AGAIN, SALAMAT! Till the next stories!
Wakas
Nong umalis kami sa Hillsborough ay parang nawala ang langit na nakadagan sa aking puso. Nong naging maayos kami nina Erin at ng mga pinsan ko ay nabunutan ako ng tinik. Ngayong pinayagan na kami ni Elijah ay nakahinga na ako ng malalim. That was all I’ve been waiting for.
Life isn’t perfect. May mga bagay na hindi ko talaga makakamtan sa buhay na ito. Maybe in another life, but certainly not in this lifetime. No. Ama’s approval was beyond impossible. I will not ask for something unreachable. God gave me more than enough. In time, maybe. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang mangarap, hindi ko magawang umasa.
Hinawakan ni Elijah ang aking kamay habang nag mamaneho siya. Hindi matanggal ang ngiti niya. Tuwing bakante ang kanyang mga daliri ay ginagalaw nito ang singsing na isinuot niya sa akin kanina.
“I am so thrilled! After how many shitty long years, that Fortuner is going to be mine again!” Ani Azi.
“Kuya, hindi pa sinabi ni dad sa’yo na sa’yo na nga ‘yon.” Singit ni Claudette. “Wag umasa.”
“You are so hard on me, Dette dette. I’m positive, you know!”
“Ayaw mo ba sa Hilux mo, Azi? Ang kapal mo naman talaga.” Halakhak ni Elijah.
“You know it’s not mine! It’s Knoxx’s! Pati ba naman sa sasakyan may kahati ako? Damn, I hate being the middle child.” Iritadong sinabi ni Azi.
“Aww, Kuya… We love you naman.” Ani Claudette at naabutan kong niyakap si Azrael nang nilingon ko sila.
Inabot yata ng kalahating oras ang byahe namin patungo sa open house nina Azi sa Balingasag. Maingay pa siya dahil sa kasiyahan niya.
Nong nakarating kami, napagtanto kong hindi lang pala siya ang maingay. My cousins are louder today. Huli yata kaming nakarating kaya sa gazebo nina Azi ay naabutan na namin sina Rafael na nag bubukas ng iilang inumin. Nalaglag ang panga ko sa dami ng hinanda.
Tumawa si Elijah nang nakita niya ang ekspresyon ko. Agad tumakbo si Azrael sa kanila, padabog na sinarado ang pintuan at nakisali sa mga pag pipicture na ginawa.
“They are all happy for you two.” Ani Claudette bago siya lumabas din para sumali sa kanila.
Nagkatinginan kami ni Elijah.
Tumikhim siya at ngumiti. “You want to go? I’ll just park the car properly.” Aniya.
“Uh, I’ll wait for you. Sabay na tayo.” Aniya.
Tumango siya at pinaandar ulit ang sasakyan patungo sa nakahilerang mga sasakyan sa parking lot ng Open house nina Azi.
Pinasadahan ko ng tingin ang malaking bahay nila na halong concrete at gawa sa kahoy. May isang maliit na lagoon doon na kung saan ay may foot bridge, nag papaalala sa akin sa mga lugar sa Asya, Japan or China and the likes. I’ve never been there but I’ve seen it on TV.
“Ang ganda ng renovation.” Sabi ko ng wala sa sarili. “‘Yong lagoon parang ‘yong nasa TV… like a japanese scenery or something.”
“Hmm… yeah.” Ani Elijah.
Nilingon ko siya. “May pool sila don malapit sa Gazebo. It’s a small pool but it’s nice.” Aniya.
Tumango rin ako at nagkatinginan ulit kami. Tapos na ang pagpapark niya at walang umaambang umalis sa amin doon.
“You okay?” Nagtaas ako ng kilay, nagtataka sa kanyang titig sa akin.
“More than okay, baby.” Aniya at hinalikan ang likod ng aking kamay.
Ngumuso siya at bumalik sa paninitig sa akin, di ko malaman ang ekspresyon.
“What?” Tinagilid ko ang ulo ko.
“Dad wants us to go out of the country.” Aniya.
Nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kasunod ng kanyang sinabi. Lumunok ako at nag iwas ng tingin. What does that mean?
“Now that the secret’s out, he wants to protect us both.” Ani Elijah.
“What does it mean? Out of the country? When?” Nag angat ako ng tingin sa kanya.
“Immediately.” Seryosong sinabi ni Elijah.
