To Fall Again – Kabanata 1

Kabanata 1
Church

“Ugh! Ang OA talaga, Kuya.”

Kinulong ni Erin ang kanyang mga pisngi gamit ang mga palad. Hinipan niya ang mahabang bangs pataas at sinundan ito ng tingin.

Umagang-umaga binungad ako ng isang balitang ikapapahamak ko. Wala akong ganang umupo sa madalas naming lamesa sa canteen.

“Pang ilan mo na ‘to?” tumawa si Damon, nang-aasar na naman sa akin.

Tinuko ni Azi ang kanyang siko sa aking balikat. Ngayon, pakiramdam ko mas masaya pa sila kesa sa pagiging concerned sa nangyari. Not that I need them concerned, anyway. It doesn’t matter.

“Ang problema kasi sa’yo, ginigirlfriend mo. Wala kang pinapalagpas.”
“Shut up! I’m not like you!” sabay hawi ko sa siko niya.

Humalakhak siya at lumipat sa harapan ko. This thick faced motherfucker. Anong walang pinapalagpas? Kung wala akong pinalagpas, sana pati mga kaibigan ni Damon niligawan ko na?

My last issue was way back in Grade Seven. Hindi na ulit nasundan iyon dahil malala na iyon para sa akin. Now, I’m just completely fucked again. Grade Nine, another record with these girls!

“These silent girls usually turns out to be a weirdo or maybe psychos,” Erin rolled her eyes.
“I’m not a weirdo or psycho, Erin,” si Claudette na nasa tabi ko, kanina pa tahimik at nakikinig.
“Are you even the silent type?”
Tumawa si Damon at inakbayan si Claudette. Hinila palapit sa kanya para aluin sa sinabi ni Erin.

Nagkakatuwaan pa ang mga ito habang pinagpapawisan na ako sa tensyon. Pinasadahan ko ng aking palad ang aking buhok. I licked my lowerlip, looking at my cousins for some answers.

“Bakit? Anong nangyari?” tanong ni Elijah pagkatapos inumin ang isang buong bote ng inumin.
“Hinimatay si Shana kanina sa P.E. namin,” si Erin ang sumagot kay Elijah.
“Shana?” Elijah’s brows furrowed.

I groaned when I spotted Ate Chanel and Klare our way. Siguro’y may short meeting sa dance troupe bago nag break kaya magkasama. And Ate Chanel doesn’t always go with us during breaks. Mas madalas niyang kasama ang mga kaibigan o boyfriend kaya alam ko na kung ba’t siya palapit.

“Here, Klare,” Erin waved. Umusog para mapaupo si Klare sa tabi.
“’Yong flavor of the month niyang classmate nina Erin.” Wala talagang magandang bagay na lumalabas sa bibig ni Azrael.
“Ba’t hinimatay?” I’m not even sure if he’s interested. Nakatingin lang siya sa mga palapit.
“Joss, ano ‘tong sinasabi ng mga kaklase ko?” Naunahan na ni Ate Chanel. “Klare’s classmate fainted because of you? What did you do?”
“Nothing!” agap ko.
“Anong nothing? What happened to her? Sabi nila, kasalanan mo?”

I muttered a curse. Seryoso si Ate Chanel, tila ba nakapatay ako ng tao o ano.

“Ilang araw na kasi siyang hindi kumakain, Chan,” si Claudette.
“OA. Pabebe,” Erin murmured.
“Bakit?” si Ate.
“Nagbreak kasi sila ni Josiah noong Monday. Hindi na siya kumain simula noong nagbreak sila. Iyak ‘yon nang iyak.”

Tinapunan ako ng masamang tingin ni Ate Chanel. I sipped on my softdrink while my sister is trying to kill me with her stares.

“You should visit her, Joss. Nasa clinic siya ngayon,” sabi ni Klare.
“Oo para maabutan siya ng Mommy at Daddy noon. Paniguradong pinatawag na ang mga iyon.”
Tinampal ni Klare ang braso ni Azi. Umiling ako at binaba muli ang tingin sa aking inumin.
“At least have the decency as an ex, Joss! Isa pa, ba’t kayo nagbreak?”
“Decency as an ex? Kapag pumunta si Josiah doon, aasa lang ‘yon,” Damon reasoned.
“It’s so obvious, Ate. They broke up because Kuya is fed up!”

Ngumuso ako habang tinitingnan si Erin na panay ang irap. Elijah’s pretty attentive with her speculations. Erin believes her own gut and sometimes, she’s right.

“If she’s this OA right now, paano na sa relasyon nila, hindi ba?”

Gamit ang hintuturo ay tinulak ni Ate Chanel ang aking sentido. Hahawiin ko sana ngunit masyadong mabilis ang kilos niya.

“If you fucking think she’s OA, ba’t mo pa niligawan, ‘di ba?”

Tangina. I glared at my sister. Nakatayo siya pero kung tatayo ako ngayon, mas matangkad ako sa kanya. But she was never scared with me.

“’Yan ang problema sa’yo. Lagi ka na lang nanliligaw.”
“Fling na lang dapat, Joss,” Damon said.

Si Damon naman ang binatukan ni Ate Chanel ngayon. Nagtawanan sila, ako halos ‘di makasabay. This isn’t funny.

“The nerds and the shy types are not good with your types of relationships. They usually end up choking you,” si Elijah.
“Daming alam, ah?” puna ni Damon.
“From what I have observed…”
“Girls shouldn’t be categorized. There are shy types who are not clingy,” si Claudette.
“Most shy types are suckers for fairytales and prince charmings.”
“Tama na, Ej. You’ve thought about this too much, huh?”
“Based on experience, probably,” si Klare.
“Huwag n’yo na itong i analyze. Mabuti pa, Joss. Magpakitang tao ka roon sa clinic. Huwag mo naman kaming ipahiya ng ganito! She’s the sister of my senior!” wika ni Ate Chanel sabay tapik sa balikat ko.
“Matagal na tayong napapahiya rito,” sabay tingin ko kay Azi.

Azi smirked. He made a face before finally bragging.

“The girls I like are the non-clingy. Wala akong problema. Ikaw lang naman ang maraming problema sa babae, e. Kung ‘di nagkakasabunutan, nag ha-hunger strike naman!”

Tumayo ako. Hindi ko alam kung paano ako nagtagal doon kasama sila. Hindi ko na kayang makinig sa mga sermon. All of them are blaming me anyway.

Ayaw kong puntahan si Shana. Alam kong aasa siya kapag nagpakita pa ako roon. Nasisiguro ko nga lang na ipapatawag na naman ako at ang aking adviser. This news will make it to my parents. I’m not worried about it, though.

“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag maulit pa ito, Mr. Montefalco,” our smexy adviser is very stressed.

Mas lalong kumukulot ang buhok niya. Tingin ko ay napagalitan yata siya ng principal dahil sa nangyari. If only I know what to do, I’d tell her something but I don’t.

“Pang ilan mo na ‘to sa taong ito, sabihin mo nga?”

Humalukipkip siya. Nanliit ang mga mata niya nang naabutan niya akong titig na titig sa kanya.

“And don’t you dare disrespect me with your stare!” her voice thundered.

Napapikit-pikit ako. Hindi ako ganoon! Kung sino man sa aming apat ang may masamang tingin sa kanya, sana ay ‘yon na lang ang sigawan niya.

“This is how I look at people, Ma’am,” nagkibit ako ng balikat.
“Sagutin mo ang tanong ko. How many girlfriends should you have every school year?”
“Uh-”
“Can you please resume that next grade level? I want to be a regular employee of this school, Josiah. I don’t have much problems right now, except you and your almost-every-month-scandal-with girls. And mind you, their parents threatened to leave the school because of you! Ano na lang ang sasabihin ni Mr.- my god!”

