To Fall Again – Kabanata 2

Kabanata 2
Shy

“Pustahan pa tayo.”

Natigilan ako sa narinig ko galing sa kapatid. I never thought Erin could be this mean. We’re inside the church and she’s thinking about gambling.

“Ohh… silence. My brother is scared like a little girl,” she whispered and smiled to her ears.

Nanliit ang mga mata ko. Hindi ako nagsasalita dahil masyado naman siyang manhid para hamunin ako noon sa lugar na ito.

“I don’t need to do that. Nagpapacute na nga sa akin, e,” I said cockily.
“Hmm. Let’s see. Five hundred kung ma prove mo na nagpapacute nga siya sa’yo. Converse with her later and let’s see…” she stopped right there at lahat ay tumayo para kumanta.
“Why are you so confident-”
“Shhh! Hijo…” sabay tingin ng masama ni Lola sa akin.

Tumango ako at tumuwid sa pagkakatayo. Nilingon ng bahagya si Erin at nakitang mabilis siyang nagswitch into “church mode” pagkatapos lang ng usapan namin. She’s looking at the altar in serious mode. I can’t believe her.

So I almost totally forgot the whole thing while the mass is going on. Kaya lang, pagkatapos agad ng misa, pinaalala agad ng kapatid sa akin. Siniko niya ako.

Abala ang hati sa mga tao sa simbahan sa pagmamano sa pari. Ang iba’y isa-isa nang umaalis at tahimik na binabati ang mga kakilala. Umalalay si Ate Chanel kay Lola at susunod na sana kami ni Erin kaya lang ay nakita kong nilingon ulit ako ng babae.

Before I could think about Erin’s reasons, my ego caught up with me.

Eto dapat ang mga inisip ko bago ako nag assume na ako nga ang lalapitan noong babae.

1. Why is Erin so confident? Does she know her?
2. I think she knows her. Bakit niya sasabihing basted ako kung hindi niya kilala? She rarely does that to me.
3. Mukha siyang mahinhin. Bakit siya lalapit sa akin?

I am ready to smile and brace her. Lalo na nang sa daanan pa talaga namin siya dumaan. My mouth is already half open, ready to strike a conversation nang bigla niyang nilagpasan ang linya ko.

My jaw dropped. I can’t believe she really walk past me. Akala ko’y titigil siya at kakausapin ako!

Erin’s palm immediately spread beside my arm, naniningil na agad.

Nagpapacute ‘yon sa akin! That’s for sure! My bruised ego tried to redeem itself by watching her go and proving that she did that for show. Hard-to-get kung baga pero pakiramdam ko mas lalo lang na nasugatan ang ego ko.

Probably straight on my line vision is an asshole looking guy. Payat, nakaitim, at may henna tattoo pa sa forearm, pampaastig kahit mukha namang palito.

“I know. Pipoy…” she said in a weird tone. “Medyo mas gusto ko lang ng mas bulky kaya…” Erin smirked.

Umiling ako at nilagpasan si Erin. Agad siyang sumimangot at hinila ang braso ko. Nagpatianod siya sa lakad ko.

“Ang daya mo! May usapan tayo, ah?”

Pinagkakakitaan pa ako.

Fine. Namali ako roon. I thought she’s looking at me. Nagpapacute. Hindi naman pala.

“Hindi ako binasted,” iyon ang tanging sinabi ko.

I will never believe na may babasted sa akin sa buhay na ito kapag nagsimula na akong pumorma. Well, that girl? Who seems to like that asshole, I’m sure mag-iiba ang ihip ng hangin kapag pupormahan ko.

Nakalabas na kami ng simabahan ngunit hindi pa makausad dahil sa mga kakumustahan ni Lola sa gilid ng fishpond. Erin’s yapping about her imaginary money while Ate Chanel’s curious about what we’re talking about.

Palabas iyong babae kasama ang lalaki, who Erin calls Pipoy, at isa pang pamilyar na babae. The jet black hair, creamy skin, and slender body, kilala ko itong kasama nila, ah?

“’Wag kang papatulong, ah!” agap ni Erin nang siguro’y nakita rin kung sino ang nakita ko.
I smirked. “Don’t worry. I’m not as eager as you when it comes to money. Hindi kita pagbabayarin kung manalo ako sa pustahang ito.”

Erin made a face. Mabilis akong humalo sa mga tao upang kumustahin ang kakilala kong mukhang kakilala rin ng babaeng gusto ko.

I tried to act like I’m going back inside para hindi mahalata. At gaya ng una kong naisip, everything worked like my plan.

“Josiah!” Rei called me in the middle of their animated talks.

Agad ko siyang tiningnan. This girl is really like wine, huh. Habang tumatagal, lalong gumaganda. She smirked at me, her evil eyes flashed. Her black dress hugged her body tight making her butt protrude a bit.

“Dito ka pala nagsisimba?” I asked her when, as far as I can remember, she’s from uptown like us.
“Ngayon lang. Nasa bahay kasi ako ng pinsan ko,” iminuwestra niya ang palitong katabi.

So… this boy is Rei’s cousin. I don’t see the resemblance. I tried so hard not to look at the angelic face right beside Rei’s cousin.

“This is Pipoy, my cousin. Poy, si Josiah.” She paused for a while before proceeding to the girl. “Si Mapple naman, my classmate. Josiah, a friend.”

As much as I want to shake her hand, I don’t want to shake this boy’s hand and it would be awkward and obvious kung si Mapple lang ang gagawaran ko ng ganoon.

“Ikaw? Hindi ba hindi ka taga rito?” Rei asked smirking.

Dalawang beses akong napabalik ng tingin kay Rei. She always has that aura in her eyes that I don’t like. Tila ba nang-aakit.

“Yup. Kasama ko ang Lola ko. Bumisita kami sa kanila,” sabi ko sabay tingin sa banda nina Erin para makita niya.

Erin waved at Rei. Rei waved back at her. She’s too scared to come close. I know she knows I could use some of Rei’s help to get to Mapple.

“I missed Erin,” anito habang tinitingnan ang kapatid ko.
“Yeah, uh…” hindi ko madugtungan dahil nakatingin na ako sa mahiyaing si Mapple ngayon.

We made eye contact for a while. She tore her eyes off me at yumuko na parang kinakabahan. Damn it! I really like her.

“Sumali ba siya sa swimming team?” Rei asked.

Doon kasi namin siya nakilala. Back when Erin was still around grade four, she had swimming lessons during a summer. I already know how to swim kaya ginawa na lang akong chaperone niya. Lalo na’t nagbabasketball din ako sa pinagsi-swimmingan niya sa Alwana.

“Hindi siya masyadong interesado sa competitions.”

Rei nodded and smiled at Erin. Sumulyap muli ako Mapple at nang nakitang nakatitig siya sa akin gamit ang inosenteng mga mata ay pasimple kong binalik ang tingin kay Rei.

“By the way, varsity ka ba this year?”

Bahagya pa akong nalito sa tanong ni Rei. I’m too busy thinking about her angelic friend.

“Bakit?”
“Hindi ba laro ninyo next Saturday?” sumulyap siya sa katabi. “Kalaban ninyo sina Pipoy!”

Tumingin ako sa kanyang pinsan. Pipoy nodded and smirked.

“He’s varsity like you?” para akong kinilabutan nang narinig ang boses ni Kiana. Napakamahinhin at marahan ng boses niya.

Now I have an excuse to look at her.

“Yup,” ako na mismo ang sumagot.
“Hindi ka naman first five madalas, ‘di ba? Bangko ka naman, e…”

And Rei opened her mouth to talk shit. I smiled fakely at her but did not say anything. Totoo naman iyon pero hindi sa dahilang wala akong silbi.

“First five ka madalas, ‘di ba, Poy?” Mapple asked Rei’s cousin.

This is pissing me off. Ang pasikat na pinsan ni Rei ay tumango pa ng wala sa sarili. May tinitingnang ibang babae. Pinansin pa nito dahilan kung bakit pati si Mapple ay natuon ang pansin sa kanila.

“Kuya!” Erin’s voice made me snap out of it. “Let’s go! Bye, Rei!” Agad ang kaway ng kapatid ko.

Nagkamot ako sa batok at wala nang nagawa. Sumulyap muli ako kay Mapple na ngayon ay nakatingin narin sa akin gamit ang mga matang tila nanantya.

“Got to go,” I said.
“Bye, Joss!” Rei smiled and waved with her fingers.
“Bye,” maliit ang boses ni Mapple ng sinabi niya iyon. Abala na kasi ang pinsan ni Rei sa pakikipag-usap sa nakitang kilala.
“Bye.” I smiled a bit before turning.

Naglakad na ako pabalik kay Erin. Naiwan naman ang mga mata ng kapatid ko kay Rei. They did this hand signal thing that I don’t understand.

Hindi na ako lumingon sa kanila. Tumulong na lang ako sa pag-aalalay kay Lola.

Well, she’s my type. I like her. Angelic face and voice, innocent eyes, soft feels. Damn, man! Bakit iyon na ang iniisip ko?

Kaya lang, mahihirapan ako. She’s from another school. Paano ako poporma, ‘di ba?

Nagkaroon na rin ako ng girlfriend galing sa ibang school but that’s always because they watch almost all of our games or we have some common place to meet. Ito, mukhang mahirap. Hindi ko siya nakikitang nanonood ng game ko dahil kung nakita ko pa siya, matagal ko na siyang niligawan.

This means… I can’t let next weeks game put into waste.

“Nagpatulong ka?” salubong ni Erin sa akin pagdating ng bahay.

Kahit na hindi na namin napag-usapan iyon pauwi, alam ko agad kung ano ang ibig mong sabihin.

“Kung magpapatulong man ako, iyon ay para makausap o mahingi lang ang number niya, Rin. I can court her myself.”
“Tsss. Yabang mo!”

So now I’m confused. Do I wait for that game or do I click on my chatbox. Pwede akong manghingi ng numero niya kay Rei, pwede ring i-add ko siya sa Facebook.

It took me 36 hours to seriously decide on that one. I can’t believe it.

Tinaas ko ang mga kamay ko para ipakitang may gagawin lang ako saglit sa gitna ng pagpasok ko sa laro. Azi’s already looking pissed and tired. Elijah’s out because I went in.

“Josiah!” sigaw ni Rafael nang nakitang lumabas ako ng korte.

Isang kamay muli ang tinaas ko bago nagsquat sa tabi ng aking bag. I took my phone out. Elijah’s sitting near me and drinking his Gatorade.

“It can’t wait, huh?” anito.

Binisita ko ang profile ni Mapple at pinindot ang friend request. Binalik ko ang cellphone sa bag bago tumayo at ngumisi sa mga iritado kong kasama.

“Chill!” I said but they aren’t chilling anymore.

Pagkabigay ng bola ay agad kong naramdaman ang tensyon sa korte. Kanina ay hindi ako masyadong nanonood dahil abala ako sa Facebook. Ngayon ko lang naramdaman na ganito pala ka intense ang laro.

Kung sabagay, if the scores are that close, everyone should be tensed.

Nakuha ko ang bola. Dalawang dribble ay nakita ko si Azi na nakataas ang kamay at nakafastbreak na. Pinasa ko ang bola sa kanya pero masyadong mabilis at malakas ang pagkakapasa.

I stopped. Hindi pa nakukuha ni Azi ay sumigaw na ako.

“Sorry!” sabay tawa.

Hindi niya nahawakan sa sobrang bilis at lakas ng pasa ko. Lumabas ang bola sa korte at nakita kong mas lalo lang nairita si Azi.

“What the hell?” he walked towards me with that annoyed and serious expression.
Pumikit ako ng mariin at tumango. “Saglit lang.”

Nang nakuha ko ulit ang bola ay hindi ko na pinasa. I drove to the ring and tried to shoot it. Mabuti na lang at naishoot ng lay-up ko kahit na may dalawang pumigil.

Ngumuso ako at nagsimula nang magfastbreak nang biglang tinampal ni Rafael ang likod ko.

“Traveling ‘yon. Gago ka,” he said calmly.
I smirked. Sumulyap ako sa referee na hindi na naman yata nakita ang traveling sa drive ko.

Lamang na kami kina Rafael. This is a friendly school match para makapagpractice sa mga susunod na games and everyone’s taking it seriously.

Pagkatapos ng laro ay dumiretso na ako sa bag ko para tingnan kung may development ba ang ginawa ko. She approved my friend request!

I viewed her profile to take a look at her pictures. Purong pamilya at school lang ang nakikita ko sa profile niya. Ang mga pictures ay kung hindi isang family celebration, travels naman kasama ang pamilya parin.

“Sino na naman ‘yan?” Damon’s monotone resounded on the bleachers.

Binaba ko ang cellphone ko nang napansing nakikichismis na si Azrael sa likod ko.

“Patingin. Patingin!” interesado niyang sinabi.

Tumawa na lang ako at kinuha ang aking bag. Sa bleachers ay nakita ko na si Erin at Claudette na palapit sa amin. I sighed when I realized that Ate is not yet here.

“Asan si Ate?” tanong ko kay Erin na ngayon ay abala sa pagtutusok sa kanyang tempura.
“May practice sa dancetroupe. Sa labas na lang daw tayo antay…” she said without looking at me.

Kinuha ko ang stick ng kanyang tempura at tumusok ng isa para makakain din. Kumunot ang noo niya ngunit sa huli ay hindi na pumalag.

I licked my lips when I realized it was the hottest version of it. Tumawa si Erin.

“Mauna na ako. Ubos na tubig ko…” paalam ko sabay nagmamadaling lumabas ng gym.

I went out of the school immediately. Imbes na sa cafeteria bumili ng tubig ay doon na ako sa convenient store sa labas. Kumuha ako ng tubig sa kanilang ref at pumila na para makapagbayad.

I noticed a pair of eyes watching me. Kung siniswerte ka nga naman, oh!

