother doesn’t have work, right? Ginagatasan lang no’n si Daddy! They are poor and now they can afford because of the del Real money! The nerve of her! Hindi lang emosyon ang inaagaw sa atin-“

“Chayo, ang mga salita mo, ha! Hindi ko itinuro sa’yo ‘to!” pagbabanta ni Mommy pero sa kalmadong boses pa rin.

Umiwas ako ng tingin, punong-puno ng poot ang batang puso. Hindi na ako nagsalita pero napakarami ko pang gustong sabihin.

Sumugat iyon sa bata kong puso. Kahit pa siguro magdaan ang mga buwan at mawala ang usap-usapan sa bayan na kabit nga ni Daddy ang Mommy ng Ella na iyon, she will forever be my one and only mark of bitterness in that school.

Dalawang araw sa school na hindi ko nakikita si Ella. Hindi naman daw siya absent pero hindi siguro siya naggala sa mga lugar kung saan ako madalas. Dapat lang. Dapat noon niya pa ginagawa ‘yan. Dapat noon pa siya umiwas sa akin.

“Manonood ka ba ulit, Chayo?” nangingiting tanong ni Nan sa akin.

Huminga ako ng malalim.

“Wala akong choice. Hihintayin ko si Kuya Levi.”

Tuwing Friday ay may intra-school league sila Kuya Levi, bukod sa practice game nila sa piling mga araw. Gustong-gusto ng mga kaibigan kong sumamang manood sa akin. Nakakalapit kasi ako sa players at parehong may crush itong si Nan at June sa halos lahat ng year ng basketball team.

“Maglalaro si Edu, ‘di ba? Kaya siya maagang lumabas kanina?” si Nan.

“Oo. Si Julius din ng Grade 8! Ang guwapo no’n!” si June.

Maglalaro nga ang iilan sa mga kaibigan namin. Kanina pa yata nagsimula kaso ngayon lang ako nabagot sa cafeteria kaya ngayon lang tumulak para roon.

Tuwing Intra-school, hinahati-hati ang mga Senior High at nilalagay kasama ang mga lower grades na players. Paraan daw nila iyon para mas matutukan ang pagkakatuto ng lower years. Kuya Levi and his friends are all in their Grade twelve kaya hinati-hati sila at isinama sa mga lower level.

May mga times na panalo sina Kuya Levi. Mayroon ding hindi. In this case, when I saw the scores above, I realized that they are winning.

“Uy, fourth quarter at twenty ang lamang?” si June ang nagsatinig sa nakita ko.

Dumiretso kami sa bleachers sa likod lang ng team nina Kuya. Dahil huli kami at maraming nanonood, mayroon nang nakaupo sa madalas naming inuupuan. I let it pass and settled behind as my eyes swam on the court to find the color of my brothers jersey.

“Kaya naman pala… Magkasama si Kuya Levi at iyong Castanier sa iisang team,” sabi ni Nan.

Napahagilap ako sa ka team ni Kuya. Nakita ko ring kasama nila si Edu, at Julius. Then my eyes stopped on another Grade twelve on their team.

“Ang galing maglaro ng Castanier na ‘yan, ‘no?” si June.

“Oo. Kasing tangkad pa sila ni Kuya Levi. Close ba sila, Chayo?”

Nagkibit lang ako ng balikat.

Ang totoo, madalas kong makitang kasama ng grupo nina Kuya iyang grupo rin ng tinutukoy nila. Nga lang, ligwak kapag social gatherings. Just the school stuff and the sports, maybe.

“Hindi ‘yan. Sina Adriano ang laging kasama ni Kuya Levi.”

Pumalakpak ang dalawa nang naka three-points si Julius. They both cheered to and laughed again. Kalaunan, pinag-usapan na ang mga guwapong nakita sa kabilang team. Nakisabay na rin ako sa pinag-uusapan ng dalawa at binalewala na ang patapos na laro.

“Hindi pa ba kayo hinahanap?” tanong ko nang natapos ang laro at nagsimula nang umalis ang mga tao sa gym.

“Itetext ko pa ang driver namin,” si Nan.

“Ako naghihintay na si Manong. Aalis na ako, tapos na rin naman, e. Pero babatiin ko muna si Edu at Julius.”

Tumango ako at bumaba na sa bleachers para makalapit na sa benches. Pawisan sina Kuya at pati ang teammates niya. Nagkatuwaan pa dahil natambakan ang kalaban. Some of the players from the other team congratulated them dahilan kung bakit naabala ulit si Nan at June tungkol sa iilang guwapo sa kabila.

Sa gitna ng tawa, namataan ako ni Kuya. Dahil sa pawis, nagmukhang bagong ligo ang buhok niya. Nagtaas siya ng kilay sa akin, nagtataka siguro kung bakit pinanatili ko ang distansya sa benches kahit na madalas naman akong lumapit agad.

My eyes drifted first on his surroundings. Everyone is busy so… humakbang na ako palapit, leaving my friends alone with their social exploits.

“Nakita mo mga three-points ko?” mayabang na tanong ni Kuya.