Hindi na ako nagsalita. Alam kong babarahin niya lang ako at gagawing mali ang lahat ng sasabihin ko.

Pinagtitinginan na ako ng mga teachers dito. May side comments pa ang iba.

“Sinong kapatid mo? Claudette or Erin?” adviser nila ang nagtanong.
“Erin, po.”
“Kaya pala…”
What does that mean?
“I wonder why Claudette isn’t as crazy as her brother. Thank God for it, though!”
“Claudette Montefalco? Sa akin ‘yan noong Grade Seven pa ‘yan. Just you wait for it, you’ll realize how related she is with Thirdy.”
Thirdy? What the hell? These teachers are name calling us! Hindi ba labag iyon sa code of conduct nila or whatever?
“Go back to your classroom. I will call you later kapag nandito na ang parents ni Shana. And please, please, palagpasin mo naman ang isang buwan bago ka magpalit. Okay?”

Pati ang ibang tao pinoproblema pa ang lovelife ko. Why can’t I have a decent girlfriend, anyway? Decent, I mean, iyong hindi nag-iiba ang ugali pagkatapos ng ilang araw o linggo?

I can even do high-maintenanced girls, the only problem is when they choke me too much. Naiirita ako. They use break ups as a threat, hindi epektibo iyon. Kung gusto nilang magbreak, e ‘di magbreak, hindi ba? Besides, if a person really likes you, you won’t consider break ups.

Hah! Who am I kidding?

“Shh…” I whispered when Lana giggled and moaned a bit.

Months after the new incident, and two secret relationships after, I’m kind of finally settling to another one. Eto, ipapublic ko na. Nakalimutan na naman siguro ng lahat ang nangyari noon. Wala na rin silang pakialam, kung sakali.

“Dito talaga, Joss?” she giggled again.

Nasa sala kami ngayon. Matatagalan sina Mommy at Daddy ngayon dahil sa isang kaso. Ate Chanel’s still in school. Erin’s doing god knows what. Kami lang ang nandito sa bahay at ang mga kasambahay na non-existent kung ‘di mo tinatawag.

“May thrill kung dito,” I whispered.

Nilagay niya ang kanyang index finger sa aking labi, enough to shut me up.

“I told you we’re not doing it again unless ipakilala mo ako sa parents mo,” aniya.
“This is why we’re here, right? We’ll wait for my parents…”

I kissed her neck lightly. She’s whimpering under me. Kahit na ayaw niya raw ay nararamdaman ko na gustong gusto niya.

“Please, I want it so bad,” bulong ko, namumungay na ang mga mata.

She bit her lower lip. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagrerelax. I smiled.

“Sa kwarto mo na lang ulit. Paano kung bumaba ang katulong n’yo?”

Yes! Tumango ako at hinawakan ang kanyang palapulsuhan. Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagbukas naman ng pintuan. Erin’s cold stare at me sent shivers down my spine. Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Lana bago sa mukha ni Lana ngayon.

“Hi, Erin!” Lana said in a friendly tone.
“What are you doing here?”

Uh-oh.

Binitiwan ko ang kamay ni Lana para maharap ang kapatid ko. Nakakatakot siya kapag galit. And for the past weeks, noong una ako pa iyong galit pero kalaunan siya na. Kaya natatakot ako sa paraan ng titig niya sa akin. It’s like she’ll just never forgive me again.

“Lana is my girlfriend,” diretso kong sinabi sa kanya.
“Oh!” puno ng sarcasm iyon. “Magbreak na kayo.”
“Erin naman,” Lana said. “I love your brother.”
“Erin, don’t be childish.”
“E ‘di huwag mo ring pakealaman ang relationships ko, Kuya. Just so you know, and maybe you’ve forgotten, I got a record at school because of that stupid girl.”
“Erin, Sorry, matagal na ‘yon,” si Lana.
“Maamo ka ngayon kasi gusto mo Kuya ko? I never forget the people who did me wrong. Kahit gaano pa ka liit ang atraso.”