“Kelan tayo babalik? I’m graduating this March.” Kabado kong sinabi kahit na alam kong naisip na rin iyon ni Elijah.
Tumango siya. “I told him that. Kaya lang gusto niya talagang umalis tayo.”
“Elijah…” Kinagat ko ang labi ko. Now, I’m torn.
That’s my studies you are talking about. Sayang naman! Kaya ko namang sundin ang gusto ni tito pero hindi ko parin maalis ang panghihinayang ko sa pag aaral ko.
“Sinabi ko na sa kanya na kung pwede ay pagkagraduate mo na tayo umalis. I’m sure hindi papayag ang daddy mo.” Pinapanood niya ang ekspresyon ko.
“I’m sure.” Tumango ako. “Do we really need to? Kaya naman nating harapin ‘to.”
“Ayaw niya lang na nandito tayo pag labas ng balitang ito. He’s just overreacting. I told him we can go somewhere far for two weeks and then be back by the end of October so you can enrol for the second semester.”
Mabilis ang tango ko. “Mas maayos nga ‘yon. Sayang naman kasi kung hindi ako gagraduate. Isang semester na lang.”
Medyo nakahinga ako ng malalim. Sana ay payagan kami. I’m sure dad won’t let me do that so…
“Hopefully he’ll change his mind. Makakalimutan din naman ‘yan ng mga tao.”
Huminga ako ng malalim. Sana nga. Tito won’t push this. Elijah and I can’t run from this. Kaya naman namin ‘to. He’ll see.
“Don’t you want to travel with me?” Malambing niyang sinabi nang napansin ang pagiging kabado ko.
“I-I want to. Pero nasasayangan ako sa studies.” Sagot ko.
“No, I mean… for two weeks.” Ngumisi siya.
Nanliit ang mga mata ko. “You planned this out.” Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
“No, I didn’t. Dad’s got crazier plans, Klare. Believe me.”
Humalukipkip ako. Hindi pa kami nakakapag usap ni tito Exel. Abala pa sila sa pakikipag usap kay Ama na alam kong hindi nila kailanman mapapapayag.
Hinanap niya ang kamay ko at hinawakan ulit ito.
“Sungit.” Ngiti niya. “I just want more alone time with you.”
“Alone time naman ‘to.” Nagtaas ako ng kilay.
Nilagay niya ang kanyang index finger sa aking baba at hinila niya ito palapit sa kanya. Tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya.
“No…” Ramdam ko ang hininga niya sa aking labi.
Humalakhak ako, nawawala na naman sa sarili dahil sa kanyang ginagawa.
“Oh you and your sexy laugh.” Aniya at dinampian ng kanyang labi ang aking labi.
Humalakhak ako sa isang damping iyon. Nagwawala ang demonyong alaga niya sa aking tiyan. Elijah’s pretty good at this. Dammit!
“Elijah! Tang ina ang tagal niyo, bra!” Sigaw ni Josiah at agad niyugyug ang sasakyan.
“Fuckers!” Sabay tingin ni Elijah sa labas at bitaw sa akin.
Uminit ang pisngi ko at napapikit ako ng mariing. Si Azi at Josiah yata ‘yong lumapit sa sasakyan dahil kanilang tawa ang narinig kong lumalayo. Bubuksan ko na sana ang pinto para makaalis kami nang bigla niya akong hinila.
“No…” Aniya ulit.
“Hinahanap na tayo.” Nagbabaga na ang aking pisngi at hindi na ako makatingin sa kanya.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawang titigan ang aking mga mata. Like he’s never scared or insecure of anything. He knows he’s good at this. He knows he’s hot and all!
“One last kiss before we go out, please, baby.” Bulong niya.
Bumagsak ang tingin ko sa kanyang labi na naghihintay. He wants me to kiss him.
“I love you.” Aniya.
“I love you too.” Sagot ko bago ko dahan dahang inilapit ang aking labi sa kanyang labi.
Idinampi ko lang iyon ng medyo matagal at dahan dahan ulit na lumayo sa kanya. Nakita kong nakataas ang kanyang kilay at nakangiti sa akin. Para bang hinahamon niya ako. Klare, is that your best shot? Is that the best kiss you can give to the man you’re engaged with?
Fuck!
Gusto kong tumakbo sa labas. I didn’t fucking know how to kiss!
“I’m gonna go.” Sabi ko at nag iiwas ng tingin bago niya pa ako mapigilan ay dumiretso na ako sa labas.
Narinig ko ring padabog na sinarado niya ang pintuan habang tinatawag ako. Mabilis ang lakad ko at kita ko na kaagad sina Erin, Claudette, at Rafael sa gazebo na kumakaway sa amin.
“Klare…” Humalakhak pa ang lintik na si Elijah.
Tumikhim ako at nilingon siya. Inirapan ko pa. I hate that he’s too good.
Niyakap niya ako ng patalikod at hinalikan niya pa ang tainga ko. Mabilis na tinakpan ni Erin ang kanyang mga mata at nakita ko pang natapon ang iniinom niyang Redbull. Nakapag mura pa siya kaya nagtawanan sila.
“You’re bad.” Sabi ko kay Elijah.
“Oh I am. And you know that.” Humalakhak siya sa aking tainga. “Your kiss is my heaven. It’s like some devil suddenly went up to see paradise everytime you kiss me. Parang hindi pwede. It’s too good to be true.” Bulong niya.
“Liar.” Uminit ang pisngi ko.
“I’m bad but I don’t lie, Klare. Someday, I’m gonna show you what I meant by that. Hmmm.”
Nilingon ko siya at nagtaas ako ng kilay.
“Someday.” Kumindat siya at kinilabutan ako.
Okay, Klare. Easy. May after party pa tayong dadaluhan.
Kaya naman ay sa gabing iyon, walang pangamba kaming nag diwang lahat. Lahat ng mga pinoproblema ng mga pinsan ko sa kanilang mga buhay ay naging mas maliwanag sa akin. At oo, may mga problema kaming lahat, iba-iba. Maliliit at malalaki. Halu-halo.
Samantalang sa gabing iyon ay pinroblema ko naman si Charles. Pinapainom siya nina Azi. Hindi na nangahas si Elijah dahil alam niyang masusuntok ko siya pag ginawa niya iyon. But then his selfish tendencies got him again.
“Hey, you’re scolding Azi too much.” Aniya, mapupungay na ang mga mata.
Hindi ko na alam kung ilang bote na ang nainom nila at nagkahalu halo na ang kanilang inumin. I told him to stop pero sinabi ni Erin sa akin na hayaan na dahil nagdiriwang kami para sa aming dalawa.
Pinulupot ni Elijah ang kanyang braso sa aking baywang kaya napaupo ako sa kanyang hita. Naka upo sila sa gazebo at nong nakita kami ni Chanel ay pumikit pa siya ng mariin, tumikhim, bago dumilat ulit.
“Okay, I’ll get used to this.” Aniya at tumango bago uminom ulit ng shot.
Kinagat ko ang labi ko at nilingon si Elijah. Nakatitig ang mapupungay niyang mga mata sa akin.
“I want to be scolded too. We’re back to square one again. Baka mainis ka na naman sakin.” Ngiti niya.
Ngumuso ako. “Just stay there and be good.” Sabi ko.
Ngumiti siya at nagkatitigan na lang kami.
“Oh great God! Masasanay din tayo, guys! Ayos lang ‘yan!” Sabi ni Erin.
Napatalon ako at napagtantong halos silang lahat ay nakatingin na sa amin. Uminit ang pisngi ko at tumayo na lang. Pinakawalan naman ako ng natatawang si Elijah. Panay ang high five nila sa kanya at ilang puri pa ang natanggap galing kay Damon, Rafael, Josiah, at Azi.
“Idol!” Sabi ni Josiah.
“Grabe ka! Ganon pala pumorma, no?” Tawa ni Rafael. “Masubukan nga ‘yan.”
“Masusuntok ka nong pinopormahan mo, Raf.” Ani Azi at nagtaas pa ng kilay.
“Akala mo naman di ka nasusuntok nong sa’yo? E, literal kang nasusuntok!” Ani Rafael.
“Buti pa gayahin niyo si Josiah.” Ani Damon sabay tingin kay Josiah na umiinom.
“Shut up.” Biglang nag seryoso si Josiah habang nilalagok ang shot.
Umiling ako at umupo sa tabi ni Eba at Claudette. Si Chanel at Erin ay parehong nag sasayawan at nagtutulakan na sa pool. Nanonood si Claudette sa kanila habang ako naman ay hinarap ni Eba ng nakangiti.
“Nakaka proud kayong dalawa ni Elijah.” Aniya.
“Thank you.” Ngiti ko.
Mahirap maranasan ang lahat ng hinagpis na iyon. It was never easy for us. We’ve been through a lot and I’m sure this is just the beginning. Sa pagbabalik namin ni Elijah sa Cagayan de Oro, paniguradong marami kaming haharapin.
Sa mga kaibigan namin, sa mga taong malapit sa aming pamilya, sa mga nakakakilala sa amin, sa aming ibang kamag anak, at marami pang iba… alam kong hindi nila ito maiintindihan. Mismo ngang ang pamilyang mahal kami ay natagalan pa bago kami pinagbigyan, ang mga tao pa kayang hindi kami lubusang kilala? They will all judge us. Everyone will… But one thing I learned for sure in this journey is that, everything’s fine as long as your family is with you. That’s how important they are to us.
Kaya hindi na ako natatakot na harapin sila. Pumayag si tito Exel na manatili ako hanggang gumraduate. Bibisita din daw siya sa Surigao, sa pamilya ng mga Vasquez. Si Elijah na mismo ang naglahad ng kanyang plano na magbabakasyon kaming dalawa.
Wala akong nasabi lalo na nong tiningnan kaming mabuti ni tito Exel at ni daddy. It was too awkward at pakiramdam ko talaga hindi kami papayagan. Lalo na’t hindi naman sasama ang mga pinsan namin. Kahit anong suyo nila sa mga pinsan namin ay ayaw sumama. Hindi ko alam kung pinlano din ba nila ito o sadyang may gusto silang gawin sa nalalabing dalawang linggo ng sembreak.
“Travel? You two?” Ani mommy at nilingon si tito Exel.
“I actually want her to visit New York, dad. Makita niya kung san tayo nakatira doon.” Ani Elijah. “But since we still need to process somethings like her Visa, I’ll take her to Singapore na lang muna. Hindi pa siya nakakapunta don and I’ll join a tournament in airsoft there, you know…”
“Ah! Yes! Ngayong buwan nga pala ‘yon? Is it the 43rd cup, Ej?” Nagtaas ng kilay si tito Exel.
“Yup.” Sinulyapan ako ni Elijah.
Tumango si tito Exel at hindi na ulit nag tanong. “Very well.”
“Kuya?” Umalma si daddy sa desisyon ni tito Exel.
“What is it, Lorenzo?” Ani tito Exel kay daddy.
“Are you sure they can travel alone?”
“If your scared that my son’s gonna do something to your daughter, Lorenzo, then I tell you now, that’s inevitable.” Nagkibit balikat si tito Exel.
“Dad!” Ani Elijah, natatawa.
Nilingon siya ni daddy, seryoso ang mukha. Tumingin naman si Elijah sa akin at pinipigilan ang tawa.
“We have to ask for Ricardo’s permission.” Ani mommy kay tito Exel.
Nagkakagulo na sila habang ako naman ay hinila na ni Elijah palabas ng aming building. Sina papa, tita Marichelle, Ama, ang ang mga kamag anak ko ay bumalik na ng Davao kaya mahihirapan silang makipag usap kay papa ng masinsinan lalo na’t busy na naman iyon ngayon dahil kakarating lang doon, negosyo agad ang inatupag.
And I tell you, I don’t know if forever’s true. Hindi ko rin alam kong gaano nga ba iyon katagal. Ang ibig ba nong sabihin ay ‘yong buhay ko ngayon hanggang sa maging 65 years old ako? 90? 100? Iyon ba ang sukatan ng forever? Hindi ko talaga alam. Pero isa lang ang siguradong sigurado ako. I will love Elijah Riley V. Montefalco until forever.
Mahigpit ang hawak ni Elijah sa aking kamay, papasok kami ng Resorts World Sentosa. Wala lang ito sa kanya, ni hindi na gumagala ang kanyang paningin sa ibang klaseng tanawin sa labas man o sa loob nitong building. Everything is foreign to me, though. Hindi naman kasi ako tulad niya na nakakatapak sa ibang bansa taon taon. My life is in Cagayan de Oro, my comfortzone. Pero batid ko rin na pag hawak ko ang kamay ni Elijah Montefalco, I will need to get out of my comfortzone and be brave to take so many risks… I don’t know if I’m brave enough, but I will always try to be brave.
Sa kabilang kamay ay hawak ko ang mapa. Kanina niya pa ako pinapagalitan na gumamit na lang ng GPS dahil masyado daw akong makaluma kung mapa ang tinitingnan ko. Is it my fault? I’d rather use this map.
“Elijah, malayo pala ‘to sa tournament niyo?” Sabi ko, papalapit kami sa hall.
“Uhm, yup. But the view here is nice. Don’t worry about it.” Aniya.
Tumango ako at nakakunot ang noo habang tinitingnang mabuti ang mapa. Narinig kong nakipag usap siya sa mukhang pilipinang receptionist sa matigas na ingles. Napatingin ako sa sikat na simbolo ng Hard Rock sa likod ng hall.
“Two Deluxe, please?” Ani Elijah.
Kumunot ang noo ko at agad kong nilingon si Elijah. “One.” Sabi ko.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.
“May iba ba tayong kasama?” Nagtaas ako ng kilay.
“Wala.” Napapaos niyang sinabi.
“Then, one.” Sabi ko sabay tingin sa babae.
Hinila niya ako palapit sa kanya habang nagsasalita ang babae tungkol sa pag hihingi niya ng mga impormasyon tungkol sa magchicheck in.
“The last time we we’re on the same bed was ages ago, Klare. Back in Davao. That was diffrent. I was too mad at you. Mad but in love.” Bulong niya habang hinahawakan ang baywang ko.
Uminit ang pisngi ko. “Elijah, masyadong magastos kung dalawang room. We’ll stay here for a week. Goodness! And what’s the difference now? You are still in love with me.” Ngumiti ako at tumingin sa kanya.
Tumang siya. “Yes. Too madly in love. Baby, I think that’s a big difference.”
“I trust you.” Hamon ko sa kanya.
Ngumisi siya, hindi ko alam kung anong iniisip. “Really?”
Tumango ako. “I trust you really, baby.” Malambing kong sinabi sa kanya.
Pumikit siya ng mariin at bumulong ng iilang mga mura. Hindi ko mapigilan ang pag halakhak. I’m giving Elijah Montefalco a very hard time right now. I don’t care, though.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]
Hello. When can i read no perfect prince po? 😭
Hello Sis. Sa wattpad nandon pa sha.
Mababasa ko po ba dito yung To Fall Again? At iba pang stories ni Miss Jonaxx
I miss the Montefalcos 😭😭😭
Me too..sana may special chapter elijah n klair
miss u Azi bebe
I’m so excited
Under construction ?
omg😭♥️♥️♥️
❤️❤️❤️
Miss the montefalcos😍
💜
We’re excited na!!!!!
💕💕💕
Hi, san po pwede umorder ng mga books? Thank you
Where can i read Island of Fire?
Just take your time. Although nakakainggit nauna na yung IOS users, pero patience is virtue nga naman. We are very lucky and overwhelmed na sobrang mahal kami ni queen.
God Bless!
💙✊
bakit hindi ko po natatanggap ‘yung email verification code ko for the app po?
Same here. Minuminuto chinicheck ko mail ko, wala pa din. 😔
Hope.. magkaryn na din sa android. waiting here..
omggg 🤍😩
❤❤
Thank you kwin…
Di madownload 😅
❣️
Hindi talaga nakakasawang i-re-read ang story basta kay Queen J! Finally forever together, Ej and Klareyyy!!!!
💖
HOPE MAGING AVAILBLE NA DIN ANG IBANG STORIES SA LAPTOP. MICROSOFT STORE SANA.
Hi! The book is available in Jonaxx Stories app. The app is available in Play Store, App Store and App Gallery.
Mabuti nalang I cab read this through site. Very nice story
i regret after reading this trilogy, I regret that i read it too late, I was only a teenager when i start reading this but not courageous enough to finish. And now I’m damn cryin because i finished the book in span of 9days here at my workplace. I sometimes got callout by my supervisors coz i fuckn curse the monitor. lol This story is a big step not wonderin why you indeed Queen
sakto tapos ko hahaha may pasok na ulit bukas 🙁 first story na binasa ko kay ate j 😀 i reread it coz y not, jkk limot ko naaaaa kasiiii!! grabe galing ni ate j yung mga nangyari sa tbwy nanditooo dinnn! ang angas nga kapag binabasa ko yung dalwang book na parehas ang timeline like grabeee
Goodeve po..ask ko lang if pano makakabili ng copy ng until trilogy…