Umiling ako. “Fourth quarter na akong dumating. At… patapos na kaya hindi lahat ng shot mo ang nakita ko.”

He made a face, trying to be funny. Kuya Levi is as handsome and as masculine as our Dad. However, he is also as soft and as serious as Mommy. Lagi na lang na napapansin ng aming mga kamag-anak kung gaano kami ka mana sa mga magulang. Sa mukha, siya kay Dad, ako kay Mom. Sa ugali, ako kay Dad, siya kay Mom.

“Nag thank you ka na?”

Kumunot ang noo ko. “Thank you?”

Umirap siya. “Kay Leandro? Hindi pa rin?”

Nalilito talaga ako. Hindi ko kasi alam kung Thank you ba dapat o Sorry ang sasabihin ko ron. O baka dapat pareho? But then I just couldn’t get myself to do it. I don’t know what is it. Pride? Shame?

“Mag thank you ka. Nandyan lang siya,” may banta sa boses ni Kuya Levi.

Umiling ako.

“Charlotta.”

“He could easily just tell on me, you know.”

“But he didn’t so say “Thank You” now.”

Sumulyap si Kuya Levi sa kanang likod niya at nang bumalik sa akin ang titig ay mabilis at medyo manghang bumaling ulit sa likod, ngayon nagtagal. My brother’s height is too much that I had to step sideways and crane my neck to see what he’s looking at.

At doon ko nakita si Leandro na binibigyan ng tuwalya at inumin ng isang matangkad at magandang babae. My brows furrowed and stepped back.

“Ayoko,” sabi ko.

Kilala ko na noon pa si Leandro bilang classmate ni Kuya Levi. Dati rati pa pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin. Some of my friends agree that he’s attractive but that’s all there is to it. Because I know… we all know… they are poor.

Una, kung hindi kabilang sa sosyedad na ginagalawan ko, ibig sabihin wala silang negosyo o kahit ano rito sa Negros. Pangalawa, kilala ang Tatay niya bilang isang taong tinatawag lang kung may kailangang kumpunihin sa mga milling o sa mga aircon ng establisyimento.

I remember looking at his father one day when I was younger. Nasira ang aircon ng opisina sa milling kaya tinawagan siya. Nakilala agad ni Kuya Levi bilang si Tito Carlos, tatay ng matalik niyang classmate na si Leandro. All I remember was that his father is tall and handsome… but dirty. From labor work, maybe… all that grease.

Bukod doon, wala na akong ibang alam.

Matagal bago naibalik ni Kuya Levi ang mga mata niya sa akin. Nagtaas ako ng kilay.

“Magthank you ka, Charlotta!”

“Huwag mo akong pinipilit, Kuya. Isa pa, ayokong maistorbo sila ng girlfriend niya!” naiirita nang sagot.

Namilog ang mga mata ni Kuya Levi. “Anong girlfriend? Kapatid niya ‘yan!”

Oh.

I took another step sideways but I couldn’t see them anymore. Bumalik ak kay Kuya Levi.

“Magthank you ka!” ulit niya.

May tumapik sa likod ni Kuya. Halos napaatras ako nang nakita kung sino iyon. Leandro’s eyes serious drifted on me for a moment.

“Good game,” aniya sa kapatid ko.

“Yeah! Thanks for the assist!” si Kuya Levi sabay baling sa akin. “May sasabihin si Chayo, Leandro.”

I cannot believe this! Sinimangutan ko si Kuya Levi. Tinitigan na ako ni Leandro ngayon, naghihintay ng sasabihin ko. My face heated and realized that I couldn’t do it. Never. No way. Hindi na dapat ako magt-thank you kung sinabi niya ang totoo. Sino ba kasi ang nag-utos sa kanya na pagtakpan ako? Siya lang naman ang gumawa no’n, ah!

Umatras lang ako.

“Chayo…” banta ni Kuya Levi.

Isang irap at tinalikuran ko na silang dalawa. Mauuna na nga ako sa sasakyan at pinapahamak pa ako ng sarili kong kapatid?

“Charlotta Yvonna!” galit nang sigaw ni Kuya kaya tumakbo na ako palayo roon.

“Chayo?” sabay na tawag ni Nan at June na agad ding sumunod sa takbo ko.

“Anong nangyari?” hinihiningal pa si Nan nang tinanong niya iyon sa akin pagkalabas ng gym.

“Kuya Levi is annoying me.”

“Bakit?” si June naman, hinihingal pa.

“Pinapag ‘thank you’ niya ako ron sa Leandro na ‘yon. Ayoko nga!”

“Well, tama naman si Kuya Levi. Dapat ka nga na mag thank you. I like what you did but you did her wrong, physically,” si Nan.

“Sino ba kasi ang nagsabi na pagtakpan ako? Sana sinumbong niya, kung ganoon!”

Nagmartsa ako palabas ng school, nakihalo na sa mga estudyanteng kalalabas lang din ng gym.

“May point ka. Pero mabait lang talaga iyon kaya kusa kang pinagtakpan,” si June.

“Close kayo, June?” si Nan naman ngayon.