Bumaling si Erin sa akin. I can’t remember record at school. Kailan iyon at bakit sila nag-away ni Lana?

So my first attempt to a new public relationship has failed. Sa huling linya pa lang ni Erin, alam ko na na may mas importante pa sa tawag ng matigas na bagay. Impyerno sa bahay kapag kaaway siya. Even Ate Chanel doesn’t want to fight with her. Bukod sa may pa cold-treatment, barado pa lagi ang argumento mo. Hindi lang iyon! Hindi ka pa makakahanap ng pambara sa kanya!

Well, I’d rather live an easy life at home. Girls come and go, anyway. What’s the point?

“Spoil your Lola,” si Mommy ang nangaral sa amin isang Linggo ng umaga.

Bibisita kami sa bahay na kinalakhan ng mga Rivera. It is located in an olf exclusive subdivision in Gusa, just about fifteen to thirty minutes away from our house depending on the traffic. At dahil sa diversion road dumaan ang driver namin, hindi lagpas ng fifteen minutes ang byahe.

“She’s old and lonely. Christmas pa nang huli kayong bumisita rito. Aalis kami ng Daddy n’yo dahil may kakausapin lang kaming client. We’ll be back before lunch, though, so see you by then?”
“Bumibisita kaya ako rito, My. Si Erin at Josiah lang naman ang hindi, e.”
“Even so. Her routines during Sunday mornings is the Churct. Joss…”
Tumango na ako. Alam ko na agad ang gagawin.
“Bahay-simbahan lang, huh? Sa San Lorenzo lang tas baba pagkauwi. Ipaiwan mo na lang ang nurse ni Mama at ang driver. Ikaw na ang magdrive.”
“I’m willing to assist Lola, Mom!” si Ate.
“Good. You all know what to do. Erin-”
“Yes, Mommy.”

Iyon nga ang ginawa namin. Wala pa akong driver’s license pero marunong na akong magdrive. Ako ang nagdrive sa sasakyan patungong simbahan. Malapit lamang iyon. Subdivision proper lang at siguro’y mga three to five minutes drive from my grandma’s house.

“Lola, what did you prepare for us?” si Ate Chanel.
“Pagkain na naman,” bulong-bulong ko habang nagmamaneho.

Binatukan ako ni Ate. Tumawa lamang ako at shi-nift ang gear dahil pa akyat na sa simbahan.

“Your favorite, of course! Lasagna.”
“Nagugutom na tuloy ako!” reklamo ni Ate Chanel.
“Hindi ba kayo nag-almusal?” si Lola.
“Nag-almusal, Lola. Bottomless pit ang tiyan niyan.”
Tumawa si Lola. Tumawa na rin kami ni Erin. Ate looks so miserable. Pinagtutulungan na namin siya.

Nasa 70s na si Lola. I’m just not sure if it’s early or mid. Nakasuot ng kulay abong reading glasses to see clearly and to protect her eyes from the rays of the sun, she looked at us one by one, pagkalabas ng sasakyan.

Itim na floral dress ang suot ni Lola. Isang cream na sandals at may sungkod na siya. Itim ang kanyang buhok pero may give away na pinapagawa niya lang ito sa mga salon dahil sa puting tubo nito sa roots.

Kumapit agad siya kay Ate Chanel. Hinawakan ni Ate ang kulubot na kamay ni Lola.

“Kahit Linggo, trabaho parin nang trabaho si Benedict at Liezl. Hindi ba kayo nagtatampo?”
“Hindi naman po, Lola!” Tumawa si Ate.

Umikot ako para makatayo sa kaliwang gilid ni Lola. To assist her too, in case. Si Erin ay nasa harap namin, naglalakad at nagmamasid sa dami ng taong papunta sa simbahan.

Tumingala ako habang patuloy na nag-uusap si Ate Chanel at Lola. The Filipino-Chinese church is on top of the hill. Kung titingin ka sa likod, kita o ang view ng syudad at ng dagat at ang port nito.

Mahangin. Ngunit ang looban ng simbahan ay aircon parin.

Bumaba ang tingin ko sa fish pond na madadaanan papasok ng simbahan. Maraming isda. Gusto ko sanang tingnan muna ngunit magsisimula na ang misa kaya mamaya na lang siguro pagkatapos.

Pumasok kami sa loob. Sa ikaapat na row. Marami nang tao at halos lahat ay sa parehong subdivision lang nina Lola. Alam ko dahil halos lahat ay binabati siya at nakikingiti sa kanya.

Tumingala ako at ilang sandaling tinitigan ang disenyo ng kisame at harap ng buong simbahan. Mix of wooden, metal, and glass works. Obviously, the whole village did everything to make this church this beautiful.

As I lazily watch all the progress of the people, bumaba ang tingin ko sa kanang harap ng row namin.

Erin giggled. Kanina pa sila nagku-kwentuhan ni Lola. At dahil nasa kaliwa ko si Erin, si Lola ay nasa kanan, hindi pwedeng ‘di ko marinig ang usapan.

“Ba’t niya binasted, La?” tanong ni Erin.
“It is so obvious, hija. Liezl loved your Dad. And he’s the top of the class of his time.”

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Ex ni Mommy? No thanks. Don’t want to hear about the romance of my parents. It’ll give me chills. I’ll be scarred for life.

Bumaling ulit ako sa harap. Isang babae, kasama ang buong pamilya, ang may dalang water cellphane na may lamang alay. Yumuko ito at binigay sa isang taga simbahan.

I swear to god I feel like the heavens opened their gates for me. She’s pretty. I never had a preference for skin complexion. I like morena and fair all the same pero ngayon ko lang tuluyan talagang naappreciate ang mga mapuputi. Her lips were red. Hindi ko alam kung lipstick ba o talagang ganoon nga. Her eyes were almond shaped and her eye brows properly done. Hati ang itim na buhok niya sa gitna. Both sides twirled till her ears, finished with crystal flower clips. She’s wearing a baby blue dress till her knees and a beige strappy sandals.

She smiled. I can almost hear her say… “No problem.”

She glanced my way. What the hell, Josiah! Baka mukha akong naglalaway na aso ngayon!

Nang hindi binabaling ang ulo sa harap, nilipat ko ang tingin ko sa altar. Trying to act cool after the eye contact incident.

She’s my type. Definitely my type. Para siyang anghel na hulog ng langit.

Pero baka naman… psycho rin ‘yan gaya ng ibang mahinhin sa una?

“Good morning,” batian ng mga nasa harap ng row namin. Ang pamilya noong babae ang naupo roon.

Nakita kong nakatingin parin siya sa akin. Her expression unreadable.

Tumikhim ako at nagrelax.

And this will be very easy. Ngayon pa lang, alam ko na.

“Dami palang nagsisimba rito,” si Erin.
“Oo nga…” sagot ko at pinasadahan ng tingin ang mga nasa likod.

I saw one of my batchmates. Bulungang kumustahan bago siya tuluyang naupo sa kung saan din ang pamilya niya. Nang bumaling ulit ako sa harap ay natagpuan ko ulit ang tingin noong babae. She immediately tore her eyes off me. She blushed and bit her lower lip.

My mouth dropped a bit then a played with my lips. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang ngiti.

Kung ibang babae ang tingin nang tingin sa akin, palalagpasin ko. But if I’m attracted to the girl, I will analyze everything.

Nakatingin lamang sa harap, alam kong sumulyap ulit siya. At dahil hindi ako nakatingin, nagtagal ang tingin niya sa akin.

Gotcha!

Lumipad ang mata ko sa banda niya at nakita kong nag-iwas muli siya ng tingin. I smirked. Natigil lang nang siniko ako ng katabi ko.

“Basted ka niyan,” si Erin.

Hindi na ako nagtaka kung ano ang tinutukoy niya.

“I don’t think so.”

Advertisements

4 thoughts on “To Fall Again – Kabanata 1

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.