Sa likod ko ay si Mapple, mag-isa. Bumibili rin siya ng tubig at nakauniporme pa! I wonder why she’s here when our school is far from theirs?

“Hi!” sabi ko, hindi maitago ang saya.
“Hello…” she said a bit slowly.
“Hmm. Layo ng inabot mo, ah?”
“Ah…” kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. “May ginawa kasi kaming project sa bahay ng isang kaklase. Malapit lang dito.”
I nodded. “Paano ka uuwi?”
She smiled awkwardly then pointed outside. “Nag-aantay ‘yong driver namin sakin sa labas.”

I nodded again. Tiningnan ko ang tubig na binili niya. Gaya ng akin at hindi naman mahal kaya kinuha ko. Nagulat siya sa ginawa ko.

“Ako na ang magbabayad para mas mabilis.”
“Ah, eto…” kumuha siya ng pera sa kanyang teddy bear wallet at nilahad sa akin.
I only smiled. Hindi ko kinuha at diniretso na sa cashier.

Hindi siya nagsalita. I’m not sure if it’s a good thing or what but I hope it is.

Paglingon ko sa kanya ay sinabay ko ang pagbibigay ng tubig.

“That’s my way of thanking you for accepting my friend request.”
She smiled shyly. “Oh! Then… thank you na rin…”

Ilang saglit kaming nakatayo roon. Medyo pinagtinginan kami ng mga naroon hanggang sa napagtanto kong masyado na siyang nahihiya.

“Ihatid na kita sa labas.”
“Oh… okay…”

She sounds so hesitant and shy. Masyadong inosente at mahinhin. Sa sobrang pagkamahiyain, pakiramdam ko’y hindi siya makakapagsalita. Nahihirapan tuloy ako dahil wala siyang maidugtong. Parang lahat ng sabihin ko’y pinapatay niya agad.

I held the door open for her. Nag-angat siya ng tingin sa akin bago lumabas.

“Thank you ulit. Alis na ako,” sabi niya.
Tumango ako. “See you next time, then.”

Nagdadalawang-isip pang pumasok sa sasakyan kaya tumango ako. Pumasok siya. Nanatili akong nakatayo roon habang pinagmamasdang umaatras para makaalis ang kanilang SUV.

Nang ilang metro na ang layo sa kung nasaan ako ‘tsaka ko pa lang napagtanto.

“Oh what the hell? You forgot! Damn!” sabi ko sa sarili ko sabay kuha ng cellphone.

Masyado siyang mahiyain. Masyado ring good girl. Hatid sundo ng driver kahit saan magpunta. At laging nagdadalawang-isip sa mga gagawin. I don’t remember courting anyone this shy and soft spoken.

I don’t want to shock her with my aggressiveness kaya imbes ang pangalan niya ang pindutin ko, pangalan ng kaibigan niya ang binisita ko.

Ako:
Rei, pahingi ng number ni Mapple, please…

The chatbox revealed that she’s already typing her message. Wow. Agad-agad, huh? Parang nakaabang.

Reniella Villondo:
Not her, please. She’s out of your league.

Wow! Dapat dumiretso na lang pala ako kay Mapple.

Reniella Villondo:
She’s top of the class. Good girl. NBSB. H’wag mong gawing isa sa mga babae mo.

Ako:
Come on, Rei. You know me better than that. Once I’m in a relationship, I’m always loyal.

Reniella Villondo:
Oo. Pero mabilis kang magtapon ng babae. Hindi siya iyong type na ganyan no!

Okay. I can just close this chatbox and ask Mapple for her number instead. Wala pala itong kwenta.

Ako:
Kaya nga, ‘di ba? I always end up with girls who are silent and shy in the beginning and monster when in a relationship. Why don’t I try someone who’s naturally shy like her?

Reniella Villondo:
Kung makapagsalita ka parang ulam lang, ha? Try mo siya baka masarap? Ganun?

Reniella Villondo:
Walang mangyayari diyan, Joss! Si Pipoy lang kinakausap noong lalaki dahil classmates sila since Kinder.

Reniella Villondo:
Di yon marunong makipag-usap sa lalaki.

I knew it! That’s what I noticed, too!

Ako:
Try me. Just give me her fucking number, Rei.

Ako:
Ba’t ba ayaw mo? Ayaw mo akong magkagf? 🙂

Reniella Villondo:
She’s my fucking friend! I’m just protecting her!

Ako:
Protecting her from what? I won’t hurt her.

Nakarating na si Erin. Nakarating na si Ate. Nakasakay na kami sa sasakyan. At palapit na kami sa among bahay ay hindi parin nagrereply ang resource person ko kahit “active now” naman ang icon niya.

Ako:
Busy busy busy

Ako:
Please……..

Reniella Villondo:
0917xxxxxxx

I smiled. Yes!

Advertisements

To Fall Again – Kabanata 1

Kabanata 1
Church

“Ugh! Ang OA talaga, Kuya.”

Kinulong ni Erin ang kanyang mga pisngi gamit ang mga palad. Hinipan niya ang mahabang bangs pataas at sinundan ito ng tingin.

Umagang-umaga binungad ako ng isang balitang ikapapahamak ko. Wala akong ganang umupo sa madalas naming lamesa sa canteen.

“Pang ilan mo na ‘to?” tumawa si Damon, nang-aasar na naman sa akin.

Tinuko ni Azi ang kanyang siko sa aking balikat. Ngayon, pakiramdam ko mas masaya pa sila kesa sa pagiging concerned sa nangyari. Not that I need them concerned, anyway. It doesn’t matter.

“Ang problema kasi sa’yo, ginigirlfriend mo. Wala kang pinapalagpas.”
“Shut up! I’m not like you!” sabay hawi ko sa siko niya.

Humalakhak siya at lumipat sa harapan ko. This thick faced motherfucker. Anong walang pinapalagpas? Kung wala akong pinalagpas, sana pati mga kaibigan ni Damon niligawan ko na?

My last issue was way back in Grade Seven. Hindi na ulit nasundan iyon dahil malala na iyon para sa akin. Now, I’m just completely fucked again. Grade Nine, another record with these girls!

“These silent girls usually turns out to be a weirdo or maybe psychos,” Erin rolled her eyes.
“I’m not a weirdo or psycho, Erin,” si Claudette na nasa tabi ko, kanina pa tahimik at nakikinig.
“Are you even the silent type?”
Tumawa si Damon at inakbayan si Claudette. Hinila palapit sa kanya para aluin sa sinabi ni Erin.

Nagkakatuwaan pa ang mga ito habang pinagpapawisan na ako sa tensyon. Pinasadahan ko ng aking palad ang aking buhok. I licked my lowerlip, looking at my cousins for some answers.

“Bakit? Anong nangyari?” tanong ni Elijah pagkatapos inumin ang isang buong bote ng inumin.
“Hinimatay si Shana kanina sa P.E. namin,” si Erin ang sumagot kay Elijah.
“Shana?” Elijah’s brows furrowed.

I groaned when I spotted Ate Chanel and Klare our way. Siguro’y may short meeting sa dance troupe bago nag break kaya magkasama. And Ate Chanel doesn’t always go with us during breaks. Mas madalas niyang kasama ang mga kaibigan o boyfriend kaya alam ko na kung ba’t siya palapit.

“Here, Klare,” Erin waved. Umusog para mapaupo si Klare sa tabi.
“’Yong flavor of the month niyang classmate nina Erin.” Wala talagang magandang bagay na lumalabas sa bibig ni Azrael.
“Ba’t hinimatay?” I’m not even sure if he’s interested. Nakatingin lang siya sa mga palapit.
“Joss, ano ‘tong sinasabi ng mga kaklase ko?” Naunahan na ni Ate Chanel. “Klare’s classmate fainted because of you? What did you do?”
“Nothing!” agap ko.
“Anong nothing? What happened to her? Sabi nila, kasalanan mo?”

I muttered a curse. Seryoso si Ate Chanel, tila ba nakapatay ako ng tao o ano.

“Ilang araw na kasi siyang hindi kumakain, Chan,” si Claudette.
“OA. Pabebe,” Erin murmured.
“Bakit?” si Ate.
“Nagbreak kasi sila ni Josiah noong Monday. Hindi na siya kumain simula noong nagbreak sila. Iyak ‘yon nang iyak.”

Tinapunan ako ng masamang tingin ni Ate Chanel. I sipped on my softdrink while my sister is trying to kill me with her stares.

“You should visit her, Joss. Nasa clinic siya ngayon,” sabi ni Klare.
“Oo para maabutan siya ng Mommy at Daddy noon. Paniguradong pinatawag na ang mga iyon.”
Tinampal ni Klare ang braso ni Azi. Umiling ako at binaba muli ang tingin sa aking inumin.
“At least have the decency as an ex, Joss! Isa pa, ba’t kayo nagbreak?”
“Decency as an ex? Kapag pumunta si Josiah doon, aasa lang ‘yon,” Damon reasoned.
“It’s so obvious, Ate. They broke up because Kuya is fed up!”

Ngumuso ako habang tinitingnan si Erin na panay ang irap. Elijah’s pretty attentive with her speculations. Erin believes her own gut and sometimes, she’s right.

“If she’s this OA right now, paano na sa relasyon nila, hindi ba?”

Gamit ang hintuturo ay tinulak ni Ate Chanel ang aking sentido. Hahawiin ko sana ngunit masyadong mabilis ang kilos niya.

“If you fucking think she’s OA, ba’t mo pa niligawan, ‘di ba?”

Tangina. I glared at my sister. Nakatayo siya pero kung tatayo ako ngayon, mas matangkad ako sa kanya. But she was never scared with me.

“’Yan ang problema sa’yo. Lagi ka na lang nanliligaw.”
“Fling na lang dapat, Joss,” Damon said.

Si Damon naman ang binatukan ni Ate Chanel ngayon. Nagtawanan sila, ako halos ‘di makasabay. This isn’t funny.

“The nerds and the shy types are not good with your types of relationships. They usually end up choking you,” si Elijah.
“Daming alam, ah?” puna ni Damon.
“From what I have observed…”
“Girls shouldn’t be categorized. There are shy types who are not clingy,” si Claudette.
“Most shy types are suckers for fairytales and prince charmings.”
“Tama na, Ej. You’ve thought about this too much, huh?”
“Based on experience, probably,” si Klare.
“Huwag n’yo na itong i analyze. Mabuti pa, Joss. Magpakitang tao ka roon sa clinic. Huwag mo naman kaming ipahiya ng ganito! She’s the sister of my senior!” wika ni Ate Chanel sabay tapik sa balikat ko.
“Matagal na tayong napapahiya rito,” sabay tingin ko kay Azi.

Azi smirked. He made a face before finally bragging.

“The girls I like are the non-clingy. Wala akong problema. Ikaw lang naman ang maraming problema sa babae, e. Kung ‘di nagkakasabunutan, nag ha-hunger strike naman!”

Tumayo ako. Hindi ko alam kung paano ako nagtagal doon kasama sila. Hindi ko na kayang makinig sa mga sermon. All of them are blaming me anyway.

Ayaw kong puntahan si Shana. Alam kong aasa siya kapag nagpakita pa ako roon. Nasisiguro ko nga lang na ipapatawag na naman ako at ang aking adviser. This news will make it to my parents. I’m not worried about it, though.

“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag maulit pa ito, Mr. Montefalco,” our smexy adviser is very stressed.

Mas lalong kumukulot ang buhok niya. Tingin ko ay napagalitan yata siya ng principal dahil sa nangyari. If only I know what to do, I’d tell her something but I don’t.

“Pang ilan mo na ‘to sa taong ito, sabihin mo nga?”

Humalukipkip siya. Nanliit ang mga mata niya nang naabutan niya akong titig na titig sa kanya.

“And don’t you dare disrespect me with your stare!” her voice thundered.

Napapikit-pikit ako. Hindi ako ganoon! Kung sino man sa aming apat ang may masamang tingin sa kanya, sana ay ‘yon na lang ang sigawan niya.

“This is how I look at people, Ma’am,” nagkibit ako ng balikat.
“Sagutin mo ang tanong ko. How many girlfriends should you have every school year?”
“Uh-”
“Can you please resume that next grade level? I want to be a regular employee of this school, Josiah. I don’t have much problems right now, except you and your almost-every-month-scandal-with girls. And mind you, their parents threatened to leave the school because of you! Ano na lang ang sasabihin ni Mr.- my god!”

Hindi na ako nagsalita. Alam kong babarahin niya lang ako at gagawing mali ang lahat ng sasabihin ko.

Pinagtitinginan na ako ng mga teachers dito. May side comments pa ang iba.

“Sinong kapatid mo? Claudette or Erin?” adviser nila ang nagtanong.
“Erin, po.”
“Kaya pala…”
What does that mean?
“I wonder why Claudette isn’t as crazy as her brother. Thank God for it, though!”
“Claudette Montefalco? Sa akin ‘yan noong Grade Seven pa ‘yan. Just you wait for it, you’ll realize how related she is with Thirdy.”
Thirdy? What the hell? These teachers are name calling us! Hindi ba labag iyon sa code of conduct nila or whatever?
“Go back to your classroom. I will call you later kapag nandito na ang parents ni Shana. And please, please, palagpasin mo naman ang isang buwan bago ka magpalit. Okay?”

Pati ang ibang tao pinoproblema pa ang lovelife ko. Why can’t I have a decent girlfriend, anyway? Decent, I mean, iyong hindi nag-iiba ang ugali pagkatapos ng ilang araw o linggo?

I can even do high-maintenanced girls, the only problem is when they choke me too much. Naiirita ako. They use break ups as a threat, hindi epektibo iyon. Kung gusto nilang magbreak, e ‘di magbreak, hindi ba? Besides, if a person really likes you, you won’t consider break ups.

Hah! Who am I kidding?

“Shh…” I whispered when Lana giggled and moaned a bit.

Months after the new incident, and two secret relationships after, I’m kind of finally settling to another one. Eto, ipapublic ko na. Nakalimutan na naman siguro ng lahat ang nangyari noon. Wala na rin silang pakialam, kung sakali.