“Hello? Top student and have you heard him show any sign of violence? Ever? Si Kuya Levi pa siguro?”

“Once, and because Kuya was hurt in the court!” I defended my brother.

“You think hindi rin palihim na nasuntok ‘yong si Castanier sa game na ‘yon?” si June.

“Altagracia versus La Carlota game ba ito?”

“He’s their top player at nakita kong sinuntok siya sa tiyan noong taga kabilang team pero hindi niya pinatulan. So I guess even if he’s from the… you know… slums… he’s not the estero-type?”

“Parang may nabalitaan ako noon na may nakaaway ‘yan?” si Nan naman ngayon.

Umiling ako. “Wala akong pakealam sa lalaking iyon. I’m not thanking him. Thanks for nothing?”

Natawa ang dalawa. Hindi naman ako nagpapatawa.

“Anyway, girlfriend niya ba iyong kanina? Ang ganda, ah? Matangkad? Anong grade ba ‘yon?” si June ulit.

“It’s his sister,” sagot ko.

“Kapatid niya,” agap din ni Nan.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nagtaas ng kilay si Nan sa akin.

“Niligawan iyon ng pinsan ko, e. Basted. Hard-to-get daw ‘yon.”

Nagpatuloy sila sa mga pinag-uusapan. I stand by my decision. As much as possible, iniiwasan ko na lang iyon sa corridors. Magdadaan ang buwan at taon, I will not acknowledge the help as I will always hate Ella.

Si Ella na natuto rin. Hindi na ako nilapitan o kinausap pa. Siya na rin ang kusang lumalayo kapag nagkakasalubong kami.

Kuya Levi graduated Senior High. Pinapili siya ni Daddy at Mommy kung saan siya mag co-college. He can go to Manila if he wants, or to Cebu. May college rito sa school namin pero inasahan ni Mommy at Daddy na gugustuhin niyang sa mas malaking syudad at sa bagong environment. We all were shocked when Kuya Levi insisted that he will spend his college in Altagracia College, same school, same environment, just on the next building.

“Sigurado ka ba riyan, Levi?” tanong ni Daddy.

“You can go to any school you want, Levi,” si Mommy naman.

Naisip ko tuloy kung ako kaya ang papipiliin pagdating ng panahon? Pipiliin ko bang lumayo? But what are the loses and the gains, anyway? The loses will be all the gossips about Dad’s affairs. The gains will be a new and free life.

Ilang sandali ay bumaling ako kay Mommy. Then my the bitter bile spread in my heart. I will never leave her here.

“Dito na lang po ako, Mom, Dad. Isa pa, mababantayan ko ang pagha-highschool nitong si Chayo kapag parehong school pa rin kami.”

And that! I scowled at my smirking brother.

“Ang daming manliligaw, e. Mahirap na!”

Natawa si Mommy at umiling si Daddy.

“Tumigil ka nga, Kuya!”

I was on my Grade 8 when my brother’s on his first year in college. Para nga’ng walang nagbago. Nag-iba lang siya ng uniform at sa ibang building na rin pumapasok. Kahit pa katabing building lang iyon ng Junior High.

Umihip ang mainit na panghapong hangin kasama ang mga dahon ng mahogany. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng lilim ng mga puno, sa maliliit na kiosk benches na ginawa para sa mag-aaral. Ang katabi noon ay ang bulletin boards at ang pathway papasok sa mga school buildings, palaging busy.

“Akin na nga ‘yan!” si June nang inagaw ni Edu ang isang notebook.

Tuwid akong nakaupo habang tinitingnan ang iilang assignment. I rested my eyes on the pathway while in deep thought of a question that immediately slipped my mind. Sinundan ko ng tingin ang nakita.

It was Leandro and beside him, the now Grade 9 Ella. Kunot-noo kong hinayaan ang sariling tumingin sa kanilang pag-uusap hanggang sa nawala na dahil natabunan na ng mga sumunod na buildings.

“Huwag mong sabihing ang girlfriend nong si Leandro ay si Ella?”

Nagulat ako dahil nakita rin pala ni Nan ang nakita ko. Napabaling ako sa kaibigang umiiling.

“Huh?”

“Dumaan silang dalawa. Dito! Papasok kanina! Magkasama at nag-uusap!”

Napakurap-kurap ako.

“Girlfriend niya? Hindi ba may girlfriend na ‘yon, Edu?”

Napabaling ako kay Edu. Tumango siya.

“Meron. Sabi.”

“Sino? Si Ella?” si June naman.

“Ewan ko. Pero madalas ko nga na makita iyong si Ella pagkatapos ng practice.”

“Kaya pala pinagtanggol niya noon, ah? Gi-girlfriend-in niya pala?” sabay tawa ni Nan.

Binalik ko ang tingin ko sa assignment at pilit na ibinalik din doon ang concentration. Kaya lang… Umangat ulit ang tingin ko. Nagtiim ang aking bagang. Niligpit ko agad ang gamit ko.

“Oh… Saan ka pupunta?”

“Saglit lang ‘to…” paalam ko at tumayo na para makaalis sa grupo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: