To Fall Again – Kabanata 2

Kabanata 2
Shy

“Pustahan pa tayo.”

Natigilan ako sa narinig ko galing sa kapatid. I never thought Erin could be this mean. We’re inside the church and she’s thinking about gambling.

“Ohh… silence. My brother is scared like a little girl,” she whispered and smiled to her ears.

Nanliit ang mga mata ko. Hindi ako nagsasalita dahil masyado naman siyang manhid para hamunin ako noon sa lugar na ito.

“I don’t need to do that. Nagpapacute na nga sa akin, e,” I said cockily.
“Hmm. Let’s see. Five hundred kung ma prove mo na nagpapacute nga siya sa’yo. Converse with her later and let’s see…” she stopped right there at lahat ay tumayo para kumanta.
“Why are you so confident-”
“Shhh! Hijo…” sabay tingin ng masama ni Lola sa akin.

Tumango ako at tumuwid sa pagkakatayo. Nilingon ng bahagya si Erin at nakitang mabilis siyang nagswitch into “church mode” pagkatapos lang ng usapan namin. She’s looking at the altar in serious mode. I can’t believe her.

So I almost totally forgot the whole thing while the mass is going on. Kaya lang, pagkatapos agad ng misa, pinaalala agad ng kapatid sa akin. Siniko niya ako.

Abala ang hati sa mga tao sa simbahan sa pagmamano sa pari. Ang iba’y isa-isa nang umaalis at tahimik na binabati ang mga kakilala. Umalalay si Ate Chanel kay Lola at susunod na sana kami ni Erin kaya lang ay nakita kong nilingon ulit ako ng babae.

Before I could think about Erin’s reasons, my ego caught up with me.

Eto dapat ang mga inisip ko bago ako nag assume na ako nga ang lalapitan noong babae.

1. Why is Erin so confident? Does she know her?
2. I think she knows her. Bakit niya sasabihing basted ako kung hindi niya kilala? She rarely does that to me.
3. Mukha siyang mahinhin. Bakit siya lalapit sa akin?

I am ready to smile and brace her. Lalo na nang sa daanan pa talaga namin siya dumaan. My mouth is already half open, ready to strike a conversation nang bigla niyang nilagpasan ang linya ko.

My jaw dropped. I can’t believe she really walk past me. Akala ko’y titigil siya at kakausapin ako!

Erin’s palm immediately spread beside my arm, naniningil na agad.

Nagpapacute ‘yon sa akin! That’s for sure! My bruised ego tried to redeem itself by watching her go and proving that she did that for show. Hard-to-get kung baga pero pakiramdam ko mas lalo lang na nasugatan ang ego ko.

Probably straight on my line vision is an asshole looking guy. Payat, nakaitim, at may henna tattoo pa sa forearm, pampaastig kahit mukha namang palito.

“I know. Pipoy…” she said in a weird tone. “Medyo mas gusto ko lang ng mas bulky kaya…” Erin smirked.

Umiling ako at nilagpasan si Erin. Agad siyang sumimangot at hinila ang braso ko. Nagpatianod siya sa lakad ko.

“Ang daya mo! May usapan tayo, ah?”

Pinagkakakitaan pa ako.

Fine. Namali ako roon. I thought she’s looking at me. Nagpapacute. Hindi naman pala.

“Hindi ako binasted,” iyon ang tanging sinabi ko.

I will never believe na may babasted sa akin sa buhay na ito kapag nagsimula na akong pumorma. Well, that girl? Who seems to like that asshole, I’m sure mag-iiba ang ihip ng hangin kapag pupormahan ko.

Nakalabas na kami ng simabahan ngunit hindi pa makausad dahil sa mga kakumustahan ni Lola sa gilid ng fishpond. Erin’s yapping about her imaginary money while Ate Chanel’s curious about what we’re talking about.

Palabas iyong babae kasama ang lalaki, who Erin calls Pipoy, at isa pang pamilyar na babae. The jet black hair, creamy skin, and slender body, kilala ko itong kasama nila, ah?

“’Wag kang papatulong, ah!” agap ni Erin nang siguro’y nakita rin kung sino ang nakita ko.
I smirked. “Don’t worry. I’m not as eager as you when it comes to money. Hindi kita pagbabayarin kung manalo ako sa pustahang ito.”

Erin made a face. Mabilis akong humalo sa mga tao upang kumustahin ang kakilala kong mukhang kakilala rin ng babaeng gusto ko.

I tried to act like I’m going back inside para hindi mahalata. At gaya ng una kong naisip, everything worked like my plan.

“Josiah!” Rei called me in the middle of their animated talks.

Agad ko siyang tiningnan. This girl is really like wine, huh. Habang tumatagal, lalong gumaganda. She smirked at me, her evil eyes flashed. Her black dress hugged her body tight making her butt protrude a bit.

“Dito ka pala nagsisimba?” I asked her when, as far as I can remember, she’s from uptown like us.
“Ngayon lang. Nasa bahay kasi ako ng pinsan ko,” iminuwestra niya ang palitong katabi.

So… this boy is Rei’s cousin. I don’t see the resemblance. I tried so hard not to look at the angelic face right beside Rei’s cousin.

“This is Pipoy, my cousin. Poy, si Josiah.” She paused for a while before proceeding to the girl. “Si Mapple naman, my classmate. Josiah, a friend.”

As much as I want to shake her hand, I don’t want to shake this boy’s hand and it would be awkward and obvious kung si Mapple lang ang gagawaran ko ng ganoon.

“Ikaw? Hindi ba hindi ka taga rito?” Rei asked smirking.

Dalawang beses akong napabalik ng tingin kay Rei. She always has that aura in her eyes that I don’t like. Tila ba nang-aakit.

“Yup. Kasama ko ang Lola ko. Bumisita kami sa kanila,” sabi ko sabay tingin sa banda nina Erin para makita niya.

Erin waved at Rei. Rei waved back at her. She’s too scared to come close. I know she knows I could use some of Rei’s help to get to Mapple.

“I missed Erin,” anito habang tinitingnan ang kapatid ko.
“Yeah, uh…” hindi ko madugtungan dahil nakatingin na ako sa mahiyaing si Mapple ngayon.

We made eye contact for a while. She tore her eyes off me at yumuko na parang kinakabahan. Damn it! I really like her.

“Sumali ba siya sa swimming team?” Rei asked.

Doon kasi namin siya nakilala. Back when Erin was still around grade four, she had swimming lessons during a summer. I already know how to swim kaya ginawa na lang akong chaperone niya. Lalo na’t nagbabasketball din ako sa pinagsi-swimmingan niya sa Alwana.

“Hindi siya masyadong interesado sa competitions.”

Rei nodded and smiled at Erin. Sumulyap muli ako Mapple at nang nakitang nakatitig siya sa akin gamit ang inosenteng mga mata ay pasimple kong binalik ang tingin kay Rei.

“By the way, varsity ka ba this year?”

Bahagya pa akong nalito sa tanong ni Rei. I’m too busy thinking about her angelic friend.

“Bakit?”
“Hindi ba laro ninyo next Saturday?” sumulyap siya sa katabi. “Kalaban ninyo sina Pipoy!”

Tumingin ako sa kanyang pinsan. Pipoy nodded and smirked.

“He’s varsity like you?” para akong kinilabutan nang narinig ang boses ni Kiana. Napakamahinhin at marahan ng boses niya.

Now I have an excuse to look at her.

“Yup,” ako na mismo ang sumagot.
“Hindi ka naman first five madalas, ‘di ba? Bangko ka naman, e…”

And Rei opened her mouth to talk shit. I smiled fakely at her but did not say anything. Totoo naman iyon pero hindi sa dahilang wala akong silbi.

“First five ka madalas, ‘di ba, Poy?” Mapple asked Rei’s cousin.

This is pissing me off. Ang pasikat na pinsan ni Rei ay tumango pa ng wala sa sarili. May tinitingnang ibang babae. Pinansin pa nito dahilan kung bakit pati si Mapple ay natuon ang pansin sa kanila.

“Kuya!” Erin’s voice made me snap out of it. “Let’s go! Bye, Rei!” Agad ang kaway ng kapatid ko.

Nagkamot ako sa batok at wala nang nagawa. Sumulyap muli ako kay Mapple na ngayon ay nakatingin narin sa akin gamit ang mga matang tila nanantya.

“Got to go,” I said.
“Bye, Joss!” Rei smiled and waved with her fingers.
“Bye,” maliit ang boses ni Mapple ng sinabi niya iyon. Abala na kasi ang pinsan ni Rei sa pakikipag-usap sa nakitang kilala.
“Bye.” I smiled a bit before turning.

Naglakad na ako pabalik kay Erin. Naiwan naman ang mga mata ng kapatid ko kay Rei. They did this hand signal thing that I don’t understand.

Hindi na ako lumingon sa kanila. Tumulong na lang ako sa pag-aalalay kay Lola.

Well, she’s my type. I like her. Angelic face and voice, innocent eyes, soft feels. Damn, man! Bakit iyon na ang iniisip ko?

Kaya lang, mahihirapan ako. She’s from another school. Paano ako poporma, ‘di ba?

Nagkaroon na rin ako ng girlfriend galing sa ibang school but that’s always because they watch almost all of our games or we have some common place to meet. Ito, mukhang mahirap. Hindi ko siya nakikitang nanonood ng game ko dahil kung nakita ko pa siya, matagal ko na siyang niligawan.

This means… I can’t let next weeks game put into waste.

“Nagpatulong ka?” salubong ni Erin sa akin pagdating ng bahay.

Kahit na hindi na namin napag-usapan iyon pauwi, alam ko agad kung ano ang ibig mong sabihin.

“Kung magpapatulong man ako, iyon ay para makausap o mahingi lang ang number niya, Rin. I can court her myself.”
“Tsss. Yabang mo!”

So now I’m confused. Do I wait for that game or do I click on my chatbox. Pwede akong manghingi ng numero niya kay Rei, pwede ring i-add ko siya sa Facebook.

It took me 36 hours to seriously decide on that one. I can’t believe it.

Tinaas ko ang mga kamay ko para ipakitang may gagawin lang ako saglit sa gitna ng pagpasok ko sa laro. Azi’s already looking pissed and tired. Elijah’s out because I went in.

“Josiah!” sigaw ni Rafael nang nakitang lumabas ako ng korte.

Isang kamay muli ang tinaas ko bago nagsquat sa tabi ng aking bag. I took my phone out. Elijah’s sitting near me and drinking his Gatorade.

“It can’t wait, huh?” anito.

Binisita ko ang profile ni Mapple at pinindot ang friend request. Binalik ko ang cellphone sa bag bago tumayo at ngumisi sa mga iritado kong kasama.

“Chill!” I said but they aren’t chilling anymore.

Pagkabigay ng bola ay agad kong naramdaman ang tensyon sa korte. Kanina ay hindi ako masyadong nanonood dahil abala ako sa Facebook. Ngayon ko lang naramdaman na ganito pala ka intense ang laro.

Kung sabagay, if the scores are that close, everyone should be tensed.

Nakuha ko ang bola. Dalawang dribble ay nakita ko si Azi na nakataas ang kamay at nakafastbreak na. Pinasa ko ang bola sa kanya pero masyadong mabilis at malakas ang pagkakapasa.

I stopped. Hindi pa nakukuha ni Azi ay sumigaw na ako.

“Sorry!” sabay tawa.

Hindi niya nahawakan sa sobrang bilis at lakas ng pasa ko. Lumabas ang bola sa korte at nakita kong mas lalo lang nairita si Azi.

“What the hell?” he walked towards me with that annoyed and serious expression.
Pumikit ako ng mariin at tumango. “Saglit lang.”

Nang nakuha ko ulit ang bola ay hindi ko na pinasa. I drove to the ring and tried to shoot it. Mabuti na lang at naishoot ng lay-up ko kahit na may dalawang pumigil.

Ngumuso ako at nagsimula nang magfastbreak nang biglang tinampal ni Rafael ang likod ko.

“Traveling ‘yon. Gago ka,” he said calmly.
I smirked. Sumulyap ako sa referee na hindi na naman yata nakita ang traveling sa drive ko.

Lamang na kami kina Rafael. This is a friendly school match para makapagpractice sa mga susunod na games and everyone’s taking it seriously.

Pagkatapos ng laro ay dumiretso na ako sa bag ko para tingnan kung may development ba ang ginawa ko. She approved my friend request!

I viewed her profile to take a look at her pictures. Purong pamilya at school lang ang nakikita ko sa profile niya. Ang mga pictures ay kung hindi isang family celebration, travels naman kasama ang pamilya parin.

“Sino na naman ‘yan?” Damon’s monotone resounded on the bleachers.

Binaba ko ang cellphone ko nang napansing nakikichismis na si Azrael sa likod ko.

“Patingin. Patingin!” interesado niyang sinabi.

Tumawa na lang ako at kinuha ang aking bag. Sa bleachers ay nakita ko na si Erin at Claudette na palapit sa amin. I sighed when I realized that Ate is not yet here.

“Asan si Ate?” tanong ko kay Erin na ngayon ay abala sa pagtutusok sa kanyang tempura.
“May practice sa dancetroupe. Sa labas na lang daw tayo antay…” she said without looking at me.

Kinuha ko ang stick ng kanyang tempura at tumusok ng isa para makakain din. Kumunot ang noo niya ngunit sa huli ay hindi na pumalag.

I licked my lips when I realized it was the hottest version of it. Tumawa si Erin.

“Mauna na ako. Ubos na tubig ko…” paalam ko sabay nagmamadaling lumabas ng gym.

I went out of the school immediately. Imbes na sa cafeteria bumili ng tubig ay doon na ako sa convenient store sa labas. Kumuha ako ng tubig sa kanilang ref at pumila na para makapagbayad.

I noticed a pair of eyes watching me. Kung siniswerte ka nga naman, oh!

Sa likod ko ay si Mapple, mag-isa. Bumibili rin siya ng tubig at nakauniporme pa! I wonder why she’s here when our school is far from theirs?

“Hi!” sabi ko, hindi maitago ang saya.
“Hello…” she said a bit slowly.
“Hmm. Layo ng inabot mo, ah?”
“Ah…” kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. “May ginawa kasi kaming project sa bahay ng isang kaklase. Malapit lang dito.”
I nodded. “Paano ka uuwi?”
She smiled awkwardly then pointed outside. “Nag-aantay ‘yong driver namin sakin sa labas.”

I nodded again. Tiningnan ko ang tubig na binili niya. Gaya ng akin at hindi naman mahal kaya kinuha ko. Nagulat siya sa ginawa ko.

“Ako na ang magbabayad para mas mabilis.”
“Ah, eto…” kumuha siya ng pera sa kanyang teddy bear wallet at nilahad sa akin.
I only smiled. Hindi ko kinuha at diniretso na sa cashier.

Hindi siya nagsalita. I’m not sure if it’s a good thing or what but I hope it is.

Paglingon ko sa kanya ay sinabay ko ang pagbibigay ng tubig.

“That’s my way of thanking you for accepting my friend request.”
She smiled shyly. “Oh! Then… thank you na rin…”

Ilang saglit kaming nakatayo roon. Medyo pinagtinginan kami ng mga naroon hanggang sa napagtanto kong masyado na siyang nahihiya.

“Ihatid na kita sa labas.”
“Oh… okay…”

She sounds so hesitant and shy. Masyadong inosente at mahinhin. Sa sobrang pagkamahiyain, pakiramdam ko’y hindi siya makakapagsalita. Nahihirapan tuloy ako dahil wala siyang maidugtong. Parang lahat ng sabihin ko’y pinapatay niya agad.

I held the door open for her. Nag-angat siya ng tingin sa akin bago lumabas.

“Thank you ulit. Alis na ako,” sabi niya.
Tumango ako. “See you next time, then.”

Nagdadalawang-isip pang pumasok sa sasakyan kaya tumango ako. Pumasok siya. Nanatili akong nakatayo roon habang pinagmamasdang umaatras para makaalis ang kanilang SUV.

Nang ilang metro na ang layo sa kung nasaan ako ‘tsaka ko pa lang napagtanto.

“Oh what the hell? You forgot! Damn!” sabi ko sa sarili ko sabay kuha ng cellphone.

Masyado siyang mahiyain. Masyado ring good girl. Hatid sundo ng driver kahit saan magpunta. At laging nagdadalawang-isip sa mga gagawin. I don’t remember courting anyone this shy and soft spoken.

I don’t want to shock her with my aggressiveness kaya imbes ang pangalan niya ang pindutin ko, pangalan ng kaibigan niya ang binisita ko.

Ako:
Rei, pahingi ng number ni Mapple, please…

The chatbox revealed that she’s already typing her message. Wow. Agad-agad, huh? Parang nakaabang.

Reniella Villondo:
Not her, please. She’s out of your league.

Wow! Dapat dumiretso na lang pala ako kay Mapple.

Reniella Villondo:
She’s top of the class. Good girl. NBSB. H’wag mong gawing isa sa mga babae mo.

Ako:
Come on, Rei. You know me better than that. Once I’m in a relationship, I’m always loyal.

Reniella Villondo:
Oo. Pero mabilis kang magtapon ng babae. Hindi siya iyong type na ganyan no!

Okay. I can just close this chatbox and ask Mapple for her number instead. Wala pala itong kwenta.

Ako:
Kaya nga, ‘di ba? I always end up with girls who are silent and shy in the beginning and monster when in a relationship. Why don’t I try someone who’s naturally shy like her?

Reniella Villondo:
Kung makapagsalita ka parang ulam lang, ha? Try mo siya baka masarap? Ganun?

Reniella Villondo:
Walang mangyayari diyan, Joss! Si Pipoy lang kinakausap noong lalaki dahil classmates sila since Kinder.

Reniella Villondo:
Di yon marunong makipag-usap sa lalaki.

I knew it! That’s what I noticed, too!

Ako:
Try me. Just give me her fucking number, Rei.

Ako:
Ba’t ba ayaw mo? Ayaw mo akong magkagf? 🙂

Reniella Villondo:
She’s my fucking friend! I’m just protecting her!

Ako:
Protecting her from what? I won’t hurt her.

Nakarating na si Erin. Nakarating na si Ate. Nakasakay na kami sa sasakyan. At palapit na kami sa among bahay ay hindi parin nagrereply ang resource person ko kahit “active now” naman ang icon niya.

Ako:
Busy busy busy

Ako:
Please……..

Reniella Villondo:
0917xxxxxxx

I smiled. Yes!

Advertisements

13 thoughts on “To Fall Again – Kabanata 2

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.