“Dito talaga, Joss?” she giggled again.

Nasa sala kami ngayon. Matatagalan sina Mommy at Daddy ngayon dahil sa isang kaso. Ate Chanel’s still in school. Erin’s doing god knows what. Kami lang ang nandito sa bahay at ang mga kasambahay na non-existent kung ‘di mo tinatawag.

“May thrill kung dito,” I whispered.

Nilagay niya ang kanyang index finger sa aking labi, enough to shut me up.

“I told you we’re not doing it again unless ipakilala mo ako sa parents mo,” aniya.
“This is why we’re here, right? We’ll wait for my parents…”

I kissed her neck lightly. She’s whimpering under me. Kahit na ayaw niya raw ay nararamdaman ko na gustong gusto niya.

“Please, I want it so bad,” bulong ko, namumungay na ang mga mata.

She bit her lower lip. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagrerelax. I smiled.

“Sa kwarto mo na lang ulit. Paano kung bumaba ang katulong n’yo?”

Yes! Tumango ako at hinawakan ang kanyang palapulsuhan. Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagbukas naman ng pintuan. Erin’s cold stare at me sent shivers down my spine. Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Lana bago sa mukha ni Lana ngayon.

“Hi, Erin!” Lana said in a friendly tone.
“What are you doing here?”

Uh-oh.

Binitiwan ko ang kamay ni Lana para maharap ang kapatid ko. Nakakatakot siya kapag galit. And for the past weeks, noong una ako pa iyong galit pero kalaunan siya na. Kaya natatakot ako sa paraan ng titig niya sa akin. It’s like she’ll just never forgive me again.

“Lana is my girlfriend,” diretso kong sinabi sa kanya.
“Oh!” puno ng sarcasm iyon. “Magbreak na kayo.”
“Erin naman,” Lana said. “I love your brother.”
“Erin, don’t be childish.”
“E ‘di huwag mo ring pakealaman ang relationships ko, Kuya. Just so you know, and maybe you’ve forgotten, I got a record at school because of that stupid girl.”
“Erin, Sorry, matagal na ‘yon,” si Lana.
“Maamo ka ngayon kasi gusto mo Kuya ko? I never forget the people who did me wrong. Kahit gaano pa ka liit ang atraso.”

Bumaling si Erin sa akin. I can’t remember record at school. Kailan iyon at bakit sila nag-away ni Lana?

So my first attempt to a new public relationship has failed. Sa huling linya pa lang ni Erin, alam ko na na may mas importante pa sa tawag ng matigas na bagay. Impyerno sa bahay kapag kaaway siya. Even Ate Chanel doesn’t want to fight with her. Bukod sa may pa cold-treatment, barado pa lagi ang argumento mo. Hindi lang iyon! Hindi ka pa makakahanap ng pambara sa kanya!

Well, I’d rather live an easy life at home. Girls come and go, anyway. What’s the point?

“Spoil your Lola,” si Mommy ang nangaral sa amin isang Linggo ng umaga.

Bibisita kami sa bahay na kinalakhan ng mga Rivera. It is located in an olf exclusive subdivision in Gusa, just about fifteen to thirty minutes away from our house depending on the traffic. At dahil sa diversion road dumaan ang driver namin, hindi lagpas ng fifteen minutes ang byahe.

“She’s old and lonely. Christmas pa nang huli kayong bumisita rito. Aalis kami ng Daddy n’yo dahil may kakausapin lang kaming client. We’ll be back before lunch, though, so see you by then?”
“Bumibisita kaya ako rito, My. Si Erin at Josiah lang naman ang hindi, e.”
“Even so. Her routines during Sunday mornings is the Churct. Joss…”
Tumango na ako. Alam ko na agad ang gagawin.
“Bahay-simbahan lang, huh? Sa San Lorenzo lang tas baba pagkauwi. Ipaiwan mo na lang ang nurse ni Mama at ang driver. Ikaw na ang magdrive.”
“I’m willing to assist Lola, Mom!” si Ate.
“Good. You all know what to do. Erin-”
“Yes, Mommy.”

Iyon nga ang ginawa namin. Wala pa akong driver’s license pero marunong na akong magdrive. Ako ang nagdrive sa sasakyan patungong simbahan. Malapit lamang iyon. Subdivision proper lang at siguro’y mga three to five minutes drive from my grandma’s house.

“Lola, what did you prepare for us?” si Ate Chanel.
“Pagkain na naman,” bulong-bulong ko habang nagmamaneho.

Binatukan ako ni Ate. Tumawa lamang ako at shi-nift ang gear dahil pa akyat na sa simbahan.

“Your favorite, of course! Lasagna.”
“Nagugutom na tuloy ako!” reklamo ni Ate Chanel.
“Hindi ba kayo nag-almusal?” si Lola.
“Nag-almusal, Lola. Bottomless pit ang tiyan niyan.”
Tumawa si Lola. Tumawa na rin kami ni Erin. Ate looks so miserable. Pinagtutulungan na namin siya.

Nasa 70s na si Lola. I’m just not sure if it’s early or mid. Nakasuot ng kulay abong reading glasses to see clearly and to protect her eyes from the rays of the sun, she looked at us one by one, pagkalabas ng sasakyan.

Itim na floral dress ang suot ni Lola. Isang cream na sandals at may sungkod na siya. Itim ang kanyang buhok pero may give away na pinapagawa niya lang ito sa mga salon dahil sa puting tubo nito sa roots.

Kumapit agad siya kay Ate Chanel. Hinawakan ni Ate ang kulubot na kamay ni Lola.

“Kahit Linggo, trabaho parin nang trabaho si Benedict at Liezl. Hindi ba kayo nagtatampo?”
“Hindi naman po, Lola!” Tumawa si Ate.

Umikot ako para makatayo sa kaliwang gilid ni Lola. To assist her too, in case. Si Erin ay nasa harap namin, naglalakad at nagmamasid sa dami ng taong papunta sa simbahan.

Tumingala ako habang patuloy na nag-uusap si Ate Chanel at Lola. The Filipino-Chinese church is on top of the hill. Kung titingin ka sa likod, kita o ang view ng syudad at ng dagat at ang port nito.

Mahangin. Ngunit ang looban ng simbahan ay aircon parin.

Bumaba ang tingin ko sa fish pond na madadaanan papasok ng simbahan. Maraming isda. Gusto ko sanang tingnan muna ngunit magsisimula na ang misa kaya mamaya na lang siguro pagkatapos.

Pumasok kami sa loob. Sa ikaapat na row. Marami nang tao at halos lahat ay sa parehong subdivision lang nina Lola. Alam ko dahil halos lahat ay binabati siya at nakikingiti sa kanya.

Tumingala ako at ilang sandaling tinitigan ang disenyo ng kisame at harap ng buong simbahan. Mix of wooden, metal, and glass works. Obviously, the whole village did everything to make this church this beautiful.

As I lazily watch all the progress of the people, bumaba ang tingin ko sa kanang harap ng row namin.

Erin giggled. Kanina pa sila nagku-kwentuhan ni Lola. At dahil nasa kaliwa ko si Erin, si Lola ay nasa kanan, hindi pwedeng ‘di ko marinig ang usapan.

“Ba’t niya binasted, La?” tanong ni Erin.
“It is so obvious, hija. Liezl loved your Dad. And he’s the top of the class of his time.”

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Ex ni Mommy? No thanks. Don’t want to hear about the romance of my parents. It’ll give me chills. I’ll be scarred for life.

Bumaling ulit ako sa harap. Isang babae, kasama ang buong pamilya, ang may dalang water cellphane na may lamang alay. Yumuko ito at binigay sa isang taga simbahan.

I swear to god I feel like the heavens opened their gates for me. She’s pretty. I never had a preference for skin complexion. I like morena and fair all the same pero ngayon ko lang tuluyan talagang naappreciate ang mga mapuputi. Her lips were red. Hindi ko alam kung lipstick ba o talagang ganoon nga. Her eyes were almond shaped and her eye brows properly done. Hati ang itim na buhok niya sa gitna. Both sides twirled till her ears, finished with crystal flower clips. She’s wearing a baby blue dress till her knees and a beige strappy sandals.

She smiled. I can almost hear her say… “No problem.”

She glanced my way. What the hell, Josiah! Baka mukha akong naglalaway na aso ngayon!

Nang hindi binabaling ang ulo sa harap, nilipat ko ang tingin ko sa altar. Trying to act cool after the eye contact incident.

She’s my type. Definitely my type. Para siyang anghel na hulog ng langit.

Pero baka naman… psycho rin ‘yan gaya ng ibang mahinhin sa una?

“Good morning,” batian ng mga nasa harap ng row namin. Ang pamilya noong babae ang naupo roon.

Nakita kong nakatingin parin siya sa akin. Her expression unreadable.

Tumikhim ako at nagrelax.

And this will be very easy. Ngayon pa lang, alam ko na.

“Dami palang nagsisimba rito,” si Erin.
“Oo nga…” sagot ko at pinasadahan ng tingin ang mga nasa likod.

I saw one of my batchmates. Bulungang kumustahan bago siya tuluyang naupo sa kung saan din ang pamilya niya. Nang bumaling ulit ako sa harap ay natagpuan ko ulit ang tingin noong babae. She immediately tore her eyes off me. She blushed and bit her lower lip.

My mouth dropped a bit then a played with my lips. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang ngiti.

Kung ibang babae ang tingin nang tingin sa akin, palalagpasin ko. But if I’m attracted to the girl, I will analyze everything.

Nakatingin lamang sa harap, alam kong sumulyap ulit siya. At dahil hindi ako nakatingin, nagtagal ang tingin niya sa akin.

Gotcha!

Lumipad ang mata ko sa banda niya at nakita kong nag-iwas muli siya ng tingin. I smirked. Natigil lang nang siniko ako ng katabi ko.

“Basted ka niyan,” si Erin.

Hindi na ako nagtaka kung ano ang tinutukoy niya.

“I don’t think so.”

To Fall Again – Simula

Simula

“Siya na ba, Kuya?” Erin asked with hopeful puppy eyes.

I seriously don’t want to be a bad influence to my sister. Especially now that she’s been asking too much, lately, about relationships and how it goes.

Grade Six pa lang siya. Oo at Grade Seven palang din ako, pero pakiramdam ko sobrang layo ng agwat naming dalawa pareho sa experience at edad.

She’s courted by so many boy classmates already and that’s not a good news. Lalo na ngayong napapansin ko ang interes niya sa pakikipagrelasyon. She’s too young for relationships. Most especially the serious ones!

“Hindi, Erin,” seryoso kong sagot sa kanya.

Her almond eyes turned chinky. Her nose stretched down because of her pout. Ang konting hibla ng bangs ay nasa gitna ng mga daliri ngayong tumigil siya sa pagsusuklay gamit ito, dahil sa sagot ko.

“O, ba’t mo niligawan?” she asked.

She always ask that. Ganito lagi ang pinag-uusapan namin tuwing may bagong girlfriend ako. She just doesn’t get it.

“Erin, I’m still in Grade 7. Do you think we’ll last that long para sabihin ko sa’yong kami nga sa huli.”
“Pero kung hindi mo iyon naisip man lang, ba’t mo pa niligawan?” she looks offended.

I sighed. I am not sure with other boys my age, but for me I take everything as experience. I have never been in love and I don’t expect to be, this soon. According to my Dad, the more logical you are the less likely you are to fall in love fast. Gusto kong isipin na logical ako kaya ganoon.

I have been infatuated so many times. At lahat ng ganoon ay nagiging girlfriend ko! Well, except of course those who are celebrities and models that are too far from my reach. I mean just here in Cagayan de Oro, where I’m living, where my life is, and with girls my batch of course!

“Alam mo, Rin…”

Inakbayan ko ang kapatid ko at sabay na kaming bumaba sa hagdanang gawa sa kahoy. Habang nakikinig sa akin, ang mga mata niya’y nasa chandelier ng aming bahay. Tila pinag-iisipan niya lahat ng mga sasabihin ko.

“I live in the now. Kung gusto ko siya ngayon, liligawan ko siya. I don’t know if I’ll like her months after this but what’s important to me is the now. Besides, bata pa ako. Hindi ko kailangang ma pressure sa mga relasyong seryoso. Nobody… I mean… nobody takes relationships seriously my age, or your age, or anything in between our teenage years at least.”
“Huh? Ba’t si Tita Helena at Tito Lorenzo, high school pa lang, ‘di ba?”

I poked her nose. She’s not a softspoken type like Ate Chanel. I don’t even think she believes in fairytales. Kaya kayang kaya niya ang sarili niya basta magabayan ko lang siya ng maayos.

“Depende nga iyon, Erin. Say for a thousand high school relationships, isa lang ang magpapatuloy hanggang simbahan. Kaya ngayon pa lang, if ever you fall in love with-”
“Tss.” Tinulak niya ako. “I won’t.”
“Yeah, yeah…” Humalakhak ako. “Just in case, Erin. If you think you’re in love, never think about the future. Don’t invest that much. Isipin mo ang ngayon. Isipin mo na magkaiba kayong dalawa. Maaaring gusto mo siya ngayon, bukas magsawa ka. Maaring ganoon din ang mangyayari sa kanya.”
“How dare… Hindi iyan mangyayari. Mas magsasawa ako kesa sa ang lalaki ang magsawa sa akin, Kuya!”

That’s my baby girl! I smirked.

“Kaya nga. Lahat ng magiging girlfriend ko, huwag mong isipin na sila na seryoso na ako at hanggang simbahan na ang lahat ng ito. We’re young. We need to loosen up and enjoy. Don’t be uptight. Stop thinking too much about the future. It will come. Just not now, okay?”

She nodded. I smiled again.

“Anong tinuturo-turo mo riyan kay Erin, Joss?”

Nanliliit ang mga mata ni Ate Chanel habang tinitingnan kaming dalawa ni Erin sa hapag. Nagsimula nang kumain si Erin na parang walang pakealam kaya nagkibit balikat na lang ako kay Ate.

“Na lahat ng highschool relationships ay hindi seryoso?”

Kumunot ang kanyang noo. There. Now your mood turned sour. Dapat kasi ‘di ka na nagtatanong, e. Alam ko namang ‘di tayo pareho ng pananaw diyan.

“Don’t listen to your brother, Erin. Palibhasa playboy ‘yan.”
“No, I’m not!”
“Sige nga. Ilang beses kang nagpapalit ng girlfriend sa isang buwan?”

Here we go again. Ate Chanel and Yasmin are the same. Nga lang, mas malala si Ate dahil madaling mabilog. At least Yasmin knows when she’s being fooled.

“Hoy, Elijah!” maingay na sinabi ni Azi, tanghali sa araw na iyon.

Elijah only groaned. Tumawa ako at tiningnan muli ang cellphone.

“Ano ka ba? Puyat na puyat, ah? Kaka nood ng porn, siguro!?” paratang ni Azi dahil kanina pa umiidlip si Elijah habang nakaupo sa bench at nakasandal ang likod sa katabing puno.
“Hindi pa nakaka adjust sa oras, Azi. Hayaan mo na,” si Damon kahit na ang mga mata ay nasa dumadaang mga babae na.

Nakisali ako sa panonood niya sa mga babae. Unconsciously, I licked my lower lip for a while. Lumapit ang dalawang babae sa amin, siguro’y mga kaibigan ni Damon. I know his girl friends. They are usually the bolder type. Those hair with streaks and colors, shoulder bags, lipstick, and all the whatnots to look adult.

Nagtaas ako ng kilay at binaba ang aking mga mata sa cellphone. Humugot ako ng malalim na hininga at pagbaling ulit kay Damon ay nakatitig na ito sa akin.

“You free later?”

Ah. I know this.

Sinarado ko ang notebook na nakalatag sa harap ko. Katatapos ko lang gawin ang assignment sa susunod na klase.

“I have a girlfriend now,” sabi ko at sinulyapan ang mga babaeng nasa likod pa ng dalawa.
“Pinsan ni Nadine ‘to,” bulong ni Damon.
“Alam mo namang ‘di ko mga type ‘yan.”
“Imagine Nadine in a more conservative way?”

Napakurapkurap ako. Nadine’s a short and petite, sweet-looking girl. Kaya lang, hindi siya sweet. She’s spicy. And I don’t do spicy. Hindi ako tulad ni Dame.

“Makikipagkaibigan lang naman, e. After practice, ipapakilala ko sa’yo? Taga XUHS. Matagal ka na rawng crush kaya pagbigyan mo na.”

Tumawa ako.

“Siya nagsabi niyan?”
Umiling si Damon. “Hindi. Si Nadine ang nagsabi. Birthday niya kaya susurpresahin nila.”

Oh now I feel like a charitable institution. Bakit parang ako iyong nagtutupad sa mga kahilingan?

“Last na ‘to, Dame, ha?”
Tumawa si Damon. “Dami niyang kaibigang nagpapasuyo. It’s probably the earring,” patuya niyang ginalaw ang earring ko.
Hinawi ko agad ang kamay ni Dame. Tumawa siya.

Bumaling ako kay Azi na ngayon ay nakatalikod sa amin. May kausap na ito sa cellphone at tuwang-tuwa na kaya hindi na nakisali sa usapan.

“Joss!”

Kelsie hugged me from the back. Tumayo si Damon at inilayo ang mga babaeng kausap. Nilingon kami ni Azi na ngayon ay nasa cellphone parin. Elijah slightly opened his eyes pero muling natulog sa parehong posisyon.

“You did not reply!” ani Kelsie.
“Oh!”

Napatingin ako sa cellphone at nakitang may message nga siya roon. She pouted. Her long curly hair made her look like an angel. Maputi at kung naiinitan ay namumula ang pisngi. We’ve been together for a week now and so far, so good.

Matagal na namin siyang classmate. Mahinhin at tahimik. Well, that’s always been my type alright. Mailap sa mga lalaki dahil sa katahimikan. At mahirap pormahan dahil bantay sarado ng pamilya niya, ani Azi. Pero madali lang naman sa akin. Maybe because she made it easy for me. Gumagawa siya ng paraan, minsan tumatakas sa kanila para lang makipagkita sa akin.

“Sorry…” sabi ko. “Hindi ko namalayan.”

Hinawakan ko ang baywang niya para igiya sa tabi ko. Madramang umubo si Azi at nakita kong nakatingin ito sa kamay kong hawak ang baywang ni Kelsie. Ang ugok na ito! ‘Yan lang lamang ng utak. I’m a pervert but I’m not a walking dick like him! Or yes, maybe sometimes. Like… now…

Kelsie leaned closer to me. Her boob touched my arm. Hindi ako gumalaw, pinapakiramdaman saglit. Sige, didistansya ako ng konti at baka pa…

But then mas lalo siyang dumikit sa akin.

“Pakopya ng assignment, Joss, please?” malambing niyang sinabi.

I’m not a dick but I’m a slave to it. Damn!

“Sure, Kelsie. Here…” sabay pakita ko ng notebook ko.
“Practice ka mamaya?” malungkot niyang sinabi.

Pinailalim ko ang aking braso sa kanyang braso at pinagsalikop ko ang mga daliri namin.

“Yes.”

Nilagay ko ang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga. She pouted even more.

“Dami na namang babaeng nakatingin sa’yo.”
“Ayos lang ‘yan. Basta ‘di ako ang nakatingin sa kanila, ‘di ba?”
She smiled sweetly. “Pero ayaw ko sa mga may gusto sa’yo…” pouted again. “Gusto ko akin ka lang, Joss.”

Tiningnan ko si Kelsie. I am, after all, a healthy teenage boy. Damn it! MaD-DSA ako pag nakitang naglalampungan na kami rito!

She hugged my arm like a koala. Hinilig ang mukha sa aking braso at madramang pumikit. I saw Azi mothed something very lewd. Binato ko siya ng notebook at nagsimula na kaming magtawanan.

“Come here, I want us to be alone,” yaya ko kay Kelsie at nagsimula nang magligpit ng gamit.

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ako ng ibang tropa ni Damon. Girls like badboys, and that is why Dame doesn’t have to lift his finger to get a girl. I am no badboy type. And I pursue conservative girls, with so far no rejections since the first time I courted someone. Kaya hindi ko alam bakit iyong mga hindi conservative na tropa ni Damon ay mahilig sa akin.

“Josiah!” sigaw ni Damon galing sa bleachers.

Hinihingal pa ako. Tinitingnan kong tumatakbo si Azi pa fastbreak sa kabilang court sa huling mga segundo ng laro. Susunod na sana ako kaso nakita kong naipasok niya ang bola.

I clapped my hands. Mayabang na sumigaw si Azi. Tumawa ako at sinigawan siya pabalik.

“Yabang! Tsamba ‘yon!”

Pagkatapos noon ay nilingon kong muli si Damon na kausap ang iilang babae. I tilted my head and started going to the bleachers.

“This is my cousin, Josiah Montefalco,” si Damon.
Sa gitna ng limang babae ay isang tahimik, mahiyain, at magandang babae. Now, this is my type!
“Joss, si Rica nga pala.”
“Hi, Rica!” bati ko sabay lahad ng kamay.

Tinanggap niya ang kamay ko ngunit hindi siya makatingin sa akin. I smirked. Damon knows what I like.

“Rica!” isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likod.

Kumalas ako sa kamayan at nakapamaywang na. I groaned when I saw who it is.

Nadine is fuming mad as she walked towards us. Sinasabi ko na nga ba!

“Huwag mong mapapakilala ang pinsan ko sa Josiah na ‘yan, Damon!”

Tumalikod ako. I rolled my eyes. This is ridiculous! This bitch is crazy! Really! Hindi ko lang niligawan dahil ‘di ko type, lahat na lang nakikisawsaw siya.

“Rica! May girlfriend na ‘yan! ‘Tsaka playboy ‘yan!”
“Oh, talaga? Sino nagsabi? Ginirlfriend na sana kita kung playboy ako?” hindi ko na napigilan.

Naging sing pula ng kamatis ang mukha ni Nadine.

“What did you say? How dare you Josiah Montefalco!”

Damn! I’m out!

Tinalikuran ko sila. I waved my hand. Tumakbo ako pababa ng bleachers para makuha na ang duffel bag ko ngunit nagulat ako nang sumunod si Nadine sa akin sa court.

“Gago ka pala, e!” sabay tulak ni Nadine sa akin.

What the hell?

“Lakas ng loob mo ‘no? Palibhasa, manggagamit ka! Kala mo naman ganda ng girlfriend mo ngayon?”

Nilagay ko sa balikat ang aking bag. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Hiyang-hiya na ako pero wala akong magawa kundi ang magpatuloy at hayaan siya sa kahihiyang ginagawa niya.

“Huwag mo akong talikurang gago ka!” hinila niya ang braso ko.

Hindi ako nananakit ng babae. Kung hahawiin ko ang kamay niya, paniguradong masasaktan ko siya kaya hinayaan kong hilahin niya ako at mapaharap.

“Josiah, ang loverboy ng-”
“Hirap maging gwapo ‘no?” kantyaw ng mga kaibigan ko.
“Josiah si Kelsie, oh?!” si Azi, hindi ko alam kung nagbibiro ba o ano.

Pinasadahan ko ng kamay ang aking ulo. I shaved my head last summer. Tumubo na ng konti ngayon. I actually like my hair like this because I won’t have to style it much after shower. Tumigil ang kamay ko sa aking batok. Pinapatapos ko si Nadine sa mga sinasabi niya.

“Pinagkakalat mo na may gusto ako sa’yo? Excuse me?!”

What? She seriously thinks I have time for that?

“Gago ka rin, e, ‘no! At ngayon balak mo pang pormahan ang pinsan ko?”

Siya ang pumunta rito, kung hindi niya namamalayan!? Bakit ako ang pinagbibintangan ng babaeng ito?

“Hindi ka makakapasa sa kanya, hoy!”
“You done?” I said impatiently. I’m like a jetplane trying to slow down just to prove myself that I don’t have a bad temper. But maybe, it runs in the blood.
“Napakawalanghiya mo!”

I groaned and turned around to walk away pero nakita kong nakaharap ko si Kelsie na ngayon ay punong-puno ng luha sa mga mata.

“Ba’t kayo nag-aaway? Anong meron sa inyo, Joss?”

What the fuck?!

“Kelsie, wala. She’s just hysterical-”
“Your boyfriend is trying to hit on my cousin! At kilala ko ang isang ito. We’re in a relationship last summer and there’s just nothing good about him. Kawawa ka naman, girl. Pinatulan mo pa. Nagtitext pa nga ‘yan sa akin, hanggang ngayon, e. And I bet to all of his exes at that!”
“What the hell are you talking about, Nadine?” sigaw ko.
She only smirked. Bago pa ako makabaling ulit kay Kelsie ay sinugod niya na ako at sinuntok suntok ang aking dibdib.
“Walang hiya ka! I trusted you!”
“What? Kelsie, hindi totoo ‘yon!” alu ko.

Tumigil siya sa pagsusuntok sa akin. I swear to God I’ve never seen her so angry. She turned to Nadine and started yelling at her.

“You bitch! Akala mo ‘di ko nararamdaman na sinusulot mo siya sa akin! Kunwari ka pa?” si Kelsie sabay hila sa buhok ni Nadine.
“Aray!” hindi inasahan ni Nadine iyon kaya wala siyang nagawa kundi ang hawakan ang kamay ni Kelsie.

“Oh my God!” narinig ko ang sigaw ni Ate sa bleachers.

Lumapit ako sa dalawa na ngayon ay nagsasabunutan na. Pinaglalayo ko sila. Mabuti na lang at tinulungan din ako ng iba. I’m holding Kelsie while others are trying to hold Nadine.

Nagkakagulo na. Ilang beses akong nakalmot ni Kelsie. She’s literally going berserk!

“Anong nangyayari dito?” the sound of our Discipline Officer’s voice echoed in the whole gymnasium.

‘Tsaka pa lang kumalma si Kelsie at natigil na rin si Nadine.

Unbuttoning the first two buttons of my polo, umupo ako sa harap ng aming Discipline Officer. Ang dalawang babae ay kinakausap ng aming Guidance Counsel at aming mga adviser.

“This is the third girl fight because of you, in your record, Josiah. And you’re only in grade seven.”

Sinarado ng aming Discipline Officer ang kanyang record book. Tiningnan niya ako sa likod ng kanyang salamin, her eyes hawk like, shaking her head before relaxing.

Sawa na siya sa paliwanag kong wala akong kinalaman dito. Hindi na rin siya makikinig sa eksplenasyon ko.

Napaikit ako habang hinihilot ang aking sentido. Hindi ko na alam kung ano ang sulusyon.

“Kelsie’s father threatened to transfer his daughter to another school. Hindi pala alam ng mga magulang niya na kayo. And more importantly, you’re both still very young to enter such relationships!”
“I’m sorry, Ma’am. I’ll take note.” Bawi ko sabay tingin sa Discipline Officer.
“There is no use calling Attorney Montefalco. Hm.” Tumaas ang kilay ni Ma’am at nag-ayos ng gamit.

Ngumuso ako at nanatili ang tingin kay Ma’am na nag-aarrange parin ng mga papel. Noong tinawag si Daddy para rito ay tumawa lamang siya at hindi na sineryoso ang parusa ko.

“And it is pointless to call your mother. She’ll be too embarrassed sa huli iyong daddy mo ang sisipot.” Our officer shook her head. “You’re cleaning the hallways for one week. Extend your services in the library instead of practicing. And no Passerelle tournaments for you this year.”

Pumikit ako ng mariin. Tangina. Pahamak ang mga babaeng ito!